Chapter 3
“Number one topic ka na naman Axis,” bungad sa akin ni Guard Ansel na may malaking ngiti sa labi at binigyan ako ng thumbs up. Sa lahat ng guards sa school, siya lang ang nakakagawang ngumiti sa akin. ‘Yong iba kasi ay strikto kahit wala namang mali sa uniform ko. Sadyang ayaw lang talaga nila sa akin. Well, the feeling is mutual!
“Masyado ngang delay ang balita,” tukoy ko sa nangyari five days ago. I don’t know how it was spread out at na identify pa ako.
Naisip ko nga na baka si Cherry’s dad ang nagpakalat para masira ang reputasyon ng nanay ni Yohan. Just like any other politicians, Vice Mayor has issues as well lalo na dahil babae siya. I may not know her personally but last election, I was hired by her opponent — katambal ng nakaupong Mayor — to taint her reputation by spreading rumors in the internet. Politicians tend to get social media stars to promote them. Not to boast but I am the most followed student of Milea Bay University in Twitter kaya kinuha ako para mag-tweet ng kung ano ano. Hindi na ako tumanggi kasi pera ang kapalit. Money makes me happy despite earning it through unethical ways. I did not regret doing it nor eaten by guilt.
Idinikit ko sa sensor ang ID at nagreflect ito sa monitor. “Fvcking pretty as always,” I murmured and flipped my hair at pumasok na ng tuluyan sa school.
“Mag-ingat sa mga Marites,” biro niya sa akin at kumaway kaya kinawayan ko siya pabalik.
Lahat ng mga mata pagpasok ko ay nakapaskil sa akin. They're like watching a goddess who descended from heaven. Ganoon nalang parati ang scenario. I'm always the center of attraction and never been a spectator.
Pagpasok pa lang sa loob ng classroom ay dinumog na ako ng mga kaklase ko. All of them shove their phones on my face at pinapakita ang kung anong nangyari five days ago.
“Battling against the Vice Mayor’s son? How did you do that Ax?” Ang tanong ng karamihan pero hindi ko sinasagot.
Kung taga New York Times sila ay baka sinagot ko na dahil nakakahiya namang paghintayin sila. But they’re not kaya bahala na silang mag-isip kung ano ang sagot.
I want to feed them curiousity but not satisfaction. Marami namang chismosa d’yan na kung makapagsalita ay parang legit source.
“Umabot sa local radio station ang nangyari sa inyo Ax. Have you seen it?” Dinungaw ako ng kaklase kong si Tia at tinaboy ang ibang mga kaklase namin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inisnob.
Pake ko ba do’n? Paniguradong hindi ako ang highlight ng balita at ang kalaban sa politika ni Vice Mayor ang may pakana. Nonsense politicians!
Hindi nakontento si Tia at hinawakan ang balikat ko para makuha niya ang atensiyon ko.
“It's your time to shine, be ready.” Tinapik niya ang balikat ko at pumwesto pabalik sa upuan niya na nasa harap ko lang.
Ano bang pinagsasabi niya? I’m already at the spotlight. Magdadagdag pa ba ako ng isang daang ring light? Weirdo.
***
The piercing looks of my classmates became heavier as time passes. They've been waiting for me to open my mouth for five minutes. Nakatayo ako sa harapan nila dahil ako ang naatasang maglead ng opening prayer sa Environmental Science class namin. College pero pinapalead ng prayer. Ano ‘to Flores de Mayo?
When the Professor called out my name, which I highly anticipated na ako ang matatawag dahil sa sinabi ni Tia kanina, I wanted to act like I didn't hear anything.
“Axis, please proceed to the front and lead the opening prayer,” saad nito at sinunod kahit labag sa loob. The worst part here is, kailangang gumawa ng sariling prayer at wala akong nagawa.
I lazily walk my way to the front, showing them how I don’t want to lead the prayer. Habang naglalakad ako, naririnig ko ang mga kaklaseng nagbubulong-bulungan patungkol sa akin.
“Let’s not pray together with her for sure sa demonyo ‘yan magdadasal,” bulong ng isang hater ko na kaklase pero sapat na ang lakas ng boses niya para marinig ko.
I gave her dagger looks which made her shiver. “Shut up or else gagawin kitang scarificial lamb sa demonyo.”
“Umuusok na si Axis oh. Ka-kulto talaga natin ‘yan e.” Humagikhik ang isa kong kaklaseng lalaki, si Christoper na kulang sa H, mataba, pandak, flat ang ilong at puno ng pimples ang mukha. In short, isa siyang jeje lord.
Ka-kulto? Ew? Masyado siyang cheap para sumali ako sa kulto nila.
Huminto muna ako saglit sa tapat niya at pinakitaan ko ng middle finger. Feel the demon inside me jeje lord!
Bumilang ako hanggang tatlo bago nagsalita. “In the name of the Father, and of the..” nahinto ako saglit dahil humikab pa ako. “...Son, and of the Holy Spirit. Amen.”
Hello, God.
Right after I made the sign of the cross, silence enveloped the whole classroom. Bumilang ulit ako ng tatlo at nag-sign of the cross ulit to end the prayer.
When I looked up, I met our Professor’s gaze. Nakataas ang isa niyang kilay habang mariing nakatitig sa akin. Nakita ko rin kung paano makatitig ang mga kaklase ko sa akin, wondering why I did not utter a prayer. Kanyang-kanyang trip lang ‘to.
“Patay ka, Ax.” Nababahalang bulong ni Dominic na nakatayo sa harapan ko. Halata sa mukha niya na natatakot siya dahil kadalasan kapag mali ng isa, nadadamay ang lahat.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at tumingin ulit sa Prof.
“Axis, you are the second to the last to lead the prayer yet you didn‘t prepare? You are an example of an irresponsible student.” Mataray na saad ng Prof sa akin. Her eyes told me that she's disappointed. Iyon nga lang.. wala akong pake.
“You’re a first year university student, grow up and be responsible.”
“Personal intention prayer po ‘yong ginawa ko, Ma’am.” I reasoned out without glancing at her. Naglakad ako pabalik sa upuan ko na nasa likuran para matapos na ang usapan namin.
“Next time, tell us about it, okay?” Sarkastiko niyang saad. Tumango ako bilang sagot.
Imbes magsimula kaagad ay pinangaralan niya muna kami, bago dumako sa lesson proper. I don't know why the teachers are like this.. siguro ay opportunity din nila ito para hindi makapagdiscuss dahil tinatamad sila?
“Personal intention prayers aren’t wrong but remember you’re in a class. The prayer should not only be for yourself but for everyone inside the classroom and if possible, even for the other people. We do not tolerate selfishness in this school.”
Napairap nalang ako sa sinabi ng teacher. Selfish my ass. My classmates are not worthy of my prayers.
Nagsimula ang boring na klase sa Environmental Science thirty minutes after. Our professor is not an effective teacher to be honest. Matagal ko nang inilagay sa suggestion box na palitan ang siya pero wala pa ring nangyayari. In fact hindi lang siya, kundi ang lahat ng subject teachers namin.
The school told us to be cooperative for the betterment but they don’t actually care. Bakit ba sila tumatanggap ng teachers na hindi magawang makuha ang atensyon ng mga estudyante?
They should hire competent teachers who can enhance the students intelligence. Hindi ‘yong mga gurong puro tsismisan at pang-babackstab ang ginagawa tuwing nasa faculty room.
Malaya kong natatanaw ang labas mula sa classroom window. Naroon ang soccer field ng school na kadalasan ginagamit kapag track and field ang leksiyon tuwing P.E classes. Maraming mga students ang nakasuot ng kanilang uniform habang nag-ja-jumping jack. We paid for our tuition only to be grilled under the sun? How ironic. Nakalimutan ata ng mga guro na kami ang nagpapasweldo sa kanila.
Ngumiti ako nang makita ang iilang ibon na lumilipad sa himpapawid at ang iba ay dumadapo sa mga kahoy na nasa loob ng school vicinity. Namiss ko tuloy ang alaga kong ibon na si Yorkie na isang cockatiel.
I usually wonder how does it feel to have wings and fly high kaya nakapag-alaga ako ng ibon.
Napalingon ako bigla sa harap ko nang kinalabit ako ni Tia. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagdidistorbo niya sa akin.
“Nasa labas ba raw ang Professor mo sabi ni Ma‘am..” she relayed the words of our teacher to me in a whisper manner. Nanatili ang mga mata ko sakanya at tumikhim.
“The class is boring Tia. Appreciating the nature is better than listening to our incomprehensible lesson,” I honestly said, making sure everyone in the class can hear it. Afterwards, my eyes met the Professor’s gaze.
Nakatanggap ng mga bayolenteng reaksyon ang sinabi ko mula sa aking mga kaklase. Some of them agreed, most of them didn’t. Hypocrites!
“Are you proud of yourself because you’re featured in the news for being a troublemaker? The news was clearly not about you but I guess it fed your ego. The school will take action for your behavior Ms. Laurier.” She stated in her most strict voice, knocking off her hurt feelings. “Kung sino pa ‘yong mahina sa klase, siya pa ang may ganang magreklamo,” dagdag pa niya.
“Mahina because teachers like you are not good enough to make us the best!”
Napahikbi siya pagkatapos ko siyang sampalin ng katotohanan.
Inalo ni Tia at ng iba pang mga kaklase ang umiiyak na professor. Napapatingin sila sa akin at sinenyasan ako na humingi ng tawad sa ginawa ko ngunit umiling lang ako bilang tugon.
“Know your place in this four cornered wall, Ax.” Roquelaure, the class monitor, warned me. Kasali siya sa umalo sa professor at umalis lang para pangaralan ako. As if naman na wala siyang reklamo sa lahat ng mga guro namin dito.
“Guro siya at estudyante ka. Nasa taas siya at ikaw ay nasa baba habang nakatingala sa kanya para matuto. Hindi ‘yon mag-iiba hangga‘t nasa loob ka ng skwelahan at estudyante ka pa. If you dislike her, keep it to yourself dahil ang totoo hindi siya ang masisira. Ang sarili mo ang masisira sa mata ng mga tao which is already happening.”
Here we go again. . . ako na naman ang may mali. Ako na naman ang may kasalanan. Ako na naman ang masama. Ako na naman ang kontrabida. Ako na naman ang mag-aadjust.
The way Roquelaure looked at me was intimidating, maybe because he’s the class monitor and the most brilliant in our department. Ang mga katulad niyang matatalino ay kinaiinisan ko rin dahil sa tuwing sila ang magrereklamo tungkol sa mga professor ay okay lang dahil tama ang rason nila. But when it comes to me, maling-mali dahil mahina ako sa klase.
“She deserved it for not teaching properly! Nagbayad ako ng tuition pero anong nakukuha ko sa tuwing nagkaklase siya at ang ibang mga prof? Puro pagpupuna Ro! Ang mahal ng tuition pero bakit sinasabihan pa rin nila akong mahina sa klase? It’s because they’re not effective!” I screamed my lungs out defending my side and to make sure the crying prof can hear my laments.
“Bakit kayong matatalino nag-e-effort na mag-aral at nagpapa-enroll pa sa mga private tutoring academies? Tell me!” Paghahamon ko sa kanya. His eyes were suddenly became shaky, unable to give any reasonable answer that will put what I believe in the wrong side.
“See how you can’t answer because you’re afraid to agree with me?” I sarcastically spilled the fact.
Natahimik ang buong klase at napatingin sa akin. Tia looked flustered dahil sa sinabi ko, natamaan ata. Habang ang professor namin ay hindi na napigilang umalis sa loob ng classroom kahit hindi pa tapos ang klase namin.
I showed my victorious smile at Ro who can’t answer my very simple question.
“Sino ang nag-walkout ngayon Ro? Ako ba?”
Umiling siya at tsaka inayos ang salamin na suot. “Hindi nga ikaw ang nag-walkout at natamaan sa mga pinagsasabi mo. Okay, I admit that some of what you said make sense and I was embarrassed with what you said pero hanggang doon lang ang mararamdaman ko, namin. While you,” he closed our distance at inilapit ang mukha niya sa gilid ng mukha ko. “...you will get detention, the Professor might drop you out from the class, and you will remain mahina sa klase as what you claimed earlier.”
***
Tumayo ako sa kama nang marinig ang doorbell hudyat na dumating ang order kong hapunan. Marami-raming pagkain ang inorder ko dahil matagal akong nakauwi kanina mula sa school.
Bago pa man ako mapatawag ay aalis na sana ako kaso hinarang ako sa guardhouse at hindi pinalabas. Gusto kong palakpakan ang administration ng Milea Bay University dahil sa ginawa nilang pagharang sa akin.
Pinatawag ako sa Dean's Office ng department namin para kausapin tungkol sa ginawa ko sa Professor. The Dean said, although he understands my point sana ay hindi ko pinairal ang attitude ko at nirespeto pa rin ang Professor. Kakausapin niya raw ang Prof na huwag nang ipaabot sa Guidance Counselor ang nangyari dahil napagsabihan na niya ako at hindi na raw ako uulit. Gusto ko ngang matawa sa pinagsasabi ng Dean, e. Desisyon masyado.
Isa ngang sorpresa para sa akin na hindi minention ng Dean ang patungkol sa nangyari sa amin ni Yohan five days ago. Mabuti rin talaga na sa loob ng limang araw ay hindi ko nakasalamuha si Yohan sa university.
Binuksan ko ang box na naglalaman ng drumsticks at nagbukas ng isang can ng beer. Bago ako tuluyang kumain ay kinuha ko ang vinyl record at inilagay sa turntable. Umupo sa carpeted na sahig at sumandal sa kama.
“This is peace!” I blurted in joy when the intro of the song The Scientist by Coldplay starts.
Eating chicken and listening to my favorite album after a long tiring day is therapeutic. Napapangiwi ako sa anghang ng manok pero nawawala ito sa tuwing umiinom ako ng beer.
Brondon’s Resto has the tastiest fried chicken in town ever. Kaya nagpicture ako at nag-tweet sa Twitter at nag-story sa Instagram. Hindi ko nakalimutang i-tag ang Brondon’s Resto baka sakaling gawin nila akong ambassador at padalhan pa nila ako ng sangkatutak na fried chicken kapag maraming umorder sa kanila dahil sa akin.
My dinner is extraordinary! #FriedChicken @Brondons_Resto
Tuloy-tuloy ang pagtunog ng phone ko matapos kong magpost. Napangiti ako nang makita na nagreact ang Brondon’s Resto at nag-dm pa sa Instagram ko para magpasalamat.
“Ubos na?” Saad ko ng wala na akong makapkap na fried chicken sa loob ng box. Sunod ko namang kinuha ang canned beer pero wala na rin itong laman.
I stayed still when I felt a gas building up inside my stomach. Not too long, a loud belch escaped from my mouth. Nakadagdag na naman ako sa air pollution.
Matapos kong maitapon sa basurahan ang pinagkainan ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nanlalagkit na kasi ang katawan ko at ayaw kong matulog ng hindi nakakaligo.
Sunod-sunod na doorbell ang nakapagpalabas sa akin sa banyo. Clad with a robe, I stepped out from the shower room.
Instead of opening my door right away, I looked at the monitor first to see who’s the person behind the continuous bell and to make sure if it’s safe to open the door or not.
It’s 9:30 pm already at sa ganitong oras, hindi na ako nakakatanggap ng mga packages na mga ino-order ko. At sa pagkakaalam ko ay hindi pa ngayon dadating ang alaga kong ibon nagpapagaling sa avian vet clinic.
Pagtingin ko ay isa itong lalaki na naka-cap at may nakasabit sa balikat niya na malaking square bag. I think he’s a postman based on the embroidery on his cap — Milea Bay Post Office.
Binuksan ko ang pintuan dahil mukhang harmless naman siya at serbisyo talaga ang hatid niya.
“Good evening ma’am Axis!” Bati niya sa akin. Magtataka na sana ako kung bakit alam niya ang pangalan ko pero naalala ko na hindi naman siya makakapunta rito kung hindi niya alam ang pangalan ko. Mabuti nalang talaga.
Tumango lang ako bilang sagot.
“Paki-receive nalang po,” inabot niya sa akin ang makapal na papel para makapirma ako.
Matapos kong pirmahan ay inabot niya sa akin ang isang envelope at tuluyan nang umalis.
Isinara ko ang pintuan at dali-daling binuksan ang envelope kahit kinakabahan kung sino ang nagpadala at kung ano ang nakapaloob dito. Nahanap kaya nila ako?
My forehead creased when I read where the letter came from. “Office of the Vice Mayor?” I uttered confusedly.
My eyes widened in astonishment when I remembered what happened five days ago. Isusuplong ba ako ng nanay ni Yohan?
My eyes went on the letter again with utmost loathing. I didn’t expect this to happen and I thought Yohan will get the damage instead of me. At ang formal pa talaga ng pagbibigay ng letter ha? Ginamit pa talaga ang kapangyarihan to connect with me at hindi bilang isang ina ni Yohan.
The following words left me in a great humorous state. What I thought about earlier was all ridiculous! Vice Mayor did not sent me the letter to threaten or punish me — she sent it to apologize in order to compensate what Yohan did to me. She proposed an agreement which involves money, me and Yohan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top