Chapter 4

As I opened the blinds on my window, the afternoon rays of the sun pierced through it. I closed my eyes as a reflex when the rays touched my face. After adjusting to the uncomfortable rays, I managed to fight it by squinting my eyes.

Dumungaw ako mula sa bintana para malaman kung dumating na ba ang sasakyan na susundo sa akin. When I saw the shiny black car and its one digit number, I beamed inwardly and my confidence pumped up as I thought of slowly putting a big fish in my pocket. This day will never be an ordinary day for me - today will be history. I'm so hepped up to do whatever I wanted when we'll finally reach an agreement.

Ano kaya ang una kong gagawin?

People walking around had their eyes fixed on the car, curious on whoever is gonna go out or ride on the fancy car.

My neighbors' eyes can't believe what they saw when the car's door opened for me. Bago ako pumasok ay tinignan ko sila, proud and confident. Who would've thought that a university student who has a discreet background will ride this fancy car? Siguro ay marami na silang mga theories na naiisip tungkol sa akin. Like a daughter of a highly respected person, a business tycoon or even an heir of a crown. Bahala na sila kung ano man sa tatlo ang isipin nila.

"Good afternoon, Miss Axis," the chauffeur greeted me through the rearview mirror. I just nod one time as a response. Pumasok na rin ang escort sa sasakyan at umupo sa shotgun seat.

"Miss Axis," tawag sa akin ng escort kaya napatingin ako sa kanya. "Umattend pa ng feeding program si Vice Mayor sa isang elementary school. Kaya medyo malalate siya ng kunti sa pinagkasunduan niyong oras," pagpapaliwanag niya.

My lips twitched in disappointment dahil ayaw kong maghintay. Wala akong choice but to be considerate about Vice M's delay in meeting me. Kailangan ko ring masanay sa mga future delays niya dahil isa naman siyang public servant. Her time is pretty hectic so I need to understand her.

I sighed.

Ilang minuto lang ang byahe patungo sa municipal hall mula sa apartment ko. Madadaanan din ang Milea Bay University kung saan ako nag-aaral patungo sa municipal hall kaya pamilyar ako sa daang binabaybay namin. I was silent in the whole duration of the drive. Wala ring mga salitang lumabas mula sa dalawang taong kasama ko. Gusto ko sanang itanong kung bakit sa munispyo lang kami mag-uusap ni Vice Mayor e hindi naman related sa pagiging Vice Mayor niya ang pag-uusapan namin. We will be talking about her son and it should've been in a fine dining restaurant.

To kill time, I diverted my gaze outside through the car's window. Tanaw na tanaw ko ang maalon na dagat at iilang sasakyang pandagat na papunta sa kabilang bayan at pabalik ng Milea Bay. Nang madaanan na namin ang university ay napapalingon ako sa mga estudyanteng lumalabas at pumapasok. Luckily, wala kaming pasok ngayon kaya malaya akong makikipag-meet kay Vice Mayor.

Ano kaya ang magiging reaction ni Yohan kapag nalaman niya na makikipagkasundo sa akin ang Nanay niya? I'm so eager to see his reaction.

"Malapit na po tayo, ma'am..." pag-iinform sa akin ng escort.

"Alam ko," pabalang kong sagot. I really hate people telling me what I already know. Sana kung tulog ako ay okay lang na iinform ako.

Hindi nagtagal ay tumigil ang sasakyan sa parking space ng munisipyo. Nakita ko ang signage na may nakalagay na RESERVED PARKING FOR VICE MAYOR. Kung kakausapin ko kaya si Vice M na gusto ko rin ng parking space dito ay papayag kaya siya? Pero siyempre, kotse muna ang hihingin ko para magamit ang parking space.

"Sir, nandito na naman 'yong batang taga Dog Pound," nababagot na saad ng chauffeur sa escort. Wala akong nakitang taong malapit sa amin kaya hindi na ako naki-usyoso pa.

"Hayaan mo nalang 'yan. Aalis din 'yan mayamaya," sagot ng escort at nilingon ako. "Andito na po tayo ma'am."

Huminto ang pagtakbo ng sasakyan at lumabas ang escort. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pinayongan. Wala na akong sinabi sa ginawa niya.

Hinatid niya ako sa loob ng munisipyo. Maraming tao sa loob, nag-aasikaso ng mga kung ano-ano. May nagchichismisan pa habang kumakain ng pizza. Napapatingin ang iba sa akin na may pagdududa at panghuhusga, lalo na 'yong mga may edad. If I know, nakikisipsip sa mga matataas sa kanila para makahingi ng pangsnack.

Lumiko kami sa right side kung saan naka-locate ang opisina ni Vice M. Nagulat ako sa bilang ng taong naghihintay sa labas ng opisina niya. May iba pa na kumakain ng pritong saging at bibingka na binili mula sa isang ale na naglalako ng kakanin. I laughed in my head.

"Sir, nandito na po ba si Vice Mayor?" Tanong ng isang payat na babae na nakasuot ng jeans, beige na dollshoes, three-fourths na color pink, naka-cap na may logo ng isang gasolinahan, at may nakasabit na shoulderbag sa balikat niya.

Sinenyasan ako ng escort na maunang pumasok sa loob ng opisina at sinagot ang nagtanong.

"Busy kasi ngayong araw si Vice Mayor tsaka mag-aalas tres na. Balik nalang ho kayo bukas," he informed them.

"Maghihintay nalang kami sir para hindi masayang ang pagpunta namin dito."

"Gusto talaga namin siyang makausap e."

"Naku ho, balik na lang po kayo bukas. Sinisigurado ko po na ma-eentertain kayo bukas. Ngayon kasi ay hindi talaga puwede e," pagpapaliwanag ng escort sakanila for the second time.

Ngumiti ang babaeng naka-pink. "Okay lang talaga sir na maghintay kami. Komportable naman dito."

Before I could open the office door, I turned to look at them with annoyance as I can no longer contain myself from not talking.

"Walang oras na mailalaan sa inyo si Vice Mayor dahil naka-schedule na siya sa akin. So take his advice and go home," saad ko. Para silang natakasan ng pag-asa nang marinig iyon. Nang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa ay mas lalo silang nawalan ng pag-asa.

Yeah. With what I wear and how I talk, halatang nasa mas mataas na antas ako ng society compared sa kanila. Poor people tend to cower everytime they see someone higher than them.

"Ay ma'am, puwede po bang tulungan-" hihirit sana sa kanila ang isa kaya lang ay pinutol ko na kaagad dahil alam ko na kung ano ang susunod.

"Unfortunately, I don't help at all."

Poor people and their endless misery...

Titigil lang ang kahirapan nila kung mamumulat sila sa kung ano ang realidad ng mundo. They know well how life is hard without money yet they just shake off that very fact and form a so called family. Pamilyang hindi naman kayang sustentahan ang lahat ng pangahailangan ng bawat miyembro sa pamilya. If a couple can't afford a wedding, then how can they afford to support a family?

Kung sino pa naman ang mahirap ay sila rin ang nagpaparami ng lahi at sisisihin pa ang gobyerno sa kahirapan.

"Hindi mo na sana iyon ginawa Miss Axis," sabi ng escort ng makapasok na kami sa loob ng opisina ni Vice M. Tumahimik nalang ako para hindi magmukhang stress mamaya. Baka i-withdraw pa ni Vice M ang proposal niya kung magmukha akong taong grasa.

Iniwan ako ng escort mag-isa sa loob ng opisina dahil susunduin pa raw nila si Vice M. Syempre, hindi niya nakalimutang bigyan ako ng pagkain at nag-order siya ng milk tea at fries para sa akin. Napangiwi nalang ako.

Ang opisina ni Vice M ay kasinlaki lang ng isang classroom. May isa itong bintana na may kurtina malapit sa pintuan. Ang inuupuan ko naman ay isang black leather couch na may mga gasgas na, halatang pinagdaanan na ng panahon. Lumapit ako sa isang cabinet kung saan nakadisplay ang mga awards at plaques ni Vice M for the past years in service. Sa pinakabase ng cabinet ay may nakapatong na dalawang picture frame. I raised my bushy brow when I spotted Yohan smiling between his mother and father. The boy has a happy family. Hindi halata sa inasta niya noong nagkita kami.

May date pa ang picture at nakasaad na April 5 ito kinunan. I wonder if they're still as happy as in this picture?

Iyong picture lang ang tanging related kay Yohan dito sa loob ng opisina. I took a selfie with it para isend sa kanya later on. Tignan ko lang kung hindi iyon magwawala.

Apat na magkakasunod na katok ang nagpatigil sa akin sa pagtour ng opisina. As an instinct ay binuksan ko ang pintuan. Ayaw ko rin namang may pabalik-balik na kumatok dahil makikita namang may tao dito sa loob ng opisina mula sa bintana.

Tumambad sa akin ang isang lalaki na isang foot ang tangkad sa akin. Mukha niya ang una kong nakita kaya medyo nahirapan akong i-alis ang tingin mula sa kanya. He has a beauty which is not common to see and this is the first time I've seen a handsome face that holds a certain mystery. His facial features may be manly and sharp but he still looks like an innocent puppy with those soft, hazel brown eyes.

Men in Milea Bay university can't even surpass this man's beauty. I hardly compliment someone so this is a big deal.

I snapped out from my trance when he spoke with a charismatic voice.

"Nandiyan ba si Vice Mayor? Ilang ulit na akong pabalik-balik dito pero hanggang ngayon hindi pa niya sko nakaka-usap."

Every word he uttered was like a premium product which I can't avail easily (well I can avail any premium because I'm rich) so I made my ears to savour each word. And I found myself lost in trance again.

***

"Yes Vice M, active ako sa school. I'm tagged as the trendsetter and many students even look up to me." I proudly told her.

Ngumiti ako ng tipid nang magtanong siya kung active ba ako sa school. Bago pa lang kami nag-uusap at dito kami naka-upo sa black leather couch kung saan madalas daw siyang makipag-usap sa mga bisita niya.

"So how did you end up interacting with my son?" Natatawa pa siya nang tanungin niya ito. Instead of using the word fight ay iniba niya. Alam talaga niya kung paano gawing komportable ang isang tao despite the title she holds. A true public servant indeed.

Ibinalik ko sa white painted wooden table ang iniinom kong green tea na pinili ko para i-serve sa akin. I let out a small laugh before I answered her question. Sino ba namang hindi matatawa kung ang siniraan ko noong eleksiyon ay magiging alyansa ko pa?

"You did not recognize me Vice?" Tanong ko, trying to unfold her memories from the election campaign.

Nakatanggap ako ng hagikhik mula kay Vice M. Ang hilig niyang tumawa habang ang anak niya ay mahilig manakit.

"Of course I do! Who would forget a beautiful and clever lady like you? Kung nakilala lang kita ng mas maaga ay naunahan ko na ang kabilang partido para i-scout ka sa partido namin," aniya. Makikita rin ang pagkadismaya ng mukha niya habang sinasabi niya iyon. "What I meant from my question was, paano kaayo nagkakilala ni Yohan? Is it because you are both attending MBU?"

I cleared my throat to start telling the story. "You know how election campaign works Vice.. and I was paid to put you and your son in a bad light. You did not react from my slanders but your son did. Kaya ayun... Yohan kept on messing with me na despite you winning." I sipped on my tea as I take a peek on what could be her reaction. Papangaralan ba niya ako at i-dedefend si Yohan?

Nadismaya ako nang tumawa pa rin si Vice M sa sagot ko. Despite her happy facade, I believe something dark is hidden beneath her heart. I don't think na may taong walang bahid ng kung anong poot sa ibang tao. If only there's a way to know it, I would. It will be a great opportunity for me to use it to extort her.

"Yohan is really a loving and sweet son..." napa-ubo ako nang mabulunan sa tea na iniinom. Sweet?

"Hindi siya nahihiyang ipakita ang pagmamahal niya para sa akin kaya siguro nagawa ka niyang masaktan physically which is apparently wrong. At ayaw na ayaw kong nagiging masama siya dahil sa akin. Gusto kong mabuhay siya ng normal kahit na anak siya ng Vice Mayor ng Milea Bay."

Sumilay ang ngiti sa labi ko. I underestimated Yohan. Akala ko hindi siya marunong magmahal ng magulang dahil sa inasta niya. This is a great news for me too. Alam ko na kung ano ang Achilles heel nilang mag-ina at magagamit ko ito to get what I want.


"That's enough information Vice. Now, let's get to the point why I'm here," saad ko dahil hindi na ako makapaghintay pa.

"The very reason why I asked you to meet me is to make a compensation for what my son did to you. Nalaman ko na ikaw iyon dahil may nakapagsabi sa akin na kaibigan ni Yohan at hindi rin nagustuhan ang ginawa niya. I hope you won't get offended if I ask you what do you want as a compensation? I'm willing to give in to your demand as long as makakaya ko."

Now we're talking. My excitement exceeded the heavens at naririnig ko ang mga anghel na kumakanta sa tenga ko. This opportunity rarely happens to an individual here kaya I'm calling myself lucky. Yohan is a bad luck but he brought me good luck to gain money. Nakakalito man pero ganun nga.

I made a pleasant smile. "It's money, Vice. It's cliché but I want money as compensation. Masakit ang ginawa ni Yohan sa akin mentally at physically kaya sana hindi kayo ma-offend kung hihingi ako ng malaking halaga. One hundred thousand sana Vice..."

I directly said what I want. I'm tapping my toes inside my shoes, kinakabahan kung kakagat ba siya sa offer ko. Kung tutuusin ay maliit nga lang ang one hundred thousand para tumahimik ako sa ginawa ni Yohan na pwede nilang ikasira. That's why I won't make a promise or sign anything that I'm going to stay silent about what had happened.

I'm not born to be a bobo. I'm born to take advantage of a situation.

Kinuha ni Vice M ang designer tote bag niyang nasa tabi niya. Pigil hininga akong sumilip sa kung anong kukuhanan niya sa loob nito. Nang maglabas siya ng makapal na enevelope ay gusto ko na 'tong kunin agad at kumaripas ng takbo palabas.

"One hundred thousand for the compensation," inilagay niya ang envelope sa table na alam kong naglalaman iyon ng hard cold cash.

Akma ko na sanang kukunin ang envelope nang magsalita siya. "About my proposed proposal in the letter..."

I raised an eyebrow when I remembered something from what she said. Muntik ko nang makalimutan ang ibang mensahe niya sa letter na ipinadala sa akin - the one that involves me, Yohan and money.

"...you said you're active at school and I assume you have connections too, right?"

"Yeah... I can get any information I want to know from everyone."

She smiled and nodded in satisfaction. "If you can tell me about my son's whereabouts everytime you see him, please do. Gusto ko lang malaman kung ano ang mga pinaggagawa ng anak ko sa tuwing nasa labas siya ng bahay. Ayaw ko rin siyang pasundan sa mga tauhan ko at baka magrebelde siya sa akin. Just tell me his location and I will deposit money to your account ASAP."

Kinuha ko ang envelope at inilagay sa dala kong bag. Securing the money first is the safest thing to do. Baka may dumating dito at humingi ng financial assistance at maiba ang isip ni Vice M at sasabihin na uutangin niya muna ang compensation niya sa akin dahil itutulong niya ang cash sa mga tao.

"I often go to places where I can find myself alone so the chances of seeing Yohan is very low that's why the fee will be kinda expensive."

I find it amusing how Vice M is intently listening to me. Na para bang isa rin akong may hawak na mataas na posisyon at papakinggan niya nang maigi.

"Name your price lady and I'll seal it with a deal."

Poor Vice M and Yohan as I will be milking their money!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top