Chapter 1
I blew the last smoke I got from my cigarette resulting for the smoke to dance together with the wind. Pati ang nakalugay ko na buhok ay sumasayaw din. Itinapon ko ang upos na sigarilyo sa dagat at napangiti nang mapagmasdan ang matingkad na buwan.
Casual smoker lang ako at naninigarilyo kapag bored or stressed. It's bad for the health pero ginawa ata talaga ang sigarilyo para sa mga taong gustong takasan ang boredom at stress. Stress that I get from the people of Milea Bay who are utterly dumb. Perfect na sana ang Milea Bay kung hindi lang sa mga taong iyon.
The Milea Bay cliff is my go-to whenever I feel so stressed until it becomes my habit to go here every night. I've never seen the beauty of this cliff while the sun is up, although a lot of people have witness its beauty. Mas komportable akong pumunta rito tuwing gabi dahil wala nang bumibista rito kapag gabi na. Kailangan pa kasing sadyain ang daan papunta rito.
Mahangin ang gabi at malakas ang bawat paghampas ng alon sa ibaba ng cliff. The sound is not disturbing at all, but rather healing. Pumikit ako at ninanamnam ang tranquility na binibigay sa akin ng nature. The moon, the salty breeze, the sound of the waves, the cliff and myself are the only perfect combination I know in this world. Kung puwede lang na dito ako tumira ay hindi ako tatanggi.
The salty cold air from the sea made me shiver. Malapit ng mag 12 am kaya nag-iba na ang temperature ng hangin. Ang suot kong mint green sweater at sweatpants ay hindi nakatulong para hindi ako ginawin. Sanay naman na sana ako sa apartment ko na parating naka-on ang aircon pero kapag dito na ay hindi ko na mapigilang ginawin.
Napakurap ako nang tumama sa mukha ko ang ilaw na nangagaling sa right side ko. Nang tignan ko iyon ay tinutukan pala ako ng flashlight ni Donato, ang guard sa lighthouse na hindi naman kalayuan sa pinipuwestuhan ko.
“Umuwi ka na!” Sigaw niya na dalawang metro ang layo mula sa akin. I turned on the flashlight from my phone at kinaway iyon as a sign na ayaw ko.
“Tapos na ang shift ko! Iba na ang magbabantay baka i-report ka pa!” Pagpapaalala niya.
Oo nga pala. Sinabihan niya pala ako kahapon na hanggang 12 am lang ang pagbabantay niya sa lighthouse simula ngayong araw dahil namatay ang kapatid niya.
Hindi na napigilan ni Donato na lumapit sa akin at pinaalala ulit ang dahilan kung bakit hanggang 12 am lang siya.
“I know,” sagot ko sa kanya. “Puwede mo namang sabihin sa bagong guard na nandito pa ako. Common sense nga!” paki-usap ko sa kanya. Eto talagang si Donato baka malagay ko pa siya sa hate list ko.
“Naku! Mamaya pa ang dating ‘nun kaya hindi ko siya masasabihan. Wala rin akong number kaya mas mabuting umuwi ka nalang,” pagdadahilan niya.
Bago pa siya umalis ay inabutan ko siya ng sobre na naglalaman ng pera bilang suhol ng hindi pagpapaalis sa akin. Bawal kasi ang magtambay dito dahil baka biglang tumalon mula rito sa cliff. Matagal na itong pinapatupad ng gobyerno rito sa Milea Bay simula ng may mangyaring disgrasya two decades ago. Ayaw lang nilang maulit iyon dahil ayaw nilang maging death cliff ang tawag dito.
Ilang minuto bago tumalikod si Donato ay tumayo na rin ako para umalis. It's already Monday at may pasok pa ako mamayang umaga. Kailangan ko pang matulog ng seven hours dahil kung hindi ay magiging lutang ako buong araw. Bahala na kung aabsent ako sa unang subject. Nasanay na naman sa akin ang teacher namin.
Napahikab ako ng makaramdam ng antok. Napangiwi ako ng maamoy ang sariling hininga na amoy sigarilyo. Kinapa ko ang bulsa para kumain ng mint candy.
Tinanaw ko ang lighthouse at wala pa nga rito ang bagong guard. Makikipag-negotiate sana ako katulad ng ginawa ko kay Donato para hindi ako mapaalis sa tuwing nag-me-me time ako sa cliff. Wala namang hindi nagagawa ang pera e.
I resumed to my walk to get to the area where I parked my bike. I still have thirty minutes before the clock hits one am. Milea Bay and its rules. May pa-curfew kasi ng one am ang Milea Bay. Nangsisita lang sila pero hindi sila nanghuhuli kung nakikita ka nilang papauwi ka na. They’ll just ask for your name at kapag three times ka na nilang nasita, sa susunod ay kailangan mo nang sundin ang curfew dahil kung hindi ay i-dedetain ka nila.
I wear my helmet and ride on my bike. May mga streetlights sa pathway na three meters ang layo sa bawat isa, kaya hindi masyadong nakakatakot at meron ding headlight ang bike ko. Nagsimula na akong magpedal at binaybay ang daan papalabas para makapunta sa highway proper. Napapangiwi ako minsan kapag may malalaking bato akong madadaanan. Kung bakit ba kasi hindi pa sinemento ang daan dito.
Binagalan ko ang pagpepedal nang matanaw ko na ang highway. May mga sasakyan pa na dumadaan kaya binagalan ko for safety kasi nasa intersection ako. Nang makarating na ako malapit sa highway ay napatanaw ako sa left side kung saan ang daan papunta sa Milea Bay Peak. I've been wishing to go there but my school schedule wouldn't let me.
Binaybay ko na ang highway ng wala ng sasakyan pang dumaraan.
May bike lane na itinalaga but I prefer to use the highway because I can feel more freedom. The bike lane is too narrow for me at nakakasuffocate.
The air becomes more chilly as I pedal more fastly. “Ah.. serotonin!” I shouted freely as I left my hands from the handle and raised them. Dahil sa ginawa ko ay muntikan na akong matumba kaya tawang-tawa ako. This is why I like to hangout with myself at night time because I can act freely and occupy the whole space. I don't need anyone just to make me happy dahil kaya kong pasayahin ang sarili ko.
“Happy shalala! It’s so nice to be happy shalala!” I sang happily in the middle of the night. Sa akin talaga ang gabing ito dahil magmula kanina ay wala ng mga sasakyang dumaan.
Malapit na akong makarating sa puso ng Milea Bay kung saan naroon ang apartment ko. Mga 24 hours nalang na mga establishments ang buhay ngayon. Pati ang mall ay nagsara na rin. I've been pedalling my bike for almost twenty minutes now, making my hands to feel tired. Tiniis ko muna ito hanggang sa kailangan ko na talagang magpahinga.
I continued pedalling until I saw a waiting shade near an intersection. Walang tao roon kaya hindi na ako nagdalawang-isip na maupo. Sa bawat gilid ay may poster na nakalagay sa glass frame at nakasulat doon ang schedule ng buses at kung saan ang route nito. May map din ng Milea Bay kung saan nakalagay ang mga legend ng mga tourist spots.
To kill the time, I took some selfie and pictures of the highway and my feet. I posted three photos on my instagram. After a few minutes, may 100 plus likes na ang pinost ko sa instagram. May mga nagcomment din pero hindi ko na pinansin.
I opened my twitter account to tweet a thought that has been occupying in my mind.
Is this the life that you want?
I grow up being asked by that question whenever I do things not suitable for their preferences. Not even once I experienced praise. Every action I do has an equivalent judgment. Until a moment came when I got exhausted in fixing myself just to meet their standards and I can no longer conceal the growing hatred I have in my heart. In that particular moment, I want to be independent and my senses woken up to the fact that I can choose on how I live and what kind of person I will be.
I chose to be different from the norms. I’d rather be the villain whom they’ll hate and who can’t be manipulated than to be an extra who tries to act good and rational just to get attention.
I made my own standard as a way to guard myself from their sharp blades as an act of redemption to save myself from further torment and adversity.
After being able to live my life in my own way, I became the sailor of my life – as I should be – and a sense of gratification bloomed inside my heart which I can’t savor before. This is the life which lay deep down inside my heart and rose when I woke up from realization. I was once down in the dumps and it will never happen ever again.
Five minutes after I hit the tweet button, my notification blew up. Having this overwhelming response is not a surprise because I have five thousand plus followers. Reading opinions from people under my tweets is ultimately my go-to when I'm bored.
crazykid: i love my life but the people around me made me doubt it sometimes.
ssambbang: hahaha hindi ako nabuhay para buhatin ang mga kaklase ko sa research namin
eureka05: I am contented and satisfied with my life despite all the hardships I've gone through.
nightwarrior: To dream a better life for the life I have now will just hurt me. There's no better life in this world. We just have to accept our fate.
itsRaye: Ayaw ko sa buhay na mayroon ako. Napakahirap. Hinihirap ng gobyerno!!
flyhigh: hindi paaa! Saka na pag magrereunion x1 ko
ken67: ang gobyerno ang nagiging dahilan kung bakit ayaw ko sa buhay na meron ako
Umabot na rin ng 50 plus ang nagquote tweet. Nainis lang ako ng may mga private account na nagquote tweet!
The latest quote tweet is from prince_mb na may kasamang picture!
Not until you kneel down before me :)
Napapadyak ako ng mabasa iyon dahil kilala ko kung sino ang nagquote tweet. Nagnotify ang Instagram ko at nakitang nag dm pala roon.
Yohan:
Ready or not? ☠️
“Stupid, let me have a peaceful night even just for tonight,” I mumbled as I was reading his dm to me on ig. I rolled my eyes in annoyance. This boy really is obsess with me. Ugh whatever! It's fine! Tutal ay papauwi na rin ako, paniguradong hindi kami magpapang-abot. Gagong bata, kahit saan ata ako mapunta, maski sa impyerno ay huhunting-in niya ako.
I must have step on his ego really hard. Hence, his obsession towards me.
I ignored his stupid messages at napagpasyahan na umuwi na talaga without any delay. Sumakay ulit ako sa bike para simulan na ang biyahe pauwi. It's already 1:15 am, and I really want to have a good sleep.
Nang pumadyak ako ay bigla nalang kumulog ang langit. Hindi katulad kanina ay wala na ang matingkad na buwan at ang mga bituin. Napakagat nalang ako ng labi dahil mukhang aabutan pa ako ng ulan at ni Yohan.
And I was not wrong. The rain started to fall minimally and I reckon I'll be back home not soaked in wet.
Nasa gitna na sana ako ng highway at matatawid na ang kabilang highway nang marinig ko ang sirena ng police car na nagmula mula roon. Imbes na tahakin ko ang original route ay lumiko ako at tinahak ang daan papuntang Milea Bay Dog Pound.
Milea Bay is so rich in terms of streetlights. Mas maliwanag pa ata ang Milea Bay compared to my future.
“Sana lang talaga ay hindi kami magpang-abot ng Yohan na ‘yun,” I silently prayed.
I’m not escaping because I fear Yohan, I’m just outnumbered! Paniguradong kasama niya iyong mga bubwit niya dahil hindi ko pa iyon nakikitang mag-isa. I just don't like to deal with him because he thinks highly of himself and he’s aggressive, particularly when he's being outsmarted and he's naturally arrogant. Dealing with him will only stress me.
My gut feel says Yohan will show up anytime soon in front of me. That asshole knows Milea Bay too well, especially dito sa downtown. Napapamura nalang ako sa tuwing makakakita ng mga posteng may nakakabit na CCTVs kasi sigurado akong may access siya sa mga ito. In every corner of Milea Bay, he has a lot of connections and that made me envy him. If only he’ll stop obsessing in bothering me, I may consider him as an acquaintance.
Tanaw ko na ang Dog Pound at naaamoy ko na rin ang mga aso. As much as I want to stay away from the Dog Pound because I don't like dogs because they sound like ghost, wala akong choice dahil doon lang ako pwedeng magkaroon ng witness if ever Yohan will do something bad to me.
The Dog Pound used a barbed wire as a fence and its height is twice as my height. May dalawang metrong entrance ito kaya hindi ako nahirapang pumasok sa loob ng quadrangle ng Milea Bay. In each opposite side ay may nakatayo na basketball ring. I park my bike beside the basketball ring near the entrance. Too bad at walang bubong ang quadrangle kaya hindi ko na tinanggal ang helmet ko. I should've worn a hoodie instead of this Burberry sweater.
Kinilatis ko ang buong paligid at bawat sulok ay may nakakabit na CCTV. Milea Bay is obsessed with CCTV too kaya ang ibang tao ay nagrereklamo dahil na-iinvade raw ang privacy nila. Privacy, kasi nakikipaglandian sa hindi nila karelasyon.
I shrilled in surprise when I felt a hand gripped excruciatingly on my left arm. As a reflex, I tried to pull my arm away from the grip and my eyes went to see who the perpetrator is. “Holy shit…” I said in a grunt.
Yohan just found me!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top