Chapter 25: Touch me, I'm yours ♚
⚠ UNEDITED ⚠
DRAGON KNIGHT GANG
♚•♘•ⓓⓚⓖ•♘•♚
Chloe POV
I saw all of them. paniguradong di ako makakatakas sa kanila pag di ako kaagad nakahanap ng tulong. ano ba ang gagawin ko? paniguradong di nila ako hahayaang makalayo.
Nakangisi lang ako habang hawak-hawak ang granada. I try to see their expressions but as I've expected. They're cool. wala man lang akong nakikitang takot sa kanila. imbes na magsiatrasan ay mas ngumisi pa sila ng nakakaloko. They're gangsters indeed.
"Hey! All of you!" Sigaw ko sa mga taong nasa loob ng hide-out ng Dragon Knight Gang. glass lang ang pumapagitna sa amin kaya kitang-kita ko silang lahat. I think maririnig din nila ako dahil rinig na rinig ko ang boses ni Chase mula sa loob.
"Let's have a game" wika ko sabay ngisi. Nag-iba bigla ang expression ng mga nasa loob. I think they're expecting that I'll cowardly run away like Chloe did. But no, I'm also Serenity didn't I? They want that worst Serenity they knew? Then. Let's have a bloody game.
"Fine" nakangising wika ni Pain habang pinupulupot ang sinulid sa kanyang kamay. Ang iba naman ay tumango lamang na para bang excited na sa magaganap.
Tinitigan ko naman si Flame. He's always calm and mysterious. It's dangerous for me if magkataong makakalaban ko siya.
"This game entitled, 'Touch me, I'm yours" I just smiled. Ang unique ng name pero nakakasuka at the same time. Di ko alam kung bakit eto ang naisip ko pero ang alam ko lang ay pamilyar ang larong 'to. Gulat naman sila na napatingin sakin. Mukhang di makapaniwala. Nako-cornihan siguro sila sa name ng game. Bahala na. I don't care din naman.
"This game has only one rule. Touch me within 20 min. If you fail then I'm free from you. But first, give me 30 minutes to hide. Don't ever come out from this building unless the 30 minutes is done. If someone breaks the rule then the game is over, it's my win." I said.
"Are you really sure about that Serene? Sasayangin mo lang ang lakas mo. You know what we capable of. We could do anything just to abduct you again" seryosong wika ng isang lalaki na sa pagkaalala ko ay Zero ang pangalan niya.
"I know that already. If someone breaks my rule, then..." I paused and unleashed my bloodlust.
"I'll kill someone again or I'll kill myself"
~*~*~*~
Chase POV
Seryoso akong nakatingin sa kay Chloe. This girl is really hardheaded. Di na ako nagtaka kung palagi siyang nasasangkot sa gulo. It's her nature to become this troublesome woman. She's beautiful, yet dangerous.
"Okay deal na ba?" Wika ni Chloe mula sa labas. Napakamot lang ako ng ulo. Mukhang sanay na talaga ang babaeng 'to sa ganitong pakulo. Sumang-ayon na lang ang mga kasamahan ko. Di ko akalain na mapapasunod kaming lahat ni Chloe ng ganoon kadali.
"Okay! Bye! See you next year! at see you sa classroom Neru!" She said while waving her right hand. She really boosts her confidence, ha. Akalain mo nga naman. Nangasar pa. Wala pang nanghamon sa Dragon Knight Gang except sa kanya. Ang tapang talaga.
"Di talaga siya nagbago. Siya parin si Serenity na walang kinakatakutan" wika naman ni Art na napasandal sa glass wall. He just smiled. He smiles in relief. Nag-iba bigla ang atmosphere dito sa loob. Mukhang naging makulay or something that naging masaya dahil parang bumalik kami sa nakaraan na kasama pa namin si Serenity na nilalaro ang game niya na "Touch me, and I'm yours" disgusting pakinggan pero masaya. Di namin makakalimutan ang panahong yun pero sa laro ring iyon ang dahilan kung bakit siya nakidnap ng organisasyon sa ikalawang pagkakataon, at sa tingin ko ay mauulit iyon ngayon na ilalayo uli samin si Serenity.
28 min. passed
Chloe POV
Inihanda ko na ang sarili ko. Malayo-layo narin ang tinakbo ko. Pero di parin masisiguro ang pagkalaya dahil di sila basta-bastang magpapatalo. Dahil sila mismo ang Dragon Knight Gang. Mahirap silang kalaban.
Naghintay ako sa tabi ng high way. Dito kasi kami magkikita nina Silver at ang iba pa. kailangan ko ng tulong nila. Paniguradong di ko 'to kakayaning mag-isa at handa ko na ring sabihin sa kanila kung anong koneksyon meron ako sa Dragon Knight Gang.
Tumunog bigla yung phone ko kaya agad ko itong sinagot.
"What?" tanong ko sa kabilang linya. "30 minutes is done. Shall we find you then?" rinig ko ang malamig na boses ni Flame sa kabila. Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Nangingilabot ako na ewan na para bang sinisiguro na niyang di ako makakalayo at ikakadena ako habambuhay. I gulped.
"Fine. 20 minutes is enough para makalayo ako sa lugar na 'to. Good luck na lang sa inyo" I said at ibinaba kaagad ang phone. kinakabahan ako pero at the same time nae-excite.
Di nagtagal ay dumating na si Silver at nakamotorsiklo ito.
"Where are the others?" I asked to him.
"They'll watching behind" walang emosyon niyang wika at tinapon sakin ang black helmet kaya sinalo ko naman. "Itapon mo yang phone mo" he added. I just nod because I know what he meant. They could find me if dala-dala ko ang phone ko.
Isinuot ko agad ang helmet at sasakay na sana ng bumaba si Silver. I look at him wondering.
"tumalikod ka" tipid niyang wika na ipinagtaka ko. Kinapa niya ang likod ko. Ano bang ginagawa niya? Pero bigla na lamang siyang lumuhod sa likod ko at parang itataas ang bistidang puti. Nagsimula na akong magpanik. Don't tell me. Sisilipan niya ko!
"Don't move" he said again kaya napatigil ako. Ang lamig talaga ng lalaking 'to. Bigla na lamang akong may naramadamang may hinablot si Silver mula sa dulo ng damit, parang nakadikit ito sa bistida.
"What is that thing Silver?" di ko mapigilang tanong. Mukhang may nakuha si Silver mula sa bistida ko.
"It's a thing that could easily detect you" He coldly said. I just look at him surprisingly. Daming alam ng lalaking 'to. Kaya pala mukhang kampante lang si Flame dahil may idinikit siya sa damit ko para madali akong matuntun.
"Let's get out from here" he said at agad na sumakay ng motorsiklo. "Let's change our plan" he added.
~*~*~*~*~*~
Art POV
Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan. Nagmamaneho si Flame at nasa front seat ako, habang ang iba naman ay kanya-kanya ng sasakyan. Naghiwa-hiwalay kami para mapapadaling mahanap si Serenity.
"Malapit na tayo sa lokasyon ni Serenity" I said. "Nasa high way siya ngayon." I added.
"Good" tipid na sagot ni Flame at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"Hey Flame, may tanong ako"
"What?" bagot niyang wika.
"Paano kung boyfriend nga ni Serenity yung si Junho?" I said and look at his expression. Di ko alam kung matatakot ako o matatawa. Bigla na lang hininto ni Flame ang sasakyan kaya malapit akong masubsub, buti na lang talaga at naka seat belt ako. I gulp. I regretted asking that.
"I'll make them break-up" straightforward niyang pagkakasabi at lumabas ng sasakyan.
"Ah. Oh." I playfully said while looking at the gangsters who are blocking our way. Kailan pa sila nandyan? But I put them aside and look at Flame. I can't help but grin.
"You're in love with her, don't you?" I asked him while looking intently at him. Let's see then.
"What is that question? Love? Is that kind of gun?" he plainly ask then inabot ko sa kanya ang paborito niyang samurai. I just smiled. Dodging my question, ha. You're really the Flame I know.
"I just want to protect her" Flame added.
"Talaga? If she's not Serenity?" I paused. "What will you do to Chloe?" I added. But Flame just glares at me and give me a loud bang of the door that he harshly closed. Ang dali niya talagang mabasa. I just laugh at lumabas ng sasakyan.
Nag warm-up muna ako habang papalapit sa mga kalalakihan.
"Hey, wrong timing kayo" I said at pinagmasdan sila. Nakita ko rin ang logo nila.
"Anong kailangan ng Poisonous Fangs Gang samin?" wika ko ulit at naghihintay lang si Flame ng sign para sumugod. This Gang is not really that strong pero kabilang sila sa Dark Gangs.
Dark Gang- A gangs who always murdering students inside the Pandemonium Academy. They kill just for fun. They don't want the rankings; instead they want to rule over the school.
"Nothing, we just want to help The Unwanted Gang" nakangising wika ng lalaking may dalang balisong. Nakakapagtaka naman. The Dark Gang helping the new established gang? It's sounds fraud.
"Stop fooling us around" wika naman ni Flame na ikinabigla ko. Buti naman nagsalita na siya. Inihanda na niya ang sarili niya kaya ganun din ako. Mukhang maglalaban na talaga kami.
"Anong balak niyo sa Gang na 'yun?" I curiosly asked. Ngumisi lang ang lalaki sa sinabi ko. Kanina pa siya ngisi ng ngisi sarap punitin ang bibig.
"gusto niyo ba talagang malaman? You know their leader, right?"
Di kami nagsalita at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"That girl defeated our leader and he just want to help her" Mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I want to punch this guy. alam kong mas may malalim pa itong dahilan. I suddenly remember something, I think they're the gang na natalo ni Serenity sa loob ng girl's CR.
"Say it directly or I'll kill you right now" malamig na wika naman ni Flame at tinutok sa kanila ang samurai.
"Easy dude" that guy said calmly "We want their gang leader be safe, that's the order from our leader. It is really sound fraud but I think our leader is.." the guy paused at tinutok ang baril sa puso niya at nagsalita muli "bang! May tama sa babaeng yun" at nagpanggap pang nasasaktan. They're insane. They are part of a Dark Gang. They don't know about romance. Nakakatawang isipin pero fuck! They're not serious right?!
"Paano ba 'yan Flame? Dumadami ang karibal natin pagdating kay Serenity?" I said at nagpipigil lang ng tawa.
"Nagsasayang lang tayo ng oras dito. 5 minutes na ang nasayang. Shit" Flame cussed at tumalikod na para bumalik ng sasakyan.
"Paano ang laban?!" I shouted.
"Eh di mag-isa kang lalaban" He said then starts the engine. Napakamot lang ako ng ulo. Ni wala man lang baril o espada ang iniwan sakin. Ang labo ni Flame.
Nagsimula ng tumakbo ang kotse ng hinarangan ng mga gangsters na nakamotorsiklo ang daan. Wrong move dudes. Di yan takot masiraan ng kotse dahil di yan sa kanya. KUNDI AKIN YAN! POTEK!
"Shit! Wag kayong humarang! Kundi iaararo kayo n'yan lahat! Nag-aalala ako sa inyo!" Sigaw ko sa mga gangsters pero sa totoo lang mas nag-aaalala talaga ako sa kotse ko! Pero as expected ay tinaasan lang ako ng kilay ng mga loko at pinagtawanan. Inaasar talaga ako ng mga loko. Shit!
Bahala kayo sa buhay niyo. I'll save my precious car.
Pumagitna ako sa daan, dahilan para mapahinto ang sasakyan. Nakatalikod ako kay Flame at itinaas ang kamay ko tsaka ipinakita sa kanya ang tatlong daliri ko na simbolo na 'give me 30 seconds'. Di ko na hinintay ang permiso niya at sinugod ang mga loko.
Nagsigawan sila at sabay-sabay nila akong inatake. I give them punches. One punch is enough. Kayang-kaya ko silang patulugin sa isang suntok lamang. I'm one of the strongest gangster in this school kaya no doubt na madali ko lang silang mapapabagsak.
Someone throw me a knife towards my face. I just smirk. Agad kong nakuha ang baril ng aatake sana sakin, at mabilis na tinabig ang lumilipad na patalim at agad na binaril ang lalaking yun sa paa.
"You can't run anymore. What should I do to you then?" I smiled. Pinagbabaril ko ang natira kaya ang lalaking may sugat sa paa na lang ang natira.
"I'll kill you first" he said then may inilabas itong baril at agad akong pinaputukan.
Fuck!
Lumabas si Flame ng kotse at lumapit sa kinaroroonan namin. Naisahan ako ng gagong 'to. Napamura ako ng wala sa oras. Buti naagapan at nasangga ang bala gamit ang baril na hawak ko kaya daplis lang ang natamo ko. Nakabulagta naman ang lalaking nasa harapan ko. Naunahan ko siyang bumaril.
"Don't worry. Daplis lang to" I said at tumayo habang hawak-hawak ang dumudugong braso.
"tsk. Ubos na ang oras natin. Mauna ka ng pumasok. Susunod ako" he said then inagaw ang baril. Sumunod na lang ako sa kanya at pumasok ng sasakyan. I just sit then nagbihis. Aish. Buti may damit pako dito. Pagkasilip ko sa labas ay wala ng nakatayo pa at tinambak lang ni Flame sa gilid ng kalsada ang mga walang malay na gangsters, sandata at mga motorsiklo. Sayang wala akong gas na dala. Sarap sunugin.
Time Check: 00: 10: 03
Shit!10 minutes na lang ang natitira! I check the location of Serenity. I grin. Pagsiniswerte ka nga naman.
Inilabas ko ang ulo ko sa bintana at sumigaw kay Flame.
"Flame! Serenity is moving towards us!"
Lumingon siya sakin at agad na napatakbo papasok ng kotse at pinaandar ito.
"What direction?" seryoso niyang tanong.
"Sa South. Pabalik sa Academy"
Agad kaming tumungo sa North kung saan matatagpuan ang Pandemonium City. We will surprise her. Papalapit ng papalapit siya sa dereksyon namin.
"Malapit na siya. Meters away na lang." I warn Flame.
Di nagtagal ay may nakita kaming may nakamotorsiklo at mga kotse...kotse nina Chase at Blue. Hinahabol na pala nila. Di kami nagkakamali na si Serenity ang angkas ng lalaking nakamotorsiklo. Nakahelmet silang dalawa.
"Harangan mo Flame" I commanded. Agad naman na hinarangan ni Flame ang daan gamit ang kotse ko kaya biglang napahinto ang motorsiklo. I check the time. 18 minutes na pala. 2 minutes left.
Sabay-sabay kaming nagsilabasan sa mga sasakyan namin. Di kami kompleto pero sapat na ito para manalo sa laro.
"Tsk. Paano na 'to Chloe?" tanong ng lalaking nakahelmet. Si Serenity naman ay nakayakap lang. nakajacket na siya pero suot niya parin yung bistida. Tatlong device ang idinikit ko sa suot niya at ang isa ay naiwan sa kinaroroonan niya kanina. She found out that one but she failed to discover the other two. I just smirk. Alam ko ang kahinaan ni Serenity. She's really not good pagdating sa technology.
Lumapit si Flame sa kinaroroonan ni Serenity at di maipinta ang mukha niya. Natawa ako bigla. Malamang nagseselos si Mister.
"Kapagod din pala ang larong 'to." Pagrereklamo ni Doll.
"But it is fun" nakangising inakbayan siya ni Blue.
Pinuntahan ko naman ang kinaroroonan nina Serenity. Di parin bumibitaw si Serenity.
"The Game is over" galit na wika ni Flame. Hahawakan niya na sana ang braso ni Serenity ng bigla itong tumalon palayo sa kanya. Pfft. Di ko alam kung matatawa ako o maaawa para kay Flame. Mukhang basted na siya. Ako na lang hahawak sa kanya. The time is 19 minutes. He's really careless, malapit ng mag 20 minutes. tsk.
Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Serenity at niyakap siya.
"I win! I finally touch you and you're mine" nakangisi kong bulong sa tenga niya.
"Fuck! Inunahan mo ko!" Sigaw na Flame. I can't help but laugh. This guy is so slow! Sarap niyang asarin.
"Stop hugging me or else I'll punch you" wika ni Serenity, but... bakit lalaki ang boses. Napalaki bigla ang mata ko ng bigla niya akong tinulak at hinubad ang tinted na helmet.
"Takte! Naharass ako ng wala sa oras. Kadiri!" Pagrereklamo ng LALAKING NAKABISTIDA?! Bakit pareho sila ng height ni Serenity?! Kaya pala nakajacket ang potek! Naisahan kami?!
Napatingin ako kina Flame at sa iba pa na gulat na gulat rin.
"Bagay ka rin palang maging babae, Nice" natatawang komento naman ng lalaking nasa motorsiklo at tinitigan lamang siya ng masama ng lalaking nakabistida. Marahas nitong hinubad ang wig at hinubad ang bistida. Nakaboxer na lang ito at isinuot ang pants na inabot ng kasama.
"Maze, where's my Shirt?" tanong nito.
"Nagka-amnesia ka ba? Diba pinahubad ka ni Chloe sa harap niya at nagchange kayo ng damit? Swerte mo nga at sabay kayong nagbihis" wika ng isa at....
Shit! I can't help but laugh. Potek! Si Flame parang sasabog na sa pula. Ikaw ba namang makarinig ng ganun. Shete! This guys.. eto na ba ang ka Gang mate ni Serenity? They're cool. Nakikita ko ang sarili namin sa kanila. Mukhang di nila napapansin ang nasa paligid kahit pinapalibutan sila ng mga malalakas na gangsters.
"Where's Chloe?!" Sigaw ni Flame sa dalawa at agad na kinwelyuhan ang naka-angkas sa morsiklo.
"Wait" the guy said at marahas na tinabig ang kamay ni Flame. Hinubad niya ang suot na helmet at pumanaog sa motorsiklo at maangas na napasandal. Habang ang maliit na kasama naman niya ay walang pakealam sa kanilang dalawa at patuloy lang sa pagbihis. These guys are something. Dauntless bunch, I guess. Not bad Serenity. You're lucky to find them as your gang mate. Di na ako nagtaka kung bakit confident ka kanina.
Time Check: 00:20:02
"Dragon Knight Gang, LOST the game"
THE GAME IS OVER
To Be Continued...
[A/N: Long time no update guys. hehe. hope you like this chapter :D good news malapit ng matapos ang summer class. mapapadali na ang pag update. hehe patience is virtue minna!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top