Chapter 16
"Look who's here..." Yohan teasingly said as he saw Cherry's dad standing near the apartment building's gate, holding Cherry's leash.
"Think what you want to think but I want to make myself clear before you assume things. I don't want to involve myself any longer to you and that Ady girl, okay?" paglilinaw ko sa kanya. Nagrehistro ang pagkadismaya niya sa kanyang mukha pero agad din namang nawala iyon at napalitan ng ngiti.
"And I'm still on a deal with your mom so just be yourself," I said sarcastically.
Tinapunan lang ako ni Yohan ng isang bored na tingin. "Ginawa mo lang talaga akong driver, 'no?"
"Ano pa nga ba?" sagot ko sakanya at bumaba na ng kotse.
Sumunod sa pagbaba sa akin si Yohan at nauna pang bumati kay Cherry's dad.
"Hey bro!" masiglang bati ni Yohan sa nag-zozone out na si Cherry's dad. Pati pala mga lalaki ay marunong makipagplastikan. Si Cherry ang sumagot kay Yohan sa pamamagitan ng pagtahol at napaatras si Yohan dahil sa gulat. Deserve.
Pilit kong pinipigilan ang pagtawa ko nang magkunyaring hindi nagulat si Yohan.
"Ang friendly pala nitong aso mo," turo niya kay Cherry at kinawayan ito. "Hi doggy!"
Hinampas ko si Yohan sa braso para isalba siya sa kahihiyan sa harap ni Cherry's dad. Patay-malisya niya lang akong tinignan pabalik.
My eyes met Cherry's dad eyes and it was so awkward. I can feel the awkwardness in his stare too! Para siyang napilitan nang bigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Isang tipid na ngiti rin ang iginawad ko sa kanya.
"Uh... Hi," bati niya sa amin ni Yohan, sabay kamot sa batok niya. "Nandito pala ako para kunin ang ibon mo," sabi niya sa akin at napatingin kay Yohan.
Napahagalpak ako nang tawa nang mag-iba ang itsura ni Yohan mula sa sinabi niya. And I laughed harder when I thought about how Yohan interpreted the bird statement from Cherry's dad.
After a few seconds, I heard Yohan's laugh too when he realized I was laughing at him. Si Cherry's dad ay mukha namang out of place sa amin. Mabuti pa si Cherry dahil nakisabay pa sa tawanan namin.
"Akala ko talaga na 'yong ibon niya ang tinutukoy niya," pag-amin ni Yohan habang taas-baba ang balikat niya dahil sa pagtawa.
"Gago... hahahahaha!" sabay hampas ko sa braso niya.
"Ang sakit 'nun ah!" reklamo ni Yohan at hinimas ang brasong hinampas ko.
"Nanliligaw ka ba kay Axis, bro?" patay malisyang tanong ni Yohan. Nahampas ko ulit siya dahil sa tanong niya. "Ang sakit mo talagang humampas," saad niya na may ngiti sa labi.
Bigla akong nakaramdam ng kaba habang hinihintay ang sagot ni Cherry's dad. I already know the answer why he's here but the anticipation to hear his answer is there.
Yohan is extremely cunning. Gusto niya talagang masigurado kung anong ginagawa ni Cherry's dad dito para malaman kung may lugar pa ba siya sa puso ni Ady girl.
Tumikhim si Cherry's dad at ngumiti ng pilit. "May ipapagawa lang si Axis kaya nandito ako... Wala kang dapat ipag-alala." he sincerely answered with a genuine smile.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya. He's clearly drawing the line between us which I find unnecessary. Plus, he's too oblivious not to read between the lines or even read the room. Alam na niya ang presence ni Yohan sa kay Ady. Or probably, is this his way of telling Yohan to back off from Ady?
I faked a laugh to release the tension between the three of us. I'm butting in before their conversation turns completely.
"I think we need food." I said and led the way to my apartment.
***
My eyes were feasting on the food lined up on the table. Napatingin ako kay Yohan dahil siya lahat ang umorder nito.
"Maliit na bagay Axis," mayabang na sabi niya, pinapamukha sa amin na marami siyang pera. "Pati si Cherry ay may treat din mula sa akin," dagdag pa niya.
Napatingin ako kay Cherry's dad habang binabantayan sa pagkain si Cherry. The bowl Cherry used is definitely not a food bowl for dogs. I squinted my eyes and my hair rose in horror when I realized it's my expensive ceramic bowl. Ni hindi ko nga 'yan ginagamit!
"Hoy Cherry's dad! Did you run through my kitchen cabinet?" I asked him to try to hear a reasonable reason why he did it.
Umiling lang sa akin si Cherry's dad; sinasabing wala siyang kinalaman sa pagkuha ng bowl. Tinuro niya si Yohan na nasa likod ko. Yohan just gave me an apologetic smile and shrugged his shoulders off.
"She's a visitor and it makes sense..." Yohan reasoned out. "Ganun kasi sa bahay namin e, nakikita ko 'yung mga house angels namin na kinukuha ang mga mangkok sa cabinet tuwing may bisita."
I just sighed and rubbed my forehead on how lame his excuse was.
"Well, this is not your home." I reminded him. "You can't just touch or use anything here without my permission. Mayaman pero hindi alam ang basic guest etiquette."
"Sorry Ax..." pagpapaumanhin ni Cherry's dad. It's not his fault so he doesn't need an earful from me.
I just stuffed my mouth with a pizza before I'll get further annoyed.
The three of us went silent when we all started to indulge the food solemnly. Yohan picked a good restaurant kaya hindi kami mahinto sa pagkain. I constantly picked up the pizza while both of them enjoyed the pasta and shawarma.
A phone rang and Yohan picked it up. Lumabas muna siya at nang bumalik ay ngumiti siya sa akin.
“Nahuli na raw ‘yung assailant sa port terminal. Paalis na sana ng Milea Bay dahil turista pala. Naabisuhan kaagad ‘yung mga tourist police kaya nahuli. Nagmaang-maangan pa raw na wala siyang naalalang gumawa siya ng kabalastugan,” Yohan announced. I breathed a sigh of relief after hearing the news.
I’m glad that he is not local here dahil gagawa talaga ako ng paraan para mapaalis siya sa Milea Bay.
“Will he get sentenced?” I curiously asked while sipping on my milk tea. He deserves to stay behind those cold bars and pay a price.
“Wala pang further information sila na binigay. Based on your statement, pwede siyang sampahan ng lascivious conduct.”
Napatango nalang ako sa sinabi ni Yohan dahil hindi ako educated patungkol sa mga laws.
“Nanginginig ka...” saad ni Yohan. I saw his eyes flickered with worry.
Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko nga na I was shaking unconsciously. As I became aware of my situation, I suddenly feel the fast beating of my heart. The assailant has been caught, so why am I feeling this way?
Kinuha ni Cherry’s dad ang milk tea mula sa kamay ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat, pilit na pinapatingin ako sa kanya.
I met his concerned eyes with my puzzled gaze. “Close your eyes and breathe slowly,” he suggested and I followed.
“Nahuli na siya Ax, he can’t harm you anymore,” pagpapanatag ni Yohan sa akin.
The unfamiliar sensation of comfort pierced through me. I feel it genuinely despite the comfort given by the people who are completely not my type of person. The three of us take advantage of each other; may it be money or service. We met in a way where comfort is not expected to blossom, however, the universe has the audacity to bind us to each other through my adversity.
As I was breathing to escape from my panic attack, I decided to let this momentum flow like water in a stream. I don’t want to expect to get this kind of comfort from them again as I want to protect myself from further disappointment. Yohan and Cherry’s dad have the same denominator. I can’t let them be my denominator.
Naunang umalis si Yohan dahil may klase pa siya at hindi na ako nag-abala pang pigilan siya. Samantalang si Cherry’s dad ay naririto pa rin sa apartment ko at tinatapos ang natitirang pagkain.
Muntikan nang lumabas ang kaluluwa ko mula sa katawan nang tinangka niyang ilagay ang bowl na ginamit ni Cherry sa dish dryer rack. Malalaki ang hakbang ko papunta sa kanya para lang pigilan siya sa paggawa ng krimen sa loob ng apartment ko.
“Ang lakas ng loob!” malutong kong saad at binawi mula sa kamay niya ang bowl. “Ginamit na ‘to ng aso mo, tapos ilalagay mo talaga kahanay sa mga pinggan na ginamit ng mga tao?”
“Binanlawan ko ‘yan ng mainit na tubig kaya akala ko puwede lang,” pagdadahilan niya pa. Ang sarap niyang kotongan!
Kung si Yohan ay mayaman na hindi alam ang basic guest etiquette, si Cherry’s dad naman ay isang taong hindi alam ang basic etiquette sa pag segregate nang gamit sa dishes.
Tumakbo si Cherry sa direksyon namin at kinawag-kawag niya ang kanyang buntot sa akin. She even attempted to show me her puppy eyes but I don’t get soft with dogs easily. If she was Yorkie, I probably could not resist her.
“You can’t do that to me doggy,” pagbabala ko sa aso. Para namang nakuha niya ang ibig kong sabihin dahil lumayo siya sa akin at lumapit sa amo niya.
Mahirap talagang makisama sa mga tao lalo na kung magkaiba ang pananaw sa buhay at ugali. Mahirap mag-adjust at mag call-out kung ano ang dapat nilang gawin para hindi ma-annoy ang sarili ko. Siyempre, if you’re in someone’s place, it’s inappropriate to let your guard down and be comfortable in an instant kahit first time palang naman makabisita.
I stopped ranting inside my head when I saw Cherry’s dad petting Cherry. Makikita talaga ang bond at affection nila dahil tuwang-tuwa sila sa isa’t isa.
Hinahangaan ko ang mga taong pinapahalagahan ang mga alagang hayop at iniisip na parte ito ng pamilya. Lalo na iyong mga pets na walang ibang kasamang ibang pets dahil paniguradong ang boring ng buhay nila pagnagkataon. Hindi na nga inaalagaan ng maayos ng mga may-ari tapos hindi pa silang malayang makapag-express ng sarili nila dahil wala namang makakaintindi sa kanila.
Ngayon ay nililibang ko si Yorkie. Masyado akong okupado kaya medyo na neglect ko siya. I wanted to tell him the suffering I went through yesterday but I stopped myself. Ayaw kong makarinig siya ng hindi magagandang pangyayari dahil unfair iyon sa kanya. Nakakulong na nga, puro rant pa ang maririnig mula sa akin.
“What if I ended up not coming home one day? Will you be alright?” Ibinahagi ko sa kanya ang aking mga iniisip. Tumayo ang balahibo ko nang tumigil siya sa pagtuka ng pagkain para tignan ako. “I’m not talking about death, okay.” I assured him.
Yorkie started to move around in his cage. I suddenly feel guilty about opening the topic. I didn’t know he would react this way or bored lang talaga siya at ako lang talaga ang nagbibigay ng meaning sa mga kilos niya.
“It’s a mad scenario but it’s just a what if Yorkie. Ikaw naman, masyado kang praning,” tukso ko sakanya sabay kiliti sa maliit niyang katawan. “Aray!” reklamo ko ng bigla niya lang akong tinuka. “Oo na! I will come home to you, I swear!”
Bago pa mauwi kaming dalawa sa dramahan ay tinawag ko si Cherry’s dad. Being dramatic is not my thing and it’s only for the weak and overacting people.
“Si Yorkie pala ang ipapasuyo ko sa’yo.” Inabot ko sa kanya ang card kung saan nakalagay ang pangalan at address ng vet na palagi kong pinagdadalhan kay Yorkie.
Nakaschedule si Yorkie ng avian medical examination bukas at hindi ako makakasama sa kanya dahil may lakad ako bukas. Kung importante ang kalusugan ko ay gayundin kay Yorkie. He can’t tell me if he’s unwell and this medical examination would be convenient.
“Ah, alam ko ‘to,” tukoy niya sa veterinary clinic. “May sakit ba siya?”
“Wala naman siguro? Need lang niya mag-undergo ng medical examination para malaman ko kung okay lang ba siya.”
“Papasok ka na ba bukas?”
Umiling ako. Isang subject lang naman ang meron ako bukas kaya hindi masyadong masakit kung a-absent ako. Tutal, hindi rin naman ako natatakot mag-absent.
“I need to unwind,” sabi ko na lamang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top