EPISODE 08
"Nasaan ka Rexxy? (Part 2) "
Pupungas-pungas si Rex nang makita nya ang kanyang sarili sa isang malaking salamin na nakatali ang mga paa at kamay. Inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid ng silid. Tanging mga antigong kagamitan lang ang kanyang nakikita.
Tila nagbalik sya sa nakaraan.
Bigla nyang naalala ang buong nangyari.
"Jean?" Tanging naisambit nya nang maalala nya ang lahat bago sya mawalan ng malay. At dalhin sya ni Jean sa lugar na iyon.
Ilang sandali pa ay may narinig syang yabag ng paa papalapit sa pintuan ng silid ng kanyang kinalalagyan.
Muling ipinikit ni Rex ang kanyang mga mata at nagkunwareng Wala pa din itong Malay.
"Bilisan mo, para hindi mahalata ng senior na Wala ka sa Kusina. " Sabi ng isang lalaki sa isang babae na pumasok sa silid ni Rex.
"Sige na isara mo na ang pinto. Senyasan mo nalang ako kung nandyan na ang mga kastilang bantay." Wika ng babae at agad nag tungo kay rex.
Inilapag nya ang dalang lugaw sa mesa at ginising nya si Rex.
"Rexxy? Gumising ka! Hindi pa panahon upang mag balik ka sa Santa Helena." Sabi ng babae habang tinatapik nya si Rex.
Agad namang inimulat ni Rex ang kanyang mga mata.
"Sa wakas, nagising kana." Yumuko Ang babae at muling nag salita.
"Papano ka nahuli ni Senior Ronnel? Pero Hindi na mahalaga. Itatakas Kita dito." At agad kinuha ng babae ang kutsilyong nakatago sa kanyang kasuotan.
Habang pinapakawalan ng babae si Rex nag wika naman ang Dalaga.
"Maraming salamat po, Ate?"
"Ako nga Pala si Renalyn, matalik akong kaibigan ng iyong Ina. " Sagot ng babae.
"Nasaan po ba ako? At bakit ganyan Ang mga kasuotan ninyo? Narinig ko kanina na may kastilang bantay? 2090 na, at nasa taon pa din kayo ng papanakop ng mga kastila? Hindi ko ma gets?" Sambit ni Rex.
"Alam namin, pero dito sa Santa Helena. Hindi tumatakbo ang oras dahil sa isang sumpa. Hindi rin kami maka punta sa inyong kasalukuyang panahon. Dahil bihag kami ng sumpa. Tanging ang senior lang at iba nyang tauhan ang nakaka gawang maglakbay sa inyong panahon."paliwanag ni Renalyn.
Nang matanggal na nya ang mga nakatali sa kamay at paa ni Rex. Agad niyang inilabas si Rex.
"Sandali bago ka umalis, nais ko lang na malaman mong minamahal ka ng iyong Ina at ama. At ipinabibigay nya ito saiyo bago sila nakulong sa sumpa." Sabi ni Renalyn at iniabot nya ang isang kwentas.
"Bilisan na ninyo baka malaman ng mga kawal na Wala ang bihag. " Sambit ng lalaki.
"Sige na Rexxy, mag tungo ka sa hilaga ng kagubatang iyan. Don nag aantay Sayo ang aking kapatid na si Rea. Tutulungan ka nyang makabalik saiyong panahon. Basta sa hilagang bahagi ng kagubatan. May makikita Kang isang mansyon." Sambit ng babae at agad itinulak ni Renalyn si Rex papuntang kagubatan bago paman dumating ang ibang kawal.
"Sa muling pagkikita natin aking inaanak. Hindi pa ito Ang huli" sambit ni Renalyn.
Ilang sandali pa ay dumating ang mga kastilang kawal. Umarteng nawalan ng Malay si Renalyn. Agad namang tinanong ng kastilang kawal sa kasama ni Renalyn.
"Lo que le sucedió? y donde esta el cautivo? (Anong nangyari sakanya? At nasaan ang bihag?) "
Sumagot naman ang kasama ni Renalyn nang..
"Ginamitan sya ng mahika ng bihag. At patungo sya doon." Sabi ng lalaki sabay turo sa ibang direksyon.
Agad namang nagtungo sa direksyon na itinuro ng lalaki ang mga kawal.
Samantala sa Kasalukuyan...
Inilapag ni Myda at Christine ang isang puting envelope na may nakasulat Tanya Sandoval.
"Case close, naibigay na namin ni Myda ang dashcam sa mga polis. At matibay ang evidence ni Tanya laban sa kanyang Ex. " Sabi ni Christine sabay upo sa harapan ng mesa kung saan naka tulala si Mycka.
Tumabi naman si Myda sa kanya at pinakalma Ang kaibigan.
"Ate miks ayus ka lang?" Tanong ni Myda sa kanya.
Bumuntong hininga si Mycka bago nag salita.
"Hindi ko parin maintindihan ang mga nangyayari." Sabi ni Mycka.
Hinawakan ni Christine Ang kamay ng kaibigan at nag wika ito.
"Alam namin na mahirap tanggapin o intidihin Ang mga bagay na ito. Pero kelangan. Kelangan namin si Rexxy, upang makalaya na kami sa sumpa. Matagal ng tapos ang aming panahon. At kayo ni Rex may panahon pa kayong umusad Hindi bilang isang mangkululam o isang Bampira. " Sabi ni Christine.
"Tama si Ate Christine, sa katunayan tanging kami lamang ang nakakagawa ng paraan upang mag tungo sa panahon na ito. May mga kasama pa kaming nakulong sa Santa Helena. Umaasa sila sa kapatid mo." Sabi ni Myda.
"Kung totoo ngang mangkululam ako. Papano kayo ni Rex matutulungan o mababali Ang sumpa.? " Tanong ni Mycka.
"Si Rexxy lang ang may halong dugo ng isang Bampira at Mangkululam at siya ang ~" naputol Ang sasabihin ni Christine nang makaramdam ng panganib sa paligid.
"Bakit Tine? Anong nangyayari?" Tanong ni Mycka.
"Nararamdaman ko din sya Ate Tine, umalis na Tayo dito!" Sabi ni Myda.
"Sino?" Tanong ni Mycka.
"Si Jean nandito sya!" Sagot ni Christine na agad namang kinuha ang mga gamit.
Bigla namang nag tumunog Ang cellphone ni Mycka at doon tumatawag si Doc Santiago.
"Ate miks, umalis na Tayo dito. Magbalik na Tayo sa Ospital. Hindi pa nakababalik si Ben." Sabi ni Myda.
Agad namang tumayo ang tatlo at lumabas ng Convenience store.
Balik kina Myan at Doc Santos sa Santa Helena.
Nakaharap nilang dalawa ang senior at hawak Naman ni Doc Santos ang isang lalaki. Habang naka tutok ang baril ni Myan sa Ulo ng lalaki.
"Ilabas ninyo si Rexxy. Kung ayaw nyong sumabog Ang Ulo ng kapatid mo. " Sabi ni Myan.
"Anong pinagsasabi mo Heneral Caballero? Wala dito ang anak ng condé. " Sabi ni Senior.
"Hindi ako naniniwala. Bibilang ako ng hanggang Singko. Kapag Hindi ninyo inilabas ng anak ng condé. Sasabog Ang Ulo ng kapatid mo !" Banta ni Myan.
"Sige patayin mo, Wala akong pakialam!" Sabi ng senior at umiinom ito ng alak.
"Anong klase Kang kapatid? Pati kapatid mo ay kaya mong isakripisyo para sa pansariling layunin?" Sambit ni Doc Santos.
"Ano pa nga ba?" Wika ni Myan sabay kalabit sa gatilyo ng baril. Nang biglang dumating ang isang kawal at ibinalita ang nanyaring pag takas ng bihag.
"Mga Tanga! Papano nakatakas ang bihag?" Sigaw ni Senior.
Nagkatinginan naman sina Doc Santos at Myan.
Kinuha ni Senior Ang baril ng kawal at ipinaputok ito sa kawal. Bumagsak sa sahig ang katawan ng kawal.
"Kita nyo? Wala dito ang hinahanap ninyo. Nakatakas! Maari na kayong umalis!" Sigaw ni Senior.
Malakas na itinulak ni doc Santos Ang hawak nilang bihag at mabilis silang umalis sa Bahay.
"Bwesit! Sino ang nagpatakas sa bihag?" Sigaw muli ni Senior.
Samantala si Rex ay agad nag tungo sa hilagang bahagi ng kagubatan, at Mula sa kanyang kinalalagyan ay naaninag na nya Ang kulay puting mansyon.
"Mukhang tama ang lugar na dinaanan ko." Wika nya at nag patuloy itong naglakad papunta sa Mansyon.
At sa loob naman ng Mansyon..
Isang babae ang nakatingin sa kagubatan Mula sa veranda ng kanyang Mansyon.
Naka suot ito ng kimono.
"Paparating na sya." Sabi ng babae.
"Sino ang paparating?" Tanong ng Isa pang babae.
"Si Rexxy Ang anak ng condé ng Santa Helena." Sagot ng babaeng naka kimono.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top