Chapter 4: Catch me Junho! ♚
DRAGON KNIGHT GANG
♚•♘•ⓓⓚⓖ•♘•♚
Special thanks sa nagtiyagang basahin 'to! Arigatou!
✂✂✂ ♘ ⓓⓚⓖ ♘ ✂✂✂
Chloe POV
"Hmmm..mm.."
Tulong!!
"Shhhhh.Shut up" someone whispered behind my ears.
"Ujfyfyugkukfukyf!!" I insisted.
"Tatahimik ka o hahalikan kita?" he whispered again but this time I felt his breath at the back of my neck which I feel goose bumps all over my body.
Lalabasan ata ako ng kaluluwa nito ng wala sa oras!
Nagpupumiglas ako. Someone drag me habang mahigpit na tinatakpan ang bibig ko. Saan niya ba ko dadalhin?
Shet ang higpit ng pagkakatakip n'ya sa bibig ko. Medyo nahihirapan akong huminga. Ang lakas ng isang to!
Someone help me! Kinakabahan na ako. it is really the end? Napapikit na lang ako habang umiiyak.
"Shhh. Tahan na. You're now safe, okay?" someone whispered again behind my ear at nakayakap sakin. Napadilat ang mata ko dahil sa boses niya.
"Junho!" I cried. Masaya ako dahil nandito s'ya. I just feel safe with him.
"Buti na lang bumalik ako dito sa school, di ko akalaing babalik ang mga 'yun dito, buti nahanap kita kaagad," he said with worried tone. He wiped my tears and gently smile. "Don't worry, gagawa ako ng paraan para makalayo tayo dito kaya wag ka ng umiyak, okay?"
"O-okay, thank you talaga Junho at sorry din dahil nadamay ka pa sa gulong 'to." nakayuko kong sabi sa kanya habang umiiyak. He's very kind, na gi-guilty ako dahil pati si Junho nadamay sa gulong pinasok ko. Kahit fresh pa yung pagkakabugbug sa kanya pero heto parin s'ya nasa harapan ko ngayon at handang tulungan ako.
"Sorry" I apologize again at hinawakan ko ang dalawang kamay niya.
"Shhh. No need. Ililibre mo na lang ako pagkatapos nito. Gutom na 'ko eh" napasilip ako sa mukha niya. He is smiling kahit na puro band aid ang mukha niya. He's still smiling.
"Tayo na, baka matuntun pa tayo dito" he whispered. Binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at ginulo niya ang buhok ko. I just smiled at him at maingat niya akong itinayo.
Dali-dali kaming lumiko sa West wing ng school dahil paniguradong di pa nakakarating doon ang mga goons. Galing nga pala kaming East, doon kasi matatagpuan yung back entrance ng school which is meron ng nakabantay.
"Junho, paano tayo makakatakas dito?" I asked while running. I'm following Junho. Di ko alam kung ano ang plano ni Junho dahil kanina pa siya tahimik.
"Shh." yan lang ang lagi niyang reply. Nanghihina na ako, kanina pa kami tumatakbo. Ang laki pa naman ng school.
"Jump."
"eh?" ano daw? Jump?! Pinagloloko niya ba ako?
"W-wait. Seriously? Tatalon tayo dito? Junho naman, ang taas kaya nito!" for god sake, tatalon kami from second floor? I think nababaliw na ang kasama ko para pagkamalan akong wonderwoman.
"I'm serious, ito lang ang paraang alam ko dahil I presume na nakaharang sila ngayon sa hagdanan papuntang 1st Floor" he said while looking below the building.
"I'm scared" I said honestly. Kaya ko ba talagang talunin 'to? Matagal-tagal ko na ding di nagagawa 'to.
"Don't worry, just trust me. Mauuna ako sa ibaba at pag nasa ibaba na ako I will eventually catch you." he said while showing his assuring smile. Mabilis siyang tumalon sa ibaba. Kitang-kita sa stance niya na parang sanay na ito.
"Woah, paano mo nagawa 'yun?" mangha kong tanong. Ang astig kasi ng pagkalanding niya parang nanunuod lang ako ng action movie.
He smirk at me and said "secret" and he just laugh.
"Ang conceited ng isang 'to," I murmured. Kahit nasa gitna kami ng problema di parin maiiwasang magkalokohan. Junho really an expert to lighten up the mood "Magsabi ka nga ng totoo, dito ka ba dumadaan pag nagka-cutting ka?"
"Haha. Grabe naman to. Actually na try kong tumalon ng 3rd floor dahil hinabol ako ni George ng 4th year. Di ko kaya 'yon. Ang laki ng tiyan niya eh." pa-cool niya pang wika. Ano namang koneksyon ng tiyan sa pag-atras ng buntot ni Junho? Ang engot talaga.
"Sabihin na lang natin na pinanganak ka talagang duwag." I whispered. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Aba't ang lakas ng pandinig ng loko.
"Hoy!" someone shouted from my back. Napatalon ako sa gulat.
Shit! Nahanap nila kami! Patay, hindi pa ako handang tumalon!
"Chloe! Hurry!" sigaw ni Junho at ako naman ay nagpapanik na. Mabilis akong pumatong sa bintana. I'm afraid but I'm more afraid to those scary gangsters who are chasing us right now. This is it. Don't think anymore Chloe. Just jump to survive.
"Wag na wag kang kikilos!" sigaw ng isang lalaki sa likuran ko. He's about to grab my arm but unfortunately nakatalon na ako.
"Kyah! Catch me Junho!" I shouted. I looked at him. Napapikit na lamang ako at hinihintay na maglanding kay Junho.
I opened my eyes again for assurance na makikita ko si Junho.
But expect the unexpected ika nga. Napalaki na lang ang mata ko sa gulat.
Ito lang ang masasabi ko sa nangyayari— WELLCOME TO HELL.
Iyon ang una kong naisip nang hindi na pala si Junho ang handang sumalo sa akin. Bigla na lang nag slow motion ang mundo.
This is nightmare!
Why is that the gravity of the earth wants me to fall in his arms?!
Mas mabuti pang halikan ako ng lupa kesa ganito, nahuhulog na anghel habang may nakangising demonyo sa harapan ko at handa akong ikulong sa kanyang mga bisig.
I can't avoid him anymore.
Sa isang iglap naglanding ako kay Brown Eyes.
To Be Continued...
♤♘♤ ⓓⓚⓖ ♤♘♤
~💣 ~💣 ~ ⓓⓚⓖ ~ 💣 ~ 💣 ~
A/N: Enjoy Reading!
ⓓ Flood Votes = Dedication (my thank you gift)
ⓚ Don't forget to comment!
Your comments is the best medicine for writers! 😉
ⓖ Thanks for adding this story to your reading list.
✘✘ laarnikuroko18 ✘✘
~💣 ~💣 ~ ⓓⓚⓖ ~ 💣 ~ 💣 ~
Vote🔫
Comment🔫
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top