EPISODE 06
"Tanya Sandoval Case"
ANG NAKARAAN...
Nakilala ni Rex si Tanya at mukhang may bagong matutulungan ang ating bida.
Samantala, naka harap ni Mycka si Jean. At magkapareho sila ni Rex na nanaginip tungkol sa Sta. Helena.
"Nanaginip ka din tungkol sa Sta.Helena ate?"
SA PAGPAPATULOY...
Sa Nurse Station..
Inabutan ni Myda si Mycka na natutulog sa mesa.
Agad nilapitan nya ang kaibigan upang gisingin.
"Ate Miks?" Tapik nya sa likud ng babae.
Ilang sandali pa ay nagising na si Mycka at pupungas-pungas pa ito. Sabay tingin sa kanyang maliit na salamin sa Tabi ng kanyang Tumbler.
"Oh, Myda Ikaw pala? Kanina kapa ba?" Tanong nya.
"Hindi bago lang, anyare Sayo? Bat parang pagud na pagud ka?" Tanong ni Myda sa kaibigan.
"Hay naku! May pinuntahan lang kami kagabi kasama si Rex at Danny. Teka Lunch na pala." Sabi ni Mycka sabay tingin sa kanyang orasan.
Ilang sandali pa ay dumating naman si Christine dala-dala ang isang bouquet ng bulaklak.
"Mycka, pinabibigay ni Doc Santiago sayo. Hindi ko sana tatanggapin. Eh Hindi nako naka ayaw." Sabi ni Christine sabay lapag sa harapan ni Mycka.
"Ano pala ginagawa mo doon sa Kabilang building Tine?" Tanong ni Mycka.
"Binisita ko yung husband ko. Eh tyempo namang nagkasalubong kami ni Doc Santiago." Wika ni Christine at umupo ito katabi ni Myda.
"Parang may something kayo ni Doc Santiago ate?" Sambit ni Myda at sabay tingin kay Mycka.
Tumitig din si Christine sakanya. Para bang kinakausap sya ng mga mata ng dalawa nyang kaibigan na mag kwento.
"Ang totoo nyan, ex ko si Rene. I mean Doc Santiago. Mabuti pa samahan ninyo ako at doon ko sa Cafeteria ekukuwento lahat." Sabi ni Mycka sabay tayo.
Samantala sa Opisina kung saan nagtatrabaho si Rex.
"Girl pinapatawag ka ni Mr. San Buena." Sabi ni Mercedes. Sabay turo kung saan nakatayo si Gelo.
"Mukhang bad trip yata?" Bulong ni Mercedes.
"Sige salamat Mercedes." Sabi ni Rex. Bago paman ito lumapit sa amo ay bumuntong hininga muna ito.
Ngunit bago paman ito makalapit ay may biglang humawak sakanyang kamay.
Nabigla sya dahil sobrang lamig kamay ang humawak. Nang dahan-dahan nyang tingnan kung kaninong kamay ang humawak sakanya.
Napasigaw si Rex nang Makita nya ang duguang mukha ni Tanya.
"Tulungan mo ko please. Ikaw lang ang nakakakita sakin. "
Dahil sa sigaw agad nilapitan ni Gelo si Rex at tinanong kung anong nangyari. Maging si Mercedes ay lumapit na din upang Tulungan ang kaibigan.
"Rex anong nangyari?" Tanong ni Gelo sakanya nang biglang nawalan ng Malay si Rex mabuti nalang at nasalo ito ng lalaki.
"Jusko anong nangyayari sa kanya." Sabi ni Mercedes habang nagpapanic.
Agad binuhat ni Gelo ang walang Malay na dalaga at agad Nila itong dinala sa Clinic ng kompanya.
Pagka-alis nina Mr. San Buena ay biglang lumalakas ang bulong-bulungan. Na agad namang kinontra ni Mercedes.
"Tumigil kayo sa chismis nyo. Wala silang relasyon. At Hindi buntis ang kaibigan ko. Anemic lang. Bumalik na nga kayo sa trabaho." Saway ni Mercedes.
Samantala sa isang liblib na lugar kung saan natatakpan ng makakapal na usok. At ang mga Bahay ay ang desinyo ay nasa panahon pa din ng mga kastila.
"Nandito na po ako." Wika ni Jean sa dalawang nilalang na naka Tayo at nakaharap sa malaking bintana.
"Tienes alguna actualización? (Do you have any updates?) Tanong Isang lalaki. Na halatang may kaya sa buhay dahil sa kasuotan nitong sobrang gara.
"Ikinalulungkot ko Senior Ronnel. Mukhang mahihirapan tayong kombensihin ang magkapatid." Sagot ni Jean.
Hinubad naman ng lalaki ang kanyang suot na sombrero. At humarap kay Jean.
"Kung ganun, kelangan mo ng kasama tungkol sa misyon na ito. Kelangan na nilang makabalik dito sa madaling panahon." Wika ni Senior Ronnel.
Sumunod namang naghubad ng sombrero ang katabi ng Senior.
"Kung ganun senior tutulong ako." Sabi ng lalaki na may kulay gintong buhok.
"Ikaw ang bahala, Basta ibalik ninyo ang angkan ng mga Morales dito sa St. Helena. " Wika ng Senior.
Yumuko naman ang lalaki biglang tanda ng pag galang.
Balik Kay Rex, muling nagkaroon ng Malay si Rex at dito ay umiiyak ito nang magising.
"Pinatay nila si Tanya, pinakita ni Tanya saakin. Hindi aksidente Ang nangyari." Sabi ni Rex.
Nagkatinginan naman sina Mycka, Danny, Gelo at Mercedes.
"Tulungan natin si Tanya." Wika ni Rex.
Lumapit si Mycka at Danny sabay haplos sa Ulo ng kapatid.
"Sige, sasamahan ka namin." Sambit ni Danny.
"Tama si Danny. Kasama mo kami" ngiting Sabi ni Mycka.
Wala silang sinayang na oras at agad silang nagbalik sa lugar kung saan unang nakita ni Rex si Tanya.
"Ayun Ang kotse nya.." turo ni Rex na agad naman nilang linapitan.
Hinawakan ni Mycka ang mga gamit na naiwan sa kotse.
Unang subok ni Mycka sa isang pirasong beads.
Nakita ni Mycka ang nangyari bago naputol Ang kwentas.
Si Rex naman ay nakita nyang muli si Tanya.
"Danny? Tawag ni Rex sa kapatid ng biglang ituro ni Tanya sa likud ng upuan.
"Wag ka namang mangulat Tanya." Sabi ni Rex.
"Rex nasa likud ng upuan na yan ang dashcam. Dyan ko nakitang tumilapon ang dashcam. Bago ako nabangga sa puno." Sabi ni Tanya.
Si Mycka naman ay doon din patungo sa isang upuan.
"Nandito ang dashcam ng sasakyan." Sabi ni Mycka sabay lapit sa upuan at hinanap ang dashcam. Mabuti nalang ay agad Nila itong nakuha.
"Kelangan na natin itong ibigay sa kampo ni Tanya." Sabi ni Rex.
"Pero wag na wag nyong ibibigay sa step dad ko. Sa pulis nyo nalang ibigay." Sabi ni Tanya.
"Yes.ibibigay talaga namin ito sa pulis" sabi ni Rex.
Agad silang lumabas ng koste. Naabutan nilang tumilapon si Danny. Patungo sa kanila.
"Danny? bakit ka ganyan. Jusko magiingat ka!" Sabi ni Mycka.
" Ate mycka ako nang bahala sa babaeng ito." Sabi ni Danny.
"Sandali!" Sigaw ni Rex.
"Bakit?" Tanong ni Danny.
"Kilala ko sya. Si Jean yan. Bakit kayo nag aaway. At kelan kapag nakikipag away sa mga babae Bunso?" Sabi ni Rex.
Ngumiti naman si Jean nang makilala sya ni Rex.
"Rex kamusta ka?" Tanong ni Jean.
"Magkakilala kayo Ate?" Tanong ni Danny.
"Oo kaklase ko sya." Sagot ni Rex.
Agad lumapit si Rex at niyakap ang babae.
"Pagsensyahan muna si Danny. Teka parang mas gumanda ka ngayon." Bati ni Rex.
"Hindi ko din alam na kapatid mo sya." Sabi Jean.
"Umalis ka Dyan Ate Rex. Baka sasakin ka nyan. May kutsilyo sya sa kanyang likuran." Itinaas ni Danny Ang kanyang kamay ng biglang sumakit ito. Di nya alam may ganoong kakayahan din Ang mga tauhan ni James.
Aaaarrggghh
Sigaw ni Danny at Rex. Tutulungan na sana ni Rex ang Dalaga ng nawalan sya ng lakas At nahihirapan itong magsalita.
"A~ anong ginagawa mo? " Wika ni Rex. Hanggang sa nakatulog sya.
Puro sigaw sina Mycka at Danny.
"Ate Rex!! " Sigaw ni Danny.
"Bumalik na Tayo sa Santa Helena." Sabi ni Jean.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top