2

Riana POV

"So how's your day?" Tanong ni Skyler habang abala ako sa pagkain ng dala nyang ice cream. 

Ngumiti ako. "Okay naman. Lalo na ngayon, may ice cream na! Thank you Skyler."

"Tch. Spoiled brat."

Nag-pout ako. "Sa'yo lang naman ako spoiled eh."

"Tch. Stop pouting."

Why? Everytime na magpa-pout ako, naiinis si Skyler. Wag daw akong mag-pout. Nakaka-panget ba yun?

"Psh. Ang sungit mo talaga." Sabi ko. Sinasabi ko lang yan, pero sanay naman na ako. Seryosong tao kase si Skyler. 

Tumabi siya saken. Dito kase ako nakaupo sa couch sa kwarto ko. Then siya, sa single couch. Si Skyler pa nga lang ang lalaking nakakatambay dito sa kwarto ko maliban sa Daddy ko. Okay lang kina Mommy kase may tiwala naman sila kay Skyler. 

"Uubusin mo ba 'yang ice cream? One liter yan." Tanong nya. 

Tumango ako. "Oo! Kulang pa nga 'to eh." Sabi ko. I don't know. Sobrang adik talaga ako sa ice cream eh. 

"Tch. Addict."

Haha. Skyler is so cute kapag nagsusungit. Lalo ko tuloy syang nagiging crush. 

Napatingin ako sa mukha niya. Nasa tabi ko na kase siya. Diko alam pero napatitig ako. 

Yung mga mata niya. Almond shape na kulay brown. Yung matangos niyang ilong. Yung manipis niyang lips. Yung makinis at maputi nyang mukha.

Ang gwapo gwapo talga nitong si Skyler. Almost perfect sya pagdating sa physical appearance. Ang ganda din ng built ng katawan niya. Binatang-binata na. 

O_O

Hindi ko napansin na unti-unti ring lumalapit ang mukha ni Skyler sa'ken. Hala, hala! Napalunok ako. Hahalikan ba nya ako? Eh bakit parang pakiramdam ko okay lang saken kung halikan nya ako? Hindi ako makagalaw eh. Nakatingin lang ako sa kanya. 

Ayan na..

Okay lang ba talaga sa'ken? Hindi tumututol ang sarili ko. Sheez!pag nagkataon, siya ang first kiss ko. Shemay!

O___O

His lips..

Napakalambot ng labi ni Skyler na ngayo'y nakalapat sa labi ko. Nanlaki ang mata ko. The feeling..

Now, his lips is moving. I can't resist it. Para yung nag-aanyaya na hindi mo matatanggihan. I respond to his kiss. Wala akong alam sa paghalik. This is my first time. Sinasabayan ko lang ang way ng paggalaw ng labi niya. Napapikit ako na parang dinadama ko ang bawat galaw ng labi nya. 

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Tipong parang ayoko syang tumigil. We're kissing na akala mo expert na ako. But no, I can say that he's a good kisser. 

My one and only crush. 

Maya-maya ay tumigil si Skyler. Nakatitig siya sa'ken.

"Fvck! I'm sorry."

O____O

Parang nagsisi siya sa ginawa niya? Bigla siyang tumayo. 

"Sky!"

Wala na. Lumabas na siya ng kwarto ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hinalikan niya ako..

May first kiss na ako at yun at yung crush ko! Waaaaa. Bakit kinikilig ako? 

Napahawak ako sa labi ko. Napapapikit ako. Pakiramdam ko nakalapat pa din ang labi ni Sky saken. Waaaa! What's happening to me? 

At teka nga, si Sky bigla nalang umalis pagkatapos akong halika? Aba! Kakasuhan ko 'yan ng hit and run eh--este kiss and run. 

Psh. Pero..nagustuhan ko talaga ang kiss na 'yun. 

--

Skyler POV

Fvck! Fvck! What have I done?! I kissed her! Damn it. Hindi ko dapat ginawa 'yun!

Napadiin ang hawak ko sa manibela. Pauwi na ako. Wala na yata akong mukhang ihaharap kay Riana. Ang tagal ko syang hinalikan at nang ma-realized kong mali ang ginagawa ko, umalis na lang ako. 

Siguradong galit saken si Riana dahil sa ginawa ko. Fvck! Sinabi ko naman kase sa kanyang 'wag syang magpa-pout sa harap ko. Everytime I see her pouting, I want to claim her lips. Fvck!

Tumigil ako sandali sa tabing daan. Napahawak ako sa labi ko. Hindi sya ang first kiss ko. Hindi ako playboy but I have my needs as a man. May mga times na pumupunta akong bar at nakakakilala ako ng mga babae don. 

But Riana's lips, there's something different. Her soft, sweet lips na nagsisimula ng ka-adikan ko. Isag beses palang, but I feel so addicted. 

*phone beeps*

I grab my phone and check the message. 

From : 09359876543

I want to see you, Sky. 

-end-

Fvck. It's her, again. I know her pero hindi ko sine-save ang number niya. For me, it's annoying. She's annoying. Babaeng malaki ang pagka-gusto sa'ken. I don't know kung seryoso siya na gusto nya ako or she going with the flow. 

We're at the same school. Nasa mansyon siya minsan. But, sa bar ko siya nakakasama. I enjoyed her company at first but later on, nagsawa din ako. 

Hindi dahil wala siyang appeal. Actually, she's beautiful and sexy. But then iba ang gusto ko. Iba ang hinahanap ko everytime I'm at the bar. 

Pinaandar ko na ulit ang makina ng kotse ko. Damn it. Ano nga kayang mukha ang ihaharap ko kay Riana? Fvcking hell!

--

Riana POV

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko. Para akong tangang nagde-day-dream. Bakit ganon..

Parang hinahanap-hanap ko yung kiss ni Sky. Parang gusto ko ulit siyang makita para maramdaman kong muli ang paglapat ng labi niya sa'ken. 

May kakaibang spark talaga eh. Iba ang dating. Anong tawag sa ganitong feeling? Para akong high. Daig ko pa ang naka-drugs eh. Parang na-echapwera ang ice cream na kinaa-adikan ko. Parang mas bet ko na ang lips ni Sky. 

Hala! Nakakahiya. Bakit ganito na ako mag-isip? Waaaa. 

Bakit parang feeling ko, dapat sasabihin ko kay Sky next time, ganito. 

'Sky! I want ice cream. No, I mean, I want your lips, rocky road flavor please!"

Waaaa! Ano ba'tong naiisip ko. Where's my addiction on ice cream? Hindi ko man lang naubos kanina kase nung hinalikan ako ni Sky, nawala yata talaga ako sa huwisyo. Nawala yung amor nung ice cream eh. Lips lang ni Skyler ang gumagalaw sa utak ko. 

Hahalikan kaya ulit ako ni Skyler 'pag nagkita ulit kami?

O_____O

What did I say? Omg. Nababaliw na ako. Baliw na! Baliw na...sa lips ni Skyler Shin-Woo. Juice colored!

Bumangon ako. Inopen ko ang laptop ko na nakapatong dito sa kama ko. O logged in to my facebook account. 

Who's online kaya..

O_____O

WAAA! Si Skyler online. Icha-chat ko ba? Kaso parang nahihiya ako na hindi ko maintindihan eh. 

Lakas ng loob lang 'to. 

Riana : Sky.

Waaaaa! Sent na. 

Seen

O__O

Skyler is typing..

Dumadagundong ang dibdib ko. Pagkatapos niya akong i-kiss and run kanina! 

Seen

O____O

Sini-seenzoned ako ni Sky! Hindi naman ganito dati ah. Isang chat ko lang sumasagot agad siya. Nakakatampo naman!

1 minute..

3 minutes..

6 minutes..

T____T

Huhubels. Seenzoned talaga ako. Na-kiss-zoned na nga ako kanina, na seenzoned pa. Nakakainis ha. 

I checked my newsfeed nalang. Nakakainis naman talaga si Sky eh. First time nya ako na-seenzoned. Di naman sya ganyan eh. 

Boink!

Oh may nag-chat! Si Sky na yata..kaso hindi pala. Psh. 

Prince Miko : Let's go out tomorrow. 

Si Prince Miko. Gwapo din sya sa mga kababata ko. He's close to me. Mas matanda ako sa kanya ng three years. Anak naman siya ng bestfriend ni Daddy. Si Tito Lance, ka-team din ni Daddy dati sa basketball. Sila ang mag-be-bestfriend nina Tito Kyle eh. 

Riana : Saan? Sure. Sinong kasama natin?

Prince Miko : Tayong dalawa lang. 

Nag-pout ako. Kaming dalawa lang? Hindi ba parang ang boring? Aha!

Riana : Sama mo si Reiko. Pati si Chylee and yung triplets para masaya. Pati na din si Sky. 

Seen

One minute..

Three minutes..

Seen na naman?! Anong meron sa mga tao ngayon at nangsi-seenzoned sila?! Aish. Ide-deactivate ko facebook ko eh! Naman eh. 

Seen talaga. 

Yung kay Sky, seen din. Ako na kawawa. Di ko sila papansinin. Nagtatampo na ako. Lalo na kay Sky. Hmp. 

--

Skyler POV

"Hindi bagay sa'yo, Sky. Nakakainis ka alam mo!"

Tch. Si Hera kanina pa nagli-litanya. Paano nakita niyang nag-chat sa'ken si Riana. Hindi ko tuloy masagot. Hindi dahil kay Hera talaga. Kundi dahil diko alam paano ko sya ia-approach. Pagkatapos ko syang halikan kanina? Tch. 

Baka nga galit saken yun. Baka kaya ako chinat ay para kausapin ako tungkol don. Paano kung tanungin niya ako, bakit ko sya hinalikan?

Fvck! Anong isasagot ko. Damn it. 

"Kunwari pa. Sagutin mo na kase ang chat niya. Kainis ka ha!" Umirap siya saka lumabas na ng kwarto ko. 

Iba talaga ugali ng ka-kambal ko. Wala na siya! I'm alone here at my room pero nakatitig lang ako sa chatbox. Fvck. Wala talaga akong masabi. 

*knocks on the door*

Bumukas ang pinto. My dad..

"Son, bakit nakasimangot na naman ang ka-kambal mo?" Tanong ni Dad. 

"Alam mo naman yun Dad. Parang menopause lagi."

Natawa si Dad. We had the father-son bond. Kahit busy si Dad, may time pa rin naman siya samen. For me, he's perfect. Perfect dad. 

"So how's your study?" He asked. 

"Its fine Dad. Ah, I have something to ask.." Fvck! It's gay but I need to ask this. 

"What is it, son?"

"Ah, dad. What if I kissed a girl without her permission, and after that I suddenly walk-out. Sa tingin mo, paano ko ia-approach ulit yung girl? Kasi baka nagalit siya.."

"Kiss her again. As simple as that."

=_=

"Dad. Kung kay Mom talaga, applicable 'yan. Mom's addicted to your kiss. Tch. But it's different. We don't have relationship."

"Talk to her like as if nothing happened. Be a man, son. You kissed her? Stand for it. Mas magandang alamin mo kung galit ba talaga yung babae, o baka nagustuhan niya. Tch. Son, you've grown up."

Tama naman si Dad. Maybe I need to ask Riana if she's mad at me? I don't think so. 

"Thanks, Dad." Sabi ko nalang. 

"Son. Remember this, manghalik ka ng manghalik ng babae pero wag kang mambubuntis. Tch."

=___=

"Dad!" He's teasing me. Fvck. Bat ako mambubuntis. Tch. 

"KYLE SHIN-WOO!"

Oh. It's Mom's voice. Tinatawag na si Daddy. 

"Alright son. Bababa na ako. Hinahanap na ako ng Mommy mo. Alam mo naman 'yun, adik sa ABS ko. Gusto na namang makahawak."

"Wahah! Dad you're the man!" Sigaw ko. 

Lumabas na si Daddy sa room ko. Iba talaga siya, hanga talaga ako sa kanya lalo na sa pagmamahal niya kay Mom. Its pure love. Kahit kelan, hindi nambabae si Dad. He's contented with Mom. He's not under, he just loved my Mom. 

Boink!

Riana : NAKAKAINIS KA!

O_O

Fvck! Galit yata si Riana? Dahil ba yon sa kiss? Capslock pa! Fvcking shit!

Skyler : Riana

Riana : Wow! Hindi na ako seenzoned

=__=

Nagalit ba siya dahil naseenzoned ko siya? Di ko naman intensyon. 

Skyler : Sorry

Riana : Kiss me

O________O

Kiss me..

Kiss me..

Kiss me..

What the hell? She said that? Kiss her? The FVCK! My hormones!

*

A/N : Hormones agad, Sky? Haha. Hashtag #MPMMNDL

Follow me on twitter @pinkyjhewelii

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top