Chapter 7

Running away tonight from Yohan brought me back on the night I ran away from him alone were we ended up fighting at the dog pound which I first met Cherry’s dad. And now, I’m running away with him.

I can’t help but feel amused at how street smart he is. Alam niya ang bawat pasikot-sikot dito sa downtown para makalayo kami sa highway. Para tuloy siyang si Aladdin minus the monkey part.

Paano niya kaya mauutakan si Yohan, e magaling din ‘yon sa daan at may access pa sa mga CCTV?

Kung magbibike, malayo-layo talaga ang apartment ko mula sa sports complex lalo ma siguro kung takbo-lakad lang. Kalahating oras na rin ang adventure namin at pinagpapawisan na ako. Humihinto lang kami sa tuwing hinihingal at babalik ulit sa paglakad-takbo kung may naiipon ng hangin.

Ang ikinabahala ko lang ay nang mapadaan kami sa isang estero na sobrang kipot ng daan. Masangsang pa ang amoy kaya inayos ko talaga ang paglalakad para maiwasang mahulog. Habang ang kasama ko ay parang wala lang. Tuloy-tuloy lang ang kanyang paglalakad hanggang sa makaabot na siya sa dulo at ako’y nasa gitna pa. I should’ve just face Yohan than getting drowned on this polluted water.

“Eww...” iyak ko nang makatapak ng dumi ng aso. The smell was utterly disgusting and had the audacity to penetrate inside my nose. “Ayoko na!” I announced while wiping tears on my face. How dare this dog poop make me cry?!

When Cherry’s dad felt that I was not able to catch up with him, he turned his back to look for me. “And‘yan ka pa?” hindi makapaniwalang tanong niya at kinumpas ang kamay para papuntahin ako sa kanya. “Bilisan mo!”

“I stepped on a poop!” anunsyo ko. Nakakunot ang noo niya, halatang hindi naintindihan ang sinabi ko.

“Ha?” he mouthed.

“I stepped on a poop!” I repeated what I said earlier, this time a little louder.

“Eh ano naman ngayon?” saad niya habang naglalakad pabalik sa akin, nanatiling nakakunot ang noo.

He made it as if it’s not a big deal for him to step on a dog’s poop. Porke’t sanay siya ay i-invalidate niya ang feelings ko?

I can’t help but feel rage at his remark. Actually, this is all his fault! Kung sana ay hinuli niya lahat ang mga stray dogs at nilagay sa dog pound, my shoes and nose will never suffer from the disgusting poop.

“FYI, I bought these shoes for twenty thousand and first time ko pa lang ‘to sinuot.” I told him. He slightly stilled for a moment before he looked down to my shoes.

He heaved a tiring sigh. “Wala akong twenty thousand para pambayad sa sapatos po pero pwede muna kitang pahiramin nitong sapatos na suot ko.”

I did not expect him to say something like that. Akala ko ay may sasabihin na naman siyang hindi maganda sa akin. I am even more surprised when he started to take off his shoes and socks leaving him barefooted.

Inilagay niya sa tabi ko ang sapatos at lumuhod para tanggalin ang sapatos ko. “Ako na!” protesta ko nang hawakan niya ang binti ko.

“S-sige...” sagot niya at inilayo ang kamay sa akin.

Nang tanggalin ko ang kanang sapatos ko ay isinuot ko naman ang kanang sapatos niya. Ganoon din ang ginawa ko kaliwa.

“Please tell me that your feet are odor free.” I closed my eyes and hoped that he’ll answer a yes.

“Oo, hindi mabaho ang paa ko at hindi rin nagpapawis. May suot din akong medyas kaya safe ang paa mo. Kung aarte ka pa, wala na akong ibang magagawa.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinagot niya. Pinulot niya ang sapatos ko pero pinigilan ko siya. “You can leave that there ‘cause I won’t wear that smelly shoes again.”

He blinked a few times and stared at me dumbfoundingly. “Nakatapak lang ng dog poop, itatapon mo na? Twenty thousand ‘to?”

“Yeah...” I said, unbothered about his comment. “Do you expect me to wash that stinky shoes?”

“Sabagay... mukha ka namang maraming pera. Madali mo lang palitan ang  bagay na itatapon mo kahit na pwede pang pakinabangan.” he said a matter of factly and started to walk.

He did not lie though. I can buy anything I want without minding how much I spent and I can throw them easily if I don’t feel like using them.

Basing on how he reacted, I see that he’s a thrifty person and he values things. Maybe because of poverty? I made a mental note na dadagdagan ko nalang ang ibibigay sa kanya mamaya.

Napatakbo ako ng mapagtanto na tatlong metro na pala ang layo niya mula sa akin. Ang bilis niyang maglakad kahit walang sapin sa paa! Medyo maluwag ang sapatos niya pero hinigpitan ko ng tali ang sintas kaya komportable naman kahit papaano.

Habang naglalakad ay napalook-up ako sa kalangitan. The sky is all painted in black while the perfectly scattered stars shined individually. Darkness will not prevail if you have the confidence to shine even if it’s just a faint shine. But sometimes, when you’re surrounded by darkness it might consume you when you’re not brave enough to fight or run away from it. Running away from darkness is not about being a coward; it can be a self defense to protect yourself from being devoured from it. And that’s what I did. I run away from the darkness I suffered in Crossweed City and found a hope that I’ll shine here in Milea Bay.

“Hey...?” my heart jumped from surprise when I heard him talk. “Kanina pa kita kinakausap pero nakatingin ka lang sa langit.” he informed me. Ngumiti lang ako ng pilit sakanya.

“Nakakabighani kasi ‘yong mga bituin,” sagot ko nalang.

Pansin kong medyo umiingay ang paligid kaya pinasadahan ko ng tingin kung nasaan kami ngayon. Nasa tapat pala kami ng isang BPO company kaya may mga BBQhan at karenderia sa harap nito kung nasaan kami.

Sasabihin ko sana sakanya na napapalayo na kami sa apartment ko pero naunahan niya ako.

“Gusto mong kumain?” tanong niya kaya napalingo-lingo ako. Hindi ako sanay na kumain sa tabi-tabi at may narinig ako na hindi raw hygienic ang mga ganitong kainan.

“Hindi ako kumakain sa ganitong lugar. Ikaw ba?” balik kong tanong sa kanya at hindi sinadyang mapatingin sa kanyang paa. Medyo nadudumihan na ito at namumula. Baka pa nga’y may gasgas na ang paanan niya.

Tumango siya bago sumagot. “Pwede bang kumain muna ako bago kita ihatid sa inyo? Mabilis lang din akong kumain.”

Hindi na ako umangal at hinayaan siya sa gusto niya. Naintindihan ko naman kung bakit siya nagutom.

Bago siya lumapit sa BBQhan ay inilagay niya muna sa isang tabi ang sapatos ko na hindi makikita ng tao.

“Limang barbecue po at dalawang serve ng rice.” Narinig ko ang pag-order niya habang naka-upo sa isang plastic stool na pinaglumaan na ng panahon.

Habang kumakain siya ay nag-phone lang ako. I was taking selfies and was about to post it as an Instagram story when I remembered why I got here on this place. Tinatakbuhan ko pala si Yohan.

“I will never run away with you again,” I blurted out in front of Cherry’s dad. Natigil ang pagkagat niya ng barbecue at napaangat ang tingin sa akin. Ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang pagkain niya.

An amused smile crept on my lips when I realized he was eating with his left hand wrapped with plastic. This is my first time accompanying and watching someone to eat. A few people tried to ask me out to eat but most of the time, I refuse them as I don’t find eating alone lonely. It never crossed my mind that watching someone eating is fun.

His forehead glistened with sweat making the hair near his forehead to get wet. I was about to tell him to wipe his sweat before it will drop on his food but I decided not to. The way his forehead glistened doesn't feel icky at all. Rather, he looked cool with it like an actor shooting for a barbecue commercial.

***

“I don’t have my card with me!” I said bitterly after I checked my wallet. Mga coupons lang ang laman nito at wala kahit ni isang bill. “I’ll just pay you at my apartment,” saad ko na lamang para hindi mapahiya sa kanya. Sana lang ay may nakatago akong cash doon.

“Puwede rin namang magtransfer ng money online ‘di ba?” tanong niya habang may pinipindot sa phone niya. “May GCash ako. Ikaw?”

Naningkit ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Akala ko ba hindi siya interesado sa perang ibibigay ko?

“Wala akong valid ID,” sagot ko. Sa katunayan ay may passport ako pero dahil sa mga pangyayari sa buhay ko ay hindi ko na naisipan pang i-renew iyon. Besides, I don’t have any plans to go to another country.

“Puwede rin namang online bank transfer?” he suggested, sounding so innocent. Kailangan talaga niya ng pera, no doubt.

Habang binabaybay namin ang daan papauwi sa apartment ko ay kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa tsaka sinubukan itong i-open. “My phone run out of battery.” Pinakita ko pa sakanya ito para maniwala siya.

Hanggang ngayon ay dala niya pa rin ang stinky shoes ko. Iyon nga lang ay nakabalot na ito sa plastic na hiningi niya mula doon sa kinainan niya kanina.

“When someone offers you money, don’t hesitate to accept it unless if you’ll be asked to do something illegal.” I  lectured him. “Tignan mo ang nangyari ngayon kakadecline mo sa offer ko, edi wala ka nakuhang pera agad?” dagdag ko pa.

Narinig ko siyang sumipol na parang pinapalabas lang sa tenga ang sinasabi ko. Siniko ko siya at tinignan ng masama. “Are you even listening?”

“Hindi ko talaga kailangan ang pera mo kasi hindi naman ako pulubi.” pagdadahilan niya tsaka nilagpasan ako. I stared at his back and thought about how his pride won’t just let go. Hindi siya madaling baliin but compared to Yohan, he looks easier to be tamed and get along with.

The way he walks seems unbothered. Halatang sanay siyang maglakad sa ilalim ng gabi at hindi magdadalawang isip na humakbang.

“The money you earn will never be enough. You’re just a worker in the dog pound and I bet your salary is just the minimum wage? The minimum wage which is equal to my meal expenses every meal.” I bragged when I was able to catch up with him. He closed his eyes as if he was so done with me.

“Hanggang saan pa kababa ang tingin mo sakin?” he asked, voice so stern that give me chills down to my spine. Napayakap ako sa sarili ng wala sa oras at tumakbo nalang papalayo. Natapakan ko ata ang pagkatao niya.

“Akala mo hindi ako marunong mag English? I can oy!” I halted when I heard him shout his late joke.

“Ano?” napatawa ako sa pa I can niya na kahit two words lang ay nakuha niya pang gumamit ng accent.

From the moment I met him, my impression of his personality was established as an earnest person, incapable of any humor. Never had I imagined he would do something cringe.

“Wala...” he whispered and won’t look at my way. Halatang kinain siya ng kahihiyan at inunahan ako sa paglalakad.

Matapos ang walang hanggang paglalakad ay nasa area na kami ng apartment ko. Nakaramdam na ako ng pangangalay sa binti at gusto ko nalang tumakbo para makahiga agad.

“We’re here!” anunsyo ko at tinuro ang apartment ko na nababakuran ng swing gate.

Huminto ang paa niya sa paghakbang at tumingala sa building na tinuro ko.

“Mayaman ka nga talaga.” Bakas sa boses niya ang pagkamangha tsaka lumingon sa akin at bumaba ang tingin niya sa paa ko. “Dito nalang ako maghihintay sa labas para maisauli mo ang sapatos ko.”

Out of the blue, he sounded so drained and insecure after he saw where I’m living. Gusto ko siyang tanungin kung gaano ba siya kahirap para makaramdam ng ganoon. Pinigilan ko ang sarili kong sabihin iyon dahil gusto ko pang makita kung ano ang reaction niya kapag nakapasok siya sa apartment ko.

I want to witness how Cherry’s dad flaunt and deal with his human emotions.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top