Chapter 5

“Hi Yorkie!” Kinawayan ko ang alaga kong ibon na nasa loob ng birdcage. Winasiwas nito ang kanyang mga pakpak para batiin ako pabalik. Kumpara noong huli ko siyang nakita, masigla na ulit si Yorkie ngayon. Isang linggo ko rin siyang hindi nakasama dahil dinala ko siya isang avian vet para ipagamot ang pakpak niyang may bali.

From the paperbag that I brought, kinuha ko ang maliit na container kung saan nakalagay ang Cockatiel bird food ni Yorkie. Naglagay ako ng iilang piraso sa palad ko para makakain siya. Mula sa mga pagitan ng birdcage ay doon pinapalabas ni Yorkie ang beak niya para kainin ang pagkain niyang nasa palad ko.

Everytime na tumutuka si Yorkie sa palad ko ay napapangiwi ako sa maliit na sakit na dala nito. I really miss Yorkie’s free tuka massage on me.

“Hi Miss Ax! Namiss ka nito ni Yorkie.” Lumapit sa akin ang isang attendant ng vet clinic at pinat ang ulo ni Yorkie gamit ang index finger niya. Natigil tuloy sa pagkain si Yorkie.

“I know, ako amo niya e.” I blocked her from Yorkie’s cage kaya napaatras siya. Medyo nahilaw pa ang mukha niyang hugis mangga.

“Asikasuhin ko muna ’yung discharge paper ni Yorkie. Nabilin naman na sa akin ni Doc ang mga kailangan ni Yorkie.”

***

Habang naglalakad pauwi sa apartment ko ay nakaramdam ako ng ngalay dahil sa pagbibitbit sa birdcage ni Yorkie. Ayaw ko rin munang magtaxi dahil hihinto pa ako sa isang café kung saan may binigay sa akin si Vice M special golden card para ma-avail ko ng free ang mga products nila.

Binaba ko muna ang birdcage nang makakita ng isang wooden bench na napapasilongan ng puno ng acacia. The sun has been hiding the whole morning behind the clouds kaya hindi masyadong mainit. I raked my eyes around at halos mga bata ang nakikita ko. When I spotted a kindergarten school, I nodded in realization.

Kids are cute but most of the time, they are annoying as hell. Madali din silang makakita ng kung ano anong bagay lalo na kapag animals. Which are the reasons why I don’t like kids.

Three children saw Yorkie at panay ang turo nila rito sa mga mommies nila — na para bang gusto nilang lapitan o kunin si Yorkie.

As a defense, inusog ko ng kaunti si Yorkie para hindi nila masyadong makita. If only I’m not tired, I’ll walk out right away leaving them crying in distress.

Nagulat nalang ako ng may dalawang bata nang lumapit sa akin. Nakasquat na sila at panay tusok kay Yorkie gamit ang mga maliliit nilang daliri.

“Hep hep! My bird is not friendly, children. Nangangagat yan,” pananakot ko sakanila. I extended my right arm in front of them para hindi na sila makalapit pa.

Deep inside, napapasimangot ako dahil mga lalaki ang mga batang lumapit. Boys are more annoying than girls and they are very persistent!

“But birds don’t have teeth just beaks right?” The boy with a cap asked with a confused look. Tumango naman ang isa at biglang ngumisi na parang naka-isip ng bright idea.

“Can we see your bird’s teeth?” Hyper na saad ng batang may super fluffy cheeks.

A kid’s curiosity is one of my pet peeve. Masyado silang curious sa lahat ng bagay at I don’t think they’ll get satisfied with just one answer. Kapag may sagot ka na, tatanungin ka pa rin nila tungkol sa sinagot mo.

“No.” Matigas kong saad na ikinasimangot nila.

They looked at Yorkie with sadness but the kid in a cap looked at me with great enthusiasm.

“Ate, have you eaten a bird? My classmate said a bird tastes the same as chicken!”

And his question was the sign that I should leave before I’ll see Yorkie in a frying pan. Bastos na mga bata, binibigyan ako ng idea!

Lakad takbo ang ginawa ko para makalayo sa mga bata. Muntikan na nila akong sundan kung hindi lang sila tinawag ng mga mommies nila. Minsan ay hindi talaga dapat makipag-usap sa mga bata dahil kung ano ano lang ang naiisip at lumalabas sa bibig nila.

Ang pagpapahinga ko kanina ay naging walang saysay. Bukod sa pangangalay ng braso ko ay sumasakit na rin ang paa ko dahil sa suot kong heeled boots.

I sighed deeply when I finally arrived at the café. Sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako. Maliit lang ito but the ambiance is light and sweet ventilated. Isang good morning kaagad ang sumalubong sa akin pagpasok ko from the girl who’s wearing an apron sa may counter.

“Good morning ma’am!”

Despite being clad in an apron, she looks like an angel oozing with purity. Her smile is friendly and genuine yet her presence doesn’t make me comfortable. This is our first meeting and I’m very teed off.

Kakausapin ko mamaya si Vice M na baka magawan niya ng paraan na paalisin ang babaeng ito or I’ll just ask for another card of a different café para hindi na kami magkita ulit for my own sake.

Her eyes darted at Yorkie from the ground.

“Oh! May ibon po pala kayong dala ma’am,” kumaway siya kay Yorkie na nasa gilid ko at muli akong binalingan. This time, her eyes went sympathetic. “Sorry to say this ma’am... pero bawal po ang mga animals sa loob ng café.”

First, let me comment about her voice. It sounds like a cute child and it feels like she’s dragging her voice which I hate so much. Second, I’m going to slap her with words why Yorkie deserves to be inside the café.

“You do not have any rights to discriminate my pet. Unlike cats and dogs, Yorkie is more behaved than them at hindi naman siya mangdidisturbo. May batas ba na nagbabawal ng animals sa loob ng café?” I asked in a very determined tone.

This is my first encounter of someone blocking Yorkie to get inside an establishment. No one dares to stop me even at school when I brought Yorkie back then. Bago pa ata siya at hindi alam kung paano dalhin ang customers.

“Uhm... it’s part of the sanitation of the café ma’am na nagbabawal ng animals. Sa tingin ko rin ay may batas din na bawal ang mga hayop sa loob ng mga restaurants at café. ‘Di lang po ako sure kung anong article.” She smiled awkwardly at me, trying to persuade me about what she said.

Pinakita ko sa kanya ang special golden card na binigay sa akin ni Vice M. May nagtulak lang sa akin na ipakita ko ito para tumahimik na siya. When she saw the card, her face distorted. Binigay niya pabalik ang card sa akin at halatang nahihirapang magdesisyon sa kung anong gagawin niya.

I speak up para hindi na siya mahirapan pa sa pagdedesisyon. “I will let you choose, okay? My pet will stay inside the café or you’ll say goodbye to your job?” I said in a cold manner. She tensed a bit, halatang never pa siya naka-encounter ng isang customer kagaya ko.

While waiting for her answer, I looked at her closely. Sa tingin ko’y hindi siya full-time employee dito at isa pa siyang estudyante. If she went to Milea Bay University just like me, may madadagdag na naman sa hate list ko. May naka-embroidered pala sa apron niya which says, Ady.

“I can’t choose po,” Ady stuttered.

Matapos niyang sumagot ay biglang umingay ang loob ng café. To my surprise, Yohan is with his gang. Dahil sa dark aura nila, hindi ko lubos maisip na marunong din pala silang pumasok sa isang café. I rolled my eyes at Yohan when our eyes met. Eww. Sana pala ay umalis na kami ni Yorkie at hindi na nakipag-tigasan ng ulo sa apron girl. Sign na pala ‘yung pagpapaalis niya may Yorkie.

Yohan scanned his eyes on my from head to foot. After, I heard him scoffed when his eyes landed on Yorkie.

Diretso siyang naglakad patungo sa counter at nakuha pang banggain ang braso ko.

“Ady, Ginagambala ka ba nitong si Maleficent?” Malambing niyang tanong pero nang lumingon siya sa akin ay nag-aapoy ang mata niya.

Does he think that I’ll get pissed off by calling me Maleficent? Holy Maleficent. I will never.

I turned my attention towards Ady girl. Her face says it all na ayaw niyang kausapin si Yohan boy. Binubully ata nila ‘to ni Yohan e.

“Sabihin mo lang Ady at ‘di ako magdadalawang-isip na ipagtanggol ka sakanya.”

Mmp! Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Yohan. The duality of Yohan surprised the shit out of me. Coming here is not bad after all. Knowing that he likes the apron girl excites me. Yohan aka Don Romantiko shouldn’t just let me see the people he likes as a precautionary measure. Baka pa kung anong gawin ko if he’ll really get into my nerves.

Laking gulat naming lahat ng biglang sinabayan ako ni Yorkie sa pagtawa. My bird is totally awesome! This is why I love Yorkie.

“Ang badoy mo raw Yo,” komento ko nang hindi maipinta ang mukha ni Yohan.

Halata sa mukha niya na nainis siya sa sinabi ko pero hindi niya ito pinakita. Natatakot na mabawasan siya ng pogi points from Ady. He returned his attention towards the girl. I opened the camera of my phone and took a picture of Yohan and his gang. I’m not sure if wala na ba silang pasok o nag-cutting sila basta lang ay may maisend ako kay Vice M. After I sent the picture ay lumapit ako sa counter.

“Ady girl, ilang minuto na kami ng pet ko dito sa loob ng café. Papaalisin mo pa talaga ang pet ko?” Pangongonsensya ko.

Sumandal ako sa counter, naka-cross arms habang iniismidan si Yohan.

“Axis, ang bobo mo. ‘Di nga pwede sa loob ang ibon mo. Ano bang mahirap maintindihan doon?” Saad ni Yohan ng hindi na siya makapagtimpi sa akin.

“Ipatuka ko kaya sa ibon ko ang ibon mo?” I beat back. Nakaani kaagad ‘yon ng isang ‘woah’ at palakpakan sa mga alipores niya.

Akma na sanang magsasalita si Yohan nang pigilan siya ni Ady. Nagbend pa si Ady sa count para lang maabot ng kamay niya si Yohan.

“Teka lang ha. Hindi battle grounds ‘tong pinasukan niyo,” pagpapaalala niya sa amin. Inalis niya ang kanyang kamay niya mula kay Yohan at bumaling sa akin. I even saw how Yohan slightly sighed when Ady took back her hands. “Sige po, ‘di ko na po ipipilit na ‘di pwede ang pwet... I m-mean pet niyo rito. Akin na po ‘yong card niyo ma’am.”

I intentionally pull the special golden card from my wallet in front of Yohan’s eyes, slowly. I want him to see the name and signature of his mother right in the card I’m owning. His eyes grew wider in astonishment when I put the card on the counter’s surface. I even ticked the part where his mother’s name is located several times. Natigil lang ako nang bunutin iyon ni Ady girl mula sa akin.

“How on earth did you acquire that card?” Pigil hininga niyang pagtanong. I blinked my eyes two times at him and turned to Ady with a smile.

Si Ady naman ay parang naging balisa nang tanungin ako ni Yohan. Afraid of what might happen inside the café’s she’s working as she might be held responsible.

“I’ll get java chip frappe and croissant.”

Nang makuha na ni Ady ang order ko ay ibinalik niya na sa akin ang special golden card in a very fast motion at inilayo talaga kay Yohan. When I received it, I wave the special golden card in Yohan’s face to tease him.

I was about to pickup Yorkie when he stopped me by grabbing my arm in a harsh way. Another minus point for Yohan from his mother.

“Don’t act like you don’t hear me Ax. Answer my question bago ka pa masaktan ulit sa akin!”

Lahat ng mga mata namin ay nabaling sa kay Ady ng may marinig kaming nabasag. Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Yohan. His body tensed and his eyes were in panic. Nagdadalawang-isip pa ata kung lalapitan ba si Ady o hindi.

And Yohan was too late to save Ady, the damsel in distress. Isang lalaki na pamilyar ang tindig ang pumasok. Nahagilap ko lang ang side features niya pero hindi ko masyadong naklaro dahil ang bilis niyang maglakad at tinungo niya si Ady na pinupulot ata ang nabasag. We can’t see them as our view was blocked by the counter.

Tuluyan nang bumitaw sa akin si Yohan at dinaluhan si Ady at ang stranger na pumasok lang sa eksena. The three of them and even Yohan’s gang suddenly forget my presence.

Nasa akin na sana ang atensyon e, pero biglang inagaw pa ni Ady. Kailangan ba talagang maging tanga niya at may mabasag siya? Hindi ko gusto ang ginawa ni Yohan sa akin but seeing the eyes of everybody leaving me to watch Ady is ultimately very hurtful!

“Hanggang dito ba sa café ay magsasabong kayo?” My heart jumped in shocked when the familiar stranger ascended. I immediately felt a sense of déjà vu when I saw him. Para bang bumalik ako sa gabi kung saan nagpang-abot kami ni Yohan sa dog pound.

Cherry’s dad... The person I don’t want to see again yet this become the third time I’ve seen him.

Ang nagtatampo kong sarili ay biglang nabuhay. Buong akala ko ay mawawala na ang atensyon sa akin pero nagkakamali ako. Katulad lang ng isang movie, may pagkakataon din na pinapakita ang mga extra bukod sa bida. At si Ady ay extra lang.

The side of my lips rose in satisfaction. Siya rin pala ‘yong nakita ko noong nagkita kami ni Vice M ma bumisita sa opisina niya. The man whose beauty is distinct from everyone.

“Mau, ‘wag ka ng dumagdag pa please.” Pagmamakaawa ni Ady at hinawakan sa braso si Mau para pigilan ito.

Why are they close?

To feed my curiosity, I compared their facial features if they have some similarities to see if they have the same DNA. Ady girl has round eyes meanwhile Cherry’s dad has thick double eyelids. Maybe they’re half siblings? Kapag kasi magkatabi sila ay mukhang dugyot si Ady while Cherry’s dad looks so extravagant.

Napansin ko ang pagkatitig ni Yohan sa kanilang dalawa. Kung ang bibig ay pwedeng magsinungaling, ang mata hindi. His eyes were filled with disappointment and jealousy. What I saw from him just confirmed that they were not blood related. Sana lang ay platonic lang ang relationship ng dalawa.

Nang makita kong inalis ni Yohan ang tingin niya sa dalawa ay ako naman ang napatitig sa dalawa. Cherry’s dad hand is now holding Ady’s hand. In short, magkahawak kamay sila. At kung selos ang naramdaman ni Yohan, inis naman ang naramdaman ko. Nagawa pa talaga nilang gawin iyon in the middle of my scene?

I cut off the thread of my patience so they could stop entertaining themselves.

“Excuse me Cherry’s dad, do you have something else to say? Kanina pa kami naghihintay ni Yohan ng sermon mo.” Lumapit na ako sa kanila para maramdaman ulit nila ang presensya ko. Napakunot ang noo niya dahil hindi naintindihan ang sinabi ko. Sunod ko namang binalingan si Ady at tinuro ito.
“And you Ady girl, if you don’t mind, bitawan mo ang kamay niya?” Si Ady ang sinabihan kong bumitaw but Cherry’s dad did it.

May susunod pa sana akong sasabihin pero naunahan ako ni Yohan.

“Ady, una na kami.” Ngumiti siya ng maliit at na kay Ady lang ang atensyon.
“Bye,” paalam niya. Bakas sa boses niya ang lungkot at pagkapagod.

When they left the café, naiwan akong nakatulala. That’s it? Love triangle lang ang nangyari? I can’t seem to find my place sa kanilang tatlo. And I don’t like to feel this way.

Before I picked up Yorkie’s cage dahil nawalan na ako ng ganang kumain dito I made a move that might shaken up the relationship they’re trying to build. Hindi ako ang dapat nilang sisihin dito kung hindi ay si Yohan. If Yohan didn’t show the sparks in his eyes for Ady, this will not happen.

Siguro ay nalilito na rin si Ady kung bakit ko tinatawag na Cherry’s dad si Mau and I want to stir her confusion more.

“Give me your phone,” inilahad ko ang kanang kamay ko kay Cherry’s dad. Nakuha ko siguro siya sa sindak na tingin kaya naibigay niya ang phone niya.

My lips twitched when I saw his phone. One fourth lang ata ang presyo nito kumpara sa phone ko. When I pressed the button, I clenched my teeth when I saw his wallpaper. Ady girl smiling at the beach. Maseselos panigurado si Yohan kapag nakita niya ito.

I typed my number on his phone and saved it as Yorkie’s mom. Nakuha ko pang magselfie sa camera niya para may picture ang contact ko. Despite the low quality camera, makikita pa rin ang kagandahan ko.

“Remember the clear raincoat from nights ago? Naiwan mo sa apartment ko.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top