Chapter 10
Yohan has been bribing me through different means so I would agree to his pleading. Isang linggo na ang lumipas simula noong nag-usap kami at isang linggo na rin na palagi akong may natatanggap na pagkain at mga luxury items.
Kanina lang ay may dumating na package na galing mismo sa pinag-orderan niya at inadress lang sa akin. Kumuha ako ng cutter para buksan ang box. Nang mabuksan ko ay tumambad sa akin ang pangalan ng isang luxury brand na hindi pa niya ibinibigay sa akin.
My eyes widened in admiration as I saw what was inside the box. Uminit ang pisngi ko at hindi mawala ang ngisi sa mukha ko. Ilang araw ko ng gustong bilhin ‘to pero kulang ang pera ko dahil pinangbayad ko sa mga unang na-order ko.
Yohan even sent me a text, asking if what he bought for me wasn’t enough to say yes.
Yohan
Let me think about it.
Grabe??
Ubos na ang allowance ko at
kinuha ko pa in advance ang
allowance ko for 2 months
tapos mag-iisip ka pa?
Just be patient. Makukuha mo
rin ang sagot ko.
Sa dami ng packages na pinadala sa akin ni Yohan, may mga ibang hindi ko pa nabubuksan. Tinatamad din akong buksan ang mga iyon kaya inilagay ko muna sa stock room.
All eyes were on me and my bag when I came inside the school grounds. My lips stretched a proud smile when some of them recognized the bag that I’m wearing.
“Mga artista lang ang nakikita kong gumagamit niyan,” narinig kong sabi ng isang estudyante na nakatambay sa hallway. “Napaka-luxurious naman talaga ng buhay ni Axis,” komento ng isa pa.
At least, the students at Milea Bay University aren’t behind in terms of new trends in fashion. Hindi ako magmumukhang nagpapa-impress sa mga taong sobrang layo sa kabihasnan.
Nang nakapasok ako sa loob ng classroom ay ganun din ang reaksyon nila katulad sa labas — nakasulyap habang nag-uusap.
While being the center of attention, I busied myself with my phone checking the reactions on my Instagram story.
“These inggeteras...” I murmured when I read some hate messages coming from people I don’t even know. Inggit lang sila dahil hindi nila ma-afford ang mga bagay na meron ako kahit magtrabaho pa sila sa buong buhay nila.
They should have shut their mouths and tried to make their unprogressive lives at least meaningful.
I ignored their messages as I know well how fame is bound to garner hate and envy.
Nang matapos ang second class namin ay nilapitan ako ni Roquelaure na may dalang letter. Inilapag niya ito sa table ko, sinisiguro na mapupunta ang atensyon ko dun.
“Pinapabigay ng Dean,” sabi niya tsaka bumuntong hininga. “Make sure to read that before 5 pm and just follow what’s written on that letter Ax,” suhestiyon niya at bumalik na sa upuan.
A letter from the Dean... Interesting.
I made some reflections about how I act in school these past few days and I’ve been low-key so perhaps, this could not be about my behavior.
Lunch break and I decided to read the letter. Naka-upo ako ngayon sa lounge area ng building namin. Hindi pa ito masyadong na-ookupa dahil kakasimula pa lang ng lunch break.
“...you have poor academic records in all your subjects—” huminto ako sa pagbasa nang mag-sink-in sa utak ko kung bakit ako pinatawag.
Akala ko ba cool lang ang university kung hindi gusto ng estudyante na mag-aral ng mabuti, basta ba ay nagbabayad on time?
Uminit ang buong katawan ko dahil sa kahihiyan. I mean, why bother calling me out? I paid for my tuition in full on time and they have the audacity to humiliate me?
Dali-dali kong ini-refer ang situation ko kay Vice Mayor dahil baka mayroon siyang pwedeng maitulong sa akin. I greatly believe in her political position that she can pull some strings!
My afternoon classes ended at 3 pm kaya nagkaroon ako ng oras para pumunta sa office ng Dean. Pagbukas ko ay tanging secretary lang niya ang nandoon kaya pinahintay pa ako ng ilang minuto.
“Oh... The famous Axis Laurier!” isang masigla na pagbati ang nakuha ko mula sa Dean namin. This is my first time meeting him kaya hindi ako naging komportable sa pagbati niya. Nevertheless, what’s important is that he acknowledges me.
The Dean is kinda soft in his moves kaya napa-conclude ako na he’s not straight. Nabali lang ang pag-assess ko sakanya nang magsalita siya ulit.
“I’ve heard a lot from you... professors, students, guidance counselors, and even people outside of the University! You’re a social media star pa nga.” he showed me a friendly smile as if he called me here to shower me with praises.
Tumawa siya bago ulit nagsalita. “I thought all the students in Milea Bay University are polite,” he indirectly said but I know what he meant. Bakit ko naman siya babatiin ng good afternoon kung hindi naman good ang afternoon ko dahil sakanya?
“I’ve read the summoning letter, Sir, and I’m disappointed as to how it appears to me.” I blurted out my feeling.
Napataas ang kilay niya — hindi inaasahan ang sagot ko sa sulat na pinadala niya. I will never beg on my knees for the sake of my academic records. I’m gonna fight for it with my feet standing. Nagbabayad ako ng tuition and miscellaneous kaya dapat ipasa nila lahat ng subjects ko. The school is not government-owned kaya wala silang karapatan na magmukhang malinis e pera rin naman ang habol nila. After all, the founder built this school for business.
“Dahil sinabi niyo kanina na may narinig kayo sa akin galing sa mga professors, then you probably heard from them how I complained because their way of teaching sucks?” I raised my voice this time so he could get a grip on why I messed up in acads.
“It’s all the professors' fault as to why I’m getting poor academic records. You should’ve hired competent teachers so the students here in the University will get a pretty good academic record.”
***
Blanko akong nakatitig sa papel na hawak ko magmula nang nakalabas ako ng school. Despite all the words of enlightenment I gave to the Dean, he did not waver and handed me a paper where all my mishaps are written and how can I resolve those without taking the subjects again.
Doing good in acads has never crossed my mind. I’ve always preferred to be the average student who seldom studies her lesson because I believe I’ll have a bright future ahead despite not studying well.
I may suck at academics but compare to my genius classmates, they’re money deprived. Living is not about grades, it’s about earning money to live.
“Oh gosh...” napapikit ako ng may bumangga sa akin. Muntikan na akong matumba pero may brasong sumuporta sa bewang ko and as a reflex, humawak kaagad ako sa damit ng taong tumulong sa akin which made the paper leave my hand. I can feel the person’s arm is really exerting extra strength so I will not drop to the ground.
“Ayos ka lang?” a worried voice came out. Napaayos ako ng tayo nang marinig ang boses nito — boses ng isang babae.
When my eyes landed on her face, they widened as they saw a familiar face. Ady, clad in her school uniform was the person. Based on her school uniform, she clearly doesn’t study at MBU.
Dumantay ang tingin ko sa braso niya na sumalo sa akin. It’s not skinny but it doesn’t seem strong too. I guess, magaan lang ako.
“Pasensya na po ate! Nagmamadali kasi ako.. sorry po.” she sounded so guilty and worried, making her head fall.
Akala ko ay makikilala niya ako pero hindi man lang siya nagpakita ng sign na namumukhaan niya ako.
Lumingon siya sa kung saan ako nakatingin bago ako binalingan. “Sorry po ulit,” sabi niya at nagmamadaling umalis na parang may tinatakbuhan.
When her presence disappeared, naalala ko ang papel na nabitawan ko kanina. Nasa paanan ko lang ito kaya kinuha ko kaagad. Nang mapatingin ako sa harapan ay isang hingal na hingal na Yohan ang tumambad sa akin, parang may hinahabol. Ngumiti lang siya sa akin tsaka nilagpasan ako habang tumatakbo.
I’m not a slowpoke so I already deciphered what’s happening — tinatakbuhan ni Ady girl si Yohan. Napailing-iling ako nang maalala ang mukha ni Yohan kanina. Pawisan ang kanyang mukha kaya nagmukha siyang dugyot kanina.
Nang makarating ako sa apartment ay ang papel kaagad ang inatupag ko. Nakalagay dito ang lahat ng dapat kong gawin para makapasa ako ngayong sem. Napahampas ako sa study table ko nang maalalang 75 lang ang makukuha kong grade kahit gawin ko ang lahat ng nakalista dito.
Dapat ko na atang gawing bisyo ang pag-aaral para kumalma ako sa tuwing may ginagawang school works.
“Aaahh!!” I yelled in frustration. Tumayo ako at pumasok sa comfort room para kunin ang cigarette na tinago ko roon. I found a sealed pack of cigarettes, an imported cigarette that most smokers can’t afford.
Bakit hindi ito ang ginamit ko noong nakuhanan ako ng picture? Hindi sana ako makakaramdam ng panliliit sa sarili sa harapan ni Yohan.
Speaking of Yohan, it was new of him to just ignore me like that. Dahil ba hinahabol niya iyong Ady girl? I was slightly expecting him to beg for my help personally after that night but he didn’t and saw him chasing Ady. Hindi na niya siguro kailangan ng tulong ko.
I lighted the cigarette and when it was placed between my lips, I inhaled deeply and exhaled a large amount of smoke. Vices are bad for the health but why does this make me feel calm?
A lot of thoughts have been running on my mind lately. I even pushed some thoughts to the back of my head so I wouldn’t feel so bothered.
After consuming three sticks of cigarettes, my tensed body and mind slowly calmed.
“Okay... Tatapusin ko ‘to by this week!” I tried to cheer myself and be optimistic about the results when I do the things on the list.
Ayaw ko sanang aminin na hindi ko kayang gawin mag-isa ang lahat ng ito dahil matatapakan ang pride ko pero magiging hipokrito ako kung hindi ko aaminin.
I inhaled and exhaled deeply several times before I called Yohan. Bukod sa kanya ay wala na akong ibang maisip na taong puwedeng makatulong sa akin. Mukha namang may utak si Yohan at hindi lang kabobohan at kagaguhan ang tumatakbo sa isip niya. After all, anak siya ng Vice Mayor so I’m expecting he got brains from his mother.
“Deal na ba?” bungad niya sa akin. “Tapos ka na ba mag-isip?”
“No, no. Gagawin ko lang ang pinapakiusap mo sa akin kung gagawin mo ang i-uutos ko sa’yo,” saad ko. Nahimigan ko ang pagkadismaya niya sa kabilang linya at may sinasabi pang hindi ko marinig ng klaro.
“Ax naman!” protesta niya. “Sige, sige. Papayag nalang ako kahit napipilitan lang ako. Anong i-uutos mo? Sana hindi mahirap ha!”
Sinalaysay ko sa kanya na may mga school works akong dapat gawin at dapat niyang gawin ang kalahati ng pinapagawa sa akin para matapos ko ‘to ngayon na week. Gaya ng inaasahan ko ay umalma siya dahil may mga school works din siya na dapat tapusin. Kagaya ko, pinatawag din siya ng Dean ng department nila last week pero dalawang subjects lang ang pinapagawa sa kanya.
“Sumang-ayon ka na kasi Ax!” pamimilit niya. “I’ve heard na cum laude daw ang Mau na ‘yon kahit na mukhang undergraduate siya kasi sa dog pound lang nagtratrabaho. Kaya nga ata nagkagusto si Ady sa kanya e,” salaysay ni Yohan para kumbinsihin ako.
Aside from that reason, sinabi niya rin na hindi niya ako matutulungan dahil kailangan pa niyang humabol sa ibang subjects para hindi niya i-retake ang mga iyon. He can only support me financially daw.
***
Riding with my bicycle, I’m heading towards the dog pound. I run out of options on how to make my works done by this week that’s why, for the first time, I swallowed my pride to talk to the person whom I believe can help me.
Yohan came up with different ideas on how I should ask Cherry’s dad work under me. He even said that I should tell Cherry’s dad that I’m intellectually disabled so Cherry’s dad will take pity on me.
“Ginawa talaga akong bobo!”
Before I could even take a U-turn towards the Milea Bay Dog Pound, nakita ko si Cherry’s dad na naglalakad na may kasamang aso, probably Cherry. Huminto ako sa pagpepedal at sinundan lang siya ng tingin. Nakaramdam siguro siya na nay nakatingin sakanya dahil panay ang lingon niya sa likod. Mabuti nalang at may poste akong pwedeng pagtaguan kaya hindi niya ako makikita.
When I realized that I seem like a creepy night stalker hiding in the shadows, I proceeded to pedal my bike again.
Minsan ay tumatakbo si Cherry kaya humahabol din ang daddy niya. Mas binilisan ko ang pagpedal para maabutan ko kaagad sila bago pa pumara ng jeep ang daddy niya.
“Night stroll?” saad ko nang maabutan ko na sila. Napalingon sa direksyon ko si Cherry’s dad na may sorpresa sa mata niya. “Hi Cherry!” bati ko sa aso nang mapatingin ito sa akin. Tumahol ito kaya I took it as a back greeting.
“Hindi ‘to si Cherry,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya with a smile on my face to hide my embarrassment.
“Ah... So what’s the name of this beautiful — ” naputol ang pagsasalita ko nang maalala ang itsura ni Cherry. I glanced at the innocent dog so I could compare it to Cherry. This one here is definitely a cute furry creature with its floppy ears! Cherry could never!
I smiled again at Cherry’s dad and continued my unfinished sentence. “...creature?”
From my previous interaction with Cherry’s dad, I can say that he’s a tsundere. Katulad ngayon, parang masungit ang mood niya.
“Don’t act like you’re interested,” he coldly said. I was caught off guard by the tone of his voice but I managed to dodge it away. Nakalimutan niya atang tigre ang kausap niya.
“Up for a part-time job?” I asked him the reason why I came all the way here. I intertwined my pointer and middle finger to manifest that he’ll say yes.
Habang nag-aabang ng sagot niya ay naalala kong nakalimutan ko palang bigyan siya ng pera noong pinapunta ko siya sa unit ko. Binuksan ko ang zipper ng suot kong belt bag at napangiti nang makitang may mga tig-iisang libo. Kumuha ako ng limang libo para ibigay sa kanya.
“Well.. let me pay first for what I owe you before. Nakalimutan ko kasi,” I made an excuse para hindi pa masyadong bumaba ang tingin niya sa akin.
Nakatingin lang siya sa kamay kong may hawak na pera at hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya.
“I assure you na hindi na malalate ang fees mo with this part-time job. My bad if I made a bad impression, pero if you want a payment first, I’m okay with it too.” I tried to persuade him with an offer advantageous for him.
Nagulat nalang ako ng bigla niyang hablutin sa akin ang pera at walang pagdadalawang-isip na nilagay niya iyon sa bulsa niya.
“Text me the details about the part-time job you’re talking at pag-iisipan ko kung pasok ba sa schedule ko,” he told me as if we’re used to communicating with each other. “...and this is Squash by the way.” dagdag niya pa, tinutukoy ang pangalan ng aso.
He did not wait for my answer and volunteered to get dragged by his cute daughter, Squash, when it ran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top