Chapter 19: Reward♚

UNEDITED

DRAGON KNIGHT GANG

♚•♘•ⓓⓚⓖ•♘•♚

Chloe POV

Argh! late na 'ko! langya, iniwan ako ng mga lalaking yun. tch.

Tumatakbo ako ngayon dahil magte-ten o'clock na pala ng umaga. tinanghali na kasi ako ng gising dahil di ako makatulog kagabi dahil sa palaging nage-echo ang boses ni Neru sa isipan ko. yung sinabi niya na let's have a duel. anong gagawin ko? itatago ko na lang ba ang lahat sa mga boys? siguradong di sila papayag na lumaban ako.

ang sakit naman sa ulo.

Nagkarating na'ko sa Class 1-A. binuksan ko kaagad ang slide door ng room namin. ingay kaagad ang sumalubong sakin.

"bullshit! natapakan mo ang paa ko dude!"

"wag kang sumigaw! di ako bingi!"

"ge patayan na yan!"

WTH! di pa ba nagsisimula ang klase? paano ba sila nagle-lesson?!

Naglakad na lang ako papasok at pinagmamasdan ang mga gangster classmates ko.

"pre, magkano ba bili mo ng American M16 mo?"

"wag ka ngang magtanong di ako tindero" pilosopo ang isang to. pero in fairness ang astig ng baril niya.

Napalingon naman ako sa bandang kanan kung saan may nagtatawanan.

"wahaha! talo ka! paano ba yan sa akin na 'tong sampong libo mo." sabi ng lalaki habang hinahakot ang pera sa desk.

"shit! again! limang libo, I still have 70k!"

"wag kang mayabang 43k na ang talo mo!"

No doubt, tapunan ng mga gangster ang school na to, bakit ako nandito? mukha ba akong gangster? psh.

Naupo na lang ako kung saan nakaupo si Neru.

"what date?" I asked him first. kailangan kong malaman kung kailan para makapaghanda ako.

"Next month, 1st fullmoon"

"that's settle then" I said with confidence kahit wala naman talaga.

1 hour passed...

naiwan kaming dalawa ni Silver dito sa room dahil magtatanong kami kay ma'am, sino nga ba to?

"excuse me po" approach ko sa teacher na busy sa pagte-text habang nakasandal ito sa upuan at nakapatong ang mga paa sa mesa. lumingon siya sa amin sandali pero binalik niya ulit ang atensyon sa pagte-text. mukhang di ata magpapaistorbo ang isang to.

"hello po, may itatanong po sana kami, kung pwede lang po sana---" napahinto ako bigla sa pagsasalita ng biglang nagdilim ang aura ni teacher kaya napaatras ako dahil baka mapapalaban ako ng wala sa oras at bigla na lang itong sumigaw.

"ARGH! SHIT! MALAPIT NA SANA! NATALO AKO SA SNAKE!!" at inis na inis ang hitsura nito. rinig ko naman na tumawa ng mahina si Silver sa likod ko. Wh-- anong problema ng teacher na to? akala ko pa naman may importanteng katext pero naglalaro lang pala ng Snake.

"Hoy Silver! ikaw na nga lang kumausap sa isang to!" inis kong utos sa kay Silver.

"tch. ikaw na" aniya. tamad talaga ang isang to.

"ma'am, may itatanong po sana kami" humble ko pang tanong. mukhang beast mode eh.

"oh! kayo pala Chloe! pasensya na sa paghihintay, anong maitutulong ko?" buti naman bumalik kaagad siya sa dati.

"we need some weapons, saan po namin mabibili dito?" tanong ko.

"Sa Pandemonium City" nakangiti naman niyang sabi.

"ha? saan naman yan?"

"Matatagpuan mo ang syodad sa kalagitnaan ng Northern Woods, sakop 'yun ng Campus"

Napalingon naman kaagad ako kay Silver, at mukhang nababasa niya na ang iniisip ko. mukhang mahihirapan kaming makalabas sa paaralang to. may syodad pa pala sa kalagitnaan ng kakahuyan na 'yun. gaano ba kalapad ang nasasakop ng paaralang to?

"paano kami makakapunta dun? sadyang napakadelikado sa kakahuyan na 'yon." sa sinabi kong yun ay biglang tumalim ang tingin ng guro sa amin. crap! may nasabi akong di dapat sabihin!

"ganun ba, sinasabi niyo na ring nakapunta na kayo sa kagubatang yun?" nakangising tanong niya. biglang nag-iba ang aura ng gurong nasa harapan namin.

"nabalitaan lang po namin" kalmado kong wika sa kanya. kailangan pala talaga namin mag-ingat.

"wag na kayong magtangkang tumakas kung ayaw niyong matulad sa kasamahan niyong nakalambitin na ang katawan sa kakahuyan na iyon." aniya at napalunok na lang ako.

"j-joke po ba yan ma'am?"

"hindi. pero I'm just kidding! bwahaha! natakot ba kita?" natatawang tanong ng guro.

"ah. hehe" napangisi na lang ako ng peke. tarantado ka ma'am. alam kong totoo yung sinabi mo. ang tanga ko kasi! nalaman niya tuloy na nakapunta na kami sa gubat na yun. tch.

"nga pala I'm Suzy Shin! Suzy sensei na lang ang tawag niyo sakin! sasamahan ko kayo ngayon papuntang Pandemonium City!"

-*-*-*-*-*-*-*-

Nakasakay kami ngayon sa bus papuntang Pandemonium City. Itong bus mismo ang naghahatid sundo sa mga studyanteng walang sasakyan papuntang Pandemonium City.

katabi ko ngayon si Suzy sensei at ang anim na lalaki naman ay nasa likuran nakaupo.

Gusto ko sanang matulog pero di ako makatulog dahil sa ingay ng mga asungot sa likod. nagbabangayan at nagtatawanan ang mga loko.

"Chloe, ang sigla ng mga kasamahan mo, nakakatuwa sila" nakangiting sabi ni Suzy sensei.

"hayaan mo na sila Suzy sensei, may mga topak ang mga yan" sabi ko.

"haha. mukha kang bitter Chloe. ngumiti ka naman dyan. mukhang malaki ang problema mo sa buhay" natatawa niya namang sabi. buti naman napansin niya. paano ba ako makakangiti sa kabila ng nangyari kanina. Nabuking lang naman kami. kailangan namin ng panibagong plano para di kami mapahamak.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Nandito na tayo!" masiglang sigaw ni Maze. isip bata talaga.

"tayo na Chloe!" at bigla na lang akong hinila ni Suzy sensei at ibinaba sa bus.

"WELCOME TO PANDEMONIUM CITY!" sigaw ni Suzy sensei sa amin. kaming pito naman ay nakatulala. totoo nga. nasa City nga kami ngayon! puno ng malalaking buildings. maraming tao at daming sasakyan.

"Cool! may mall pre!"-Nice

"woah! I miss City!" tuwang-tuwa naman si Maze sa nakikita.

"oops! wag muna kayong magsaya" pagi-interrupt naman ni Suzy sensei kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

"Sa City na 'to ay pulubi kayo" seryoso niyang sabi.

"what?! may allowance naman kami ah!" Nice said.

"tch. wag ka ngang mayabang kuya. 5000 lang yung allowance niyo per month. sa pera niyong yan ay di talaga kayo magsu-survive sa lugar na to" sabi naman ni Suzy sensei.

"tch. dami mong alam bata ka" at pinisil ni Nice ang pisngi ni Suzy sensei na ikinagulat ko naman. shit! di takot si Nice sa kanya. lupet!

"bitawan mo ako Nice Brylle Marchfeld" seryosong sabi ni Suzy sensei. patay kang bata ka.

"Nice bitawan mo si Suzy sensei" utos ko kay Nice pero ikinagulat ko ang sunod na ginawa ni Nice dahil binuhat niya lang naman si Suzy sensei na parang sako ng bigas.

"tayo na ibebenta pa natin ang batang to sa mercado, malaki ang kikitain natin dito ang bigat eh" at agad na naglakad si Nice papasok sa isang weapon shop. Nagsitawanan naman ang limang lalaki at pumasok narin. ako na lang ang natira dito sa labas. grabe! di ba sila marunong makasense ng panganib?!

Nilibot namin ang loob ng shop. grabe ang daming astig na sandata! mula sa Small Caliber at sa heavy assault rifle. ang cool! di ko na kasama ang mga lalaki dahil mukhang nauna na sila sa 2nd floor. bale kami na lang ni Suzy sensei ang magkasama ngayon.

"woah may Kodachi rin!" masaya kung wika ng makita ko ang Kodachi. It is a sword. It's less powerful than a Katana because it's shorter. but it's light and highly defensive.

"ang dami mo palang alam tungkol sa mga weapons Chloe, nakagamit ka na ba sa mga yan?" natigilan ako bigla sa tanong ni Suzy sensei. Crap again! mabubuking na naman ba ako ulit?!

"di pa po eh. gusto ko sanang masubukan pero mukhang kulang ang pera ko. magkano po ba yan?" ghad! kagatin mo sana ang palusot ko sensei!

"150,000. mura lang yan kumpara sa katana, 500,000 kasi ang kadalasang presyo nun eh" buti naman kinagat niya. pero...

"Di nga? seryoso? ang mahal naman ata!" gulat kong tanong. paano ko yun mabibili kung 5000 per month lang yung allowance namin?!

"haha, kaya nga ang sabi ko. sa lugar na to ay pulubi kayo" natatawang wika ni Suzy sensei.

"halika may ipapakita ako sayo"sabay hablot naman sakin ni Suzy sensei at may ipinakita sakin na malaking poster na puno ng mga pictures.

"This is the reward list, dito ka makakakuha ng pera" nakangiti niyang wika.

Nangunot kaagad ang noo ko ng makita ang mukha ni Pain. bakit siya nasa list?

"hoy Chloe, basahin mo muna ang nakasulat bago mo kainisan ang mga taong nasa picture" sabi naman ni Blizard na nasa likuran ko na pala at kasama niya ang iba pa.

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa poster at binasa ang nakasulat.

[DEFEAT THIS STRONGEST GANGSTERS AND YOU'LL BE REWARDED]

1. ZEKE FLAME ASHFORD [REWARD: 1,000,000,000]

2. ZERO BRAIDFIELD [REWARD: 950,000,000]

3. ZEN PHANTOMHIVE [REWARD: 900,000,000]

4. CHASE CLIFFORD WADSWORTH [REWARD: 850,000,000]

5. NERU LAMPEROUGE [REWARD: 800,000,000]

6. PAIN REIHERZ [750,000,000]

7. ART KLIEN VESSALIUS [700,000,000]

8. BLUE SEINHART [650,000,000]

9. CIEL BURNSWORTH [600,000,000]

10. DENVER BLOOM [500,000,000]

11. DAIMON BLACK [400,000,000]

12. DOLL JINX COLLEN [350,000,000]

13. BEATRICE WEYLER [300,000,000]

14. BLAIRE SMITH [200,000,000]

15. BLAKE EZEKIEL ELEZALDE [100,000,000]

[GANG WARS]

STRONGEST GANG [REWARD: 5,000,000,000]

S-Class Gang [REWARD: 500,000,000]

A-Class Gang [REWARD: 400,000,000]

B-Class Gang [REWARD: 300,000,000]

C-Class Gang [REWARD: 200,000,000]

E-Class Gang [REWARD: 100,000,000]

F-Class Gang [REWARD: 50,000,000]

SLACKER GANG [REWARD 50,000]

-------------------------------------------------

"Ang laki ng reward" wika ko. ang yaman talaga ng school na to.

"oo nga, teka paano makukuha ang reward?" tanong naman ni Nice.

"sa bangko. don't worry ite-text kayo n'yan pag nakadeposit na ang reward sa inyo" sabi naman ni sensei.

"tulad nito?" bigla namang sabi ni Razor nang ipinakita niya ang message sa phone niya kaya tiningnan kaagad namin.

--------------------------

From: ACADEMY BANK

TO "THE UNWANTED GANG (THUG)" MEMBERS:

CONGRATULATIONS!

YOU DEFEATED A 1 F-CLASS GANG AND 3 SLACKER GANGS!

50,150,000 will be deposit in your account.

--------------------------

Wait?! totoo ba talaga to?!

"mayaman na tayo?!" sigaw ko. 50,150,000 kaagad?!

"mukha nga" wika naman ni Razor. ang lima naman ay tulala pa.

"ang sipag ah!" manghang sabi ni sensei. "ilang araw palang kayo rito pero may napatumba na kaagad kayo. haha" she added.

"akalain mo 'yun, may pakinabang yung pagbugbug natin sa mga mokong na yun? haha" natatawa namang wika ni Maze.

"Chloe, tumunog yung phone mo" wika naman ni Junho.

"oh! sorry! di ko napansin" at agad na kinuha ang phone ko sa bulsa. di ko napansin ang vibration ng phone ko, ang saya ko kasi dahil nakajackpot kami sa mga gang na nangrecruit sakin nung isang araw. hehe

binuksan ko ang phone ko. himala may nagtext sakin.

-------------------------

FROM: 0909*******

Hi Chloe!

Chase to, save mo number ko ha?

-------------------------

Napangiti ako bigla. nakakatuwa talaga 'tong si Chase. di ako makapaniwala na kasama siya sa Dragon Knight Gang. napakafriendly niya, unlike sa mga kasamahan niya, napakasungit.

"oy kinikilig si Chloe oh!" kantyaw ni Nice at agad na hinablot ang phone ko.

"aba! may textmate! Chase daw ang name oh!" wika ni Nice habang natatawa itong binabasa ang message sa phone ko.

"hoy! bakla ka talaga! wag kang makealam sa phone ng iba!" sigaw ko kay Nice sabay hablot ng phone ko. pero napansin ko kaagad na kami lang ata dalawa ni Nice ang nag-ingay.

"oy! ba't ganyan hitsura niyo?" tanong ko sa limang lalaki at kay Sensei.

"haha! napakagwapo ko na ba talaga para ikatulala niyo?" sabat naman ni Nice kaya binatukan ko.

"Chloe give me that phone!" sabay hablot ni sensei sa phone ko.

"This is not him right?" tanong kaagad ni sensei.

"ha? si Chase ba tinutukoy mo?" balik kong tanong sa kanya.

"this guy, he is not the real.." wika naman ni sensei at itinuro ang poster at nagsalita ulit "he is not the real CHASE CLIFFORD WADSWORTH of Dragon Knight Gang, right?" nangunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Of course, he's the real one!" I said. lahat naman sila ay di makapaniwala. I understand what they feel kahit ako rin mismo ay di makapaniwala. kung sabihin ko kayang nakita na ako ni Chase na nakabra lang sa harap niya? di lang yun pati na kay Neru at Pain? ano kaya ang magiging reaction nila?

"grabe ka Chloe, magkakilala pala kayo! pahingi ng number ni Chase!" masiglang wika naman ni Sensei at inilabas yung phone niya.

"ikaw bahala" sabi ko na lang. may kalandian palang tinataglay ang batang teacher na to.

"Di namin alam yun Chloe! saan kayo nagkakilala?"-Nice

"Belong siya sa strongest Gang paano siya nahumaling sayo?"-Blizard

"Chloe, mapanganib ang taong yun. mag-ingat ka sa kanya"- Junho

"Shit Chloe! hamunin natin ng away! ang laki ng patong sa ulo!"-Maze

"teka! mahina ang kalaban!" irita kong wika. grabe sila makatanong, talo pa ang chismosa sa kanila.

"mamaya ko na muna kayo sasagutin sa mga walang kwenta niyong tanong, punta muna ako sa restroom" at tumalikod agad sa kanila dahil gusto ko munang palamigin ang mga utak nila. mga atat eh at isa pa kanina ko pa pinipigilan to. naiihi na talaga ako. kahit papano tao parin ako.

Nasa loob na ako ng restroom at pumasok sa isang cubicle. inangat ko ang skirt ko at ihuhubad ko na sana ang leggings ng biglang bumukas ang cubicle at bumungad ang isang lalaki at gulat itong napatingin sakin. shocks! nalimutan kong i-lock!!

Sisigaw na sana ako ng biglang tinakpan ng lalaki ang bibig ko at inilock ang cubicle.

"shhh. just shut up for a moment!" he whispered habang hinahabol ang hininga niya. mukhang galing siya sa takbuhan. pero! juice ko! muntikan na talaga! isinuot ko ng maayos ang leggings at skirt ko at sinubukan kong tanggalin yung kamay niya.

"wag sabing makulit!" he said behind my left ear at iginapos niya ang dalawang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay.

"hoy! nakita niyo?"

"wala boss!"

"bullshit! hanapin niyo! bago makatakas 'yun!"

"o-opo boss!"

Rinig na rinig ko ang boses ng mga kalalakihan sa labas. sila ata ang tinataguan ng isang to. ba't dinamay niya pa 'ko?! shit! ihing-ihi na ako!

"hmmmm...mmmm!" pagi-ingay ko, di ko na talaga kaya to!

"shut up!" he whispered again pero di parin ako tumigil. ihing-ihi na ako promise!

"ang kulit mo!" he angrily said at binitawan niya 'ko, mukhang di na nakatiis sa kakulitan ko.

"shit ka! umalis ka dito!" mahina kong sabi sa lalaki. kahit papano ayokong mahuli ang lalaking 'to at baka magpatayan pa sila dito sa restroom which is made-delay ang pag-ihi ko.

"tahimik ka mun---" di niya natapos ang sasabihin ng mapansin niya kung sino ako. napalitan ng pagkagulat ang mukha niya habang nakatingin siya sakin. pero bigla na lang itong ngumisi at sabay sabing "we met again, transferee"

"don't tell me are you..." na surpresa ako kung sino ang lalaki, so far siya pa lang ang napuruhan ko sa laban dito sa Academy.

"yes, the one you stab at the entrance exam, Daimon Black"

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top