Chapter 2

"What! the hell are you doing?" Muntik na siyang madulas sa biglang pag sigaw ng asawa, napahawak siya sa dingding para ibalanse ang sarili. Dahilan para matanggal ang mga braso niya sa pag kakatakip sa katawan.

"Bakit basta basta ka nalang nalabas ng ganyan ang itsura mo? Talaga bang wala kang delikadesa o hiya manlang sa katawan." Galit na turan nito. Napaiwas naman ito ng tingin ng lumantad ang katawan niya at dahan dahang ibinalik ang tingin at pinagmasdan ang kahubdan niya, medyo nakaramdam siya ng ilang sa paraan ng pagtitig nito.

"A-ah N-nalimutan ko kasi yung towel." Agaw niya sa atensyon nito.

"Tss." He smirk, at walang sabe sabing tumalikod ito lumakad palayo. Ngunit bago pa ito makalabas ay nag salita ito.

"Paki lock ang pinto, bago ka mag bihis." Naiwan naman siyang natulala habang nakatingin sa saradong pinto. Napangiti nalang siya kahit papaano ay may pakialam naman pala ito sa kanya.

Mabilis siyang nag bihis pantulog at isinara ang bintana ng silid pumapasok kasi ang sobrang lamig ng simoy ng hangin pakiramdam niya ay sisipunin na siya sa lamig.

3:00 am na, makakatulog pa kaya siya. Lumabas siya ng silid at hinanap sa sala si Rain, wala ito doon. Sinilip niya sa pool wala din. Lahat na ata tinignan niya only to find out na nasa entertainment room lang ito. Napasinghap siya at napatakip ng bibig ng makita kung ano ang pinapanood nito. Holy crap Alona, your so hot!

Halos batuhin niya na ang monitor ng t.v kung saan nag pe play ang malaswang video na ibinibintang sa kanya.

"Anong tinatayo mo d'yan, bakit hindi ka pumasok at panoorin kung gaano ka kababoy Alona." Labag man sa loob ang itinawag sa kanya ng asawa ay tumuloy padin siya. Kahit sa tingin niya ay ano mang oras ay matutumba siya dahil sa panlalambot ng tuhod.

"Tignan mo Alona, ngayon mo itanggi sakin at sabihing hindi ikaw iyan." Nag pipigil ng luha pinanood ang video, ngayon niya lang napansin na kahit saang anggulo pala tignan ay siyang siya ang nasa video. Pero paanong nangyri yun. Kung siya sa sarili niya ay alam niyang hindi siya yun.

"Ni minsan ba Alona inisip mo ko, inisip mo ba ang iisipin sayo ng tao, iniisip mo ba ang mararamdaman ko Alona, we were together for 4 years since our wedding ni minsan hindi ko naisip na mamagawa mo sakin ito lahat gusto kong isipin na hindi ikaw iyan Alona pero paano ko gagawin kung malinaw pa sa sikat ng araw na ikaw ang nasa video Alona kahit saan mo tignan!" Nanlalambot ang tuhod at wala sa loob na napahawak siya sa dibdib na naninikip.

"Rain, let me explaine please listen to me hin--"

"Hindi ko na kailangan pa ng kasinungalingan mo!"

Hindi niya na natapos ang sasabihin matapos nitong ibato ang remot control ng tv saka lumabas ng silid nasagi pa siya nito sa balikat. Panay lang ang iyak niya.

Dali daling pinatay niya ang tv nadidiri siya sa nakikita sa hindi niya masikmura ang ginagawa ng magkaniig daig pa nitong gumagawa ng poreplay.

Tuluyan na ngang nalason ng video na yan ang utak ng asawa, ngunit sinisiguro niyang mapapatunayan niyang hindi siya iyon.

Lumabas na siya ng entertainment room dumiretyo siya kwarto nilang mag asawa only to find out na wala ang huli sa silid. Maya maya'y nakarinig nalang siya ng tunog ng sasakyan.

Ang kaninang gutom niya ay nawala at natulog nalang ulit.

***

"Good morning po mam"Bati sa kanya ng batang kasambahay.

"Goodmorning din." Ningitian niya ito habang gumagala ang mata sa buong kabahayan." Nakita mo ba si Sir. Rain mo?"

"Hindi po mam, wala po kasi yung kotse niyang pula sa garahe, umalis po ata." Umalis, so ibig sabihin kagabi pa ito hindi nauwi simula ng umalis ito. Kung gayon saan ito nagpalipas ng gabi.

"Ah ganun ba, sige salamat." lumakad na siya papuntang pool at patuloy na iniisip kung saan ito nagpunta kagabe. Napatingin siya sa pool muling nanumbalik ang sa isip niya ang nangyari kagabe.

"Mag almusal kana muna." Napalikon siya sa likuran at nakita si Yumico.

"Yumi!" Agad na napatayo siya sa kinauupuan at nilapitan ito, bago sabay na bumalil sa pwesto niya kanina at naupo."

"Saan ka nanggaling kahapon bat bigla ka nawala, sabe mo lalabas ka lang."

"Haller, nakita mo naman siguro ang aura ng yummy mong hubby diba, mukhang hindi mang iiwan ng buhay." Pabirong sabe nito kalog talaga ito pero paminsan minsan lumalabas ang katarayan pag kinakailangan katulad kahapon, thankful siyang kasama ito kung hindi baka hindi niya na alam ang nangyari sa kanya kahapon.

"Kamusta ano namang ganap dito kahapon, narinig ko pa ang sigaw ni Rain kahapon bago ako tuluyang makaalis kahapon eh." Pagpapatuloy nito.

"Ayun gaya ng inaasahan galit na galit sa akin si Rain at ayaw pakinggan lahat ng paliwanag ko o tamang sabihin na hindi niya ako binigyan ng pag kakataon magpaliwanag."

"Ganun, grabe naman pala mbuti nalang pala at talagang umalis na ko kahapon matapos ipagtabuyan ang mga mediang takaw na takaw sa chismis."

"Salamat nga pala ah."

"Maliit na bagay, I do what I can." Sabe nito sabay hawi ng kamay sa tapat ng ilong animo'y lalaking nagyayabang.

"Eh asan ba si Mr. Bagyo? Bagyo na at hindi na Rain malamang galit na galit padin yun hanggang ngayon."

Napasimangot siya ng maisip na naman ang asawa.

"Oh bakit ganyan ang reaksyon mo, wag mong sabihing iniwan ka niya."

"Umalis siya kagabe at hindi pa nabalik."

"Eh san naman siya nag punta."

"Hindi ko alam." Nakatungong sabi niya habang nakatingin lang sa sandwich na nasa platito na hindi niya magalaw galaw.

"Hayaan na muna siguro natin siya marahil magulo padin ang pag iisip n'yon." Siguro nga hahayaan na muna niya.

"Hindi muna kinain yang breakfast mo, ayaw mo ba niyan akin na papaltan ko." Pinigil niya ito sa akmang pagkuha ng platito at muli itong hinila paupo.

"Wala akong ganang kumain Yumi."

"Hindi naman ata pwede yung ganyan, Alona baka naman mag kasakit ka sa ginagawa mo niyan, baka imbes na yung video scandal na yun lang ng problema natin eh pati kalusugan mo pa."

"Hindi ko ata kayang kumain, wala akong gana, parang gusto ko lang matulog ng matulog maghapon."

"Haist, Hindi yan ang Alonang kilala ko, ano papatalo ka nalang ba sa mga taong humihila sayo pababa. Ganto lang yan Bessy masyado ka kasing sikat na sikat ngayon at napaka bango ng pangalan mo sa publiko kaya sinisira ka nila. Don't give them a chance to see you suffer and vulnerable you can nail it down."

"Sino ba naman kasing hindi maaapektuhan sa video?"

"Sabagay may punto ka, pero sigurado kabang hindi ikaw iyon, pinanood ko kagabe bessy at ilang ulit kong pinanood ngunit ikaw na ikaw,  pero infairness ha, I like your move you nail it down too." Sabi nito sabay tawa ng napakalakas. Lakas talaga ng sapak ng kaibigan.

"Gusto mong ikaw ang i-nail it down ko dyan, malamang hindi ako yun."

"Sigurado ka?" Tinitigan niya ng masama ito.

"Sabe ko nga."

"Bakit ka nga pala naparito." May inilabas itong folder mula sa shoulder bag nito, shoulder bag nga bang maituturing o eco bag na may girly stuff print, kahit kailan talaga itong kaibigan slush personal assistant, kuripot at nasobrahan sa simple.

"Eto talaga ang pakay ko pangalawa lang sa pangangamusta sayo, ayan basahin mo."

Kinuha niya ang folder at binasa nakalagay doon ang ang project na gagawin niyang pag ho host sa BTI channel.

"Kailangan mo na daw mag simula ng shoot next week, since napirmahan mo daw ang kontrata."

"Ano, bakit napaaga ata akala ko ba next month pa ito?"

"Pinaaga ng BTI channel para daw agad kang makabawi at makabangon sa mga issue."

"Ano? sa palagay ba nila ganto lang kadali to, gayong nasiraan ang pangalan ko sa publiko sa tingin niyo tatangkilin ng mga viewers ang talk show na yun kung gayong hindi pa nalilinis ang pangalan ko."

"Yan din ang naisip ko eh, pero kasi naka pag sign kana sa contract."

Napahilamos nalang siya sa mukha at napahawak sa nanakit na sintido, bakit naman nagsabay sabay ang problema niya.

"Hindi maari yan Yumi, alam mo namang mainit pa ang mga mata ng media sakin ganun nadin ang galit ni Rain sakin ayoko ng dagdagan pa ng ano mang kasinungalingan. "

"Pero makakasuhan ka niyan."

"Bahala ka muna d'yan Yumi."

"Okay, pag isipan mo muna mabuti, maige pa sigurong samahan mo ko mag mall, para ma unwind ka."

"Seryoso ka ikaw na kuripot yayain ako mag mall."

"Oo naman, saka mag wi window shopping lang tayo palamig lang. " natawa siya dito, kuripot talaga.

"Tara na nga as if naman mananalo ako sayo."

"Precisely! So go chupi mag palit ka ng damit mo, mukha kang hindi naligo  ng isang buwan." Pang aasar nito.

"Kapal nito, loka loka ka talaga." Pumasok na siya sa loob ng bahay at hindi na niya pa hinintay na makasagot ito.

"Hoy ako ata ang pinaka dyosa lahat ng loka loka!"

Narinig niya pang sagot nito kahit papaano ay naiibsan ang lungkot at sakit na nararamdaman niya kapag kasama ito.

Habang nag lalakad sa mall ay makailang ulit siyang napatid sa dinadaanan niya maging sa escalator, napansin tuloy ng kasama niya na wala ang atensyon niya sa pag gagala nila.

"Ano ba yan Alona, umalis nga tayo para malibang kaso wala dito ang attensyon mo."

"Pasensya na hindi ko maiwasang mag isip eh, saka haller! balot na balot kaya ako, naka bullcap na naka shades pa, sino kayang hindi mapapatid nito no?" Palusot niya para makaiwas sa sermon ng kaibigan but knowing Yumi nungkang mapatigil niya ito.

"Palusot mo, parang hindi kita kilala eh careless ka."

"Eh kasi naman ang hirap isang tabi yung problema namin ni Rain eh." Pag mumukmok niya.

"Eh kesa naman intindihin mo at problemahin ang taong wala ngayon sayo, mag pakalibang ka muna para hindi ka masyadong ma stress dahil pag nag ka sakit ka mas mahirap yan."

May point ang kaibigan pero ang hirap lang kasing mag libang kung alam niyang hindi sila ayos ng asawa bawat oras at minutong lumilipas iyon ang nasa isip niya.

"Ay bongga may  sale doon oh tingin tayo ng magkaroon naman ako ng bagong damit tama na sakin yung tig 150 pesos." Nakita niya ang itinuro nito isang botique ng damit.

"Ang dami dami mong pera tinitipid mo ang sarili mo kuripot ka talaga." Natatawang sabi niya.

"Halika na huwag muna ako udyukan bumili ng mahal dahil baka ikaw lang ang mag bayad." Nakatawang sabi nito ngunit alam niyang posibleng mangyari iyon na siya ang magbayad. Hindi niya malaman saan dinadala nito ang pera at tipid na tipid ito sa sarili.

Hinila na siya nito papunta sa naturang botique katabi ng botique na iyon ang kilalang brand na Jag kilala sa mga dekalidad na pantalon.

Napatigil siya sa pag lalakad maging ang kaibigan ng makita ang pamilyar na tao sa kanya, ang kanyang asawa, may kasamang itong magandang babae na hindi pamilyar sa kanya.

"Tara na Alona, sa ibang araw nalang siguro tayo tumingin ng damit."

Bago pa man niya malapitan ang asawa ay agad na siyang hinila ng kaibigan. Hila man siya nito nakalingon padin siya sa asawa bago pa siya humarap sa daan ay nakita pa niya itong napatingin sa gawi nila at makilala siya, rumihistro ang pag ka bigla sa mga mata at ekpreayon ng mukha nito. Nakakasiguro siyang kahit nakatago ang mga mata at mukha niya sa makapal na salamin at hood nakilala padin siya nito.

Biglang nanubig ang mga mata niya at naging maagap siya at agad na humarap sa daan bago pa man pumatak ang luha niya sa harap nito.

How could you do this to me Rain?

Ang tanging naitanong niya sa sarili.

A:n

Happy New Year Everyone :*
Hope you like my story :)

Try to read my other story
Her Darkest Desire- R18

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top