Until The Time Is Through
"Ano ka ba! Imposible 'yan!" Natatawang sambit ko kay Jules habang humihigop ng mainit na kape. Katatapos lang ng meeting namin para sa isang event na gagawin namin sa katapusan ng buwang ito.
Tuwing katapusan ng Setyembre ay dinadaos ang General Assembly para sa mga empleyado ng Uphill Glass & Ceramic Wares kung saan pinaparangalan rin sila.
"Seismologists reported tectonic movements in major cities in the country and the whole world. It was also said that it will be the end of the world." Pag-uulat ni Jennie Del Mundo, ABZ reporter, na pumutol sa usapan naming dalawa.
"Sabi ko sa'yo eh! Katapusan na!" Jules bit her lip and worriedly looked at me.
Ako lang ba or hindi ko pa rin tanggap na alinmang oras ay magiging isa na akong abo?
"Tumigil ka nga, Jules! Halika na at madami pa tayong tatapusin. Dalawang linggo na lang!" I yanked her arm and we went to our respective working areas.
Days fly by fast and we barely made it out alive. Naging abala ako sa pagdedecor at pag-aassign ng mga tasks sa mga kasamahan ko sa trabaho.
***
"I would like to commend everyone, especially the Design and Events Team, which is by the way, spearheaded by Giselle Domingo, for the wonderful preparations they have made to make our event possible!" Mr. Luis De Guzman, our president and CEO, said as he clapped along with everyone else.
"Thank you, Mr. De Guzman!" I smiled and faced the whole of UGCW company. Itinaas ko ang aking wine goblet at binigyan sila ng matamis na ngiti, "ano pang hinihintay natin? Let us all begin the night! Enjoy and have fun, everyone!"
Habang ang lahat ay nagkakasiyahan at masayang nagkwekwentuhan, nagsimula na ring yumanig ang gusaling kinatatayuan namin. Imbes na hiyaw ng katuwaan, takot at pangamba ang mababakas sa mukha ng lahat. Ang aming magagarang mga kasuotan ay nagsimulang mabahiran ng mga dugo at mga mantsa mula sa natapong mga wine at pagkain sa mga damit namin.
Nag-umpisa na ring sabay-sabay magtunugan ang mga cellphone namin mula sa NDRRMC, hudyat na magkakaroon pa ng mga aftershock sa paligid.
Nagpanic at nagsitakbuhan na ang lahat para makaalis at makapunta sa ligtas na lugar.
"Gi!" Napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ko. Si Jules. Na kausap ko lang at katawanan kanina bago magsimula ang event, ay may mga bahid ng dugo ang damit.
"A-anong nangyayari?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya nang makapunta siya sa pwesto ko.
"Mukhang eto na nga ang sinasabi nilang katapusan ng mundo." Sagot ni Jules at lumayo kami sa building namin. Nasa ika-limang palapag kami kaya ramdam namin ang paggalaw ng lupa.
Tuluyan na akong naluha nang maproseso ang sinabi niya habang unti-unti na ring lumaki ang mga pagbibiyak sa kalsada. Ang mga sasakyan ay nagsitunugan na rin sa paligid. Marami ang umiiyak at tinatawagan ang mga mahal nila sa buhay.
Kinapa ko ang sling bag ko at nang makita ang hinahanap ay tinawagan ko siya. Tanging ring lang at hindi nasagot ang tawag ko.
Walang pagdadalawang-isip ay binagtas ko ang daan patungo sa lugar na mahalaga sa akin. Hindi ko inalintana ang mga nagbabasakang puno at mga debris mula sa mga bahay at gusali. Laking pasasalamat ko at hindi malayo sa bahay ang pinagtatrabahuan ko.
Tila ako ay nasa isang palabas at iniiwasan ang mga humaharang sa dinaraanan ko. Sa panahong ito, wala akong ibang nasa isip, ku'ndi siya.
"Mama!" Sigaw ko at kinalampag ang pintuan ng bahay.
Biglang umungol ng malakas at nanlaki ang mga mata ko ng makitang dahan-dahang bumagsak ang puno ng niyog sa labas ng bahay namin at tuluyan ng hinarang ang kalsada kung nasaan kami nakatira.
"Mama! Ma!" Umiiyak kong pinuwersang buksan ang pintuan at kumaripas sa kusina at nang hindi siya matagpuan doon ay dumiretso ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakahiga roon at nakapikit ang mga mata. "Mama! Bakit hindi mo ako sinasagot kanina! Mama naman eh!"
Dumilat siya at ngumiti sa akin, "mahal kong Giselle. Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang maaalalahanin kong anak."
"Mama naman eh! Halika na! Hahanap tayo ng tulong! Alis na tayo rito! Delikado na dito!" Pagmamadali ko sa kanya na siyang ikinailing niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at sabay usal ng mga salitang hirap akong bigkasin, "mahal kita anak hanggang sa matapos ang oras. Mahal na mahal kita. At pinapatawad na kita."
Lingid sa kaalaman ng lahat ay nagkaroon ako ng pagkakasala sa aking ina nang pinili kong maglayas noong kabataan ko dahil hindi ko nagustuhan ang desisyon niya na siyang pinagsisihan ko.
"Patawad, Mama. Mahal na mahal po kita." At sa pagkakataong ito, bago matapos ang mga oras ko sa mundo, ay nasabi ko na rin ang mga katagang ito sa kanya.
End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top