Chapter 12
My eyes were fixed on his creased forehead and his busy hands alternately. To see a new side of him being dedicative in his work seems unrealistic. Napilit lang siya pero ginagampanan niya ng mabuti ang trabaho niya.
Sa pagmamasid ko sakanya ay umabot ako sa puntong kinokompara ko ang sarili ko sa kanya. There’s no doubt that I’m enthusiastic whenever I want to achieve something — like getting him to work for me. I even offered him a bountiful of money just so he could get swayed to work for me.
We surely have identical characteristics; we are both driven by passion and money.
Day two pa lang pero mukhang matatapos na niya ngayon ang pinapagawa ko sa kanya. Kung wala lang siyang duty sa Dog Pound ay natapos na niya sana ang mga gawain kahapon which means I can save money for my luho.
“Seryoso? Babagsak ka sa mga subject na ‘to? Hindi ka ba pinagpala ng katalinuhan?”
I aggressively snatch the sandwich on the table and put it inside his mouth. Ang dami niyang dada! Kung tumahimik kaya nalang siya?
Dahil hindi niya iyon inaasahan ay nabulunan siya. He pounded his chest while he looked for water but there was none. Nang hindi siya mahimasmasan ay napatayo siya sa table namin at lumapit sa counter upang bumili ng tubig.
Apparently, we're at the café where Ady works. Class hours ng high school kaya wala siya rito ngayon. Dito ko napagdesisyonan na gumawa ng school works dahil sa black golden card. Ayaw kong gumastos pa kay Cherry’s dad.
Gusto ko ring makita kung ano talaga ang relasyon nila ni Ady. It’s a given that they’re close. Anyone could assume that their closeness might be in a romantic way but I’m doubtful because I can sense constraint from both of them. Parang may haligi pa silang hindi nabibiyak.
And I wonder how his human emotions for Ady work? I’ve seen them together twice and I’m eager to witness more of his human emotions.
“That’s what you get for judging me,” salubong ko sakanya nang makabalik siya sa table namin.
He wiped his mouth with a tissue paper and sat back silently. Bago pa siya muling humarap sa MacBook ay sinamaan niya ako ng tingin.
Through this part-time job I offered, I’ve witnessed how he’s excellent academically. Minsan nga lang siyang gumamit ng google dahil halos alam pa niya lahat ang mga topics na naroroon. Bakit kaya hindi siya mag-apply sa mga corporate companies or as a government employee para gamitin ang skills niya? Sayang naman kung sa dog pound lang siya, hindi siya aasenso.
My phone buzzed kaya naputol ang pag-iisip ko kung saan pwede i-maximize ang skills ni Cherry’s dad.
From: Unknown Number
Axis Laurier. Milea Bay.
Nang mabasa ko ang mensahe ay parang binuhusan ako ng malamig ng tubig. It wasn’t just my name and Milea Bay but it was like a cipher — a cipher I deciphered in an instant.
“Oy?” tatlong katok sa table ang pumukaw sa atensyon ko. “Pinagpapawisan ka,” dagdag pa niya kaya napahawak ako sa noo.
“Restroom.” paalam ko at tumayo nang hindi pa kumakalma ang dibdib ko.
Nang makapasok ako sa restroom ay dali-dali kong binuksan ang faucet at naghilamos ng mukha para mahimasmasan.
“You’re shaped by your experiences to be fearless Ax. Never forget about it. You are fearless.” I told my reflection in the misty oval-shaped mirror. “You are fearless.” I chanted to remind myself that I need to get back to my usual self who’s not scared of anything.
I am not supposed to feel this human emotion. I set my feet to Milea Bay because I’m tough enough to deal with anything, with anyone. I am not here to cower but to start anew and build a perfect image that showcases my superiority.
***
“Tapos na lahat?” gulat na tanong ko nang ibigay niya sa akin ang flash drive. Hindi siya natapos kahapon sa café kasi nauna akong umuwi dala ang MacBook ko at wala rin ako sa mood para makita silang dalawa ni Ady.
Why am I even giving time to them?
“Tatlong araw kong pinaghirapang gawin ‘yan kaya sana hindi ka mag-backout sa pinag-usapan nating presyo.” seryoso niyang saad habang nakatayo sa pintuan ko. Kung hindi niya lang sinabi iyon ay plano kong imbitahin siya sa loob ng apartment ko.
“Bank transfer kasi wala akong cash!” kinuha ko sa bulsa ang phone ko para i-wire sakanya ang sixty-thousand.
Gumastos talaga ako ng sixty-thousand para sa pasang-awa na grado!
Isang mapang-asar na ngiti ang iginawad niya sa akin matapos niyang matanggap ang pera. This man will never let me have a good impression of him.
“So what’s my next job?” panghahamon niya sa akin.
Sa tingin ko’y pride niya lang talaga ang nagsasabing hindi niya kailangan ng pera. Nasubukan na niya kaya hindi na siya nagpapakipot na sumubok ulit.
My smart mind was so fast to think of a response. Mas mabilis pa sa putol ng isang baril.
I will not distract Cherry’s dad away from Ady like how Yohan wants me to do. Instead, I’m going to offer him a job to distance himself from Ady without him noticing the reason behind it.
If he thinks he got his nerves on me, he’s definitely wrong because I’ll be the one who’ll get on his nerves.
“Be my personal assistant for a year.”
***
Malalim na ang gabi pero nasa labas pa ako, naka-upo sa isang swing ‘di kalayuan sa apartment. Dala ko rin si Yorkie na nasa loob ng birdcage niya at nakapatong sa kabilang swing.
Tonight, I just wanna feel the moon and the stars above me. Somehow, being alone in a place where there are no boundaries and corners is giving me freedom — a freedom that I could only taste in Milea Bay.
Gusto kong bigyan ang sarili ko ng break dahil lately, masyado na akong okupado sa ibang bagay at nakaligtaan ko ng bigyan ang sarili ko ng alone time.
Habang tahimik ako ay si Yorkie ang gumagawa ng ingay. “Gusto mo ng snack?” I scratched his head with my pointer finger.
Minsan ay naiisip ko rin na palipadin si Yorkie para maranasan niyang maging malaya kahit kaunting oras lang at makipag-interact sa ibang ibon. I don’t want Yorkie to live like how I live. It’s my choice to live like this while Yorkie doesn’t have the privilege to choose. As much as I want to free him, I don’t want to because he’s the only one I have.
“If I’ll open your door, will you fly away from me?” I stared at him while he was pecking on his snack. Yorkie didn’t answer, as expected. Probably he’ll fly away and savor the freedom he never tasted as I did.
Natigil ako sa pakikipag-usap kay Yorkie nang may marinig akong boses ng mga kalalakihan. Yohan?
Ang swing na pinag-uupuan ko ay medyo malayo-layo ang distansiya sa mismong highway. Napapaligiran din ito ng mga bushes na nagsisilbing fence kaya kinailangan ko pang tumayo para makita kung sino ang mga ito.
A group of junkie-looking boys and girls paraded on the street with their annoying loud mouths. Ang ilan pa ay may mga sigarilyo sa labi at may bitbit na bote ng alak. Sa palagay ko’y kakagaling lang nila sa isang malapit na bar na open sa mga below eighteen. It’s not sickening but these junkies are. Mga sakit sa lipunan.
Titigilan ko na sana ang pag-uusisa ko sa kanila nang makitang may babae silang tinutulak papalapit sa isang lalaki. Nagpupumiglas ito at tatakbo sana sa kabilang direksyon pero madali siyang napipigilan ng ibang babae.
“Kausapin mo na kasi si John! Kanina pa ‘yan gustong makipag-usap sa’yo e,” saad ng isang babae. “Iiwan ka namin dito Ady kung ‘di ka makipag-usap kay John. Nilibre pa naman tayo niyan!” dagdag pa ng isang boses na halatang nang-gi-guilt trip
Napataas ang kilay ko sa narinig na pangalan. I want to give myself a break pero heto, Ady is disturbing my break. Una ay si Cherry’s dad, then si Yohan and now a boy named John? Napakakati talaga ni Ady!
“Kayo ang nagpalibre at hindi ako!” pangangatwiran ni Ady.
I let out a surprised gasp when I recollected the day Yohan asked Ady to eat with us. Sinabi niya ba rin kay Yohan na hindi siya nagpalibre sa akin? Kasi ako naman ang nagbayad ng lahat ng pagkain na kinain nila!
I walked away and pretended to be deaf from their nonsense bickering before my night turns cold.
“Maraming asungot dito Yorkie, let’s move to somewhere pleasant.”
My feet brought me to the shores of Milea Bay. I expected to hear the rough sound of waves but I did not. The sea looked so calm and unmoving; as if no creatures are swimming in it.
How can the sea be calm as this when deep down, lots of sea creatures are moving at their own pace? Why can’t I be like the sea whenever lots of things bother my mind?
Sa isang batang na dalawang metro ang taas ako umupo. Hinayaan ko lang ang cage ni Yorkie sa buhangin. May mga taong nakatambay dito pero hindi masyadong marami kaya magkakaroon pa rin ako ng privacy with Yorkie.
I slipped my feet away from my slippers and let my feet feel the coarse sand. I let out a satiric laugh when I feel comfortable despite the sand is rough and coarse. The irony to feel at ease despite an unlikely feeling!
“Nagtatawag ka ba ng kampon ng kadiliman?” I closed my eyes when I heard his voice. He’s always around, really!
“Oo, para maghasik kami ng lagim.” Despite my answer being cliché, Cherry’s dad let out a heartily chuckle. Napakasimpleng tao talaga.
“Don’t be comfortable around me, you might regret it.” I warned him without looking up. Bahala siyang gumawa ng paraan para magpang-abot ang paningin namin.
“Magkaiba ang pagiging komportable sa sinasanay ko ang sarili ko dahil magiging personal assistant mo ako.”
I saw his bare feet moving towards my left side. Umupo siya isang metro ang layo sa akin. Napalingon ako sa kanya at pinanood kung paano niya ipatong ang mga siko niya sa dalawang tuhod niya. He looks like a local.
I tried to copy him but when I did, my back arched kaya itinukod ko nalang ang kamay ko sa magkabilang gilid.
“Bakit ako?” Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Sa dagat lang siya nakatingin kaya hindi nalang ako nagsalita.
Dahil wala akong magawa ay pumulot ako ng pebbles at binato ito patungo sa dagat. Kadalasan ay sa buhangin lang ito umaabot kaya naghakot pa ako ng pebbles at sinubukang paabutin ito sa dagat.
Ibabato ko na sana ang isang malaki-laking pebble nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.
“Baka makabato ka ng mga nag-na-night swimming. Bawal ‘yan dito.”
Kinuha niya ang natitirang pebbles sa palad ko at inilagay pabalik sa buhanginan.
“I can buy them a band-aid,” pagpaparinig ko. He just shook his head and went back to where he was seated.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
“Wala ka namang tinanong sa akin,” sagot ko at bumalik na rin sa pagkaka-upo.
“Bakit nga ako ang gagawin mong personal assistant? Mukha ba akong marunong mag make-up?” nalilitong tanong niya kaya napangiwi ako. Masyado niyang sineryoso ang salitang personal assistant e gagawin ko lang naman siyang errand boy.
“You’re a pushover, no more reason,” I stated hardly.
Isang buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya. “Mababa nga talaga ang tingin mo sa akin.”
Ano pa nga ba ang pwede niyang asahan mula sa akin? I am hardly a saint. He knew already how lethal I talk or did he expect that I’ll change overnight?
“Walk me home whenever I wanted to.
And tonight will be your first job as my personal assistant.” I instructed him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top