Chapter 15
I found myself piggyback riding on Cherry’s dad's back and I could feel the tension in his body as he made sure I’m comfortable. He even lent me his jacket so I could tie it on my waist. I accepted it without saying anything as my legs were trembling in the cold dawn air.
Being on his back was a way to study him. I can hear his heavy breathing every time he takes a step.
It’s undeniable that he has strong arms and a great physique. I unintentionally smelled his shirt and it smelled like a fabric conditioner.
Medyo napagpawisan na rin ang leeg niya at dumadampi ito sa mukha ko. Kung hindi lang mabango ang leeg niya ay kanina pa ako nandiri. Mas inayos ko pa ang puwesto ng ulo ko sa balikat niya para maiwasan ko ang physical contact. Naramdaman ko kasi kanina na medyo nag-fliflinch siya every time I exhaled near his neck.
My eyes landed on the black blanket above. I wonder how the moon and the stars are this extremely beautiful despite existing for billions of years. They never had a bad day. Sa tuwing nakikita ko sila ay parang nasa ibang dimensyon ako. At sa tuwing pinagmamasdan ko sila ay mas lalo pa nahihimok na maging katulad nila na kahit dumaan ang maraming taon ay nanatili pa rin silang kumikislap at relevant sa mga tao.
I am Axis Laurier and I am born to live like a star. I may burn but I’ll continue to glimmer.
“Where are we going?” napahinto siya saglit sa paglalakad at narinig ko na huminga siya ng malalim.
“Sa dog pound. Iyon lang kasi ang pinakamalapit na puwede nating puntahan,” sagot niya. “May tsinelas ako roon na puwede mong hiramin at para na rin makainom ka ng tubig,” dagdag niya habang pinagpatuloy ang paglalakad.
“Alam mo bang pupunta sana ako sa Police Station?” bulong ko sa kanya para maiwasan ang dead air. Ayaw kong sarilihin ang dinanas ko kanina dahil deserve ko namang pakinggan.
“Totoo?” tanong niya na parang hindi makapaniwala. I am curious about his speculations about what happened to me.
“Hmm..”
“Sige sa police station nalang tayo dumiretso. Baka tanungin ka pa kung bakit hindi ka dumiretso agad,” pahayag niya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin at pinabilis niya ang paglalakad na parang may hinahabol na oras.
He’s got a point. Makakarating din naman ako sa police station at for sure, may tubig doon. More importantly, I should not delay any further the assaulter’s arrest. He should be detained right at this hour!
Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya nang ibinababa niya ako sa unang baitang ng hagdan ng police station. Malamig man ay tagaktak ang pawis niya.
“Nakarating na rin sa wakas...” bulong niya at pinaypayan ang sarili gamit ang kanyang damit dahil sa init at malakas din ang paghinga niya.
Dumapo ang kanyang mata sa paa kong walang sapin sa paa. Lumapit siya sa akin at nag-squat. “Pumasok na tayo.”
I know what he wanted me to do kaya hindi na ako nagpaligoy pa at sumampa na sa likod niya. I bet his guilty to let me walk on the cold and dirty floor.
As soon as I got off his back, a police officer came to us asking what can he do. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang tinignan ako ng police officer — kaba na naramdaman ko kanina nang makita si Cherry’s dad. If it was a police woman, I wouldn’t react this way probably.
Nang makita niya ang reaksyon at itsura ko ay ginabayan niya kami sa desk niya.
pinaupo sa isang plastic chair katapat ng mesa niya. Si Cherry’s dad ay umupo naman katapat ko.
The police officer gave me a pair of lousy, cheap-looking, rubber red slippers. It was clean though kaya tinanggap ko na bago pa mas lalong madumihan ang paa ko.
Cherry’s dad requested a water kaya binigyan kami ng two bottled water. Hinintay muna akong makainom ng tubig bago tinanong ng police officer.
He asked for my name, birthday and address. I was glad he only asked those things. After all, I’m an adult.
“What happened?” The question only contained two words yet they were heavy.
As I recalled the details of what happened earlier, I felt a surge of anger and discomfort in my body. It was like I’m swimming in an ocean of contempt looking for the sea monster who tried to drown me down on the seafloor.
A pair of warm hands cupped my shivering hands. Tinignan niya ako gamit ang mga mata niyang puno ng simpatya.
“Take it slowly Ax,” bulong niya sa akin at ginabayan ako sa paghinga para kumalma ako; and it worked. I wonder if he’s just acting like he cares.
“Anong oras nangyari ito?” the police officer asked.
“Hmm...” I hummed as I tried to reminisce. “I think I was able to glance at my watch right before he talked to me... It was 12:34 am!”
Tumango siya sa sagot ko at itinipa iyon sa computer niya.
“Do you have his name?”
“No, he never introduced his name to me.”
“Do you recognize his face?”
Sinubukan kong aalahanin ang mukha niya pero nanaig ang kaba at takot ko nang pangyayaring iyon kaya hindi ko na maalala pa at sa tingin ko ay mas nakakabuti para sa akin.
I was fluent in answering the police officer’s questions. It took one hour and twenty minutes to finish the interview. Sabi niya ay bibisitahin nila ang bar at titignan ang CCTV roon upang makita ang mukha ng lalaki.
“Ngayon na po ba kayo pupunta?” tanong ni Cherry’s dad na handang sumama sa pulis.
Ngumiti ang police officer at tinuro ang orasan na nakasabit sa pader. “Madaling-araw pa hijo, baka mamaya na namin iyon puntahan,” saad nito na parang okay lang na patagalin ang paghahanap sa nangbastos sa akin.
“Bakit mo naman kasi hinayaan ‘tong girlfriend mong lumabas mag-isa?” the police officer joked and laughed at us.
Kailangan ba ng mga babae ang taga bantay para hindi mabastos? Dapat bang mga babae talaga ang mag-adjust at hindi iyong mga lalaking manyak?
Tumayo ako at hinampas ang mesa niya gamit ang isang folder.
“Bakit ba kasi walang police post malapit sa club? Bakit hindi niyo hinuhuli ang mga manyak na nagbibigay ng trauma sa aming mga babae? Bakit kailangan pa namin ng kasama para maging safe kami?” I ambushed the police officers with a series of questions.
He looked astounded by my behavior. Akala niya ata ay mahinhin akong babae.
“Police ka pa naman sana kaso nag-assume ka kaagad na magjowa kami without verifying it!”
“You have a point na dapat ang mga babae ay hindi puwedeng mag-isa sa mundong ito na puno ng mga halimaw pero parang naninisi ka pa ng tao dahil hindi niya ako sinamahan?” I exploded my feelings on his face. “If you could just exterminate those kinds of people, hindi na siguro kayo maninisi.”
Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Cherry’s dad pero hindi ko siya pinansin.
“Fuck your agency's mission. Just do your job correctly and immediately!”
***
Despite offending the police officer, he offered to take us home. Cherry’s dad gives the direction to the police officer while I was staying silent and feasting on the stars with my eyes.
I’m planning to call Vice Mayor later to ask for her assistance para matugis na kaagad ang perpetrator bago pa siya makabiktima ng ibang babae. Sana ‘yong mga inggeterang babae nalang ang ginawan niya ng kabalastugan sa halip na sa akin. Mas deserve nilang mabastos kasi bastos na sila.
“Salamat po,” nagpasalamat siya sa police officer nang makarating na kami sa harap ng apartment ko.
“Makakaasa kayo sa serbisyo namin, Miss.” habol ng police officer nang tuluyan na kaming makalabas sa police car.
“Sana nga ay hindi lang kayo puro salita.”
“Tatayo ka lang ba d’yan?” naiinip kong tanong kay Cherry’s dad na nasa labas ng gate habang ako ay nakapasok na.
“Aalis na ako. Pumasok ka na sa loob.” sagot niya na mas lalong ikana-inip ko pa.
“Hindi ko naman sinabing umalis ka na?”
“Ano pala ang ibig mong sabihin?” he curiously asked. I rolled my eyes at his slow wit.
“Bawal daw maglakad mag-isa kaya samahan mo ko sa loob.” pagdadahilan ko at nauna nang maglakad.
Nang papalapit na ako sa apartment ay may natanaw akong isang medium box na iniwan sa tapat ng pintuan ko. Napatitig ako sa box nang makarating ako sa pinto. Pupulutin ko na sana ito kaso naunahan ako ng kamay ni Cherry’s dad.
“Ako na ang magdadala sa loob,” pagpresenta niya. Binuksan ko ang pintuan para tuluyan na kaming makapasok.
“You can put it there,” turo ko sa isang table at nilapag niya ito roon. Hinubad ko na ang tsinelas na kanina ko pa gustong hubarin kasi sobrang tacky ng style nito. Itinabi ko ito sa sapatos ni Cherry‘s dad. Ipapadala ko nalang ito sa kanya at ipa-giveaway sa walang tsinelas.
I immediately went to the bathroom to cleanse myself from being assaulted today. I shivered as I lathered my body with soap. It was like the ghost of the actions of the perpetrator is following me, wanting to penetrate my unstable mind.
Loud knocks were the next thing I heard. Knocks that sent me back to my senses. My ears gladly heard them save me from the peril I was about to drown to.
“Huwag kang matakot! Andito lang ako!” Sigaw niya na puno ng pag-alala. May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil sa nararamdaman ko.
My heart, for the first time, breathes because of his words. I didn’t know the heart can be capable of breathing as I know it only beats and pumps. This is overwhelming. Hindi ko naisip na sa gitna ng crisis ng buhay ko ay may isang taong magpapaginhawa ng puso ko.
Nakatitig lang ako sa pinto ng banyo at pinapakiramdaman ang bawat kalabog nito dahil sa mga katok niya. Inilagay ko ang kanang kamay sa dibdib ko at namangha ako nang naka-synchronized ang katok niya at ang tibok ng puso ko.
How can I feel this way?
“Axis! Axis! Wala namang masamang nangyari sa iyo d’yan sa loob ‘di ba?” he sounded so scared. Ako ang dapat matakot sa pinaparamdam niya sa akin.
Clad only with a bathrobe, I stepped outside the bathroom. He was standing there, waiting for me to come outside alive and kicking.
I don’t know how to say this but his face shined. No. He shined. He twinkled.
The next thing he did make me startled. He pulled me by my arm and closed our distance to hug me. He was shining and it felt like I burned.
It was ironic how he made my heart breathe earlier and now, it’s breathless.
“Masaya akong makitang okay ka lang,” he said above my head.
At that moment, I succumbed to a human emotion which is to let my heart be breathless yet beat at the same time.
***
“You can’t do this for me?!” I said in disbelief. Vice Mayor just declined to help me identify who assaulted me last night.
“The police are already working on it hija. I can’t do it for you kasi ginawa mo na which is better. I’ll keep on track with your case, don’t worry,” she answered calmly.
I’m in the municipal hall para i-kwento sakanya ng personal ang nangyari at puno ng pag-alala ang ang reaksyon niya kaya nadismaya ako ng hindi niya ako kayang tulungan para mapabilis ang pagtugis sa suspek.
“But you can do better than the police! Hire private investigators for my sake!” giit ko pa. I don’t know what’s stopping her from doing the best when she can.
“Let the police handle this case, Miss Laurier,” she said in her most authoritative voice. “The Milea Bay Police can do it.”
Lumabas ako ng opisina niyang hindi nakukuha ang gusto ko. Kung sabagay, hindi nga siya kumuha ng professional para pa-sundan ang anak niya. E, ako pa kayang employee niya?
“Ahoj!” kumaway sa akin si Yohan na may mapang-asar na ngiti. “Goodbye for good pala ha,” pang-aasar niya nang nakalapit na sa akin.
One thing I learned from what I did to him was never to cut ties with a person who has a lot of connections. Ang deal lang pala dapat ang pinutol ko sa aming dalawa. Ayan tuloy, nagmukha akong clown sa kanya.
“Nabalitaan ko ang nangyari. Ayos ka lang ba?” he sincerely asked. He scanned me and even made me do a 360° turn just to assure if I’m okay.
“You can’t see the wounds because it’s here,” I said, pointing my head.
He smiled pitifully. “The wounds there are totally difficult to heal.”
I just nodded to what he just said. It’s true though. Mahirap talagang gamutin ang mga sugat na hindi nakikita dahil wala namang direktang gamot na pwedeng ilagay para maghilom ang mga ito.
“So why did you ask me to come here?”
“Papahatid ako pauwi,” sagot ko.
“Dovoľ mi vziať ťa domov,” nakangiting saad niya na hindi ko naman maintindihan. A-akbayan niya sana amo pero nakaiwas ako kaagad. It’s hard to deal with men today and probably in the next few days. Skin ships with men will be utterly awkward.
Bigla ko tuloy naalala ang interaction na naganap sa aming dalawa ni Cherry’s dad kaninang madaling araw. Siguro hindi lalaki ang tingin ko sakanya dahil iba ang naramdaman ko?
“Hej na čo myslíš? Povedal som poďme, vezmem ťa domov! May pupuntahan pa ako!” nababagot na saad niya. Hindi ko man maintindihan ang pinagsasabi niya pero alam kong pinagmamadali niya ako.
****
[Slovak to English Translation]
Dovoľ mi vziať ťa domov.
Let me take you home.
Hej na čo myslíš? Povedal som poďme, vezmem ťa domov.
Hey, what are you thinking? I said let's go so I could take you home.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top