Sakura Says


Carnation Pink.

Eto ang kulay na nagpapaalala sa akin sa kanya at nagdidipina sa personalidad na meron sya.

Napangiti ako ng maalala siya. Yung mga matang nanliliit kapag labis ang galak niya at hindi mo nanaising makita kung siya ay galit.

"Hoy! Ayos ka pa ba dyan?", panunudyo ni Art nang iabot ang Coke in can na binili niya. Umiling ako at binalik ang tingin sa harapan. "Oo nga pala. Goodluck, bro." Nang-asar pa siya na siyang binalewala ko na lang.

"Una na ako, bro.", sambit ko na siyang kinatanguan niya at binayaran ang bouquet ng bulaklak. Dali-dali akong pumasok sa sasakyan at nagmaneho patungo sa kanya.

Binuksan ko ang radyo at sinabayan ko ang kanta ng sikat na banda na tamang-tama sa panahon at tema ng puso ko.

"Summer time of our lives!", kanta ko habang pinapalo-palo ko pa ang steering wheel. Nasa kalagitnaan ako ng kanta nang tumawag siya.

"Asan ka na! Naku naman! Naiinip na ako dito! Aba naman, Kenzo!", bulyaw nito na siyang kinakaba ko naman. Ang alam nya kasi galing ako sa meeting.

"Eto na. Saglit lang!", paghirit ko pa.

"Bilisan mo! Jusko po! Papapakin na ako ng lamok dito!", huling reklamo niya bago pa ako babaan ng tawag.

What Sakura says, it definitely happens.

Wala pang trenta minutos ay nandoon na ako. Hawak ang bouquet ng pink carnations ay dumiretso ako sa tagpuan namin sa tabing-dagat. Huminga ako ng malalim at natanaw ang mukha ng babaeng pinakamamahal kong nakaupo sa bench.

"Sakura!" Hingal kong sambit at nakita ang gulat niyang mukha at nilabas ang singsing pati ang bugkos ng bulaklak. "Will you marry me, Mahal ko?"

Isang matamis na Oo ang natanggap ko mula sa kanya.
Ito na ang maituturing kong isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko.

End

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top