Chapter 12: Rambulan sa Cafeteria ♚
DRAGON KNIGHT GANG
♚•♘•ⓓⓚⓖ•♘•♚
Dedicated to blacklips_13 hehe. Na-inspire ako dahil sa kanya :D flood votes at comments niya. I really appreciate it. 😆
♦♦♦ ❇ ♦♦♦ ❇ ♦♦♦
Chloe POV
Inhale!
Exhale!
Ba't ang init ng paligid? May tinatago kayang kapangyarihan ang lalaking nasa harapan ko ngayon? Tsaka inaapoy na ako ng awkwardness!
Ano ba ang gagawin ko? Magpanggap na mahimatay para makaiwas sa ganito ka-awkward na sitwasyon? Paano kung gahasain niya ako habang nagpapanggap na nahimatay?! Waah! Ayoko na! Tatakbo na lang ako papuntang bintana at tumalon na parang ninja! Pero suicide 'yon! Ayoko pang mamatay dahil sa sarili kong katangahan! Kung tatakbo man lang ako ay dapat sa pintuan na lang mismo ako tutungo pero paano kung harangan niya ako at bigla na naman niya akong yayakapin? Kyaah! Kinikilig ako!
I slap my face. Medyo nagulat naman si Flame sa ginawa ko.
Damn! Erase yung kilig! Paano kung mawawalan ako ng dugo dahil sa higpit ng yakap niya? Posible ba 'yon? I nodded while thinking ngunit bigla na naman akong bumalik sa realidad. Ano na naman 'tong iniisip ko! Ba't pinagpapantasyahan ko na naman siya?!
"Hoy!" Napalingon ako kay Flame ng tinawag niya ako. "Alam mo ba itong pinasok mo ha?" he annoyingly asked.
"Tanong mo kay manong google." I said while avoiding his gaze. Ano bang klaseng sagot 'yan Chloe? Naghuhukay ka ba sa sarili mong libingan?
Di ko rin naman alam kung ano talaga ang isasagot ko sa katanungan niya. Kung alam ko pa lang sa simula kung anong pinasok ko eh di sana nasa mabuting kalagayan ako ngayon.
"Kumain ka na ba?" Pag-iiba n'ya ng usapan.
"Kita mo ngang kinain ko ang kamay ni Chase di 'ba?" I answered. Oh geez! Di mapreno bibig ko!!
"Ipag-slice ulit kita ng apple." Ba't ang bait niya ngayon?
"Wag na, baka makain ko lang 'yang kamay mo." Putek! Why my mouth and my brain contradicting each other?! Oh! Juice ko! Di na siguro ako makakakita ng araw bukas. Chloe! juice mariosep!
Buti nakatalikod ako sa kanya, kun'di makikita ko 'yong mata n'yang nanglilisik sa galit!
Ilang minuto na ang nakalipas ay di na siya nagsalita pa. Galit na galit ata siya at kasalanan ko. Nagtatanong ng maayos ang tao pero binara ko lang.
"Umm. Sorry." I apologize at lilingon na sana ako sa kanya nang bigla na lang siyang lumabas at malakas na isinira ang pinto.
Gulp. I'm dead! He's angry!
Paano ba 'to? Susundan siya o hihintayin na humupa ang galit niya?
Chloe, ano ka ba? Nakakalayo na 'yong tao! Baka mahuli na ang lahat!
"Wait!" I shouted hoping that Flame will heard me. Hinablot ko ang naka-inject na dextrose sa akin at bumaba ng higaan. I need to apologize to him! I'm a bit rude to him earlier even though he was the one who save me.
Lumabas kaagad ako ng silid. Nabihisan na ako ng bagong damit. I am now wearing a white dress.
"Wait!" I shouted to Flame nang matanaw ko siya sa di kalayuan ngunit mabilis itong naglakad palayo kaya malabong maaabutan ko pa siya.
Saan ba siya pupunta?
Bigla siyang lumiko kaya I have no choice but run.
Nilalamig ang paa ko dahil wala akong suot na sapatos o sandal. Di ko mahanap ang sapatos ko. Tsaka nagmamadali ako kaya wala na akong panahon para maghanap.
Saan na ba 'yon? Ang bilis naman niyang mawala! Ninja ba siya?
I ran without looking in front kaya may nabangga ako.
"Ouch!" Napasigaw ako sa sakit nang matumba ako at ang pwet mismo ang na-unang bumagsak sa sahig. Napahawak na lamang ako sa pwet ko at mabilis na tinulungan ang taong binangga ko.
"Sorry miss, okay ka lang ba?" I asked with apology but she face me without emotion.
"Ayos lang" malamig niyang wika.
"Sorry talaga." Paghingi ko ulit ng paumanhin. Mabilis ko namang sinilip ang dulo ng hallway pero di ko na makita pa ang anino ni Brown eyes.
"Hala! Naku. Nawala na talaga siya!" Natataranta kong wika.
Aalis na sana ako pero hinablot bigla ng babae ang laylayan ng bistida ko.
"Ano 'yon?" taka kong tanong at nilingon siya.
"Si Flame ba ang hinahanap mo?" Flame? Mukhang pamilyar ang pangalan. Teka, wait! That's right, si Brown Eyes ay si Flame!
"Ah, oo miss, hinahanap ko nga si Flame."
"Halika, sumama ka sa'kin." Aniya at hinila niya ako sa kung saan. Nakarating kami sa loob cafeteria. Anong gagawin namin dito?
"Hoy Manong Kalbo!" sigaw ng babae sa nagbabantay na matandang lalaki dito sa Cafeteria. Ang harsh niya kay manong.
"Ano na naman Bitch?!" Aba! lumalaban si manong! Ibang klase talaga ang mga tao dito.
Ba't walang manners and right conduct ang mga tao dito? Di siguro tatagal ay mahahawa na ako sa kanila.
"Saan ba si King tanda?!" Sigaw ng babae. Lumayo na lamang ako sa dalawang nag-uusap. Katakot din tong isa kung magtanong, buti di niya ako sinigawan kanina no'ng nabangga ko siya kanina.
"Sa loob! Wag kang istorbo at baka mabugbog kita!" Aray ko po. Lakas ng tama ng mga tao dito.
"Hehe. Manong pasensya na po. Aalis na lang po kami." paghingi ko ng paumanhin kay manong.
"Aba! Tama lang na lumayas kayo dito at baka matusok ko kayo ng tinidor ng wala sa oras." Pakiramdam ko ay nasampal ako ng wala sa oras. Wooh! Patience please! Papatulan ko na 'tong kalbong to, eh!
"Anong sabi mo tanda?! Ulitin mo 'yong sinabi mo at ipapakain ko 'tong baril ko sayo!"
Anak ng tuta! Isa pa 'tong babaeng 'to! Naglabas talaga ng baril! Juice colored! Hihimatayin ata ako ng wala sa oras.
"Umalis kayo dito mga bakekang at baka mangudngud ko 'yang mga mukha n'yo sa sahig!"
Nagpantig bigla ang tenga ko. Ano raw? Bakekang? Damn! Sakit sa tenga 'yon ah!
Di na ako makapagpigil pa at lumapit sa counter area ng cafeteria at nilapit ang mukha ko kay Manong panot.
"Lumabas ka nga ditong matandang hukluban!" sabay taas ng sleeves ng damit ko at inilabas ang braso ko.
"Dito tayo magtutuos! Nangangalaiti na akong ihampas sayo ang vacuum cleaner na 'to!" sabay kuha ng vacuum sa tabi ko.
Wala na! Lumabas na talaga ang totoo kong kulay.
Takte! Manong did a good job to lit the fire inside of me. I can't wait to make him bald even more!
"Aba! ang tapang mo ah!" Mabilis na lumabas si Manong sa counter area at nakahanda nang atakihin ako.
"Wag niyo akong alisin sa eksena!" Sigaw ng kasama kong babae. Mabilis niyang sinipa si Manong pero nakailag ito.
Tsk! Ang bilis parin ni manong sa kabila ng katandaan niya! Ngunit di ako papahuli! Hahampasin ko na sana si Manong ng vacuum cleaner pero...
"Aray!" I shouted in pain.
Tanga ko talaga! May sugat pa pala ako sa kamay. Crap! Ang sakit!
Nakabungisngis namang napatingin sa kamay ko si Manong. Mas nadagdagan ang angry veins ko.
Akala niya siguro na papatalo ako ng gano'n gano'n na lang. Kaya ko 'to!Fighting only with my bare hands makes me a true warrior!
Mabilis kong sinuntok si Manong sa sikmura nang mapansin kong na-caught off guard siya dahil naka-focus siya sa atake ni— sino nga pala 'tong babaeng kasama ko? Ay ewan, mamaya ko na aalahanin 'yan.
Namilipit naman sa sakit si manong sa suntok ko pero ilang segundo lamang ay naka-recover kaagad ito, sisipain niya na sana ako ngunit mabilis akong yumuko para ilagan ang atake niya.
Sinipa ko ang nakatukod n'yang kaliwang paa kaya ayon natumba, pero di pa 'yon natapos kasi di parin sumusuko si manong. Nagbasagan ang mga glass at nagkalat ang mga sirang upuan at lamesa.
"Aray! manong panot!!" I shouted in pain. Kasi naman pinisil niya ang sugat ko sa likod! Ang daya! Paano niya nalaman na may sugat ako sa likod?!
"Di ka parin ba susuko tanda?!" Sigaw ng babae at hingal na hingal na siya. Oo nga, kailan pa siya susuko?
"Hoy bata! Kung makikipag-away ka sa'kin dapat ay naka-sandal o sapatos ka man lang. Tingnan mo ang sahig ng shop ko, puro dugo mula sa paa mo! Ibang klase, di mo man lang ba napansin?"
Argh! Tama nga siya, nagkalat 'yong dugo sa sahig. Di ko namalayan na nasugatan na pala ako ng bubog mula sa nabasag na glass wall ng shop.
"Care to explain what's happening here?" Tanong ng lalaking kanina ko pa hinahanap. Lumabas siya mula sa kusina ng cafeteria at may suot pa itong apron.
Napatakip ako ng bibig ko at sinusubukang di maglaway sa nakita.
Di nagtagal ay nagtagpo ang mga mata namin. Nagulat naman siya nang makita ako at ngumiti lamang ako ng mapakla sa kaniya.
"What is she doing here?" he asked with a threat in his voice. Galit siya, I'm sure of it!
"Sino po master? Siya ba?" tanong ni manong sabay turo sa akin. Medyo namutla naman si manong sa ipinapakitang masamang tingin ni Brown Eyes.
Takot din pala siya kay Flame. Good, I'm not alone!
"OO, ALAM MO BANG MAGPAPAGALING DAPAT 'YAN NGAYON SA CLINIC?!" He shouted at the poor old man.
Shit! Why I am trembling? Speechless naman ang katabi kong babae. Pakiramdam ko ay nanglalamig kaming tatlo sa kaba at takot.
I gathered some courage first and took a deep breathe before I open my mouth to talk, "Wait, let me explain. Sinundan kita dito kaya wag kang magalit kay manong."
"Save it." Malamig niyang wika at lumabas mula sa counter area kaya bumungad sa kanya ang mga kalat namin sa sahig.
"Anong nangyari dito at bakit puro dugo ang sahig?" Tanong bigla ni Brown Eyes. Mas dumilim ang kulay ng mukha niya kumpara kanina.
Napayuko naman ako bigla nang lingunin ako ni Brown Eyes. "Sabihin mo nga ang totoo, nakisali ka ba sa away nila?"
Dun! Dun! Dun!
"Tompak! Nakisali ako! Tsaka ako pa ang unang naghamon ng away! Isn't that great?!"
Like hell I would say that?!
"Ah, eh," napapakamot pa ako ng ulo ko habang nag-iisip sa palusot ko, "Naglalaro lang naman kami eh. Don't worry! I'm born to be a warrior!"
Dinaan ko na lamang sa tawa ang palusot ko. Yeah, napaka-convincing n'yan Chloe. Kahit kailan ang tanga ko!
"Damn! Don't fool around!" Galit na sabi ni Brown eyes. Mabilis niyang hinubad ang suot niyang apron at bigla siyang lumapit sa akin at binuhat ako.
"Ba't mo pa kailangang buhatin ako, kaya ko namang maglakad, ah?" Gulat kong tanong. Ngunit di niya pinansin ang tanong ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Sinisigurado talagang di ako makakatakas.
"Mitch!" He turned to the girl which is nakasabay kong nakipagrambolan kanina.
Mitch pala ang name niya, close ba silang dalawa?
"Pakidala ng food na nasa kitchen sa clinic." Malamig niyang utos at nagsimula na s'yang maglakad.
"Mitch! Rambulan tayo next time!" I shouted at Mitch. Nakangisi namang lumingon si Mitch sa akin at sabay thumbs up, pagkatapos ay pumasok kaagad siya sa loob ng kitchen.
After I said those words at Mitch, I just noticed something strange. Parang may laser beam akong na se-sense at walang awang tinutunaw ako.
Napalingon ako kay Flame. I gulped many times. He's not angry, right?
Napayuko lamang ako at idinikit ang dalawa kong hintuturo na parang bata.
Come to think of it. He's carrying me in his arms! I can't help but blush.
"Sorry nga pala kanina." I whispered while trying to hide my red cheeks. Sana narinig niya.
"Save it. Magtutuos pa tayo pagdating sa clinic. "
Goodness! Anong gagawin niya sa'kin pagdating namin sa clinic? Paparusahan niya ako sa anong paraan? I could imagine those things that might happen.
Sana ihagis niya na lang ako sa bintana para di na niya ako makikitang nagmumukhang kamatis sa pula! Ano ba tong iniisip ko!
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko, pero bakit nakipaghabulan din ang kanya? Wala namang racing tournament, ah?
To Be Continued.
~💣 ~💣 ~ ⓓⓚⓖ ~ 💣 ~ 💣 ~
A/N: Enjoy Reading!
ⓓ Flood Votes = Dedication (my thank you gift)
ⓚ Don't forget to comment!
Your comments is the best medicine for writers! 😉
ⓖ Thanks for adding this story to your reading list.
✘✘ laarnikuroko18 ✘✘
~💣 ~💣 ~ ⓓⓚⓖ ~ 💣 ~ 💣 ~
Vote🔫
Comment🔫
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top