Chapter 29: I didn't succeed ♚

UNEDITED

DRAGON KNIGHT GANG

♚•♘•ⓓⓚⓖ•♘•♚

Chloe POV

"Thank God, buti nakaligtas ka. Patawad dahil di man lang ako nakapagpaalam, di ko pa masasabi ang dahilan dahil di pa malinaw sakin ang lahat. Sana patawarin mo ko" wika ko kay Pain. I feel guilty. I'm the one who always running away while the people I left behind are suffering. But still... I'm not that strong to face them right away.

May inilabas si Pain mula sa kanyang bulsa at agad na inilahad sakin.

"Punasan mo yang luha mo. Di ka na natuto, ang hilig mo parin mang eskandalo" masungit na wika ni Pain pero kitang-kita sa mukha niya ang saya.

Kinuha ko naman ang itim niyang panyo at pinunasan ang luha ko.

Teka. Kanina pa ba ako umiiyak?

Pinagmasdan ko ang paligid at lahat sila ay nakatingin sakin. Napayuko ako sa hiya. Aish. Ang lame ko talaga kahit kailan! Sana bumaon na lang ako sa semento para di nila makita ang pagmumukha kong loka-loka.

"Chloe, ayos ka lang?" napapitlag ako. kanina pa pala si Junho sa tabi ko at di ko man lang napansin.

Ngumiti ako at hinarap siya "syempre, ayos lang ako"

He smiled "that's it, the solution is your smile"

"What do you mean?"

He just shrugged and patted my head "It's the best for you. Just face it because we're always be here for you"

I smiled. Junho never failed to cheer me up. Di niya ako dinidiktahan sa mga desisiyon ko but instead he is the one who supports me. I think I like him... something like a brother? Ay ewan. Bakit ko ba iniisip ang mga ganoong bagay sa oras na ito.

Lumapit sina Maze at iba pa sa kinaroroonan ko, ni isa ay walang nagtanong sa nangyari kahit na kitang-kita sa mukha nila ang pagtataka. Mukhang naiintindihan nila ang sitwasyon ko. No, kahit anong sitwasyon ang meron ako ay pinipilit nila akong inintindi at sinuportahan. And that's the reason why I'm attached to these morons. They are sensitive enough to understand the feelings of others.

"What a creepy bunch" gulat naman akong napatingin kay Pain ng magsalita ito.

"Sorry for being creepy, brat" I just rolled my eyes on him. Nagsalita ang di creepy. Tsk. Di parin nagbabago, barumbado parin.

"Another bastard ni Apoy? Cool! The same breed of losers!" pang-aasar naman ni Maze sa kay Pain.

"You want me to kill you?" seryosong wika ni Pain. Pero imbes na matakot sa banta ay nagtawanan ang mga loko, maliban na lang kay Silver.

"Woah. dude! Nagmana nga kay Apoy! 'You want me to kill you?' diba yun ang favorite sentence ni Apoy?" natatawa namang wika ni Nice at nag apiran pa ang mga loko.

"at eto pa----dfhfhf" tinakpan ko kaagad ang bibig ni Nice dahil nangangamoy away na naman 'to.

"ha-ha-ha. Biro lang yun Pain! Eto naman, naglabas kaagad ng string" kabado kong tawa sa kanya. Delikado pa naman ang isang 'to. Kitang-kita sa kamay niya na naglabas na siya ng sandata. Lagot na at maraming madadamay dahil may mga students parin na nakatambay dito kahit na kanina pa ang class hour.

"Oh, look. Who's here" wika ng isang lalaki sa di kalayuan ng hall way. Napalingon naman kaming lahat sa lalaki. Nakasuot ito ng maitim na jacket. Maraming may nakasunod sa kanya. This is not good. Masama ang kutob ko nito.

"Pain! It's a miracle na makikita kita dito" di makapaniwalang wika ng lalaki at lumapit kay Pain tsaka inakbayan ito.

Kunut-noo naman siyang tinitigan ni Pain "Who are you?" tanong nito sa lalaki. Nagulat naman ang lalaki sa tanong ni Pain at napasimangot ito.

"That's very rude" agad naman siyang lumayo kay Pain at bigla natuon ang pansin niya sakin at kinindatan ako. "pare-pareho lang kayo. Kakalimutan niyo na lang basta-basta ang lahat basta matakasan lang ang kasalanan"

I stunned. Mukhang ako ang pinaparinggan ng lalaking 'to, at isa pa mukhang kilalang-kilala niya ko. My eyes roamed to his body which is very suspicious...and...

As I expected....

"Another member of Dark Gang, huh. Di na talaga kayo natuto"wika ko sa kanya at ngumiti lamang ito sakin.

"As expected to Miss Chloe Rosencranz, still sharp. That's bad" he smirk "by the way, aren't you curious? We know something about you"

"Who cares" pasimple kong wika. Kitang-kita naman ang pagkagulat ng lalaki sa sinabi ko. Inexpect niya siguro na mabibigla ako. he's absolutely wrong.

"I'm not interested if you know my past, just mind your own fucking business" I bitterly said to him.

He laughs "Really? We can help you, y'know! Just think firs-" He suddenly interrupted by Pain

"She doesn't have a brain, so she can't think bastard. Just leave her alone, will you?" Galit na wika ni Pain. Di ko alam ang sasabihin kay Pain. Pinagtatanggol niya ba ako o iniinsulto? Men! Patayin ko na lang kaya tong kumag na 'to kesa naman mauna akong mamatay sa kakainsulto niya.

Agad akong nilingon ni Pain "Let's go, wala tayong mapapala rito"

"W-wait" pagtutol ko.

"I can't waste my precious time" wika nito na inip na inip na pero di parin ako sumunod kaya napasigaw ako sa gulat ng bigla niya akong binuhat na parang sako.

"Oy! Saan mo dadalhin si Chloe?!" sigaw ni Maze.

"Mag-uusap lang kami kaya wag kang bakla dyan. Kayo na bahala sa mga Dark ewan na yan" Plain said without looking back. Binuksan niya ang bintana ng hallway.

"W-wait! Ibaba mo 'ko! Don't tell me tatalon ka mula dito sa 2nd floor na dala-dala ako!"

Not again!

"di ba obvious? Gusto mo unahin kitang itapon?" seryoso niyang wika habang unti-unting lumuluwag ang pagkakapit niya sa bewang ko. Bigla naman ako napahawak sa polo niya. Kahit papano, di parin nawawala ang takot ko sa matataas na lugar.

"S-sige na sasabay na 'ko sayo, wag ka lang talagang magkamal-aaaah!" napasigaw ako sa gulat ng muntikan na akong malaglag ni Pain. Mahigpit niya naman akong niyakap. I gasped.

Pain just swears between his breath.

May tumulak kasi kay Pain at mabuti na lang at nakakapit siya sa edge ng bintana at agad na bumalik papasok ng hallway kasama ako para harapin ang tumulak.

"Bullsh*t! What are you planning to do with your life!" galit na sigaw ni Pain sa kay Maze.

Naningkit ang mata ko kay Maze. May plano ba siyang mag kape sa lamay at kailangan niya pa akong i-sacrifice?!

"That's not fair dude! Kung tatakas kayo, e tatakas din kami!" pilyong wika ni Maze habang nakangisi at agad na tumalon sa bintana. Napalingon naman ako sa iba pa. hanep kanya-kanyang takas, mga langya at tanaw ko si Junho na papalayo habang kinakaladkad ni Razor. Mukhang si Junho lang talaga ang totoong lalaki sa THUG.

"What a useless bunch of losers!" inis na sigaw ni Pain at binuhat ulit ako tsaka agad na itinuloy ang balak na pagtalon na para bang walang dala-dalang mabigat na tao at di na tinuunan ng pansin ang Dark Gang. Napapikit na lamang ako nung tumalon siya. Bahala na si Pain na mabalian basta di lang ako magasgasan!

Hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon, akala ko sa kabilang buhay na ang next destination namin pero nagkamali ako, Nakasama ko siya ulit, buhay siya at buhay rin ako, seems like it's not real. I thought that... I really lost him. di ko pa lubusang maalala ang lahat dahil ang imahe lamang ni Pain ang mas malinaw sa alaala ko. Tila bang selective lang yung naaalala ko.

"You're crying again" Pain suddenly said. Gulat akong napatingin sa kanya. Di ko namalayan na nakababa na pala kami. Di ko man lang napansin.

"Sorry" I said at umupo sa ilalim ng puno malapit sa pinaglandingan ni Pain.

"I should be sorry, natakot ata kita sa pagtalon ko. Di na mauulit" he sounds worried. Nagulat naman ako ng bigla siyang napaupo sa harap ko at agad na hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. I'm really pathetic. I'm crying while my hair is messy.

"Modern Sadako really suits you" he suddenly said while laughing. My eyes widened. This is the first time...

"Finally... You smile" I muttered to myself. I thought that I'm not able to see him smile again after what happened 8 years ago. We're only 9 years old when that battle occurred.

Di ko maalala ang iba pang detalye kung bakit kami nasa ganoong sitwasyon. Ayokong magtanong kay Pain. I'm not sure but... gusto kong ako mismo ang makaalala. Gusto ko maalala ang lahat kung bakit ako nagkaroon ng Gang at ano ang rason ko kung bakit ko binuo iyon. Di ko nga alam kung anong klaseng Gang yun at ang pangalan mismo ay di ko matandaan. I'm really useless. Ang naaalala ko lang ay yung una kaming magkakilalala ni Pain hanggang sa nagkahiwalay kami. Di ko matandaan ang iba pang kasamahan ko. Their images are still blurred.

"Pain.. I decided" I said to Pain with determination. "I decided to bring back my memories"

He smirks. "And why? You don't have a brain, why bother?"

Bintukan ko siya. Aba. Akala ko ay magiging mabait na siya dahil siya ang una kong naalala, nagkamali pala ako. He's jerk as always.

I just sighed in defeat. Tanggap ko namang ganoon na talaga siya ka brat. If naging good boy 'to si Pain... siguro...siguro... di siya nadamay 9 years ago. If naging masunurin lang siya... arh!

Binatukan ko ulit siya

"Bitch. Nakakarami ka na ah!" singhal ni Pain sakin at itinaas niya ang kanyang kanang kamao pero agad niya rin itong itinago. Di parin nagbabago. Ang ikli parin ng pasensya.

I laugh. Nakakatawa siyang pagmasdan.

Suddenly I stop laughing because I notice someone's shadow.

"Can I borrow Ms. Rosencranz for a while?"

Napatayo ako "Sir Akabane..."

*~*~*~*~*~*~*

Nandito kami ngayon sa office ni Sir Akabane. Di lang pala ako ang kakausapin niya dahil may iba pang mga studyante ang pumarito dahil pinatawag din sila.

I look around, nagbabakasakaling may mahanap na kakilala, at di naman ako nabigo dahil may pamilyar na pigura akong napansin.

Nilapitan ko siya "Hey Silv"

Nilingon niya 'ko at agad lang na tumango. Tumabi naman ako sa kanya sa sulok. Mga classmates ko lang pala ang nandito. Ano kaya ang dahilan ni Sir Akabane at bigla niya kami pinatawag?

Biglang natahimik ang paligid ng biglang umupo si Sir Akabane sa kanyang swivel chair. He's so intimidating, let's call it 'DANGER'. Marami na siguro napatay si Sir, mukhang kapansin-pansin kasi sa kilos niya. Bawat kilos niya ay parang hangin. No, it's not dahil di mo naririnig o mapapansin. Siguro kung papasukin niya ang silid ko sa gabi ay paniguradong di ko mararamdaman dahil sa assassination skill niya na di nakakaproduce ng ingay.

But something's not right. Someone is staring at me like hell. Hinanap ko naman kaagad ang pares ng mata na nakatitig sakin.

Oh. Geek Sniper. I forgot about her.

I smile at her and she just rolled her eyes at me. Mainis ka girl. It's not my fault if I'm being friendly here. Being friendly to your enemies is the deadliest weapon. Kahit papano e marunong din ako makipagplastikan.

"I'm disappointed"

Napalingon kaagad ako sa nagsalita. Mukhang galit itong nakatitig samin.

"Silv, mukhang badtrip si Sir. Patay tayo nito. Wala na tayong pag-asa na makasama sa special mission". I whispered to Silver.

He didn't bother to look at me.

"It's your fault for fooling around" malamig niyang wika.

"I'm not. I just... just accidentally met that King, that's why..." I can't find another word. Arg!

"sorry" I gave up. It's my fault naman talga. Mag-iisip na lang ako ng panibagong plano.

"Don't bother. It's better for you to stay, don't waste my time to protect someone clumsy as you"

Aba! Ibang klase mang-asar ang isang 'to. Depressed na nga ako sa result ng activity pero siya pa tong dumagdag sa pananakal. Di na lang ako nagsalita at baka masigawan ko pa ang hinayupak kong katabi.

"Let's have a second test"

Biglang umingay ang loob ng office.

"Argh! Another? Kapagod kaya" biglang reklamo ng isa sa mga kaklase ko. I nod. But...

Another opportunity is coming!!!!

"Silver, last chance na natin 'to. Let's do it!" at agad na ikinilabit ang katabi.

"fine. What a bother" he said. Kahit kailan talaga ang tamad.

"You have no choice fools. Let's have your second test right here, right now" he said at agad na tumalon sa ibabaw ng mesa nito.

Napaatras naman ako dahil sa ikinikilos ni Sir Akabane. Masama ang kutob ko nito. Napatingin naman ako sa isang lalaki na papalapit sa dereksyon ni Sir Akabane at may dala itong samurai. Nang makalapit na ito ay agad niya ibinigay ang Samurai sa kay Sir. Ang lahat naman ng kaklase ko ay nagsitayuan sa kinauupuan at hinay-hinay na napaatras.

"Here's the rule. Weaklings" wika ni Sir na nakakapangilabot pakinggan. Silver and I just stayed in the same spot. Di kami gumalaw. Di dapat kami kikilos ng masama pag kaharap namin ang isang beteranong killer. Wrong move means accepting death.

"Fight and accept my blade or choose to be silent and ready to die" he said. Napapikit ako. Nakakafustrate ang pinapagagawa ni Sir. Wala namang pinagkaiba sa dalawa. Mamatay kung mamatay at mamatay ang mamatay.

"No one could escape in this room. The door is lock from the outside" I clenched my fist. Pakiramdam ko ay tutulo na ang pawis ko kahit pa na may air condition sa loob. Halos ng classmates ko ay nagpapanik pero may ilan parin na nakahanda at nakangisi pa itong nakikinig sa kay Sir Akabane.

"Are you ready?" he said again at agad na inilabas sa sisidlan ang samurai.

"Of course, we're not ready Sir. Sino bang makakalaban kung wala man lang kaming sandata?" I murmured. I'm pathetic again. Ako lang naman talaga ang walang dalang sandata at kitang-kita ko naman na isa-isang nagsilabasan ang mga sandata ng mga kaklase ko. Ang engot ko kasi. Nalimutan kong bumili ulit ng panibagong sandata. Nawala kasi yung kodachi ko nung time na nakaharap ko ang Dragon Knight Gang, then binawi pa ni Flame yung mga ninakaw ko sa kanya na mga sandata nung umalis ako ng territory nila. I'm poor.

Napatingin ako kay Silver habang nakapamulsa ito.

"Wala kang dala na sandata?"

"Why bother? It's so heavy to carry them everyday"

Woah ang cool!

Of course not!

"Another fool appeared. my ghad!" I frustratedly murmured.

Biglang naging tahimik ang paligid ng nagsimula ng kumilos si Sir Akabane. Hinanda ko

naman ang sarili ko. This kind of person is very dangerous. Bakit ba kasi na pinuntahan pa 'ko ni Sir, pwede naman sigurong mag-skip sa isang activity like a normal student do.

"Sir! That's not right! You are not allowed to kill us!" High pitch na sigaw ng kaklase ko na babae na malapit lang sa kinaroroonan namin ni Silver.

I rolled my eyes and face her "Just shut up will you?! You can't survive kung sisigaw ka lang dyan. Hindi lang ikaw nandito kaya wag kang feeler na ikaw lang ang mamatay"

Tinaasan niya naman ako ng kilay dahil sa sinabi ko "Wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan transferee. You don't even know your plac-" I cut her off.

"Yeah right. Just Die" pasimple kong wika at agad kong itinulak ang babae kaya napasubsub siya sa sahig.

"Bitch! You'll pay for this!" sigaw niya sakin.

"Wala akong pera kaya manigas ka dyan" wika ko at hinarap si Sir Akabane. That girl is really stupid. She didn't even notice the bloodlust chasing after her. Tinulak ko lang naman siya e dahil atat na si Sir Akabane na umatake. Ang swerte din naman talaga ng babae dahil siya kaagad ang unang napagtripan.

Sir Akabane just smirked at me. I didn't bother to move because I saw it through him. Wala siyang balak na atakihin ako. bakit naman kaya?

Bigla siyang tumalikod sakin at mabilis na inatake ang mga kaklase ko na panay ilag.

"What was that about?" I whispered. He didn't bother to attack me. Is he making fun of me or something? Ang weird naman. Ang hina ko na bang tingnan para isawalang bahala na lang?

"Chloe, we need to get out of here" Silver said. Hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad niya ako papuntang bintana.

"We can't. that window is fake" wika ko na ipinagtaka niya naman. "Meron kami niyan sa bahay ni Daddy. It's just a screen, nagiiba ng scene depende sa panahon at oras"

"May pakinabang din pala ang pagiging rich brat mo" he said while checking the screen.

I frown. "Oh shut up"

We silently move around the corner habang ang mga kaklase ko naman ay panay sangga sa mga atake ni Sir Akabane. Akala niyo lang na calm lang kami habang pinapanuod namin ang pag-atake ni Sir Akabane pero hindi, I'm shudder to death. Kinakabahan din ako. di basta-basta ang mga kaklase ko. They could fight but still may mga galos na sila at ang iba naman ay malalim na ang sugat. This scene was unbearable to see. May mga bakas na ng pulang likido ang sahig which is very disgusting. I'm expecting this to happen but di parin masikmura pag napapanuod ko ito ng actual. The worst experience to have is mutual killing inside the closed room. It's very frightening.

I faced Silver "Damn. Katapusan ko na ata 'to"

He snort "Don't die infront of me or else I'll kill you"

"Ano yan? Wala na ba talaga akong mapagpipilian?" I sigh harder. I didn't move. I just can't but...

"F*ck!" Geek Sniper shouted. Nadaplisan ng samurai ang braso niya. Di ko alam kung ano ba talaga iniisip ko pero namalayan ko na lang na mabilis akong tumakbo papunta sa kay Geek Sniper at humarang sa pagitan nila ni Sir Akabane.

"What are you doing?" masungit na wika ni Geek Sniper. Hingal na hingal ito. I envy her. Buti pa siya ay nakikipaglaban para makaligtas pero ako e walang ginawa kundi nagpapakarelax na nanunuod sa sulok at wala kahit ni isang galos.

"Stupid!" Silver shouted at agad na humarang sa pagitan namin ni Sir.

Si Sir Akabane naman ay hinay-hinay naman na papalapit sa kay Silver at mukhang handa na itong umatake.

Hinawakan ko naman ang braso ni Silver "Don't be reckless!" I shouted.

"You're the one who's reckless here" he talkback.

Sir Akabane just grinned and said "Are you ready to die?" he asked Silver but the jerk didn't bother to answer and didn't even budge in front of me.

Chloe... think! This is just a test. Sir Akabane can't kill students but how could I make him stop? Siguradong may sagot ang lahat ng 'to. Sir Akabane just waiting for us to figure out the answer and what is it? It is clear na he wants us to survive in this test.

"Are you ready to die?" he said again. Wait. Something's bothering me. Bakit palagi niya minimention ang "Are you ready to die?" aish. stupid Chloe, obvious naman talaga na naiimention yan pag may patayang nagaganap. Crap. Mas lumabo ang pagiisip ko sa mga pangyayari. I need wisdom please. God help me!

Sir Akabane suddenly slashed Silver. Nagulat ako sa pangyayari dahil biglang napaatras si Silver kaya nadaganan niya ako. Oh shit. He's so damn heavy!

Napahiga naman si Geek Sniper sa impact at ako naman ay napaupo habang nadaganan ng walangyang Silver.

"Watch your step asshole. Get off!" singhal ko. Pero deep inside ay ang relief na naramdaman ko ng makitang wala siyang natamong sugat.

"It's you fault in the first place" he said while breathing harder. Mukhang nagulat ata talaga siya sa biglaang pag atake ni Sir. We are both sitting infont of Sir Akbane while he's holding the bloody Samurai.

"Oh Shit again!" Sigaw ko ng biglang sumugod ulit si Sir Akabane sa kay Silver pero agad ko naman na sinipa ng malakas si Silver sa tagiliran para maiwasan niya ang pag atake. That's close! Ikamamatay ko ata ang heart attack. I breathe harder.

But unexpected happened. Di ko napansin ang mabilis na kilos ni Sir Akabane at agad niyang nasugatan ang braso ko kaya napalaki ang mata ko sa gulat.

"Kumilos ka Stupid!" Sigaw ni Silver ng mapansin ang mabilis na pag iiba ng dereksyon ng samurai at mabilis na lumipad ang matulis na dulo ng sandata patungo sa dibdib ko.

I blink. This is the right time. Sana tama ako. ito ang sagot.

Sagot na posibleng ikamatay ko.

I didn't move and faced Sir Akabane with a stern look.

All people around us gasped for anticipation.

The blade flew towards my chest but it failed to be buried. My heart stops beating for a single moment. Shit. That was really close.

"Why didn't you move?" Sir Akabane asked.

I stared at him. Feeling ko ay nawawalan na ako ng laway. I inhale first.

"I-I remembered what you said earlier Sir, before the test started" I stammered. Pwede naman sigurong ilayo na ni Sir Akabane ang samurai niya sa dibdib ko. Feeling ko e kinakapos na ako ng oxygen.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. Mukhang nagiisip kung ano ba yung sinabi niya samin.

"Fight and accept my blade or choose to be silent and ready to die" I said. "Yun yung sinabi niyo kanina" I added.

"Then? What about it?" pasimple niyang tanong.

"Fight and accept my blade which means kung lalaban ka e kailangan mo rin harapin ang samurai mo a-"

Silver cut me off kaya napatingin ako sa kanya habang naniningkit ang mata ko.

"You're not making any sense. Tinagalog mo lang e" he said. I rolled my eyes. Namumuro na talaga ang isang 'to. Sana di ko na lang siya niligtas para wala ng umistorbo sa explaination ko.

I faced Sir Akabane again and cleared my throat.

"Pinapili mo kami between Fight and Accept my blade or to be silent and ready to die" I said. Pakiramdam ko ay nakasalalay ang kaligtasan ng buong mundo sa nararamdaman kong tension sa loob ng room.

"I chose to be silent and ready to die"

Napapikit ako ng biglang idiin ni Sir ang samurai. Holy Shit. Eto na bay yun? Wag naman sana.

"Why?" he asked kaya I opened my left eye to see his expression. I'm anticipating that he'll ask me 'why' but I'm not really anticipating that expression drawn from his face. He's smiling at me like he's excited to eat me. Napaatras naman ako. I cleared my throat.

"T-to be silent and ready to die can't hurt me because di naman nakasaad doon na kailangan mo akong saktan. Nakastate lang na maging ready lang na mamatay pero di talaga tutuluyan, di ba?" tanong ko pa kay Sir pero di parin nawawala ang kaba ko, di ako confident sa sagot ko. Old tactic na ito kaya baka sabihin lang nila na napaka unreasonable ng sagot ko. Lahat naman ng expression ng classmates ko ay nag-iba na parang na nag iisip.

Si sir Akabane naman ay nakatingin sakin ng seryoso.

Oh no. ang stupid ko. Mukhang mali nga.

Napapikit ako. papatayin na ba ako ni Sir o kaka...

Biglang napadilat ang mata ko ng marinig ko Si Sir Akabane na tumatawa sa harap ko. Gulat akong napatingin sa kanya. Really? Sa sobrang stupid siguro ng sagot ko kaya napagkamalan niyang joke. Nakakahiya!

"You did a great job Chloe" wika ni Silver at kinalabit ang balikat ko.

"Wag mo na akong subukan na pagaanin ang loob ko. Tanggap ko na. tama ka nga, I'm stupid" I said to Silver while sighing harder.

He didn't respond but he just gave me a cold look.

"Ms. Rosencranz! Congratulations!" Sigaw naman ng mga kaklase ko kahit na kitang-kita sa mga mukha nila na nasasaktan sila sa natamong sugat.

"I didn't succeed" I said to them but they just smile. Di nga? Seryoso ba sila?

Biglang may pintong bumukas banda sa likuran ko. Nakita ko naman si Geek Sniper habang hawak-hawak ang braso at papalabas itong pintuan. I just stare at her but suddenly she faced me, gulat ko naman siya tinitigan.

"You owe me one Rosencranz" she said at agad na niyang isinirado ang pinto.

So ibigsabihin na tama yung sagot ko?

"So you get it now?" Silver said at agad niya akong tinulungan na makatayo. I just nod.

Si Sir Akabane naman ay tumalikod na sa amin at agad na may kinuha sa desk niya tsaka agad na bumalik sa kinaroroonan ko.

Nagtataka naman ako sa dala-dala niya.

"Here" inabot niya sakin ang isang brown envelope "It contains the information about your first mission" he said while smiling at me. Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

WTF! I passed!

"T-Thank you Sir!" nagbow naman ako sa kay Sir Akabane para sa pasasalamat ko. I really did it! Ang saya ko. Worth it din pala yung pagmamatapang ko.

"Here also for you" wika naman ni Sir sa kay Silver at iniabot din sa kanya ang envelope na katulad din ng sa akin.

"Three of you already passed in the first activity" three? Sino yung isa? At teka...

"Anong ibig niyong sabihin Sir? Kung nakapasa na pala kami sa 1st activity then bakit niyo pa kailangan ng 2nd activity?" Nalilito kong tanong sa kay Sir Akabane.

He just sigh "you didn't noticed earlier? Di ko kayo tinarget tatlo. I just let you watch me. I'm very disappoint dahil tatlo lang sa inyo ang nakapasa kaya I decided na may 2nd activity. Pero wala parin." He shook his head.

"Nagpapatawa po ba kayo? E di sana di niyo na lang kami isinali dito. Di mo ba alam Sir na baka ikakamatay ko ang sakit sa puso?" I blurted out.

"Malabo yun. Paniguradong ikakamatay mo ang pagiging padalosdalos" Silver interrupted. I just sneer at him.

"Hindi, mas lalong ngang naging enjoyable ang activity na 'to. Akalain mo nga naman, you three choose to die to protect your comrades. That's not good" kumunot naman ang noo ko. Ano naman kaya ang mali sa pagpoprotekta sa mga kaibigan ko?

"It's one of your weaknesses, you must not show it to your enemy, or else alam mo na ang kalalabasan" he said with a dangerous smirk. Kinilabutan ako sa pinagsasabi niya. I cleared my throat.

"Who is the third one?" pag-iiba ko sa usapan.

"Yung babaeng lumabas" He said "Siya ang nakakuha ng mataas na marka sa unang activity dahil siya mismo ang nagpatumba sa mga tao ko."

Nagtaas ako ng kilay

"So, ikaw pala ang may pakana nun?" I asked. He just nod at nauna ng lumabas. Siya pala ang nag-utos sa mga lalaking yun na akala ko ay mga classmates namin at may dala-dalang pistol sword. What a wise instructor.

Teka, bakit nakapasa ako? wala naman akong ginawa sa time na yun ah?!

Tumakbo ako palabas at iniwan sina Silver at mga kaklase ko sa loob. Agad ko naman hinanap si Sir Akabane at di naman ako nabigo.

"Sir! I have something to ask you!" sigaw ko sa kanya kaya nilingon niya naman ako.

I panted "why? Bakit nakapasa ako? wala naman akong nagawa nung unang activity ah?" I asked.

He just looked at me with his serious gaze "Figure out that by yourself" agad naman siyang tumalikod at ako naman ay nakatanga.

It's unfair! Napasabunot ako. eto yung kinaiinisan ko sa lahat eh! Pamysterious-mysterious effect pa!

~*~*~*~*~*~

Bumalik na lang ako sa dorm ko dahil nakakabadtrip na. wala na akong nararamdaman pa maliban sa pagod at sakit ng sugat ko sa braso. As I entered in my room, I eventually jumped to my bed. Gumulong ako. Di pa ako tumagal ng 1 month dito pero marami ng pagbabago sa buhay ko. It's like a single blink and suddenly everything change. I sigh deeply.

Sa wakas, may pagkakataon na ako na makalabas sa paaralang 'to. Pero habang tumatagal ay parang lumalabo ang lahat ng plano naming makalaya. Habang unti-unti ko ng naaalala ang nakaraan ko ay parang ayoko ng umalis sa paaralang 'to.

No. Chloe. Grip youself. I slap my cheek.

Napapikit naman ako sa sakit.

Tumayo ako. kailangan kong malibang para di na 'ko makakaisip ng kung ano-ano na makakapabago ng isip ko. I just can't.

Bigla naman natuon ang pansin ko sa sa brown envelope na binigay ni Sir Akabane sa'kin.

"Ano naman kaya ang mission ko?" kinakabahan kong tanong sa sarili ko. Wag naman sanang krimen ang ipapagawa nila sakin. Gagawin ko na lahat kahit magbenta ng sigarilyo sa high way basta wag lang pumatay ng tao. I can't afford to do that.

"Eto na" I murmured. Pinikit ko naman ang mata ko habang hinay-hinay na inilalabas ang papel sa envelope.

1,2,3 go! I open my eyes at...

"Fritzherald Samuel?"

Yan ang unang bumungad sakin.

Nakasulat sa papel ang pangalan na ito at other details tungkol sa lalaki. I shudder. Don't tell me, siya ang target ko? Papatay nga talaga ako? Oh please! The worst test of a student like me is to kill. No. no. isasauli ko 'to ngayon din!

Ipapasok ko na sana ang enevelope ng makita ko ang nakasulat.

TASK: Protect him

Nagmamalikmata ba ako? di nga? Ang school na 'to? Nagproprotekta. That's impossible!

Inilabas ko ulit ang sulat at binasa

Name: Fritzherald Samuel

Gender: Male

Age: 17

Mother: Eunice Escolano Samuel

Father: Niel Java Samuel

Woah. Ang bata pa niya. 1 year lang ang gap namin. Bakit naman kaya siya pa ang napiling poprotektahan ko? Duh. Babae pa ang kailangan magprotekta sa lalaki. It's a little bit weird.

Agad ko naman nilagay ang papel sa bed side table ko. Bukas ko na tatapusin basahin 'to.

Itatabi ko na sana ang brown envelope ng biglang may tumilapon na picture sa sahig kaya agad ko naman pinulot iyon.

I look at the picture. I gasped "Oh hell"

The guy in the picture is Fritzherald. Stolen shot lang ito pero kitang-kita parin ang maamong mukha nito. Na love at first sight ata ako. Takte! Bumabalik ata ako sa pigiging Grade schooler ko. No! Chloe. Gumising ka! Infatuation lang 'to.

Humiga ako pero hawak-hawak ko parin ang picture. Pinagmamasdan ko ng mabuti ang mukha niya. Bakit di nakakasawa tignan? Bakit kung si Flame ang tinitigan ko ay di aabot ng minuto e naiinis na 'ko? Napapitlag ako. Don't think to that demon Chloe. I shook my head at ibinalik ang atensyon sa picture.

This guy... bakit mukhang malungkot siya sa picture?

"Oy smile naman jan" wika ko sa picture. Nagmumukha naman akong baliw. Bakit ba kasi nakakaakit ng mukha niya? Oh please. He's the lucky one. Sana bininyagan din ako ng ganoong pagmumukha para naman manghinayang sina Neru na kalabanin ako at matatakot na magasgasan ang mukha ko.

Bigla naman ako napabalikwas mula sa pagkakahiga ng marinig ko na may kumatok. Agad ko naman pinagbuksan yun pero wala na akong nadatnang kaluluwa pa. I look around pero wala talaga akong makita at agad ko naman napansin ang isang malaking box na kulay brown sa harapan ko. Dali-dali ko iyun ipinasok sa loob at isinirado ang pinto. Tumakbo ako sa higaan at inilapag ang malaking kahon tsaka agad na binuksan iyun.

Kumunot naman ang noo ko sa nakita. What the hell?

"Anong gagawin ko sa Maid outfit na 'to?" I murmured to myself.

Teka. Biglang may nagsink in sa utak ko. Don't tell me!

Agad kong binasa ang content ng Information sheet sa bed side table ko.

Oh no!

My mission is to protect him but disguised myself as his personal Maid?! You've gotta be kidding me! Cliché story! Fucking Cliché but still suck!

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina! I prefer to kill than to babysit!

To Be Continued...

Credit: @Airimneh kikayganda06 mallowsoft CarolineMaca07 @JMFonte alpalaija mi24phoenix LADY_sweet94 sahigjk ILove_Red21 zaira_pestano RheaMaeGagaa dharlynnemiyuki dharlynne_miyuki Missaddict02 CageThrone juneannedomingo Alieeenpanduh FindingTheFallenBlue J-Bish_27 CarolineMaca07 Reeyanovich zildjianme jenniviebaculanta princessyoona26 CrazyCuteBlue princessjuliet07  at sa mga wala na mension na nagtatyagang hintayin ang update. salamat po talaga! Comment pala para di ko makalimutan sa next mension. kada chapter may credit. kulang pa to yung pasasalamat ko sa inyo. thank you talaga!

A/N: Guys. Sorry sa matagal na update! Matagal ko na ito natapos pero may exam kasi kaya di ako nakapagsurfing. Sana nagustuhan niyo. Masaya rin ako kasi may SOMEONE na nagrecommend ng sikat na mga gangster story sa facebook which nakaMillion Reads na pero di ko inexpect na masasali sa listahan niya ang story na 'to na 8K reads pa lang. haha if mababasa mo to kung sino ka man na nagrecommend ng story ko. PM me para madedicate ko sa iyo ang chapter na 'to. I know you are one of the readers of DKG na palaging naghihintay sa slow update ko. Haha. Thank you very much! Guys don't forget to comment! Gusto kong imemorize mismo ang mga username ng mga readers ng story ko. I wan't to thank you! ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top