Chapter 20: Blue Seinhart♚
⚠ UNEDITED ⚠
DRAGON KNIGHT GANG
♚•♘•ⓓⓚⓖ•♘•♚
Chloe's POV
"Yes, the one you stab at the entrance exam, Daimon Black" at nagdilim bigla ang aura niya. napalean ako sa pader at tinukod niya ang kaliwang braso niya sa pader sa bandang uluhan ko.
hinawakan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko para pagtagpuin ang mga mata namin. Di ko agad siya nakilala sa hitsura niya ngayon dahil di nakaayos ang buhok niya. iba kasi ang hair style niya nung una kaming nagkita dahil patayo ang buhok niya at kitang-kita yung forehead pero unlike ngayon na natatabunan ng malagray niyang buhok ang kanyang mga mata. magulo at abot leeg ang haba. he's also very attractive mukha siyang lonesome prince sa dating niya ngayon. white sando with white pants.
"ba't tulala ka na ngayon? takot ka na bang mamatay?" he suddenly said kaya bumalik ako sa katinuan.
"pwede ba, next time na lang yan! may humahabol pa sayo, sila muna atupagin mo" I just rolled my eyes at tinabig ang pagkakahawak niya sa baba ko.
"alam mo ba kung bakit ako hinahabol ngayon?" at bigla na namang tumalim ang tingin niya sakin "dahil sa ginawa mo" dagdag niya pa at pinitik niya ang noo ko, napa-aray nman ako sa sakit at napahimas sa noo. pakiramdam ko ay magkakaroon na ako ng bukol.
"potek kang bakla ka! sakit nun ah! gusto mong sisigaw ako at para mahuli ka ng mga goons na yun?" at pinandilatan ko siya ng mata.
"eh di isumbong mo, gagawin kitang hostage at sabay tayong mabugbug, gusto mo rin 'yon?" pananakot niya. argh! kainis!
"tch! whatever! umalis ka na nga dito!" pagtutulak ko sa kanya.
"wag mo akong hawakan. nasa malapit lang sila kaya di ako basta-bastang makakaalis dito" kalmado niyang sabi.
"eh di lumipat ka sa ibang cubicle!" I said to him but no avail.
"di pwede, kailangan ko ng shield"
"anong shield yang pinagsasabi mo? don't tell me ako ang makikipag-away pag nalaman nilang nandito ka?!"
"matalino ka naman pala, kaya tumahimik ka na dyan kung ayaw mong mabuking tayo" he said at sumilip siya sa labas ng cubicle nagbabakasakaling may kalaban.
Ano to? mukhang bumaliktad ata ang sitwasyon?! nagkampihan kami ng taong to?! sipain ko kaya siya palabas? para pag nahalikan niya na ang sahig ay baka matauhan siya bigla kung sino ang ina-agrabyado niya.
"hoy! matagal pa ba sila?! ihing-ihi na ako dito! pwede bang lumabas ka muna!" sigaw ko kay Daimon pero ini-snoban niya lang ako. ay potek na lalaking to!
"umihi ka lang diyan kung gusto mo. di mo naman ikabubuntis 'yan" he just plainly said at nakasandig lang siya sa pintuan ng cubicle paharap sakin.
"ano to? live show?! i-ihi ako sa harapan mo?! gumising ka nga! virgin pa tong kaharap mo!"
"tch. eh di tumalikod, madali lang akong kausap. di mo kailangang maninghal" sabat niya naman at agad na tumalikod.
potek! namumula ako pag iniisip kong iihi ako sa cubicle na may kasamang lalaki.
"nakalock ba yang pinto?" tanong ko sa kay Daimon na nakatalikod sakin habang nakaupo ako sa nakasiradong inidoro.
"di na kailangan. walang magkakainteres na manilip sa'yo" he said at napakamot ng ulo. sira-ulo talaga siya, kaya tanggapin mo to!
"Butt Kick!" sabay sipa sa pwet niya kaya tumilapon siya palabas ng cubicle at agad kong ini-lock yung door. yes! success!
kanina ko pa to pinipigilan at wala ng makakapigil sakin. Rinig na rinig ko naman ang galit na boses ni Daimon mula sa labas pero di ko na lang pinansin at ginawa ko na lang ang dapat kung gawin.
Pagkalabas ko ng cubicle ay nadatnan ko pa rin siya.
"oh? nandito ka pa pala? akala ko nahuli ka na at nabugbug" sarcastic kung sabi sa kay Daimon na ang talim ng tingin sakin habang nakasandal sa lababo ng restroom.
"ang hilig mo ring mang-inis ano?" galit niyang sabi at dali-daling lumapit sakin kaya dali-dali rin akong umatras at di ko namalayan na dead end na pala. napasandal ako sa pintuan ng restroom.
shit! mukhang seryoso na ang isang to!
"anong gagawin mo?" I said hiding my nervousness.
"gilitan ng leeg" cold niyang pagkakasabi. natakot ako bigla dahil sa galit na expression niya ngayon. I remember the first time we've met, yung aura niya na may intensyong pumatay ng tao.
Kailangan kong makaisip ng paraan. ang adik ko naman kasi, sinipa ko pa. naging beast mode tuloy.
I just remembered na nakalean pala ako ngayon sa pintuan. try ko kayang pihitin ang door knob at ng makalabas na dito. tiyak hinahanap na ako ng mga boys at ni sensei.
hinay-hinay kong kinakapa ang door para mahanap ko ang lokasyon ng door knob. di niya sana mahalata.
"bakit ka ba hinahabol ng mga lalaking yun at bakit mo sinisisi sakin ang kamalasan mo?" I asked him para di niya mapansin ang kamay ko.
"do you know about the reward? hinahabol nila ako ngayon dahil dun and unfortunately di ako makakalaban ng maayos dahil sa sugat na natamo ko ng dahil sayo" at nilamit niya pa ang mukha niya sakin.
"tch. at ako pa ngayon ang may kasalanan? I just want to protect myself because you attacked me first, malas mo lang dahil di basta-basta yung kinalaban mo" I said to him at tinitigan ko siya ng matalim. shit! asan na ba yung door knob. sakit sa mata ang pakikipaglaban ng titigan!
"talaga? that's good. if you're really that good then I won't ever hesitate to kill you with my own hands" he dangerously said and smirk, at ako naman ay ngumisi lang, pero sa totoo ay napangisi ako dahil hawak ko na ang doorknob. pipihitin ko na sana ng may bigla akong naramdamang malamig na kamay na nakapatong sa kamay ko. Napalaki ang mata ko. WTH! this guy is damn good, di ako makakatakas ng ganun kadali.
ngumisi siya. "you're not getting away" he said at sinuntok niya ng malakas ang pinto sa bandang uluhan ko kaya napapikit na lang ako. ramdam ko ang malakas na impact ng suntok niya sa pinto pero di niya hinayaang masira ito sa kadahilanang matuntun siya ng mga lalaking humahabol sa kanya.
Napadilat ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko.
"shit! gusto kitang patayin ngayon pero sa tigin ko ay kulang pa 'yon, mas makakabuti sigurong mabuhay ka ng may pagdurusa"
natigilan ako sa salitang binitawan niya. may nakapagsabi na rin ng ganun sakin dati at hinayaan niya akong mabuhay.
"may kakaiba sa iyo, sino ka ba talaga?" Daimon asked me with his serious gaze.
kahit ako ay nalilito kung sino ako, puro kasinungalingan ang buhay ko. I'm just a doll that manipulated by someone, feeling ko ay may mga lubid na nakatali sa katawan ko at kontrolado ng taong yun ang bawat kilos ko. It's sounds cliched at malas ko lang dahil ako ang napili niyang paglaruan...
Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ng mga kalalakihan sa labas.
"Dito, napasok niyo ba to?"
"di pa boss"
"pasukin niyo, baka dito pumasok si Daimon"
"boss, nakalock"
"no doubt he's hiding in here, sirain niyo ang pinto"
Napatingin ako kay Daimon.
"anong gagawin mo ngayon? natuntun ka na" tanong ko sa kanya pero parang wala siyang narinig.
No choice. tutulungan ko ang taong to. nakakaguilty rin dahil ako ang dahilan kung bakit di siya makakalaban.
"oy, may bintana dito!" tinawag ko si Daimon at busy ito sa paghalughug ng gamit sa isang cabinet.
"saan?" at lumapit siya sa kinaroroonan ko. may maliit na bintana sa pinakadulo ng cubicle.
"lend me that tube" utos ko kay Daimon. may hawak kasi siyang bakal na tubo.
Inabot niya yun sakin at agad ko naman na hinampas ang glass na nakaharang sa maliit na bintana, afterwards, ay inalis ko ang maliliit na piraso ng nabasag na glass. pero at the same time ay nasira na ng mga kalalakihan ang pintuan at nakapasok.
"hurry up, get out of here!" pagtutulak ko kay Daimon
"no, papalabasin muna kita dito" he said
"shit! don't be a stubborn! ikaw ang maunang lumabas dahil ikaw ang pakay nila!" giit ko.
"tch. but it's too late nandito na sila sa loob, ikaw na mauna. makakaalis rin ako dito" he said habang nag-iinat ng katawan.
"Damn it! diba papatayin mo pa ako? first priority mo muna ang kaligtasan mo, I can fight them but you can't! pabigat ka lang sakin kung di ka pa lulusot to that damn window!" Argh! mas nafrustrate ako sa lalaking to kesa kay Pain.
"tch. humanda ka sa akin babae ka kung mamamatay ka sa kamay nila, naiintindihan mo?!" I just nod at him at lumusot na siya sa butas. hinanda ko na lang ang sarili ko, mapapalaban ulit ako, okay na rin to, magsisilbing training bago ang away namin ni Neru.
Lumabas ako sa cubicle at hinarap ang mga kalalakihang may kanya-kanyang dalang armas. may kadena, tubo, baseball bat, baril, katana, balisong, at iba pa. handang-handa silang lahat at ang a-angas makatitig. no doubt kung bakit tinakbuhan sila ni Daimon. di kakayanin ng isang tao ang ganito karaming kaaway.
"miss ganda, nakita mo ba si Daimon?" tanong naman ng isang lalaki na may dala-dalang chainsaw.
"wala eh, bakit nandito kayo sa loob ng girl's restroom, bawal kayo rito" I said at kalmadong nilampasan sila.
"Diba, magkaaway kayo ni Daimon, bakit mo siya hinayaang makatakas?" tanong ng isang lalaki at mukhang kaedad ko lang, sa tingin ko ay siya ang pinuno nila. hinarangan niya ang daan palabas at nilalaro niya ang maliit na kutsilyo sa kamay niya.
"tompak ka dun" at nginitian ko lang siya, I already expected this situation.
hinubad ko ang black jacket ko at itinali iyon sa baywang ko. naka red sleeveless na lang ako at nakaskirt na black with black leggings matching black sneaker. pansin niyo halos black ako ngayon. that's the symbol of being cool.
"pinatakas ko siya dahil ako mismo ang papatay sa kanya" I said dangerously.
Ako na ang unang umatake. sinipa ko ang leader nila pero agad niya naman itong nasanggaan pero di niya namalayan ang kamao ko kaya nasuntok ko siya sa sikmura at medyo napa-atras ito. sa ginawa kong yun ay nagsabay-sabay ng umatake ang iba niya pang mga kasamahan. patay ako nito.. wala akong hawak na armas.
hahampasin na sana ako ng baseball bat sa likod pero agad ko namang naiwasan. ang bagal ng kilos niya. nababasa ko ang bawat kilos. yumuko ako para iwasan iyon at napansin ko kaagad ang paang nasa harapan at mukhang sisipain ako, kaya agad ko iyon sinuntok at napahiga ako ng mapansin kong may kutsilyong lumipad papunta sa ulo ko, nakailag ulit ako pero ang kutsilyong 'yon ay naglanding sa hita ng isa sa kasamahan nila. ouch! masakit yun ah.
"shit! you hit me dude!"
"What!?"
ay potek. may time pa silang magsisihan. unahin ko kaya silang patumbahin?
agad naman akong gumulong at lumuhod para mahablot ang isang baril sa isa pa nilang kasamahan. he's too wide open kaya madali ko lang nakuha ang baril ng di niya napapansin.
mabuti na lang may silencer to. binaril ko kaagad ang kamay ng may-ari ng baril. sorry about that but I think you can't use that hand again.
dali-dali akong napatayo at hinablot ang isa sa kanila, itinutok ko ang baril sa ulo niya para mapahinto ko sila sa pag-atake. I just smile when they stop attacking. they're very foolish, ipinutok ko ulit ang baril at ini-isa2x ko sila. ayokong pumatay kaya sa paa at kamay ko na lang sila pinagbabaril.
"stop that!" sigaw ng leader nila "we lose" he said at lumuhod sa harapan ko.
"tch. how boring" I said at ibinalibag ang lalaking hawak ko.
"sige na maka-alis na kayo. but I'll tell you one thing, walang makaka-alam sa nangyaring 'to, or else I'll beheaded you one by one"
"tch. deal" wika naman ng leader nila.
"call an ambulance" utos ko sa lalaking binalibag ko.
"y-yes po ma'am!" at dali-dali siyang lumabas pero bigla akong natigilan ng marinig ko ang pamilyar na mga boses na papalapit sa kinaroroonan namin.
"hoy! sabihin mong wala kang nakitang babae dito sa loob, naiintindihan mo?" I said to their leader and he just nod.
Dali-dali akong lumusot sa bintana na nilusotan ni Daimon kanina. shit! buti na lang napaaga ang pagtalo ko sa mga goons na 'yon.
Pagkalabas ko ay pinagpag ko kaagad ang damit ko at isinuot ulit ang jacket. nakahood na ako ngayon para walang makakakilala sakin na nanggaling ako dito.
"that was cool" nagulat ako ng biglang may nagsalita.
"bakit nandito ka pa?!" gulat kong tanong kay Daimon na nakasandal lang sa pader.
"bumalik ako para tulungan ka pero no need na pala" he said.
"tch. so nakita mo?" I asked
"di ako bulag para di ko makita 'yon" he said at nagsimula ng maglakad.
"sekreto lang natin yun ha? ayokong malaman ng mga kasamahan ko ang mga nangyari" wika ko at sinundan ko siya.
"k" tipid niyang wika at lumiko siya sa madilim na eskinita.
"oy, saan ka pupunta? delikado dyan"
"tch. wag mo akong sundan" aniya at patuloy parin siya sa paglalakad. tch. bahala siya sa buhay niya. babalik na lang ako sa shop baka magduda na ang mga 'yon.
Tumalikod na ako at paalis na sana pero parang pinipigilan ako ng mga paa ko. baka kung ano na naman ang mangyari sa lalaking 'yon. argh! feeling ko ay responsibilidad ko siya.
Naglakad ako papasok sa madilim na eskinita. ang bilis niya, di ko na siya matanaw.
"Oy Daimon, hintayin mo ako" I said. pero ilang minutong nakalipas ay di ko na siya nakita pa.
patay ako nito, mukhang naliligaw na ako. ang sikip pa naman ng daan.
"Daimon! sisipain talaga kita pagnahanap kita!" sigaw ko pero wala paring response galing sa kanya.
Nagpatuloy parin ako sa paglalakad. ang layo na ng nilakad ko.
Argh!!!! pagod na akong maglakad. sana di ko na lang siya sinundan, ang tanga ko talaga!
"Hello Chloe" biglang may nagsalita sa likuran ko kaya napatalon ako palayo sa taong 'yun at inilabas ang baril na nakuha ko sa mga goons at itinutok sa direksyon niya.
"who are you? bakit kilala mo 'ko?" I asked to the person behind the darkness.
"sino ba naman ang di nakakakilala sa famous transferee ng Pandemonium Academy?" he said at hinay-hinay itong lumapit sakin kasaabay ng paghubad ng hood niya.
my instinct tells that this guy is strong, he has the same smell of Dragon Knight Gang members. habang papalapit ito ay medyo nakikita ko na yung buong mukha niya.
bakit puno ng mga attractive gangsters dito sa Academy? namimili ba sila ng mga studyanteng may looks? he's like a doll. ang puti niya, di ata ako nangangalahati sa kaputiang taglay niya, match na match sa auburn niyang buhok. ang tangkad niya at singkit yung mata.
"I said, who are you?" tanong ko ulit. medyo malapit na siya sakin ng dalawang hakbang.
"I'm Blue Seinhart, King of Dark Snake Gang" pagpapakilala niya at ngumiti. he's a leader?
"di ka kalaban?" deretsahan ko ng tanong. ayoko ng paligoy-ligoy. I need to go back now dahil magdidilim na.
"I'm not. di ako pumapatol sa babae" aniya "diba hinahanap mo si Daimon? member siya ng gang ko at alam ko kung saan siya tumungo" he added.
"good, malapit na rin kasi akong maligaw kaya no choice, I need your help" sabi ko at tinago na ang baril sa bulsa ng jacket ko.
"your pretty cold" wika niya at nauna ng naglakad
"ganun siguro yun, I'm being cold to those people who show kindness to me, don't worry I'm not like that always, moody lang talaga ako" sabi ko at sumunod na sa kanya.
"I see" he smiled "I think you will become a good friend to Daimon" he added.
"w-what?! anong pinagsasabi mo, ang sungit nun at b-bakla yun! hinahabol ng mga kalalakihan dinaig pa ang kagandahan ko!" I said. aatakihin ata ako sa puso sa sinabi niyang 'yon.
"haha, sigurado na 'ko. ikaw ang makakapabago sa kanya" at tumawa siya ng malakas.
"geez. whatever" I just rolled my eyes. wala akong masabi sa lalaking to.
"salamat dahil tinulungan mo siya. ikaw lang yung taong tumulong sa kanya na kahit tinangka ka niyang patayin ay walang paligoy-ligoy kang sumulong sa panganib para sa kanya. di lang yun, sinundan mo pa siya dito para tiyakin ang kaligtasan niya" at ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.
"h-ha? n-nagkamali ka. sinundan ko siya para sipain!" at nauna na akong naglakad. shit! nagba-blush ako!
"haha. nakakatuwa ka talaga! halika na malapit na ang hide-out namin" sabi niya at inakbayan ako.
"h-ha? may hide-out kayo?" gulat kong tanong
"oo naman, lahat ng gang meron nun"
"bakit kami wala?"
"di yun libre Chloe, kailangan mong magpatayo gamit yung perang naipon ng gang niyo" he said. sabagay. kailangan talagang bilhin 'yon.
"kaya pala, walang katao-tao sa mga dorm"
"yes, dito sa academy, ang dormitory ay pawang dikorasyon lamang" he said
"oh, dito na pala tayo" wika niya at hinila niya ang kamay ko at papunta kami sa isang building.
"woah ang cool!" ang astig ng hide-out nila! black yung motif with a symbol of Snake sa ibabaw ng building at may munting garden sa labas.
may guard sa labas at ang gate ay kulay black rin. basta ang ganda! hirap mag explain, sapagkat first time kong makakakita ng ganito ka astig na hide-out.
"welcome back sir" bati ng isang guard at seninyasan lang ni Blue yung guard at binuksan yung gate.
"feel at home ka lang dito Chloe" at ngumiti na naman si Blue. bakit ang hilig niyang ngumiti? nakaka-adik eh. mahirap ng magka-crush dito.
nakapasok na kami.
"woah ang ganda talaga Blue!" I said. gulat namang napatingin sakin si Blue.
"oh bakit?" tanong ko.
napakamot siya ng ulo "haha matagal-tagal naring may tumawag sa pangalan ko"
"sus 'yun lang. Blue paupo sa black niyong sofa" sabi ko at agad na naupo sa sofa. ang ganda puro black! I really love black!
"haha. nakakatuwa ka talaga. sige, ipagtitimpla muna kita ng cape, Chloe" aniya at umalis na siya.
sarap talagang mahiga pag pagod!
"what are you doing here?!" gulat na tanong ni Daimon
Napaupo ako ng maayos.
"I invited her, got a problem with that?" nakangiting wika ni Blue.
TBC :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top