Epilogue

Epilogue

"Magbreak na tayo, Fire." Iniwas niya ang tingin sa akin.

Tumingin ako sa kawalan. Gusto kong magwala pero pinilit kong kumalma. Gusto kong sumigaw pero pinilit kong manahimik.

"Fire, m-magsalita ka." Nanginig ang kanyang boses.

Tumayo ako at lumabas ng kubo. Hindi pa ako nakalalayo nang maramdaman ko ang kanyang yakap.

Mariin kong pumikit.

"Magkaibigan pa rin naman tayo 'di ba?" Humigpit ang pagkakapulupot ng mga kamay niya sa akin.

Inalis ko ang mga ito. Hinarap ko siya. I never got mad at her. I never got mad but now was different!

Lumandas ang luha sa kanyang pisngi.

"Ayokong makipaghiwalay. Pero ito ang gusto ng mga magulang ko. Ayaw namin na pinag-uusapan ka nila. Ayoko na nasasaktan ka sa mga bulungan-"

"You don't have to explain. I understand." Pinilit kong maging mahinahon ang aking boses.

Muli niya akong niyakap. Mahigpit. Mahigpit tulad nang pagpulupot ng tali sa puso ko na tila sinasakal ito.

"I love you, Fire..." Garalgal ang boses niyang sabi. "Please, 'wag kang magalit. Hindi ko kayang ganito ka sa akin."

Nilamukos niya ang aking damit. Walang ingay siyang umiyak sa aking dibdib. Damn it!

"P-pansamantala lang ito. 'Pagkatapos natin ng kolehiyo, magiging tayo ulit." Dagdag pa niya.

Muli akong kumawala at tinalikuran siya. Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin niya.

"Fire!"

Hindi ko siya nilingon. Sa halip na sumakay ng kabayo ay iniwan ko na iyon doon. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa humina na rin ang pagtawag niya sa akin.

" You're playing the field because of Forrah, aren't you?" Uminom si kuya sa kanyang canned beer at umupo sa katapat kong upuan. A playful smile jelled on his lips. "You're just 15, Fire. 'Wag na wag ko lang malalaman na may nabuntis ka dahil ako mismo ang bubugbog sayo."

Sumandal ako sa sofa. "For your information kuya, I am not the one who approaches them. Sila. Ang mga babae ang nauuna. Giving them this grace..." Ngumisi ako at inginuso ang aking katawan. "This grace should be shared. Alam mo namang hindi ako suwapang."

"Gago!" Tumawa siya at naiiling na muling uminom sa kanyang beer.

Hinaplos ko ang buhok at dinampot ang remote. Heading off the topic would not be bad. Mabuti na lang ay siya na mismo ang nag-iba ng usapan. Tungkol sa businesses ng aming pamilya.

Mabilis ang paglago ng aming mga negosyo at ang hacienda ay mas lalo pang gumaganda sa pagtutulungan nila ng papa.

"Are you sure you wanna study there?" Umupo ang papa sa kanyang swivel chair.

Nandito kami sa library upang pag-usapan ang tungkol sa paglipat ko ng school.

Iginalaw ko ang ulo bilang pagtugon. "Is there a possiblity that you will disallow my wish?"

Inalis niya ang salamin at ipinatong ito sa mesa.

"Why would I do that?" Tipid siyang ngumiti. "Alam kong magiging masaya ang mama mo kapag ibinigay ko ang gusto mo. I can't say no to my children."

Nakapa ko sa kanyang mga mata ang pagkalat ng lungkot. Itago man niya ay alam kong hindi nawawaglit sa isip niya ang mama. Mahal na mahal niya ito. Death couldn't knock down his love for her.

Tumayo ako at inakbayan siya.

Pinagdikit niya ang dalawang kamay na tila nagdadasal at inilapat ito sa kanyang mga labi. "If only she is still with us... surely, she'll be happy with your decision to study in Manila."

Hindi ko nagawang ibuka pa ang bibig upang pagaanin ang kanyang loob, dahil miske ako ay nakaramdam ng sakit at pangungulila.

Mama died because of ovarian cancer. Huli na nang malaman naming malala na ito dahil hindi siya kailanman umingi tungkol sa kanyang nararamdaman. She hid the truth to us.

"Sa tingin ko, kaya gusto mong mag-aral sa Manila ay dahil kay Forrah." Nakangising sabi ng pinsan kong si Jeru.

Iniwas ko ang tingin at hinubad ang aking damit. I stretched my arms as I stared at the lake. "Okay na kami ni Forrah. Gusto ko lang siyang bantayan."

That's the truth. Kanina ay nagkasalubong kami nang palabas siya ng hacienda.

Palagpas na ako sa kanya nang yakapin niya ako. She cried again and kept on saying sorry. At hindi ko na iyon nakaya. Sa huli ay niyakap ko rin siya pabalik.

Hindi ko naiwasang mapangiti sa nangyari.

"Fire, maraming magagandang babae sa Manila."

Kumunot ang aking noo at binalingan siyang muli.

Hinaplos niya ang kanyang batok at mas lalong lumaki ang ngisi. "Forget Forrah. Mas mabuti pang sa ibang lalaki siya mapunta. Sa matino. Sa hindi gago. Iiyak lang siya sayo. Lalo na sa ginagawa mong pagpapaikot sa halos hindi ko na mabilang na mga babae."

"Mag-aaral ako doon, Jeru" Hindi ko napigil ang pag-angat ng sulok ng aking labi. "Hindi para sa mga babaeng sinasabi mo."

Hinubad ko ang pants at lumusong sa ilog.

Me:
Where are you? Let's eat breakfast!

Nakalimang text na ako pero wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya.

Ipinasok ko ang cellphone sa aking bulsa. Inangat ko ang aking ulo at nakita ang mga babaeng nakatingin sa akin at nagbubulungan.

Pinasadahan ko ng haplos ang aking buhok at ngumiti.

"Shit!" Tili ng maputing babaeng may maikling buhok. Ang iba ay tila nangisay sa kinatatayuan.

Napailing ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Paliko ako nang mamataan ko si Forrah na may kausap. Sigurado akong siya iyon dahil kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko siya.

Lumapit ako upang malaman kung ano ang nangyayari. Kaya pala hindi siya nagrereply sa texts ko ay dahil may kausap siya.

"What's your problem?" Mataray na sabi ng babaeng kaharap niya.

Nakuha ng babae ang aking atensyon. Nakahalukipkip siya at halata ang inis sa mukha habang nakatingin kay Forrah.

The girl was tall and... ravishing. Her eyes were damn beautiful and expressive. Mahaba ang nakapilantik na magandang mga pilik-mata. Maganda ang matangos na ilong. Maganda ang mapupulang mga labi. Manipis ngunit maganda ang maitim na kilay.

Damn, kulang ang ang isang salitang maganda para sa kanya! Who's this girl?

"Pakibilisan mahal ang oras ko." Pagpapatuloy niya.

Kumunot ang noo ko at muling ibinaling ang mga mata kay Forrah.

"I-ikaw ba ang dahilan kung bakit nagka-bubble gum ang palda ko?" Tumungo si Forrah. "Tamiya kasi... isa lang ang palda ko na binili ni nanay para may magamit ako pagpasok."

"Pakialam ko sa palda mo?" Dahan-dahang lumapit ang babae dito. "Are you accusing me huh, Forrah?"

Umingay ang paligid. Kumuyom ang aking mga palad. Sa kabila ng halos perpektong panlabas na anyo ay ang masama niyang ugali!

Pinigil ko ang sarili na sumugod dahil hindi ako pumapatol sa babae!

"Ms. Anak ng magsasaka, baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo? Baka nakakalimutan mo. Ako si Tamiya Azia Dela Vega." Inilapit niya ang mukha kay Forrah. May ibinulong siya dito habang may nakapaskil na ngisi sa mga labi.

Pinunasan niya ang luha ni Forrah at tinalikuran ito. Hindi ko inaasahang magtatama ang aming mga mata.

Tumaas ang isa niyang kilay at ilang sandali lang ay inismiran ako. Pumasok siya sa isang room. Hindi nagtagal ay sumunod si Forrah. Doon ata ang room namin.

"Mr. Altamirano?"

Pumihit ang aking katawan upang harapin ang tumawag sa akin. It's Ms. Dimayugyog, our adviser. Siya ang pinakilala sa akin ng principal kanina sa office.

"Let's go? Ayan na ang magiging room mo oh..." Tinuro niya ang room na pinasukan ng dalawang babae.

Tumango ako at pilit na ngumiti. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang inis.

Pumasok si Ms. Dimayugyog, hindi agad ako sumunod. Inihanda ko ang sarili at sumandal sa pader.

"Good morning class!"

"Good morning, ma'am!" Bati nila.

"Before we start our lesson, I have something to tell you my dear students!" She announced snappily. "You have a new classmate! He's from Ilocos Sur!"

Pinalagutok ko ang aking mga daliri.

"You may now enter the room, Mr. Altamirano."

Lumingon ako at ngumiti. Pumasok ako tulad ng sabi ni Ms. Dimayugyog.

"Hi guys!" I started.

Some of them squeaked. Pinigil ko ang pag-iling.

"I am Fire Sage Altamirano, from Ilocos Sur. 17 years old." Kahit hindi ko diretsong tingnan ang babae ay ramdam ko ang titig niya sa akin. Tuloy ay napangisi ako. "Gwapo, sexy, mayaman, at hot. Diba ma'am?" Nilingon ko ang aming teacher at kinindatan ito.

Nagtawanan sila. Except that girl.

Naramdaman ko ang kanyang titig kaya't hindi ko na napigil ang sarili at tiningnan din siya. Our eyes met. Muling umarko ang kanyang kilay. Agad kong iniwas ang mga mata at muling ngumisi.

Humanda kang babae ka!

"What a nice introduction, Mr. Altamirano. You'll be seated beside Ms. Dela Vega."

Magtatanong pa lang ako nang awtomatikong mapabaling ulit ang aking atensyon sa babae.

"Is there a problem, Ms. Dela Vega?" Tanong ni Ms. Dimayugyog.

She faked a smile. "Of course none, ma'am."

Oh, it's her! She's Dela Vega.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at naglakad patungo sa kanyang tabi. Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ng mga kaklase namin tungkol sa akin.

"My charm's really disturbing huh?" Panimula ko nang halos makakalahating oras na ngunit hindi pa rin nagsasalita ang katabi ko.

I stared at her. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang mapulang mga labi. Inalis ko rin agad ang tingin doon bago pa siya lumingon.

Tumaas ang kanyang kilay. A mannerism huh?

Ginaya ko ang pag-arko ng kilay niya at pumangalumbaba.

"Stop staring. I know how beautiful I am." She boasted.

Mahina akong humalakhak. "Maganda nga, bulok naman ang ugali. Aanhin mo ang gandang pisikal kung ang ugali mo naman ay parang nabubulok na basura?" I caressed my bottom lip. "I know what you did seatmate. I know what you did."

Tuluyan na siyang humarap sa akin. Nice! Mas lalong gumanda ang nakikita ko. She's now mad!

"Know what? Bago ka pa lang dito, ang lakas na ng loob mo na kausapin ako. Hindi mo ba ako kilala?" Hindi man niya ipahalata ngunit dinig na dinig ko sa maarte niyang boses ang inis.

"Hindi. Sino ka ba?" Hindi ko naman talaga siya kilala. I just knew that she's Dela Vega, my f ucking beautiful seatmate.

Nangalumbaba rin siya sa harap ko. "Tamiya Azia Dela Vega."

Suminghap ako, kunwaring nagulat. Damn! Hindi naman ako bingi para hindi marinig ang itinawag sa kanya ni Forrah at ng aming teacher kanina.

"Class, today we will be dealing about-"

"May gusto ka kay sir." Sigurado ako doon.

Nilingon niya ako. Kinagat ko ang pambura ng aking lapis. Tanginang, mga mata 'yan. Masyadong maganda!

Her forehead crumpled as she cleared her throat. "Ikaw? May gusto ka sa akin? Lagi kang nakatingin."

"Ang kapal ng mukha mo." Mas lalo akong nainis. "Hindi porke't maganda ka, magkakagusto na sa'yo lahat. Ibahin mo ako, Dela Vega."

I wouldn't dare liking her even if she had the most beautiful face I'd ever seen!

Nang-aasar siyang tumawa. "You're not different, Altamirano. Kapareho ka lang ng mga lalaki dito. Papansin..." Umiling siya. "Papansin sa akin."

That's how everything started. Galit ako dahil sa mga pinaggagawa niya kay Forrah pero hindi nagtagal ay ang agad kong pagkatalo.

"Forrah... I think I'm falling for that witch!" Pabagsak akong umupo sa tabi niya.

May katext siya pero nagawa pa rin niyang tingnan ako.

She gave me a meaningful smile. "Ikaw kasi. Umamin ka na. Bahala ka mauunahan ka ni Sir Hajas."

Mahina kong hinampas ang hita niya at walang salitang humiga dito.

Namutla ng kanyang mukha. Sa kabila ng gumugulo sa aking isip ay hindi ko naiwasan ang ngumisi.

"Nakalimutan mo na talaga ako no?" Hinawakan ko ang kamay niya.

Mas lalong lumiwanag ang kaba niya. Mahina niyang tinampal ang noo ko at kinakabahang nagpakawala ng tawa. Pumikit siya at sumandal sa sofa. Pinanood ko lang siya.

"Care to share?" Mahina kong sabi.

"Next time." Nagmulat siya. "Ikaw muna. Marami kang kailangang ipaliwanag sa akin. Kailan pa, Fire?"

"Kailan pa, ano?"

Pinitik niya ang aking ilong. "Kailan ka pa nagkagusto kay Tamiya?"

Natahimik ako.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, simula noong umeksena ang Gio na 'yon, parang laging gusto kong pumatay. Ayokong may ibang humahawak sa kanya."

"Possessive. Hindi ka ganyan sa akin dati."

Natahimik kaming pareho.

Siya rin ang bumasag nito. "Pero seryoso, bakit mo kasi sinabing babalik sa kanya ang lahat nang ginagawa niya? Sa tingin mo ba kapag nagtapat ka sa kanya ng totoo mong nararamdaman, maniniwala siya?"

Muli akong natahimik. Alam kong nagkamali ako. I shouldn't have said that! Pero ang babae naman kasi na 'yon, masyadong masakit magsalita! Wala akong magawa kundi labanan siya kahit ang totoo gusto ko na lang siyang... halikan.

Kaya naman lahat ng pagkakataon para tuluyan akong makapasok sa buhay niya ay ginawa ko.

"Tamiya!"

"Ako na, Phoenix." Pigil ko.

Hindi ko inaasahang mapagtaasan siya ng boses. Ayoko lang kasi na tinatawag niya ang teacher namin sa first name basis!

Nagdive ako sa pool at lumangoy patungo sa kanya. Alam kong nahihirapan na siya dahil nahulog na siya nang tuluyan sa teacher na 'yon!

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. She slowly opened her eyes.

"Why don't you cry?" Pinisil ko ang balikat niya at hinagilap ang kanyang mga mata.

"Hindi ako mahina." Iling niya.

"Pero..."

"Hindi ako mahina." Ulit niya.

Hindi pero nasasaktan ka na. Nasasaktan ka niya!

"Mawawala rin 'tong nararamdaman ko. Mawawala 'to 'di ba?" Pagpapaniwala niya sa sarili.

Hinaplos ko siya. "You can cry. You must cry. It can lessen the pain."

She shook her head. "I won't." Napayakap siya sa akin. "It hurts but I won't cry. I'll just cry if the person deserves my tears."

Lumunok ako. "Okay..." Ipinulupot ko ang bisig sa kanyang katawan at mahigpit siyang niyakap. "I'll make sure that I'm the person you're referring to. I want that tears to flow for me... Only for me."

Iiyak ka sa piling ko dahil sa sobrang kasiyahan kasama ako. Iiyak ka sa labis na pagmamahal na ako lang ang may kakayahang mag-alay sayo, Dela Vega.

"Yes... tayo na." Sagot niya.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumayo. Mahigpit ko siyang niyakap.

"Damn it. Am I dreaming?" Bulong ko sa kanyang tenga.

Noong gabing iyon ay tila wala ako sa sarili. Buong gabi na kasama ko siya ay talagang ang dami kong gustong gawin.

Inalalayan ko siya pagbaba ng kotse.

"Thanks..." She said in a sweet voice.

"Always welcome, my girl." Pinigil ko ang kamay ko sa aking likod. She needed to rest, Fire!

Hinarap niya ako. "Uwi ka na. Mag-iingat ha?"

Shit. Ayoko pang umuwi hangga't hindi ko nagagawa ang gusto!

Tumalikod siya at akmang papasok na ng gate ngunit pinigilan ko siya. Sinakop ko ang kanyang baywang at isinandal siya sa gilid ng kotse. Inilagay ko ang mga kamay sa magkabilang gilid niya, para hindi siya makawala.

"Altamirano..." Bahagyang nanginig ang kanyang boses.

Napalunok ako. "Are you nervous?" Tanong ko. Kasi ako, oo!

Tumango siya. She didn't lie. Hindi ko nasupil ang aking ngiti. Dinala ko ang daliri sa kanyang kamay at hinaplos ang kanyang ibabang labi.

"I'm nervous too." Pag-amin ko. "Kinakabahan ako kapag ganito tayo kalapit sa isa't-isa. Kinakabahan ako sa tuwing tumititig ka. Kinakabahan ako sa tuwing hinahawakan mo ako." I loved the softness of her lips against my finger. Paano pa kaya kapag inangkin ko na ito? "I want this kind of nervousness you give me, Dela Vega. I will trade anything just to have this feeling."

Her breathing quickened mirroring mine. Unti-unting bumaba ang aking mukha.

As soon as our lips met I felt like I was in seventh heaven. Lalo na nang kumapit siya sa akin habang pinalalalim ko ang halik.

Goodness, mahal na mahal ko ang babaeng ito!

Nang gabing iyon ay hindi ako mapakali. Kahit nagdadrive ay hindi ako nagpapigil na tawagan siya. Ngunit habang nasa kasarapan kami ng pag-uusap ay naputol ito. I was dead batt! Such a wrong timing!

"Forrah?" Papasok na ako sa aming gate nang makita ko siya na basang-basang dahil sa ulan.

Bumaba ako at binuksan ang payong. Nagmamadali ko siyang nilapitan.

"Forrah!"

Bago pa ako makalapit sa kanya ay nawalan na siya ng malay.

"Shit!" Nagmamadali ko siyang binuhat at ipinasok sa bahay.

Forrah was soaked and sick! Inalagaan ko siya nang gabing iyon dahil wala namang ibang gagawa nito sa kanya kundi ako.

Kinabukasan ay tinanong ko siya kung ano ang nangyari pero hindi siya sumasagot. Nagpilit siya na umuwi pero hindi ako pumayag.

"Nababaliw ka na ba? Bakit ka nagpakabasa kagabi?" I asked.

"Wag ka nang magalit. Medyo okay na naman ako-"

"What if I didn't go home? What would happen to you? Tell me, ang lalaki ba na 'yon ang may kasalan kung bakit ka nagkakaganito?"

"Hindi. Hindi Fire. Please... ayoko siyang pag-usapan."

Ngunit naulit pa iyon. Naulit pa ang pagkakasakit niya na hindi ko alam ang dahilan.

"Nadala ko ba ang phone ko, Forrah?" Inilapag ko ang soup sa table habang siya ay nakahiga sa kanyang maliit na kama.

"Hindi ata. Baka naiwan mo sa bahay?" Dahan-dahan siyang umupo. "Miss mo na agad?"

Kinagat ko ang labi upang pigilin ang ngiti. Lumawak ang ngiti niya sa kabila ng panghihina.

"Wag lang malalaman ni Tamiya na ako ang pinupuntahan mo..." Bumagsak ang tingin niya sa tasa ng kanyang soup. "Kasi hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ako ang magiging dahilan nang hindi niyo pagkakaunawaan."

Umupo ako sa kama at niyakap siya. Walang salita ay bumuhos ang kanyang luha at alam kong ibang tao ang dahilan nito.

"Are you okay now?" Tanong ko kay Forrah habang naglalakad kami.

Kanina pa siya tahimik. Sa tuwing tatanungin ko siya ay tanging tango at iling lang ang kanyang sagot.

Nilingon niya ako. "Yup!" Halatang peke ang kanyang pagngiti. "Thank you for taking care of me."

Bumuntong-hininga ako. Pati siya ay natuto nang magsinungaling. She was not like this before!

"Alam mo namang hindi kita kayang tiisin." I forced a smile.

Ayaw niya na nag-aalala ako kaya dapat nga atang magkunwari na lang din ako na walang kahit anong alam tungkol sa nangyayari sa kanya.

Nagkatampuhan kami ni Dela Vega dahil nawalan na ako ng oras sa kanya. Hindi ko iyon sinasadya. Ako lang ang mayroon si Forrah dito. Ako lang ang pwedeng mag-alaga sa kanya noong may sakit siya.

I told her Forrah's important to me. I wanted to be honest with her. But that didn't mean that Forrah was more important than her! Sadyang kailangan ko lang na tulungan 'yong tao dahil marami na ang nananakit dito!

Naayos ko ang hindi namin pagkakaunawaan. Akala ko nga tapos na. Akala ko wala nang susunod, pero hindi pala.

Ang isipin niyang ginamit at niloko ko siya ay sobrang sakit.

Wala akong ideya sa mga nangyayari kaya nagalit ako. Lalo na at nadadamay si Forrah na walang ibang inisip kundi ang mararamdaman din niya.

Papasok ako ng canteen nang makita ko siya na lumapit kay Forrah. Ibinuhos niya sa ulo nito ang pagkaing binili
Bago pa niya maibuhos ang inumin ay tinakbo ko na ang aming distansya.

"Tamiya!" Hinawakan ko ang kanyang braso. "Tumigil ka na sa ginagawa mo! Nababaliw ka na ba?" Hindi ko na napigil ang pagtaas ng aking boses.

Hindi ko na siya maintindihan! Wala akong ideya sa mga nangyayari!

She faced me. Buong pwersa niyang hinagis ang baso at plato niya. She's damn mad.

"Wag kayong mag-alala. Babayaran ko ang mga nabasag ko!" Anunsyo niya at muli akong hinarap. "Ipagtanggol mo na." Ngumisi siya.

Nang hindi ako magsalita ay bigla siyang may dinukot sa aking bulsa. It's my wallet.

Binuksan niya ito at kumuha ng limang daan. Pahampas niya itong inilapag sa harap ni Forrah.

"Limang daan para sa pambili mo ng pagkain. Palabhan mo na rin ang damit mo. 'Pag kulang pa, hingi ka lang sa boyfriend ko. Mayaman 'to."

Hinarap niya ako at ibinalik sa akin ang wallet. Lalagpasan na niya ako ngunit pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Mahigpit.

Natatakot ako. Natatakot ako dahil sa mga lumabas sa kanyang bibig. Natatakot ako sa posibleng kahinatnan ng mga nangyayari.

She stared at my hand. Tila tinusok ng ilang libong karayom ang puso ko nang ipatong niya ang kamay ko sa kamay ni Forrah. Pilit akong kumawala pero hindi niya hinayaang mabawi ko ang sariling kamay.

"Sabi ko nung maging tayo, ikaw na 'yung lalaking mamahalin ko nang todo."

Mas lalong tumindi ang sakit na bumalot sa aking dibdib nang titigan niya ang aking mga mata.

"Nangyari nga. Sobra ang pagmamahal ko para sa'yo, ngunit ganoon din ang nararamdaman kong sakit ngayon." Ibinuka niya ang aking kamay upang mas masakop pa ang kamay ni Forrah. "Pero hindi ko kayang higpitan ang hawak ko sa'yo tulad noong sagutin kita. Hindi ako makahinga. Kailangan kong luwagan. Kailangan kitang pakawalan. Kasi tama ka. Sa pagkapit ko sa'yo masusugatan ako. Napakalaking sugat na kaya kong takpan ng katatagan pero hindi ko matatakasan."

She let go of my hand. Sobrang sakit. Lalo na nang tuluyan niya akong talikuran.

"Pakasaya kayong mga manloloko at malalandi!" She shouted. "Mamamatay din kayo at mauubos!"

Habang naglalakad palabas ay tila nagkatotoo ang sinabi niya. Unti-unti ay para akong pinapatay ng sakit na siya ang may dulot.

"Fire, I'm sorry."

Months had passed but nothing changed. Mahal na mahal ko pa rin siya. Walang araw akong inaksaya. I was always calling her. Madalas ko rin siyang sundan pero sa tuwing nakikita niya ako ay parang wala lang. Parang isa lang akong bagay na hindi dapat pinagtutuunan ng pansin.

"Ilang beses ka pang magsosorry? It's not your fault that she was the one who answered your call." Nilingon ko si Forrah na nakaupo sa aking tabi. "Tama naman siya eh. Nung una naisip ko kapag tinulungan kita, magkakasama tayo sa kolehiyo. Matutupad 'yung pangako mo sa akin. Pero umamin naman ako sa'yo noong nagkakagusto na ako sa kanya 'di ba? Totoo 'yun-"

"Alam ko. Hindi ka naman magkakaganito kung hindi mo siya mahal." Putol niya.

Pilit akong ngumiti. "Ang bilis magbago ng isip ko pagdating sa kanya. Ayoko sa kanya nung una pero isang araw pagkagising ko gusto ko na siya. Baliw na baliw na ako sa kanya. Isang beses ko lang siyang hindi makita parang hindi na ako makangingiti." Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay. "Damn that witch! I miss her so much!"

Niyakap niya ako. Pinigil ko ang bumigay sa harap niya pero nang umalis siya at dumating ang kuya Zen ay hindi ko na napigilan pa.

Nag-aalala ang mukha niyang niyakap ako nang makita ang aking itsura. May nga bote ng alak na nagkalat. Mga balat ng chichirya at mga unan na gulu-gulo.

"Fire..." Inakbayan niya ako.

Iniwas ko ang tingin at awtomatikong umagos ang mainit na likido sa aking pisngi.

Ginulo niya ang aking buhok. "Kaya mo 'yan. You're Fire! Ang apoy hindi agad-agad napapatay ninuman. Don't be like this!"

"Y-you're wrong..." Basag ang boses kong sabi. "Kaya akong patayin ng isang babae, kuya."

Kinuha niya ang bote ng alak sa aking harapan at uminom dito. "O edi magpakalunod tayo sa alak. Kahit saglit lang baka makalimutan mo ang babaeng 'yan."

Dinampot niya ang isa pang bote at ibinigay ito sa akin. Malakas niyang tinapik ang balikat ko.

"I... doubt it." Sagot ko na mas lalong nagpakawala ng pag-aalala sa mukha niya.

Prom night came and all I did was to watch her. Ilang beses ko nang tinangkang lapitan siya pero lagi akong bigo.

It was beyond doubt that she's the most beautiful girl tonight. Para sa akin ay walang sinuman ang makatatalo sa ganda niya. God, what I did wrong to lose her?

She was dancing with Gio. Seeing her this close to another guy was really heartbreaking.

Gusto ko ako lang ang hahawak sa manipis na baywang na iyon. Gusto kong ako lang ang hahawak sa kanya. Pero alam kong malabo na iyong mangyari dahil pakiramdam ko ay tuluyan na niya akong kinakalimutan.

Isinayaw ko si Forrah para makalapit man lang sa kanya. Sinadya kong bungguin sila ni Gio kahit na umiiyak na ang kasayaw ko sa aking dibdib.

"Tahan na... kahit mahirap, Forrah. Kailangan nating mag move on." Tumingin ako sa magaganda niyang mga mata. "Tahan na..."

May sinabi ang host ng prom pero wala akong masyadong naintindihan. Ang tanging naintindihan ko ay ang pag-anunsyo ng pag-asa na mahawakan man lang siya kahit sa huling pagkakataon. We got the titles Prom King and Queen!

Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon at nanginginig ang mga kamay na hinawakan siya, matapos isuot sa amin ang sash at korona.

I was staring at her the whole time. Lunud na lunod ako sa sakit at paghihirap.

Nang pinagsalikop niya ang mga kamay sa aking batok ay hindi ko na napigil ang sarili at mahigpit siyang niyakap.

"I'm sorry for deceiving you, Dela Vega." Sunud-sunod na pumatak ang aking luha.

Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin niya. Ang mahalaga ay makapagpaalam ako nang maayos. Alam ko ang plano niyang pag-aaral sa ibang bansa.

Lahat ay alam ko. Kahit wala akong karapatan, lahat inalam ko.

"Alam kong hindi mo na ako mapapatawad. Alam kong kayang-kaya mo akong kalimutan pero ako, hindi ako sigurado kung magagawa ko iyon."

She was stiff. Ngunit pinilit ko pa rin siyang dinala kasabay ng tugtog.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita kahit wala na rin akong maintindihan sa mga sinasabi ko.

"Altamirano..." Usal niya.

"I'm so proud of you." Kumuyom ang kamay ko sa kanyang likod. "Congrats sa pagiging valedictorian hindi lang sa school na ito pati na rin sa..." puso ko. "...ibang bagay." Pagpapatuloy ko.

She wanted to pull away but I didn't let her.

Pagbigyan mo ako. Kahit ngayon lang, Dela Vega.

"Gusto ko pang lumaban pero alam kong hindi ko na makukuha ang premyo. Kasi mismong siya... ayaw na sa akin."

Ako, hinding-hindi ko siya aayawan. Mamamatay ata akong siya lang mamahalin ko nang ganito.

"Don't cry! You were the one who played with my feelings! You have no right to cry asshole!" Sigaw niya at hinampas ang aking likod.

Humikbi ako at mas isinubsob pa ang mukha sa kanyang leeg.

"I hate you, Altamirano!" Mahina ngunit nanggigigil niyang sabi. "Napakasama mo!"

"I know. I accept your... h-hate." My voice broke. "Wala akong karapatang masaktan pero hindi ko mapigilan."

Wala akong karapatan dahil tama siya. Noong una ay wala akong gustong gawin kundi saktan siya katulad nang ginagawa niya sa iba.

"Let me be your man for the last time." Hindi ko na makontrol ang reaksyon ng aking katawan. "Let me cry for the both of us."

Inalis ko ang tingin sa kanya pagkatapos balikan ang nakaraan. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan. Gumalaw siya sa aking tabi dahilan kaya't lumihis ang kumot na tumatakip sa kanyang dibdib.

A smirk formed on my lips as I had a watch of her still roused tip.

"Tamiya, we're here! Open the door, hija!"

Napabalikwas siya ng bangon. Mas lalo akong napangisi nang mataranta siya pagkakita sa kanyang kabuuan.

"Oh shit!" Mura niya.

Napansin niyang nakatingin lang ako sa kanya.

"What are you doing? Dad's here!"Bumagsak ang tingin niya sa tinitingnan ko. Pumula ang kanyang mukha at binato ako ng unan.

Naiwasan ko iyon.

"Hija, sinong kasama mo diyan?" Tanong ng dad niya.

"Dad! Wait for me downstairs. I'll just get dressed!" Mariin siyang napapikit. "Magbihis ka na!" Tumayo siya at tumakbo patungo sa kanyang walk in closet.

Sumunod ako. Naghahanap siya nang maisusuot nang yakapin ko siya mula sa likod. Napatigil siya sa ginagawa.

Mahigpit kong ipinulupot ang bisig sa kanyang baywang. "Are you afraid?" Bulong ko sa likod ng kanyang tainga. "Don't be. If they ask me if I'm gonna marry you, you know I would willingly answer it."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinarap ako. Sobrang pula na ng kanyang mukha.

Tumango siya at mabilis akong hinalikan sa labi. "I know. Pero labas ka muna please..." Pakiusap niya at ngumuso.

Natatawa akong nagpadala habang itinutulak niya ako palabas. Nagbihis ako at umupo sa kama. Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya.

She's wearing a black cropped top and shorts. Sinusuklay niya ang kanyang buhok. Akmang uupo siya sa aking tabi nang hilahin ko siya at patalikod na inupo sa aking kandungan.

"Ba't ganyan ang suot mo?" Marahan kong kinagat ang kanyang balikat at paakyat siyang hinalikan mula dito hanggang sa pisngi.

"We're not going anywhere, right? What's wrong with my clothes?"

Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakataas na naman ang kanyang kilay.

I was acting fussy again! Alam kong ayaw niya nang ganito pero hindi ko masisi ang sarili. She's too hot to resist!

"Sabi ko nga... wala tayong pupuntahan." Bumuntong-hininga ako.

Tumayo siya. Hinawakan ko ang kanyang baywang. Her body was well built. Sigurado akong maraming modelo ang maiinggit sa kanya sakaling makita ang kanyang katawan.

Tiningala ko siya habang hinahaplos ang kanyang tagiliran. Nagkatitigan kami.

"I was thinking..."

"What?" Kumunot ang kanyang noo. Dumapo ang kamay niya sa aking balikat at ang isa ay sa aking buhok. Nilaro niya ito.

"Buntisin na kaya kita para wala nang lalaking magkagusto sa'yo-ouch!" Bigla niya akong sinabunutan.

Sinamaan niya ako ng tingin. Muli ko siyang hinila at hinawakan sa batok. Her soft and flawless skin was such a turn-on.

Pinigil ko ang sarili na haplusin ang hita niya ngunit para siyang nang-aasar dahil ipinulupot pa niya ang mga paa sa aking baywang. Nagpatuloy siya sa paglalaro sa aking buhok.

"Puro ka kalokohan. Hindi pa ako handa sa bagay na 'yan."

Hindi ako sumagot. Para bang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Altamirano..." Hinagilap niya ang aking mga mata.

Pilit akong nag-iwas. She tilted my chin and kissed my nose. Marahan niya itong kinagat.

"Nagtampo agad." Hinaplos niya ang aking mukha. "'Wag mo na munang isipin 'yon. Alam mo kasi madaming couple na nag-uusap tungkol sa mga ganyang bagay pero naghihiwalay din sa huli."

"We won't be breaking up again." Inis kong sabi. "'Wag mong igaya ang mayroon tayo sa iba."

Binuhat ko siya paalis sa aking kandungan. Naglakad ako patungo sa pinto nang siya naman ang yumakap sa aking likod.

"Joke lang. Galit ka kaagad." Hinalikan niya ang aking likod. "Sorry na." She said sweetly.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kinagat niya ang labi at tinitigan ako sa mga mata.

"Sorry na-"

Itinulak ko siya sa pader at walang salitang hinalikan sa labi. Binuhat ko siya at kusang pumulupot ang kanyang mga binti sa aking katawan.

Ramdam ko ang pagbilis ng hininga naming dalawa. Sinabunutan niya ako at mahinang ungol ang pinakawalan sa pagitan ng aming mga labi.

Bumaba ang mga labi ko sa kanyang balikat nang halos habulin na niya ang hininga. Inilihis ko ang suot niyang cropped top at dinilaan ang makinis niyang balat.

"Fire..."

I couldn't stop myself. Muli ko siyang kinagat dahilan ng malakas niyang pag-ungol. Isinubsob niya ang mukha sa aking leeg.

Nanginginig siya sa bisig ko. Nanghihina. Gusto kong lagi siyang ganito kapag hawak ko siya.

"Don't you dare annoy me again. Kung ayaw mong paulit-ulit kitang angkinin. Dadami agad tayong Altamirano."

Umangat ang mga labi niya sa aking tainga. She's tempting me too. "It's my pleasure to experience it again... and again."

Bumaba siya at itinulak ako. Inayos niya ang suot pati ang kanyang buhok. She made a messy bun which flaunted her toothsome neck.

Tinalikuran niya ako at binuksan ang pinto.

"Dela Vega, don't you know how I love playing with fire?"

Napatigil siya sa paglabas. Nilingon niya ako at kumunot ang noo.

"You could fire up my heart. It has the flame that I'd always love to feel. I like how you do it to my entirety."

Umamo ang kanyang mga mata at napakagat sa labi. Nakipaglaban ako sa kanya ng titigan.

I wouldn't be tired staring at her like this. I wouldn't be tired saying to her how much she stirred every nerve of me.

"Bukas na tayo umuwi sa hacienda. You'll be busy again. Mawawalan ka na naman ng oras sa akin dahil sa mga negosyo ni'yo." Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

Tumango siya. "Sure..." Matamis niya akong nginitian. "But you're wrong. Hindi ako mawawalan ng oras sa'yo." She held my hand and dragged me outside.

Habang pababa kami ay hindi ko napigilan ang panoorin siya. Kahit nang nasa mismong harap na kami ng kanyang mga magulang ay hindi ko maialis ang tingin sa kanya.

"Dad... mom... si Fire-"

"Your boyfriend." Seryosong sabi ng kanyang daddy.

Napatingin ako dito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang isiping lumabas kami ng anak niya sa iisang kwarto.

"I thought you and Dash?" Tanong pa ng kanyang mommy.

"Wala na kami." Walang emosyong sagot niya.

"So, siya marahil ang pinag-uusapan ng mga pinsan mo." Inalis ni Mr. Dela Vega ang pagkakaakbay sa asawa at tumuon ang mga mata sa akin. "I've already seen you a lot of times, young man."

Tumango ako. "I'm sure of that, sir. Business gatherings, I think."

"You're together again now..." Singit ng kanyang mommy.

Tumango siya. "Kelan lang po-"

"Are you going to marry my daughter? You two went out of one room."

Napasinghap siya sa aking tabi. Pinagapang ko ang kamay sa kanyang likod.

Kilala ko ang mga magkakapatid na Dela Vega kung gaano sila kahigpit pagdating sa businesses at mga anak.

Humigpit ang hawak niya sa aking braso. Tiningnan ko siya at hindi nahiyang hinalikan ang ulo niya sa harap ng kanyang mga magulang.

"You want me to marry her now, sir? But I love to have a grand wedding for your princess. She deserves something elegant as her." Walang kakaba-kaba kong sagot.

Pinigil ko ang pagngiti nang magliwanag ang mukha ni Henry Dela Vega.

"Guys, why are you so serious? Walang mangyayaring kasal-"

"Meron!" Sabay pa naming sagot ng kanyang daddy.

Nagkatinginan kaming muli nito. Natawa ang mommy niya.

Umirap siya at tumabi sa kanyang mommy. Hinila siya nito patungo sa kusina kaya't naiwan kaming dalawa ng kanyang daddy.

"Young man, I like your guts." Panimula nito nang makaalis ang dalawa.

"I like it too. Because of it, I got your daughter again." Ngumiti ako.

Itinuro niya ang katapat na upuan at umupo ako dito.

"Tell me something about yourself. I want everything to hear from you. Ayoko ng mga narinig ko tungkol sa iyo mula sa ibang tao. Your image is not good, just so you know."

Ngayon, alam ko na kung saan nagmana ang babaeng mahal ko. No doubt, she got almost everything from his father.

"You might hear lots of negative things about me, but I assure you, this man has every good thing he can give to your daughter. I can prove you that, sir."

Matapos nang matagal na pag-uusap naming iyon ni Henry Dela Vega ay nagpaalam na ako sa kanya.

Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa pinag-usapan namin ng kanyang ama pero hindi ako nagkwento. Ang mahalaga ay wala na kaming problema.

"Tell me, didn't he allow me to go to Ilocos Sur with you?" Humarang siya sa pinto ng aking kotse. "Kung hindi siya pumayag, pwes wala siyang magagawa-"

"Pumayag siya." Pinaglaruan ko ang susi sa aking kamay at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang baywang. "Ang dumi lang ng utak ng daddy mo. It's like he's thinking that something has happened between us. Totohanin kaya natin?" Seryoso kong sabi at bumaba ang mga mata sa kanyang mga labi. "Ayoko kasi na pinag-iisipan ako nang masama. Tinotoo ko kasi minsan. Kilala mo ako."

Lumunok siya. Itinulak niya ako at kitang-kita ko sa mga mata niya na kinakabahan siya.

"Umayos ka! Pinapanood tayo ng iba!"

Alam ko iyon. Maging ang driver ng daddy niya ay nakikiusyoso sa amin.

"Ayos naman ako. Sobrang gwapo ko nga."

"Shiz, Fire!"

Hindi ko na kinaya ang pagpipigil na yakapin siya. Paulit-ulit ko rin siyang hinalikan sa noo.

"Sarap mo talagang galitin. Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko." Bulong ko. "Sunduin kita ng 4 am ha? Wag ka nang magdala ng damit. Nagpadala na ako ng mga isusuot mo doon."

"Huh?" Marahan niya akong itinulak kahit ramdam kong ayaw pa niya akong kumawala.

"I know your size." Kinindatan niya ako. "I better get going. I love you."

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi bago pumasok ng kotse. Pinagbukas ako ng guard ng gate.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis. Tulog ang mga magulang niya kaya't nag-iwan na lang siya ng note para sa mga ito.

Pagbaba pa lang namin ng kotse ay kinabahan na ako. Natatakot ako sa kanyang magiging reaksyon.

"You want to rest first?" Tanong ko at hinawakan ang kanyang kamay.

She shook her head. "I want to see them now."

Nagdadalawang isip akong tumango. Dumiretso kami sa kwadra ng mga kabayo at inilabas ang paborito naming sakyan.

Inalalayan ko siya. Pumwesto siya sa unahan.

"Ayaw mo ba talagang magpahinga muna?" Tanong ko.

"Gusto ko na silang makita." Ulit niya at nilingon ako.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. Mabilis kong pinatakbo ang kabayo habang siya ay tahimik na pinagmamasdan ang malawak na lupain.

Nakarating kami sa bahay ng inang at tatan. Hindi maikakaila sa kanyang mukha ang matinding excitement.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay nang maibaba ko siya. Hinigit niya ako papasok sa bahay.

"Inang, tatang! Nandito na po kami!" Sinulyapan niya ako at ngumiti. "Inang Aiza... tatang Justino?"

Hinila niya ako patungo sa kusina. Walang tao. Walang nagsasalita.

"Tamiya..."

"Where are they? You told me-"

Hindi na niya natapos ang pagsasalita nang makabalik kami sa sala at tumigil ang paningin niya sa larawan ng mag-asawa na may nakasinding kandila sa tabi. Hindi niya ito napansin kanina.

"F-fire..." Nanginig ang boses niya at hinarap ako. Humawak siya sa aking damit at napalunok. Nalukot ang kanyang noo. "Nasaan sila? Diba sabi mo hihintayin nila tayo? Hihintayin nila akong bumalik."

Hindi ako nagsalita. Kumirot ang aking puso dahil sa nakikitang paghihirap ng loob niya.

Lumandas ang luha sa kanyang pisngi. She wiped it off but the tears kept gushing down like falls.

"W-what happened?"

"Nagkasakit ang tatang two years ago. Isang buwan lang ang nakalipas nang sumunod ang inang dahil sa depression. She couldn't accept it. Dinibdib niya iyon kaya siya nanghina."

Tinabihan ko siya at hinila upang yakapin. Isinubsob niya ang mukha sa aking dibdib at hindi na napigil ang paghagulgol.

This was the first time I saw her like this. Hindi ko akalaing iiyak siya nang ganito para sa ibang tao.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Even though we broke up, you should have told me!" Hinampas niya ang aking dibdib. "Iba ang sakit na iwan ka ng taong mahal mo. Sobrang sakit, Fire!"

Kinagat ko ang labi at hinalikan ang kanyang ulo. "I know... I felt the pain already. You made me experience that kind of pain."

Tinatagan ko ang sarili. Dinamayan ko siya. Alam ko kung gaano siya napamahal sa dalawang matanda at kasalanan ko na hindi ko man lang agad na sabi sa kanya ang nangyari.

"They'll be happy now. Tinupad ko ang pangako ko na ibabalik kita sa lugar na ito." Kumawala ako sa yakap at tinitigan siya sa mga mata. Pinunasan ko ang kanyang mga luha. "I talked to your dad. When the time comes that you're ready for everything, you'll be living with me here. Katulad nang gusto ng mga inang at tatang. Katulad nang gusto kong mangyari kahit noong highschool pa tayo."

Hindi siya nagsalita.

"We'll be living here in hacienda... with our future children." Hinaplos ko ang kanyang pisngi at madamdamin siyang hinalikan sa labi. "Everything according to my likings will happen, Dela Vega. Whether you like it or not, you'll be having my surname this year. You'll be an Altamirano, sa ayaw at sa gusto mo."

I was not yet proposing. I was just readying her for that moment.

Kinuha niya ang naka-frame na litrato ng mag-asawa at niyakap ito nang palabas kami ng bahay. Sumakay kaming muli sa kabayo.

Pinakiramdaman ko siya dahil kanina pa siya walang imik. Nang makarating kami sa bahay ay agad siyang umakyat sa kwartong madalas niyang tulugan. Inilapag niya ang litrato sa bedside table.

Nilapitan ko siya. Hinubad ko ang suot na pull over dahil basa na rin ito ng pawis. Umupo siya sa aking kandungan at yumakap sa akin.

"Don't leave me like what tatang did." Dinig ko ang takot sa kanyang boses. "If you die, I die too."

Lahat ng tao ay doon tutungo. Pero habang nabubuhay kami sa mundong ito ay ipinapangako kong magiging masaya siya sa piling ko.

"If you die, I die too." Ulit at tugon ko sa kanyang sinabi.

Marahan kong inangat ang kanyang mukha at hinalikan siya sa mga labi.

Kahit kailan, hindi ako magsisisi na hinayaan kong makapasok ang apoy na dulot niya sa akin. Her love was a fire. A fire that could make me feel alive. A fire that I would trade above all things.

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top