Chapter 6

Ilang beses na akong paulit-ulit na chinecheck ang bawat sulok ng apartment ko but to no avail, I can’t find the raincoat Cherry’s dad lent to me. Iyong panyo rin ay hindi ko mahagilap.

“Saan ko kaya iyon nailagay?”

Nahagilap ko ang maliit na trashbin sa ilalim ng sink kaya binuksan ko iyon. Nadismaya ako ng wala roon ang hinahanap ko.

Tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng table. Isang mensahe mula sa suki kong laundry shop ang dumating saying I need to pick up my laundry I sent a few days ago. There’s a possibility na naisama ko sa laundry ang panyo at raincoat.

Suot ang isang Adidas white tee at cycling shorts, lumabas na ako ng apartment.

“Magandang gabi ho ma’am,” bati ng may-ari nang makapasok ako sa laundry shop niya. “Mag-pipick up po kayo?”

“Oo, Axis Laurier. Wala na ba ‘yong delivery services niyo?”

“Meron pa ma’am. Baka nakaligtaan niyo pong lagyan ng check ang resibo na delivery pabalik sa inyo ang laundry mo. Dala niyo po ba resibo niyo ma’am?”

Kinapa ko ang cycling shorts ko para sa resibo na sinabi niya pero walang bulsa at tanging phone lang ang dala ko.

“Mukha po ba akong nagdadala ng resibo?” saad ko na lamang. Medyo hindi niya inasahan ang magiging sagot ko sakanya kaya napangisi nalang siya ng hilaw.

Nang inilagay niya sa counter ang laundry ko na nakalagay sa isang clear cellophane ay agad ko itong binuksan para hanapin ang raincoat at panyo. Ano nga bang itsura ng panyo niya?

“Magsasara na ako ng laundry shop ma’am, baka pwedeng pag-uwi niyo nalang tignan ang mga damit ninyo. Nasisiguro ko pong malinis niyan.”

“Saka na ‘pag tapos na ako manong!” Sagot ko habang hindi pa rin tumitigil sa paghahanap. “Badtrip!” Naitapon ko sa sahig ang mga damit ng walang makitang raincoat at panyo.

“Manong, ba’t kulang ‘yong nandito? Nasaan ang raincaot at panyo ko?” Bulyaw ko sakanya at tinuro pa ang mga damit na nasa sahig.

His face gets confused to my question. “Gaya ng dati, ako talaga mismo ang naglalaba ng damit mo ma’am pero wala akong naalalang may raincoat na kasama sa pinalabhan mo,” aniya at isa-isang pinulot ang mga damit na nakakalat sa sahig.

“Bastos!” Sigaw ko ng pulutin niya ang panty ko. “Akin na nga ‘yan!” Inagaw ko sa kanya ang panty at ako na mismo ang pumulot sa iba ko pang mga underwear na nakakalat.

***


Napapatabon ako sa mukha kapag tumatama sa akin ang hininga ng kaklase kong nagsasalita.

“Ang dami talagang babaeng nalilink kay Dr. Jose Rizal, ‘no? Sa tingin ko bagay kay Axis si Josephine Bracken. End game kumbaga,” saad niya na parang walang nagiging uncomfortable sa pagsasalita niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Sino muna si Josephine Bracken?” I asked curiously. This is the first time I heard this woman’s name and I want to know what kind of woman she was before I’ll accept the role. “Baka ale ‘yan ha na binibilhan niya ng lambanog.”

They all looked at me with pure indidference as if I just asked an absurd question. Required bang kilala firsthand si Josephine Bracken?

Lumingon ako sa bintana nang tumama na naman ang hininga ng kaklase ko. There are five of us in the group; one sitting beside me while the three are sitting in front of us. That’s why their breaths directly touch our faces.

“Magandang binibini si Josephine Bracken Ax. Isa siyang Irish at siya ay iniibig ni Dr. Jose Rizal. In short, siya ang leading lady sa play natin. Okay na ba?”

Matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa roleplay ay napagdesisyonan nilang magpractice kami mamaya pagkatapos ng klase.

“6 pm to 9 pm tayo mamaya. Need lang muna natin ayusin ang script tapos script reading. Go ba lahat?”

“Ang lakas ng hininga mo sis. Magbaon ka ng mask mamaya ha?” Remind ko sakanya na ikinagulat niya. Wala siyang ibang sinabi dahil nagkatitigan din ang ibang group members namin.

Ako lang talaga ang may guts para magsabi ng katotohanan. Walang dapat ikatakot kung katotohanan naman ang lalabas sa bibig. It’s for their own good para hindi na mapahiya pa.

6 pm came at katatapos ko lang kumain. Nasa venue na ang mga ka-grupo ko dahil nagsend sila ng picture sa group chat namin. Tonight, I won’t be pedalling my bike because I asked Vice M if she can lend me her car and driver and she said yes.

Nagkaroon din ako ng oras kanina para hanapin ulit ‘yong raincoat at panyo pero wala talaga akong nahanap. Naitapon ko na talaga siguro iyon. I hate to face Cherry’s dad without having those things.

“Good evening, Ma’am Ax!” Bati sa akin ng driver nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ilang minuto lang ang binyahe  at narating na namin ang Milea Bay Sports Complex.

Buhay na buhay ang ilaw sa labas at loob ng sports complex. Marami ring tao ang nakakalat — namamasyal at nag-memeet-up for school purposes. Bukas pa rin ang mga establishments na nakapaligid dito kaya hindi talaga mawawalan ng tao.

Sinabihan ko na ang driver na magpapakuha ako mamayang 9 pm sharp.

“No problem Ma’am. Nasabihan na po ako ni Vice Mayor. Tawagan niyo nalang po ako kung papakuha kayo ng mas maaga pa.”


Hindi ko na hinintay na umalis siya at ako na ang unang tumalikod. Nasabihan na ako ng mga ka-grupo ko kung nasaan sila ngayon. Nasa malapit sa stage daw sila nakatambay.

Pagkapasok ko sa loob ay may iilang tao na nag-aarrange ng mga lightnings at stage na para bang may malaking okasyon na gaganapin. I even saw three of my group members doing something on the stage which I’m sure it’s not related to our roleplay.

Kinawayan ako ng leader namin at pinapapunta ako sa stage. Sunod sunod din ang natanggap ko na messages sa group chat na pumunta na ako roon. Ang nadatnan ko lang na kaklaseng hindi tumutulong ay si Alma na busy sa pagsudulat.

“Hi Ax! Tumulong muna sila habang hinihintay ka namin para mabigyan tayo mamaya ng free snacks,” she said enthusiastically. Pumunit siya ng dalawang pahina sa yellow paper niya at inilapag. “Upo ka muna.”

“What’s the event?” I asked while looking at the busy people.

“A dog show sponsored by the Mayor. It’s an annual event, Ax. ‘Di mo alam?”

“Yeah... sasali ka ba?”

“Nope, wala akong aso e.”

I giggled. Hindi niya ata alam na siya mismo ang tinutukoy ko dahil mukha siyang puppy.

“Tsaka ang mga aso na isasali ay ‘yong nasa dog pound. Flineflex nila ‘yong mga aso sa dog show para may mag-aadopt sakanila.”

A dog show by the dog pound. Perhaps I can catch a glimpse of Cherry’s dad tonight?

After lending a little help, my group members finally came to us to start our discourse. Ang ginawang script nina Alma ay pinabasa sa amin and it was very cheesy and dramatic! Tinignan ko ang kaklase na gaganap as Dr. Jose Rizal and all I can feel is goosebumps. Iniisip ko pa lang ang eksena naming dalawa ay gusto ko nang masuka.

“This won’t do guys,” I shook my head in disapproval and throw the script on the surface. “I can’t be a widow at twenty!”

Disappointment crawled on their faces at my confession. The leader looked at me appealingly. “Ax, please understand na ‘yong ginawa naming script ay nagrereflect sa kung ano ang ginagawa nila dati at kung ano ang nangyari sakanila. We can’t just create a scene that’s out of context.”

“The teacher might make a bad criticism of our performance if desisyon tayo. History cannot be tampered,” a group member added.

“Then where’s the creativity if we’ll just follow? Bakit ba kasi pinag-aaralan natin ang lumang panahon when we’re already in a modern world,” I remarked.

Puro mga buntong hininga ang nakuha kong sagot mula sa kanila. They should’ve atleast think na magkaiba kami ng standards. And mine is way higher than theirs.

“Pinag-aaralan ang nakaraan para hindi makalimutan ng mga katulad mo ang ginawa nilang sakripisyo at para hindi na maulit ang mga pagkakamaling nagawa ng nakaraan.” Boses ng taong minsan ko lang marinig ang sumagot sa akin. For the first time, nakaramdam ako ng hiya dahil napagsabihan sa harap ng ibang tao. Cherry’s dad really has the audacity to put me in shame. What a disrespectful man!

When I turned to see him, his brave self made an eye contact to me for a few seconds until I pulled my sight away from his. Masyadong mabigat ang tingin niya at pinaparamdam sa akin na he’s superior to me. Hell. I’m gonna tame this man and pull him down until he’ll be like his dog who will always follow his boss’ orders. And the boss is me.

Tumikhim ang iilan sa kanila para ibsan ang awkwardness na ginawa ni Cherry’s dad.

“Hello Kuya Mau!” Bati ng leader namin sa kanya with a very friendly smile. Traitor! Sunod na bumati ang iba na nakangiti habang ako lang ang nanatiling tahimik at nakasimangot.

“Eto na pala ‘yong snacks niyo.” Inabot niya ang malaking brown paperbag sa leader. “Salamat pala sa pagtulong at kung meron pang extra snacks, ihahatid ko rito mamaya kasi may kasama pala kayong nakakadrain ng energy,” saad niya at hindi nakaligtaang tignan ako. Papansin.

For the time being that he’s around, I decided to ignore his existence. Bukod sa wala naman akong magandang sasabihin sa kanya ay sama lang ng loob ang makukuha ko kung papansinin ko ang pagpapatama niya sa akin. Sila-sila ang nag-uusap at naging tahimik lang ako sa tabi hanggang sa umalis siya.

“Kain ka muna Ax,” Alma offered me a sandwich and a canned juice.

“I don’t eat relief goods,” I declined.

Alma smiled feebly. “Hindi ‘to relief goods Ax. I mean wala naman tayo sa sakuna, ‘di ba guys?”

Bago sila sumagot ay nagsitinganan pa sila sa isa’t isa tsaka tumango.

Kumagat ng malaki sa sandwich ang leader namin at tinungga ang canned juice. After what she did, she gave me a thumbs up as a sign that the food is safe to eat.

“I can vouch about the safety of the food Ax. Plus, I know Kuya Mau, he won’t put us in trouble. That guy is an angel,” saad niya at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Why can’t they sense that the food isn’t the issue here? It’s Cherry’s dad who keep on insulting me as if he know me for a long time. Ilang beses pa lang kaming nagkita and he can’t judge me by those encounters. Deserve niyang hindi ko ibalik ang panyo at raincoat!

“I’m not eating that alms.” I said with an air of finality.

The group meeting ended exactly at the promised time. As much as I want to revise the script, wala akong nagawa dahil hindi daw talaga pwedeng ibahin. Sana ibang buhay nalang ang pinag-aaralan namin — ‘yong hindi masyadong dramatic ang buhay.

Una akong lumabas sa sports complex nang ideklara ng leader namin na pwede na kaming umuwi. Pagkarating ko sa labas ay wala pa ang sasakyang susundo sa akin. I looked at the time at my phone and it’s 9:10 pm already. Masyado atang makupad si manong?

“Una na kami Ax! Ingat pag-uwi!” Kumaway sa akin si Alma nang dumaan ang mga motor na sinasakyan nila. Wala lang akong sinabi at nanatiling nakatayo hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Napangiti ako ng makita ang pamilyar na sasakyan paparating sa sports complex. Bumusina pa ito nang makahinto sa tapat ko. Hindi ko na hinintay na lumabas si manong para pagbuksan ako. Nagkusa akong lumapit sa shotgun’s seat at binuksan ang pinto.

“Manong ha, you’re ten minutes late. Isusumbong talaga kita kay Vice M. This is not a warning dahil ‘di ‘yon uso sa akin,” sabi ko habang sinusuot ang seat belt. Wala akong narinig na response mula sa kanya kaya napataas ako ng kilay. Hindi ba siya mag-sosorry?

Papagalitan ko na sana si manong kaso ibang tao pala ang nakaupo sa driver’s seat.

“What the fuck?” I uttered in surprise when I saw Yohan’s annoying visage. Dalawang middle finger sa ere ang nakuha ko mula sa kanya. Fuck those slender and long middle fingers!!

“Labas,” utos niya sa magaspang na boses. Bago pa kami magtalo sa loob ng sasakyan at ipamukha niya sa akin na sa nanay niya ang sasakyan ay kusang loob akong lumabas. Hindi dahil sa inutos niya ‘yon sa akin.

Nang makalabas ako ay lumabas din siya. Akala ko ay magpapaharurot siya ng sasakyan at iiwan niya lang ako rito. Nasorpresa ako ng hawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila papasok ng sports complex.

“So what is it this time?” I asked confusedly. Wala akong maalalang atrasong ginawa sa kanya sa mga nakalipas na araw. Don’t tell me he’s coming at me because of what happened at the café? Lahat nalang ba ng pangyayari ay i-coconfront niya ako? If so, ang dami niyang time!

Muntikan na akong matalisod nang huminto siya. Binitawan niya rin ang kamay ko kaya gumaan ang pakiramdam ko. Inilabas ko kaagad ang phone ko at nagtipa ng message para kay Vice M. Lagot talaga ‘tong Yohan na‘to.

“Ang hilig niyo talagang gumawa ng eksena kahit saan ‘no?”

Napangiti ako ng makita ang nababagot na mukha ni Cherry’s dad.

“Ang hilig mo ring makisali sa gulo ng iba ‘no?” sarkastikong hirit ni Yohan.

Habang distracted pa sila sa isa’t isa ay tahimik akong tumalikod at umalis. Nang marating ko ang highway ay binagtas ko iyon sa direksyon na papunta sa apartment ko. Napapalingon pa ako sa likod para tignan kung nasundan ba ako ni Yohan. Mabuti nalang at hindi.

“Hello ma’am Ax? Pasensya na po at ‘di ko kayo nasundo. Kinuha kasi ni sir Yohan ang susi kanina nang malaman niya na ikaw ang susunduin ko. Sabi niya siya nalang daw. Nasundo na ba kayo ni sir, ma’am?” pagkukwento ni manong driver sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag niya. Kaya pala si Yohan ang nagmaneho ng sasakyan.

“Mortal enemy kami ng anak ni Vice M, manong. Baka may bakante pa diyan na sasakyan?” tanong ko habang paulit-ulit na lumilingon. Lakad takbo din ang ginagawa ko para mas makalayo-layo sa sports complex.

“Pasensya ma’am... Nakauwi na kasi ako sa amin. Akala ko magkaibigan kayo ni sir Yohan. O baka naman ma’am binasted niyo ang sir namin?” narinig ko pa siyang humahagikhik sa kabilang linya. Nakuha pa niya talagang magbiro!

I ended the call and decided to hail a taxi for safety purposes. Hindi ko masyadong gamay ang parte na ‘to ng Milea Bay kaya hindi ako kampante na maglakad mag-isa.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad habang naghihintay na may taxing dumaan. As I was preoccupied, I hit into something hard and my head was spiked with a hard object when I tried to look up. I made a painful grimace when I touched my head.

Tumayo ang balahibo ko ng makarinig ng isang ungol hindi malayo sa akin. It was like the person moaned in pain.

Nasa black spot pala ako. ‘Yong streetlight na nasa pinakamalapit ay hindi gumagana kaya hindi ko maaninag ang tao.

I was still taken aback from what happened earlier when someone’s cold hand grabbed my arm and tried to pull me away from where I’m standing. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman. Mabibigat na hininga ang ginagawa ko habang naghahanap ng pwedeng makakita sa akin.

I tried to stay still, not wanting to get dragged. The person might be a drug addict or some kidnapper. I don’t want to die at nineteen!

“Bitawan mo ako!” I ordered but the person’s grip tightened. Dahil sa pagpapapumiglas ko ay nahatak niya ako sa isang alley na pinapagitnaan ng dalawang building.

“Ssshhh... Baka marinig tayo ni Yohan.” the familiar voice eased my nervousnees. I can’t believe I got scared because of Cherry’s dad!

Hawak niya pa rin ang braso ko habang nakadikit ang mga likod namin sa pader. Nang biglang umihip ang hangin ay napatakip ako ng ilong dahil naka-amoy ako ng mapanghi. It slowly dawned on me the reason why I smelled such thing — men do their things here.

“Umalis na tayo rito, ang baho...” reklamo ko at dumistansya sa pagkakadikit sa pader. I swear, itatapon ko talaga ‘tong damit na suot ko ngayon.

“Ang arte mo naman,” komento niya tsaka tinulak ako sa likod niya. Umabante siya ng kaunti para silipin ang highway. “Shhh...” pagpapatahimik niya sa akin nang murahin ko ang mga lamok.

“Paparating na siya rito,” he announced and retreated from his position.

Lumapit siya sa akin at tinuro ang likod ko kaya napalingon ako sa likod. Hindi ko maaninag ang itsura ng alley dahil sa dilim. Hindi rin ako sigurado kung may madadaanan pa kami sa dulo o dead end na.

I suddenly felt uncomfortable around him. Did he purposely look for me or did he just see me walking on the highway and decided to save me from Yohan? Neither of the two made sense. Bakit niya naman ako hahanapin at bakit naman niya ako tutulungan?

“I know we’re strangers but will you trust me?” he asked that caught me off guard. Trust him? Why would I? Yohan will definitely just throw some harsh words on me and give me some bruises but he will never kill me.

Trusting him means he’ll see me as someone he’s capable of controlling and I don’t like the idea. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa isang tao dahil gagamitin lang nila iyon para i-blackmail ako. Plus, he’s just an ordinary guy who works for other people. Ano ang makukuha ko sakanya?

I ignored him and busied my self on my phone. I flooded Vice M with texts but she won’t respond. I tried calling her but her phone was turned off.

“Ano na?” he follow up. I twitched my lips as I was thinking of an idea to save myself from Yohan and from having an utang na loob from him.

“Find me a way to escape from Yohan and I’ll give you a cash prize later. Sounds good?” I offered. Wala na akong maisip na paraan para hindi lang ako magkaroon ng utang na loob sa kanya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. “Kahit ‘wag na...” mahina niyang tugon. If I know sinasabi niya lang iyon psra lakihan ko ang isusuhol sa kanya mamaya.

Bibigyan ko nalang siya ng 1K tutal gwapo naman siya.

“No, I insist. Hindi kasi ako tumatanggap ng tulong kaya ‘wag ka ng mag-inarte, Cherry’s dad.”

“May pangalan ako miss. Mau ang pangalan ko tsaka ang badoy ng tawag mo sa akin. Pati ‘yong pangalan mo sa phone book ko ay baduy. Yorkie’s mom? Gusto mo bang maging magkapatid ang aso mo at ang ibon mo?” sunod-sunod niyang pagtatanong. Halata sa boses niya na hindi niya gusto ang pagtawag ko sakanya.

I rolled my eyes when he judge me on how I call myself as Yorkie’s mom. Siya ang baduy. Walang sense of art.

“Gago. Parang sinabi mo lang na may gusto ako sa’yo.” komento ko sa sinabi niya. Bago pa siya makasagot at makita kami ni Yohan ay nagtanong na ako. “Saan ang daan dito street smart guy?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top