I. Ang Umpisa

Bata pa lamang si Ivy Dominguez ay pinangarap na niya ang ma-meet ang matagal na niyang pinapangarap na si Mark Feehily. Miyembro ito ng boyband na kanyang hinahangaan — ang Westlife.

Oo, sa murang edad pa lamang ay nagkaroon na siya ng pagkagusto sa binata na sampung taon ang agwat sa kanya.

Meet Ivy, isang dalawampu at tatlong taong gulang na Pilipina na may tangkad na 5"3, balingkinitan ang katawan, may maamong mukha, itim na itim na buhok na hanggang beywang at mapupungay na mga mata.

Dahil sa sidhi ng kanyang pangarap na makita ang iniidolo ay nag-apply siya ng trabaho bilang office staff sa isang marketing firm sa Dublin, Ireland kung saan nakatira si Mark.

Subalit, sa kabila man ng pagtira niya rito ay tila ba napakailap ng kapalaran dahil sa tatlong taon niyang pananatili rito, ni isang beses ay 'di pa niya nakikita maging anino ng matagal nang iniidolo.

Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin ni Ivy ang pagtatrabaho sa Dublin sa kabila ng pagiging sawi na makita si Mark. Sa tiyaga niya sa pagtatrabaho ay na-promote siya bilang Assistant Marketing Head sa kanyang  pinagtatrabahuhan.

Meet Mark Feehily, 33-anyos na binata na miyembro ng sikat na bandang Westlife. Siya ay tinaguriang male diva ng boyband dahil sa taas ng kanyang boses. Bukod pa roon ay nahirang siya bilang Most Handsome Boyband Member in Europe dahil sa taglay nitong kaguwapuhan. May mapupungay na asul na mga mata, matangos na ilong, mapupulang pisngi at kissable lips. Kinahuhumalingan siya ng kababaihan sa alinmang panig ng mundo dahil sa kaakit-akit at napakaguwapo nitong mukha na hindi nakakasawang pagmasdan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top