Prologue
This is it, eto na iyong araw na pinakahihintay niya. Kabado siya sobra, mataman lang siyang sumusunod sa inuutos ng hair and make-up stylish niya ngayon.
"Ayan Ms. Alona Silvore, napakaganda niyo talaga, sobrang greatful talaga ako na ako ang pinadala ng pinag tatrabahuhan ko, para mag ayos sainyo, grabe Ma'am talaga po palang napakaganda niyo. Kung ano iyong ganda niyo sa t.v eh mas maganda pala kayo sa personal."
Napapalatak at tuwang sabi ng bakla na nag aayos sa kanya, na sa totoo lang ay hindi niya akalain na bakla ito dahil mukha itong babae, kaya laking gulat niya ng nagsalita ito. Sayang ang gwapo pa naman. Nakakapang hinayang talaga. Sa sobrang gwapo nito ay mas maganda pa ata ito sa ibang natural na babae.
"Naku, sobra sobra naman ata ang diskripsiyong binibigay mo sa'kin Gary." Nakangiting sabi niya dito, nag pout pa ito dahil sa pangalang tinawag niya dito.
"Sinong Gary Ma'am, wala akong kilalang Gary, ako po si Marimar Aw!" Napabunghalit siya ng tawa ng bigla itong gumiling at ginaya ang naturang bida sa isang palabas."Diba pulgoso." Hirit pa nito at nilapitan pa ang aso niyang nakabuntot sa kwarto niya, Isa itong Siberian Malamute, umangil ang aso niya at tumahol dito.
"Biro lang ikaw naman doggie, hindi ka mabiro, aatakihin ata ako sayo sa puso." Natatarantang tumakbo ito pabalik sa kanya, She like gay, bukod kasi sa tatawa ka ng tatawa sa mga ito ay madami kading matutunan, at magaang sila kasama.
"Ayan kasi Shamei, tinatakot mo ang aso ni Ma'am." Singit ng isang babaeng kasama pa nito na nag aayos ng kanyang gown at abala sa pagkuha ng mga litrato doon.
"Che! manahimik ka d'yan mag picture ka nalang dyan, dalian mo at patapos na ako dito kay Ma'am Alona." Birong Ismid nito.
"Wag mo ko ma che che, d'yan kung ayaw mong halikan kita d'yan bet na bet pa naman kitang gawing fafa." Kunwaring kinikilig pa ito, at dumukwang ng nguso kay Shamei."
"Subukan mo lang ng ni blower at ni curler ko yang nguso mo." Inuumang pa nito ang blower sa bibig ng dalaga, nakakatawang pag masdan ang mga ito, dahil sa eksena ay hindi na niya napigilan pang tumawa, napatigil naman bigla ang dalawa at napatingin sa kanya.
"Ahm, Bakit?" Takang tanong niya.
"Ah, Ma'am okay lang po sa inyo kahit na magulo at maingay kami, hindi kayo galit, Naku Sorry Ma'am." Sunod sunod na sabi ni Shamei.
"Naku, bakit naman ako magagalit, nakakaaliw nga kayong tignan eh." Aniya na ikina ngiti ng dalawa.
"Grabe Ma'am Alona, mabait pala talaga kayo sa personal, taliwas sa naririnig kong usapan, patungkol sa inyo."
Ngumiti lang siya dito, ganun naman talaga ang buhay artista, nasa showbiz ka eh, konting galaw mo may camera at may mga pares ng matang laging nakatingin sayo, at bawal kang mag kamali dahil panigurado ikaw ang magiging bida at paniguradong, kabi kabila ang paninira sayo sa t.v at mga artikulo.
"Ayan Ma'am Alona, ang ganda ganda niyo na, isuot niyo na po yung wedding gown, excited na akong makita kayo na suot iyon, I'm sure mukha po kayong dyosa, And soon to be future Mrs. Alona Silvore Chadler." Inilahad pa nito ang palad sa ere na animoy nag iimagine.
Lumapit naman sa kanya si Cynthia na tapos nadin siyang kuhaan ng litrato habang inaayusan, ganun nadin ang mga gamit niya.
Tinulungan siya ni Cynthia isuot ang gown, samantalang abala naman si Shamei sa pag liligpit ng mga gamit nito. Matapos ang ilang minuto na pag suot ng gown ay napatulala pa sa kanya si Cynthia.
"Wow! Ma'am Amazing, wonderful, Napakaganda niyo po, bagay na bagay po sa inyo iyang seethrough na gown niyo." Ani ni Cynthia.
"Bongga, pak na pak ang beauty niyo, Ma'am Alona." Malanding papuri ni Shamei, tumitilamsik pa ang mga daliri nito sa ere.
Tinignan naman niya ang sarili sa harap ng salamin, halos hindi niya rin makilala ang sarili sa suot na wedding gown, maganda ang disenyo nito na gawa pa sa isang sikat na fashion designer sa paris.
Off shoulder ang design nito na may seethrough sa ibabaw, ang buhok naman niya ay napapalibutan ng white pearl, napapangiti nalang siya habang pinagmamasdan ang sarili, habang abala naman si Cynthia sa pag kuha ng litrato niya. Nang bumukas ang pintuan, iniluwa niyon ang Mommy niya.
"Wow! Anak ikaw na ba iyan, napaka ganda mo." Lumapit ito sa kanya at pinagmasdan siya, pinaikutan pa siya nito at iniharap sa salamin, nasa likod lang niya ito.
"I can't believe na ikakasal na ang baby girl ko." Maluha luha na sabi pa ng ina niya.
"Mom, mag aasawa lang naman ako hindi ako mawawala sa inyo, anak niyo parin po ako." Natatawang niyakap niya ito.
"Ah, basta pag nalaman kong sinaktan ka at pinaiyak ko ng reporter na yan, ako mismo ang magbabalita na patay na siya, dahil papaatapon ko siya sa bermuda triangle." Natawa nalang siya sa sinabi ng ina.
"Ang Mommy talaga." Hinalikan lang siya nito sa pisnge, napansin niya ang daddy niyang naka frame na pala sa pintuan.
"Hindi pa ba tayo aalis, aba ang future manugang ko, hindi na daw mapakali sa simbahan, hinahanap kana." Natatawang turan ng papa niya. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng paiging italiano nito ay puro na itong managalog, kahit minsan bali baliko padin ang dila nito sa ibang salita.
"Oh pano, tara na anak, baka mag wala na doon ang mapapangasawa mo." Biro ng Mommy niya. Nag pa alam nadin siya kila Shamei at Cynthia.
"Bye Ma'am ingat po, I'm sure madaming kalalakihan ngayon ang nag suicide dahil ikakasal na kayo sa iba." Nakangiting biro ni Shamei.
"Loka ka talaga." Lumabas na sila ng mga magulang niya.
"Happy honeymoon Ma'am." Narinig niya pang sigaw ni Shamei. Loka loka talaga iyong baklang iyon, nakakatuwa kahit ngayon niya lang iyon nakilala ay nakapalagayang loob na niya, totoo kasi sa sarili.
Pagkalabas ng bahay ay agad na sumalubong sa kanyang mga mata abg bridal car niya, inalalayan siya ng mga magulang niya sa pag pasok, napa pag-gitnaan siya ng mga ito.
Ganito pala iyong pakiramdam ng ikakasal ka, mix emotion, sobrang saya kasi ikakasal ka na at magiging isa na kayo ng taong mahal mo, at takot. Takot na baka kasi mangyari sa kanya yung bigla nalang may tatakbo sa simbahan at may mag sasabing itigil ang kasal, buntis ako! At siya ang ama!, nakakatawa mang isipin, artista lang din siya at isa iyon sa mga nangyayari na eksena sa role niya, paano kung mangyari ka nga. May kaba din sa dibdib niya, the night after wedding, natural na siguro iyon.
"Anak okay ka lang ba, bakit ang tahimik mo?" Pukaw ng Mommy niya sa pag-iisip.
"Opo, mom, I'm just nervous." Nakangiting sambit niya.
"Normal lang iyan anak, ganyan din ako nung una." Anito, hinawakan pa nito ang kaliwang kamay niya, nasa kaliwang bahagi kasi ito, at nasa kanan ang ama niya.
Makalipas ang ilang oras ay dumating din sila sa simbahan kung saan sila ikakasal, may ilang mga tao at mga fans niya, may mga prescom, din na abala sa pag picture at focus sa kanya ng camera, habang iyong kasamahan ng mapapangasawa niya ay abala sa pag lalahad ng balita.
"Ms.Alona I love you, number one fan niyo po ako, ang ganda, ganda niyo po talaga."
"Ms. Alona, sobrang fan niyo po ako i love you."
Narinig niyang sigawan ng mga fans niya na naroon para masilayan siya at maki balita sa kasal niya. Ngumiti at kumaway siya sa mga ito, dahil kung wala ang mga ito ay hindi siya aangat sa kung anong meron at nasaan siya ngayon.
"Sa mga oras po na ito, ay dumating na ang pinakahihintay natin, Ang napaka gandang si Ms. Alona."
Narinig niyang pag babalita ng mga media.
May mga ilang fans na umiiyak din, dahil sa tuwa na nakita siya sa personal. Sobra, sobra ata ang kasikatan na tinatamasa niya, siyempre kung may mga nag mamahal sa kanya, meron ding hindi, minsan sa kalagitnaan ng mall tour nila, may mambabato sa kanya ng papel, swerte na kung iyan lang. Mas malala ay yung ilang swerteng nakakalusot sa mga body guard niya, na bigla nalang hihilahin ang buhok niya, as always dapat maging okay lang, kahit na nasasaktan kana you should act, professional. Ganito sa buhay showbiz.
Tuluyan na siyang nakapasok sa simbahan, nag si tayuan naman ang ikang bisitang naroon. Sinimulan nadin ng wedding coordinator ang pag aayos ng mga abay niya. Nag lakad na ang mga ito, habang siya ay nakatayo sa dulo katabi ang ama niya sa kanan niya.
Kinakabahan siya, at napakasaya niya, ganun nadin si Rain na nakatayo sa harap ng altar, at halos hindi mabura ang ngiti sa mga labi at hindi mawala ang tingin sa kanya. Napaka gwapo nito sa suot nitong americana. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa sobrang kaba, at tumigil ang pag galaw ng oras at ng paligid niya, habang matamang nakatingin lang din kay Rain. Nangingislap ang mga mata nitong kulay asul. He is a half pilipino half american, samantalang siya ay kalahating pilipino at kalahating Italiana. Her father is a pure Italian.
"Dahan, dahan siyang nakarating sa altar, at abot tenga ang ngiti ni Rain ng ibibigay na ng ama niya ang kamay dito.
Tahimik ang paligid, habang pumapailanglang ang kantang from this moment ni shania twain sa paligid.
"Prenditi cura di mia figlia, dahil pag sinaktan mo siya ako ang makakalaban mo at babawiin ko siya." Paalala at banta ng ama niya dito ng makarating sila sa harap ng altar.
" Yes sir, I will." Nakangiting tinanggap nito ang kamay niya mula sa ama.
"Feeling nervous,?" Nakangiting tanong ng binata.
"A little bit." She said. While glancing at him.
" I'm glad you came, pinakaba mo ko at dahil d'yan you will be punish after wedding." Namula ang mga pisngi niya sa sinabi nito, hinampas niya ito sa braso, akmang hahalikan naman siya nito, ng tumikhim ang pare.
"Hijo, alam kong na aatat kana, konting hintay lang, bibilisan ko nalang para sayo." Ani ng pare, nagtawanan naman ang tao sa paligid, ramdam niya ang init ng pamumula ng kanyang pisnge.
"Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen." Panimula ng pari.
"Minamahal kong Rain Chadler at Alona Silvore, sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo sa buhay at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan muli’t muli kayong nakisalo sa hapag ng kanyang pagmamahal. Ngayon nama’y kusang-loob na kayo’y dumudulog sa Sambayanang ito at humuhiling na panalangin upang ang inyong panghabambuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon."
Patuloy na pag misa ng pari, tahimik lang naman ang paligid.
"Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa’t-isa. Ikaw babae bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Rain Chadler na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?" Tanong ng pari sa kanya, tumingin siya sa binata, na nag aantay ng sagot niya, pinagpapawisan ito.
"Yes Father." Tugon niya, agad namang sumilay ang ngiti sa mga labi ng binata.
"Ikaw lalake, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Alona Silvore na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?"
"Yes, Father!" Tugon nito.
Makalipas ang ilang tanong ng pari ay dumating din ang pinakahihintay niya ang palitan nila ng wedding vows.
"From the moment I first saw you, I knew you were the one with whom I wanted to share my life with. Your beauty, heart and mind inspire me to be the best person I can be. I promise to love you from eternity, respecting you, honoring you, being faithful to you, and sharing my life to you, please wear this ring as symbol of my love and faithfulness to you." Isinuot nito ang singsing sa kanya, at siya naman ang nag salita. Tahimik ang paligid habang ang mommy niya ay iyak ng iyak, yakap ito ng Daddy niya na nag pipigil din ng luha.
"On this day, I gave you my heart, I promise, that i will walk with you hand by hand, Wherever our journey leads us, Living, Learning, Loving together forever." Pumatak ang ilang butil ng luha niya sa pisngi habang isinusuot ang sing sing dito.
"Ngayon Hijo, pwede munang halikan ang--" bago palang matapos ng pari ang sasabibin ay hinalikan na siya nito, halos hindi siya makahinga sa tagal ng halik nito, dampi lang iyon pero antagal tanggalin, kung hindi pa ito inawat ng pari.
"Bilang tagapagpatunay ng Simbahan,
Pinagtitibay ko’t binabasbasan,
ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan,
sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo."
"Amen." Tugon nila.
"Now I pronounce you Mr & Mrs. Rain Chadler, as husband and wife."
Masigabong palakpakan ang narinig sa kapaligiran, nang matapos ay dumiretyo na sila sa reception, matapos ang pag hati sa cake at palitan ng wine ay nagulat pa siya ng biglang hinila siya nito sa gitna at kinuha ang microphone.
"Magandang gabi ho, sa inyong lahat at maraming salamat sa pagdalo." Panimula nito. "Alam naming gusto niyo pa kaming makasama, pero hihilingin ko po sanang ibalato niyo nalang muna sa'kin ang misis ko, kami' y aalis na para makarami." Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi niyo, habang nagtawanan naman ang bisitang naroon.
Hinila siya nito sa mga magulang niya at nag paalam, niyakap niya lang ang mga magulang niya at umalis narin sila sakay ng private helicopter nito.
Humilig lang siya sa dibdib ng nobyo na ngayon ay asawa na niya. Masaya siyang nabigyan katuparan ang mga pangarap nila.
Ibinaba sila ng piloto sa isang private Resort, napakaganda.
"You like the place?" Tanong nito habang hinalikan ang tungki ng ilong niya. Tumango lang siya.
" Kaninong resort ito?" Tanong niya habang iginagala ang mata sa lugar.
"Saiyo." Nanlaki ang mga matang humarap siya dito.
" Huh, are you kidding me?"
"Nope, this is my gift to you." Nakangiting sagot nito." Look at the name." Turo nito sa arkong nakapangalan sa entrance ng resort Amore Mio Alona sa salitang italian, na ibig sabhin ay My love Alona.
"Oh gosh! thank you so much?" Yumakap siya dito, nagulat pa siya ng biglang buhatin nito. Tumuloy ito sa loob ng bahay na naroon paakyat sa kwarto.
Hinayaan niya lang itong gawin ang pag iisa nila. She love's this man anything in this word.
A/N:
Yehey! Nakapag simula nadin ng prologue :) hahha.
I hope you like this story, please support :) wiieeepeee hahaha :D
Kaso hindi araw araw update nito kasi may tinatapos pa ako na isang story which is Her Darkest Desire :) ang babaeng may kakaibang sikreto :) hahaha.
Enjoy reading guys :p thank you for support :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top