Chapter 34: Zen ♚

UNEDITED

DRAGON KNIGHT GANG

♚•♘•ⓓⓚⓖ•♘•♚

Chapter 34: Zen

Chloe POV

Napuno ng hiyawan sa loob ng bus ng makalipat ang lahat ng members ng Dragon Knight Gang. Di lang sila pati narin ang mga gangsters na kayang makipagsabayan sa kanilang lakas ay lumipat narin. We're like canned sardines inside the bus kaya naman nangangamoy away...

"Losers. Get out from this bus at once" malamig na wika ni Zen habang nakatayo siya malapit sa driver. He's kinda scary. Sa pagkakaalam ko ay palagi siyang nakabuntot kay Flame. Seryoso siyang nakatingin sa mga estudyanteng sa tingin niya na mahihina.

Napamura naman ang ibang nakasakay pero mahinahon naman silang sumunod sa utos ni Zen. Inihinto ang tatlong bus at agad na lumipat ang ibang gangsters sa bakanteng bus. Nagtaka naman ako sa ginawa nila. Ganun ba talaga sila katakot sa Dragon Knight Gang?

Napalingon naman ako kina Maze at Nice na busy sa paghalughog ng bag ko at sina Junho at Silver na nag uusap ng seryoso. Eh bakit di man lang takot ang mga asungot na 'to sa kanila? Tsk. Sa bagay ano bang ikakatakot nila kung may pananggalang naman silang tinatawag na 'overconfince'?

I just rolled my eyes in a thought na sila lang naman ang nakisakay sa bus na 'to kaya wala silang karapatang magpaalis ng mga nakaunang nakasakay sa bus. They didn't do anything wrong.

Tsk. They are really not cool. It's my entire fault. If di sana ako lumipat sa bus na 'to sa umpisa pa lang then di sana mangyayari lahat ng 'to. May pinto naman pero sa bintana pa ang napagtripan daanan at di lang 'yun trip talagang lumipat habang umaandar ang bus. Eh di ngayon? Naka-attract ng mga basagulero? Ano 'to kung saan ang uso dun din trip mameste?

Gusto ko ng bumalik sa kabilang bus. I want to sleep peacefully. Period.

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo para lumabas dito sa bus ng bigla akong pigilan ni Chase. He smiled at me and said "Don't interfere. Don't you remember? He is Zen...that scary Zen" then pat my head. I just frowned.

"You became smooth, Serenity" dagdag naman niya at agad akong inakbayan para di makawala.

"I'm not planning to interfere. It's just troublesome, I want to die" I rolled my eyes. Akala niya siguro na pipigilan ko si Zen. It's just troublesome. Gusto kong lumipat sa kabilang bus. You know. I just want to rest in a quiet place. That's all. Teka. Kailan ko pa nakatabi ang isang 'to?

The chances to have a peaceful sleep get away again. I will kill these gangsters in my dream later.

Even I nearly suffocated by Chase yet I was able to sleep again inside the noisy and crowded bus and another fragment of my memories are slowly coming through my dreams.

[Another Fragment]

Serenity POV

I looked everywhere. I frowned many times. This school is worst. Puno ng nagtatakbuhan na mga bansut na mga bata. They are pathetic. They are really innocent about this cruel world. They could be killed anytime.

I can't wait na makaalis sa paaralang 'to. I want to join the others. Nasa middle school na sila maliban samin ni Pain na naiwan parin sa paaralan wherein nage-exist parin ang tinatawag nilang playground.

I'm Serenity Baskerville. 9 years old. I hate children even though I am one of them. I love Action and cool stuff, maraming arte sa buhay at walang alam kundi ang manggulo ng buhay ng iba.

Habang nagbabasa ako ay napansin ko naman ang unti-unting pagpatak ng ulan sa bintana na gawa sa glass. I smiled. This moment, paniguradong may rambolan na naman sa harapan ng campus ng mga gangmate kong gago.

Habang nagiisip ako ay bigla namang may kumalabit sa likod ko kaya agad ko siyang nilingon na may pagkairita sa mukha "Serenity. Laro tayo ng taguan. Di pa kasi tayo pauuwiin ni teacher kasi umuulan pa raw"

Tsk. I already knew that. We can't get home if the rain won't stop. Geez. Di niya na kailangan pang ipaalam sakin. How stupid.

Pero bigla akong may naisip na magandang paraan para makaalis sa paaralang 'to ng di nila napapansin. Thanks to this girl. Naging sakit sa ulo na kasi ang mga teachers dahil wala ng ginawa kundi ang magsumbong kay Daddy na nagka-cutting classes ako. palagi akong pinapagalitan dahil asal high school na raw ako, pulos bulakbol ang alam. Tsk. At least hindi late bloomer.

Imbes na sungitan ang classmate kong busangot ay bigla ko siyang nginitian at hinila "Sige Sali ako basta ikaw ang taya"

She nodded happily at tinawag niya na ang iba pang mga kaklase namin na kasali sa tago-taguan. I laughed evilly. Sa larong 'to ay paniguradong di ako madaling mahanap. Good luck foolish folks!

Nagsimula na ang laro kaya dali-dali naman akong lumabas ng paaralan at siniguradong walang makapansin sakin, paniguradong di na mag-aaksaya ng oras ang mga teachers na hanapin ako kasi ang alam nila ay kasali ako sa laro. They will not notice me escaping coz' I already memorize this place wherein di mahahagilap ng CCTV at wala ring bantay. I could escape without pressure.

Nang makalabas na ako ay dumeretso kaagad ako sa paaralan ng mga kaGang ko.

Apat pa lang kami sa grupo. Si Pain, Chase, Zero at ako. Sa paaralan nina Chase at Zero ako patungo. They are really a good fighter kaya gusto kong manuod sa sinasabi nilang Rain Fight. Palagi daw may nagaganap na bakbakan pag umuulan kaya tinatawag nilang Rain Fight. Nagaganap naman ito sa kantong di kalayuan sa paaralan nina Chase. They said that they always participating in the fight even though they are always defeated by Zen, the strongest gangster in their school. Bigla akong nagkainteres na makita ang taong yun. Sabi pa nila na marami daw siyang followers kaya kung may balak daw akong imbitahan siya sa gang ay sisiguraduhin ko raw na mas malakas pa ako kesa sa kanya.

I just laugh in disappointment. Eventhough na umaapaw ako ng confidence but still I know my limit when it comes to those strongest gangsters. I'm the type of person na mas ginagamit ang utak kesa pride. So I won't deal with those dangerous gangsters if ikakapahamak naman ng mga kaibigan ko. Ehem. That turns to be dramatic. Erase that.

Nakarating na 'ko sa sinasabi nilang lugar. Maraming estudyanteng nagsitumpukan at basang-basa. Mukha kaming mga basahan sa ginagawa namin, mula ulo hanggang paa ay basang-basa ako. pakiramdam ko ay puno na ng tubig ang sapatos ko. Nakakadiri.

I looked everywhere. Napangiti naman ako ng magkita kami nina Chase pero pansin ko rin ang mga pasa nila sa katawan. Huli na ba ako?

"We're defeated again" Nakangising wika ni Chase. Si Zero naman ay tahimik lang.

I frowned. "Ang dali naman. Di ko pa nga nakikitang makipaglaban yung Zen. I'm just wasting my time by looking at you two soaking wet"

But the truth is I really want to check these two if they are really alright but I hate myself for not able to express my concern. If I'll be given another life then siguradong uunahin kong baguhin is this stubbornness of mine then I could show my affection to everyone. But for now, I just want to be contented to see these two idiots who just smiling like nothing happened.

Sinabi nila sakin ang lahat ang nangyari. They said that they are all defeated within 5 minutes. Pansin nilang nagmamadali daw si Zen kaya di na niya pinatagal pa ang laban. Nagtaka naman ako. Nagmamadali siyang umalis at may dala raw siyang payong.

I frowned in the thought na nagmamadali siyang umalis at may dalang payong... di kaya may girlfriend na ihahatid?

They just laugh when I said to them na posibleng may girlfriend si Zen at nagkataong sa oras na 'yon ay nakatakda silang magkita. Tumawa sila dahil Malabo raw mangyari 'yun dahil mahilig raw manuntok ng babae 'yun.

Are they stupid? Mas cool nga yong ganun. They really don't know that the ideal guy of most high school girls is a bad boy. Di na ako nagtataka na di kaagad nakapamingwit ng mga malalansang hipon sina Chase. They are not cool as bad boys. They are friendly that you can consider them as flirts. Napailing na lang ako. They are quite hopeless.

Nagtanong ako kina Chase kung my further information pa silang nalalaman sa Zen na 'yun subalit as expected, they are really really useless. They just said to me "Don't lumped us with those stalkers"

How dare them acting cool! Ugh. I want to punch them so badly. Coolness isn't suited to their stupid face.

Habang nagbabangayan kaming tatlo ay bigla-bigla na lang may nagsalita sa likuran ko kaya nilingon ko siya and give my hostile stare.

"Anong ginagawa ng isang bata dito?" tanong niya habang nakatingin sakin na nakangisi at agad naman na inilipat ang titig kina Chase at Zero.

"Hoy Wadsworth. Kapatid mo ba 'to?" he said to Chase while pointing at me. Napangiwi naman ako. Kami ni Chase magkapatid? No way! Is he blind or just mad? Sa tingin niya ba na magkamukha kami ni Chase na orangutan! sa cuteness kong taglay ay walang panama si Chase na walang alam kundi kumain ng saging.

"Hey old ugly coconut scrub haired man. Don't you dare call me his sister. I'm aware that you are curious what's going on. A beauty talking to a two beasts was extremely rare but as you can see I'm good enough to accept them as my slave." I said while smiling. Nakacrossarms ako sa harapan ng lalaki na di ko kilala. Puno rin siya ng pasa. Sa tingin ko ay napatumba din siya ni Zen.

Inis na inis naman na napatingin ang lalaki sakin. Sige lang. titigan mo lang ako. In the end, ikaw rin ang malulusaw sa kagandahan ko. I've been waiting something like this. Fighting is no big deal but crushing a lot of gangsters could create a huge chance to defeat Zeke Flame.

"That's hurts little sis" wika naman ni Chase and I narrowed my eyes at him.

"Ano aangal ka?" masungit kong tanong.

Napataas naman siya ng dalawang kamay niya in a sign of complete defeat. "N-no Ma'am!"

Napalingon naman ako kay Zero na nakatingin sakin. Nagtaka naman ako. mukhang sa tingin ko ay may sasabihin ang lalaking 'to. Ang mahirap sa isang 'to ay minsan nga lang nagsasalita pero once na magsalita siya ay pulos kalokohan naman.

Lumapit si Zero sa lalaki na mukhang scrub ang buhok at sa tingin ko ay magkakilala sila. Bigla naman nangunot ang noo ko ng inakbayan niya ang lalaki. He sure knows how to makipagplastikan huh.

"Pare, this girl is not easy to deal. He's a crazy devil" napanod naman ako in approve. That's right Zero, takutin mo sila sa black charm ko. "She's pretty but don't underestimate her skills." Ngumisi ako. that's right. Ipagmalaki mo ang leader mo Zero. I didn't think na darating ang araw na maayos ka rin palang kausapin.

"She's a precious girl to me" He said again. Oh! Zero iiyak na ba ako? This turns out to be dramatic.. I find it disgusting but if it comes from the mouth of Zero then I have no other choice but to consider it.

"Ah. Sorry. I mean the opposite." He said while staring at me in a poker face. Wait! Wait! It's unfair. I'm not mentally prepared! Why the sudden switch of the situation? I need to eliminate his mouth first before he talks more!

"I'll summarize about her. Ehem. She's the Queen of Bitches" Zen's words never been a good sound to my ears. I'm also a fool for believing Zero could be cured from his stupidity.

Sabi nga nila. Stupidity can't be cured at mas malala pa ay mukhang nahawa ako sa sakit ng dalawa.

"Can we just stop this nonsense chitchat? I should go back to school before the teachers found out that I was escape again." I said in a serious tone.

"Woah. Are you some kind of rich brat? Kung maka englis ka sa kalye ay mukhang may balak kang magpatayo ng palasyo sa harap ng bahay namin" natatawang wika naman ng lalaking weirdo ang hairstyle.

"Why? Bawal ba magsalita ng English sa harap ng isang sukarap na tulad mo?"

"Sukarap? I don't understand you." Tanong niya. Napatawa na lang ako. He seems stupid.

"Now. Now. I am bored now and it's your fault for talking nonsense." I said then nag stretch. Lumapit naman sina Chase at Zero sakin at mukhang handa na silang back-upan ako.

Ang unang umatake ay ang lalaking may weird na hair style. Inatake niya ako ng suntok pero agad ko naman nailagan yun at agad na hinuli ang braso niya then twisted it. Napasigaw naman siya sa sakit. Mukhang malakas siya at paniguradong madali niyang mababawi ang braso niya na hawak ko pero di ko hinayaan 'yun dahil agad kong sinipa ng malakas ang tuhod niya na sanhi nang pag bagsak niya sa putik. Ramdam ko ang pagtalsik ng putik sa mukha ko kaya agad ko siyang binitawan. Nagtaka naman sina Zero at Chase.

"Omo! Nakakadiri! Nagkaputik tuloy ako" nandidiri kong wika sabay kuha ng panyo ko na mula sa bulsa at basa ito sanhi ng ulan at agad na nilinis ang mukha ko.

"Ang arte ni bitchy" bulong ni Zero kay Chase. Bulong ba 'yun? Eh Bakit naririnig ko kahit ang layo nila sakin?

Akala ko ay matatapos ang araw nang di ko man lang makakaharap si Zen subalit di namin inakala na magpapakita siya sa gitna ng labanan at unti-unti kaming inuubos.

Ang bilis ng kilos at nakatulala akong nakatingin sa kanya. Ang astig ng bawat kilos niya. Mukhang sanay na sanay na talaga siyang makipaglaban. Tulog kaagad ang kalaban sa isang sipa niya. Ang ibang estudyante naman ay nagsitakbuhan sa takot.

"Bakit nandito si Zen!?" 'yan ang sigaw ng halos. Di nila expected na may second round pa pala.

"Anong tinutunganga mo babae?! Di pa tayo tapos!" singhal ng lalaking weird ang hairstyle. Inis ko naman siyang tinitigan. Ano pa ba ang kailangan ng lalaking 'to. Mukhang sarap na sarap atang masapak.

"Shut up" tipid kong wika at mabilis ko siyang sinuntok sa sikmura. Napaubo naman siya sa ginawa ko. Tinitigan ko lang yung kamao ko. Ang liit lang naman ng kamao ko pero mukha na siyang nabaril. Napakaloser naman ng taong 'to.

Agad ko siyang sinipa sa ulo niya kaya nawalan ito ng malay. Matulog ka muna. Ang busy ko na para mag entertain ng mga taong puro yabang lang ang alam.

"It is uncool to a lady to do that" biglang may lalaking nagsalita sa likuran ko.

"Finally the great Zen appeared" wika ko sabay ngisi at hinarap siya. Hindi parin humihinto ang ulan pero di na masyadong malakas kaya malinaw na malinaw na sakin ang nakangisi niyang mukha.

"Don't interfere" I firmly said to the two boys when they attempt to cover me from Zen.

"So, you are the owner of these two?" he's referring Chase and Zero. Mas lalo pa itong ngumisi while looking at me from head to toe "Are you really that strong to easily gain their obedience?"

Mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "You're pitiful for underestimating girls Zen" malamig kong wika.

"Prove it" aniya at agad itong kumilos tsaka mabilis na tinapon sakin ang isang patalim.

Third Person POV

Habang natutulog si Chloe sa tabi ni Chase ay di parin matahimik ang mga gangsters sa loob ng bus.

"Bakit dumami ang chix dito?" tanong ng ilang kalalakihan.

"Bakit, di ba pwedeng makisabay sa uso?" sagot naman ng isang babae na ang lagkit ng tingin kay Chase pero biglang nakasimangot ng makitang may katabing ibang babae ang crush niya.

"Blue! Wag mong pakealaman yung cellphone ko!" sigaw ni Doll kay Blue na nakangisi habang pinipicturan si Chloe na mahimbing na natutulog.

"Wait lang. ang cute kasing matulog ni Chloe. Ipasa mo sakin mamaya huh? Ibebenta ko pa kasi 'yan kay Flame." Wika niya habang di parin nawawala ang nakakalokong ngiti pero agad naman siyang binatukan ni Daimon kaya di sadyang nabitawan ni Blue ang cellphone ni Doll.

"Anong ginawa mo sa Phone ko, loko ka!" sigaw ni Doll kay Blue. Napamura na lang si Blue at dali-daling pinulot yung phone sa ilalim ng upuan.

Maaabot na sana ni Blue ang Phone ng bigla itong sinipa ni Daimon palayo kaya tinitigan lang ni Blue si Daimon ng masama "Humanda ka sakin mamaya" pero walang epekto kay Daimon ang pananakot ng leader niya. Ngumisi lang ito at pasimpleng umupo sa tabi ni Doll.

"Ako ba talaga ang leader nila? Bakit trip nilang inaaapi ako?" Blue murmured while trying to get the phone again.

Sa kabilang banda naman ay ang kaguluhan sa pagitan ni Blaire Smith, Queen of Silver Skull Gang at ni Maze Heathcliff ng The Unwanted Gang.

Nagsimula ang lahat sa isang panyo...

"Nice, ayusin mo ang paghalughug. Nagsilabasan na ang mga undergarments ni Chloe." Wika naman ni Maze.

"Hindi ko naman ginalaw sa parteng 'yan kaya ikaw ang mag-ayos. Saan na ba ang baon niya? Gutom na 'ko eh" wika naman ni Nice.

"Hoy patay gutom. Ayusin na natin 'to. Ang sama na ng tingin ni Junho sa'tin" wika naman ni Maze at dali-daling inayos ang gamit sa loob ng bag. Sa sobrang pagmamadali ng pag-ayos ng dalawa ay biglang nalaglag mula sa bag ang panyo ni Chloe.

Napadpad naman sa bandang daanan sa gitna ng bus ang panyo kaya tumayo si Chase at aabutin na sana niya ang panyo ng bigla itong tinapakan ng isang di kilalang babae. Tinitigan naman niya ito nang nakakunot ang noo.

"Miss. Watch your step" seryoso namang sabi ni Maze sa babae. Napatingin naman si Blaire sa panyo tsaka bumalik ang titig niya sa binatilyong ngayon niya lang nakita.

"What rank are you?" maarte nitong tanong kay Maze pero di niya parin inalis ang pagkakatapak sa panyo.

"Rank? Kinakain ba 'yan?" natatawang sagot ni Maze.

Bigla na lang ngumisi si Blaire sa sagot ni Maze pero agad niya itong sinunggaban at hinawakan sa leeg at siniguradong idiniin ang matulis niyang kuko sa maputlang balat ni Maze. Napalunok naman si Maze sa ginawa ng babae.

"Who's your King?" seryosong wika ni Blaire.

"Wala ka—" di natapos ni Maze ang sasabihin ng hinigpitan pa ni Blaire ang pagkakahawak nito sa leeg.

"Tell me" wika ulit ni Blaire. Tahimik lang ang paligid at wala ni isang tumangkang makisali sa kanila. Nasa bandang gilid lang nakaupo si Chloe at tulog kaya di niya gustong isturbuhin ang leader nila kaya napilitan si Maze na ituro si Nice na nasa tabi lang niya. Napalaki naman nang mata si Nice at agad na napaatras at agad niyang hinanap ang iba pang kasamahan.

"Hindi ako! si... si Junho ang leader namin!" sigaw ni Nice at tinuro si Junho kaya nakakunot naman ang noo ni Junho na nakatingin sa kanya.

Tinaasan naman ni Blaire ng kilay si Nice "Do you think I believe you?" napatahimik naman si Nice. Bigla naman napatingin si Blaire sa katabi ni Junho.

"You there!" Blaire approached Silver "Are you their King?"

"Do you think I could be someone's king?" malamig na wika ni Silver.

"Then who?"

"There" tamad na wika ni Silver at agad na tinuro si Chloe na mahimbing na natutulog sa tabi ni Chase. Napasapo naman ng noo si Chase "Seriously? Napakahonest naman talaga ng mga kagang ng babaeng 'to" Chase murmured.

Ngumisi naman ng nakakaloko si Blaire "Are you making fun of me?" seryoso niyang wika at agad na binitawan si Maze. Agad naman naglabas ng patalim si Blaire at agad na itinapon sa dereksyon ni Chloe.

Di naman nakahanda ang lahat sa ginawa ni Blaire, kahit si Chase ay di magawang sanggaan iyun. Dali-dali namang kumilos sina Flame at iba pa pero huli na ang lahat dahil sa mabilis na pangyayari. Gulat naman ang lahat nang biglang ngumisi ang natutulog na si Chloe at agad na nagsalita.

"You're pitiful for underestimating girls Zen" mahina niyang wika at mabilis na nahuli ang patalim at agad na ibinalik ang patalim kay Blaire kaya sa kanya mismo bumaon ang sarili niyang patalim.

To Be Continued...

CREDITS:
Thank you po sa nakakamotivate na mga comments. kahit di ko po deserve but I really really appreciate all of the messages :D THANK YOU ALL OF YOU! :D

J-Bish_27 Alieeenpanduh alpalaija FindingTheFallenBlue geline_bb Alyssa_Breaker
dharlynne_miyuki bhaby_gurl04 danielayohan_11 ClaireBetorio mi24phoenix
CarolineMaca07 ILove_Red21 Missaddict02 RheaMaeGagaa juneannedomingo
zildjianme CageThrone

SORRY SA DI NA MENTION. RECENT COMMENTS LANG PO ANG MAKAKAYA KONG I-MENTION BUT I WON'T FORGET TO THANK ALL OF YOU FOR SUPPORTING THIS STORY :D

BY THE WAY TO THOSE WHO VOTED ALL THE CHAPTERS OF DKG. PLEASE COMMENT BELOW IF YOU WANT DEDICATION. DI KO NA KASI MAKITA SA NOTIFICATION KASI NATABUNAN NA :0 THANK YOU ONCE AGAIN! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top