III. That's Him
Gecel's Supermarket
Dublin, Ireland
Ang Gecel's Supermarket ay nasa ikatatlumpung palapag ng Clifford Building na mayroong isandaang palapag. Ayon sa sabi-sabi, kaya raw dito inilagay ang naturang supermarket e para hindi gaanong dayuhin ng mga tao ito. Dito raw kasi madalas namimili ang Irish celebrities para 'di gaanong dumugin ng mga tao. Sino nga naman ang sisipagin na akyatin pa ang supermarket na nasa ganito kataas na palapag kung marami naman diyang pamilihan na pagkababa mo agad ng sasakyan ay makakapasok ka na.
Ivy
Nasa Beverage section kami ngayon ng friendship kong si Shirley. Kumukuha kami ng ilang boxes ng tetra pack juices nang bigla niyang yugyugin ang balikat ko.
"Ivy!"
"Wui, napapaano ka?" tanong ko sa kaibigan kong nakatingin sa isang dako.
Hindi pa rin siya sumagot kaya nilingon ko na lang ang lugar na tinitingnan niya.
Parang nabato ako sa kinatatayuan ko at halos mabitiwan ko ang tetra juice na hawak ko dahil sa aking nakita.
Hindi ako puwedeng magkamali.
Si Mark Feehily ng Westlife iyon!
"Tara na, mukhang pipila na siya para magbayad!" Hinigit na ni Shirley 'yung push cart namin papunta sa counter 3 kung nasaan si Mark.
Mabuti na lamang at wala pang nakapila sa likod ni Mark kaya kami ang kasunod niya. May dala-dala siyang isang pack ng loaf bread at one gallon ng mineral water.
"M-Mark Feehily?" lakas loob kong tinanong sa taong sinusundan namin.
Agad siyang lumingon sa aming puwesto at kanya akong tiningnan.
Grabe, napakaguwapo niya talaga.
Oh my gosh.
Inay, itay. Pakihanda na ang traje de boda ni inang na ipinamana sa akin. I'm getting married!
Char!
"Hi!" Ngumiti si Mark nang pagkatamis-tamis sa akin.
Napatulala lamang ako at wala akong naisagot.
Hinampas ako ni Shirley sa balikat para bumalik ako sa tamang pag-iisip.
"Girl! Gising! Pa-picture ka dali. Picturan ko kayo," sabi ni Shirley na may hinahalungkat sa bag. Mayamaya pa ay hawak na niya ang DSLR camera.
"Ahh. O-okay." Bumaling akong muli kay Mark para kausapin ko siya. "Mark, can we have one picture?"
Without hesitation, sumagot siya.
"Of course, yes."
Wala na akong sinayang na sandali at nagpa-picture na ako sa aking idolo.
OMG. Dream come true!
Natapos na kaming mag-picture ni Mark at pigil kaming kinilig ni Shirley.
Mayamaya, may tumawag sa aking kaibigan.
"Hello 'Ma? Ma? H-huh? Okay, okay. I'll be there in a bit." Taranta niyang ibinaba ang tawag pagkatapos.
"I have to go."
"B-bakit?" tanong ko.
"Emergency. Basta. I'll keep in touch with you later. I really just need to go now." Nagmadali na siyang umalis.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tanawin ang pagkaripas ng takbo ni Shirley palabas ng supermarket.
"Are you okay?"
Si Mark.
Oh my gosh!
"Not much. I'm a bit worried about my friend. It seems like she has an emergency," may pag-aalala kong sabi.
"So sorry to hear that. Teka, parang marami yata 'yang bibilhin mo. You go first," ani Mark.
"N-no. I'm good." Kahit sa loob-loob ko ay namomroblema na nga ako kung paano ko ito mailalabas ng supermarket.
Kinuha ni Mark ang push cart ko at idinulog sa counter. Siya na pala ang kasunod.
Isinantabi niya muna ang bibilhin niya at isa-isang inilagay sa counter ang mga babayaran ko.
OMG. Husband material. Enebeeeeee.
Medyo natuwa ako nang lihim sa pag-alis ni Shirley pero siyempre, lamang pa rin 'yung pag-aalala.
Ano kaya'ng nangyari do'n?
Nai-scan na lahat ng pinamili ko at akto kong babayaran ang mga ito nang mag-abot si Mark ng card.
"Hey Mark?!" tangka kong pagpigil kay ultimate crush.
"It's all on me." Nakangiting sabi niya sa akin.
Haaaaaaaaaaayyyyyyy.
Mark naman, enebe!!!!!
Mahihimatay na ba ako?
Okay... in 3, 2, 1..
Charot lang siyempre.
I still remained composed pero deep inside, gusto ko nang tumalon sa sobrang kilig.
Habang ikinakahon ang mga pinamili ko ay binayaran naman ni Mark ang pinamili niya.
"Hey, Mark. Thank you so much! I appreciate your concern."
Kinuha ko na ang kahon at dalawang shopping bag na puno ng aking mga pinamili at aktong maglalakad paalis ng supermarket nang ma-realize kong..
Sobrang bigat ng dala ko..
OMG.
Hindi ako puwedeng mapahiya sa harap ni Mark.
Kunwari kaya ko.
Kunwari 'di ako nabibigatan.
Nakakalimang hakbang pa lamang ako nang ibinaba ko ang mga bitbit ko.
I give up.
Mabigat talaga.
Sandali akong nagpahinga at tangka na bubuhating muli ang mga pinamili ko nang makita ko si Mark na nagbuhat ng kahon na dapat ay kukuhanin ko.
"M-Mark? You don't have to do this."
"Pababa rin ako, miss. Tulungan na kita. Do you have a car?" tanong ni Mark.
"Y-yes."
"Great! Okay, sasamahan na kita hanggang sa car mo. That's the least thing I can do," nakangiting sabi ni Mark sakin.
Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag.
OMG. Mark Feehily na ang nag-o-offer, tatanggi pa ba ako? Chance ko na ito!
Pumunta na kami sa may elevator at nag-abang kami nang magbukas ang elevator number 3. Pumasok na kami roon at pinindot ni Mark ang GF which means ground floor.
Sana all, GF. Ako kaya, kailan mo magiging gf?
Char.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top