Chapter 9
Chapter 9
"I'm not going to demand any presentation for your project anymore. You just need to pass it class."
Boses ni Ms. Dimayugyog ang bumungad sa akin pagpasok ko. Hindi ako nakapasok sa dalawang subject dahil sa sobrang sakit ng puson simula pa pagkagising.
"Good morning ma'am..." Bati ko. "May I come in?"
Nilingon ako ni ma'am at ngumiti. "Yeah, sure!"
"Thanks..." Dumiretso ako sa sariling upuan.
"You look pale. You okay?"
Tinignan ko ang nagsalita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa kanya kahit ilang araw na ang lumipas.
"Dela Vega-"
"Can you please shut your damn mouth?" Pigil ko sa kung ano pa ang sasabihin niya. "I don't have time talking to someone like you."
Itinaas niya ang dalawang kamay. "Woah, until now you're mad?" Mahina siyang tumawa. "Why don't you thank me instead? If I didn't do that, you'll be seen by your cousins. Ikaw din. Propesyon ni tanda ang nakasalalay dito."
Natahimik ako at napaisip sa sinabi niya. May mga sinasabi pa siya ngunit tila hindi ko na iyon naririnig.
"Hello sir..."
Napatingin ako sa pinto nang tumahimik ang aking mga kaklase. Kumunot ang aking noo pagkakita sa kanya.
"May naiwan kayo sir?" Tanong pa ni Zee.
Sinulyapan niya ako at pasimple ang ngiting lumarawan sa kanyang labi.
"Papansin talaga."
Nilingon ko si Altamirano dahil sa bulong niya na malinaw sa aking pandinig. Tumayo siya at palabas na nang hawakan siya ni sir sa braso.
"Where are you going?"
"CR." Malamig niyang sabi. "Gusto ninyong sumama?"
Binitawan siya ni sir at tuluyan nang lumabas. Napailing ako.
"Sir... bakit hindi kayo pumasok sa oras ninyo?" Tanong ni Sofia.
"May meeting ang science department." Tugon niya.
Lumabas sila dahil lunch time na. Nagpaiwan ako kina Jemimah at Camilla. Hindi naman sila maghihinala dahil sinabi ko na sa kanilang pinipilit ako ni sir sa science quiz bee.
"Namumutla ka?"
Ngumiti ako at hinawakan niya ang aking noo. Agad din niya itong tinanggal sa takot na may makakita.
"Hindi ka naman nilalagnat."
"I'm fine..." Mahina kong sabi. "You don't need to worry... po."
"Stop the 'po'. Sa akin ka lang ganyan." Mahina siyang tumawa. "Hindi ka naman nanginginupo sa ibang teachers."
Umirap ako. "I do that sometimes."
"Okay... maglalunch ka na ba-"
Hindi niya natapos ang sinasabi dahil sa isang tikhim.
"Hinahanap ka nila Camilla. Nandoon din sina Phoenix sa canteen." Tumalikod si Altamirano at iniwan din kami agad.
Umakyat siya para lang sabihin iyon?
Matapos naming mag-usap ni Gio ay bumaba na ako at tumungo sa canteen. Ganun na lang ang pagtataka ko nang hindi makita ang mga pinsan kong lalaki.
"Where are they?" Tanong ko kay Jem.
"Sino?"
"Sila Phoenix..."
Kumunot ang kanyang noo. "They're busy with their acads. Don't you remember?"
Saka ko lang naalala. Hinanap ng mga mata ko si Altamirano at nang makita siya ay nginisihan niya ako. Mas lalong tumindi ang inis ko.
Biyernes bago mag-uwian ay pinatawag ako ni sir sa kanyang office.
"Sir-"
"Gio, Tamiya. Gio." Ibinaba niya ang mga papel na hawak.
Pinisil ko ang kamay at naglakad paupo sa harap ng kanyang table. Mula sa drawer ay may kinuha siya, isang box ng ferrero rocher.
"G-Gio..."
"I miss you."
Iniangat ko ang tingin at kitang-kita ko na sinsero siya sa sinabi.
"Alam ni Altamirano..." Aniya.
Kinuha ko ang chocolate sa kanya. Ilalayo ko na ang kamay nang pigilin niya ito.
"H-he won't open his mouth." Walang kasiguraduhan kong sabi. "Pero natatakot ako. Puwede kang mawalan ng trabaho-"
"Hindi mangyayari 'yon, Tami." Binitawan niya ang aking kamay at tumayo. Naupo siya sa katapat kong upuan. "Pero naiinis ako sa lalaking 'yon... he kept on staring at you."
Hindi ako nakaimik.
"Why are you smiling?" Kumunot ang kanyang noo. "You like that boy to stare at you?"
Umiling ako. "I don't like Altamirano. I only like... one guy." Nag-iwas ako ng tingin.
First year highschool ako nang pumasok sa eskwelahang ito ang fresh graduate na teacher. Isang gwapong lalaki na unang kita ko pa lang ay nagustuhan ko na.
"Good." Kahit hindi ako nakatingin ay batid ko ang kanyang pagngiti. "Coz I don't know what to do if my girl likes other guy." Hinawakan niya ang aking baba.
Napalunok ako.
"I know how odd it is. This feeling is odd for me." Nagtama ang paningin namin. "Falling in love with a student is wicked. But feelings can't be controlled. Hearts can't be stopped from beating so loud for that one person, despite of him or her being the right one or the other way. Tama man o mali ang tao, wala ka nang magagawa kapag nahulog ka. It's either you'll fight for your feelings or you'll run away from it." Hinaplos niya ang aking pisngi. "And I opted what is seen to be wrong in other eyes."
Pakiramdam ko ay nilulunod ako ng kanyang titig.
"You're too young for me. But I'm willing to wait. I'm going to court you even if it means a lifetime. Handa akong maghintay 'wag ka lang mapunta sa iba."
"Nine years lang ang tanda mo sa akin. There's no big deal for that." Tugon ko.
Ilang linggo ang lumipas at hindi ko mawaglit sa isip ang mga ginagawa niya para sa akin. Kasabay nang walang humpay na kilig sa araw-araw ay ang pagsasanay ko na tawagin siyang Gio tuwing kaming dalawa lang.
Hindi ko mapigil ang mapangiti sa tuwing naaalala ang mga sinabi niya noong papuntahin niya ako sa kanyang office. Kaya nang sumapit ang birthday niya ay naghanda ako ng surpresa. Sa gym kung saan alam kong walang tao dahil busy sa darating na exam ang lahat ay doon ko napagpasyahang gawin ang plinano ko.
Ala-sais ng gabi, uwian ng iba ay inihanda ko ang cake, balloons at ang regalo para sa kanya. Excited kong kinontak ang kanyang numero.
"Gio..." Simula ko nang sagutin niya ang tawag. "I'm here at the gym. Puntahan mo ako."
"Sige... papunta na."
Nang marinig ang kanyang yabag ay agad akong nagtago sa tabi. Nasa bleachers ang cake na pinalagyan ko ng 'Happy Birthday Gio' pati ang kulay blue na mga heart balloons at ang regalo.
"Ms. Dela Vega-"
Lumabas ako at ganun na lang ang aking gulat nang makitang hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Ms. Arena na adviser ng section two.
"S-sir..." Kinabahan ako.
Tila nawalan siya ng dugo sa mukha. Tumingin ako kay Ms. Arena at nakita sa maganda niyang mukha ang gulat.
Alam kong iba na ang naiisip niya lalo na't nakita pa niya ang mga inihanda ko para kay Gio.
"W-what's... the meaning of this Sir Gio?" Tanong ni Ms. Arena. Nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"M-miracle, it's not what you think..." Kinakabahan niyang tugon. "It's nothing... kanina mo pa naman nakikita ang effort ng mga estudyante ko diba?"
Kumirot ang aking dibdib. Hindi ko matukoy kung dahil sa pagtanggi niya o dahil sa may kasama siyang iba.
"Anyway, thank you Ms. Dela Vega." Pilit siyang ngumiti at kinuha ang mga hinanda ko.
Lumunok ako at pinatatag ang sarili. "Ma'am Arena... kumain na rin kayo ng cake. Nag-ambagan kami nila Jemimah para diyan." Pagsisinungaling ko at sinulyapan si sir. "Happy birthday po. Enjoy your night."
Tumakbo ako palabas ng gym. "Shit!"
Hindi ito maaari. Hindi dapat ako nasasaktan nang ganito dahil lang sa nakita ko siyang may kasamang iba.
"Goddamnit!" Tumakbo pa ako hanggang sa makarating ako sa room.
Umupo ako sa aking upuan at inis na minasahe ang sintido.
"'Yan ang napapala ng hindi marunong mag-ingat."
Inangat ko ang tingin at ang seryoso niyang mukha ang nakita ko.
"Ilugar ang kalandian Dela Vega-"
"Wag mo akong pakialaman!" Mariin kong sabi.
Naglakad siya palapit sa akin. Kumuha siya ng upuan at iniusog ito sa aking harapan. Umupo siya at nginisihan ako.
"I saw Ms. Arena and Sir Hajas." Dumekwatro siya at pumangalumababa. "And I saw you earlier. Effort kung effort ano?"
Hindi ako nagsalita dahil sa halu-halong nararamdaman. Pumikit ako nang mariin.
"I told you to be careful, right?"
Tumayo ako para umalis na ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso. Tumayo siya at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"You are a hard headed spoiled brat." Bulong niya at hinaplos ang aking buhok ko.
Kinilabutan ako sa sinabi niya at sa paglalapit namin.
"Dela Vega-"
"Tamiya!"
Napatingin ako sa pintuan at nakita ang humahangos na si Gio. Mabilis siyang tumungo sa direksyon ko at inagaw ako kay Altamirano.
Kinulong niya ako sa yakap. Tila isa akong tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan.
"I'm sorry, Tamiya. I'm sorry." Hinalikan niya ang aking ulo at mas lalong humigpit ang yakap. "Sumama si Miracle. I didn't know that you have a surprise. Please don't get mad."
Humiwalay ako sa kanya. "It's okay." Nagpilit ako ng ngiti.
Umiling siya. "Tami..."
"Okay lang ako..." Nag-iwas ako ng tingin. Lumayo ako at dinampot ang aking mga gamit. "I'm going home. Take care of yourself. Happy birthday, again." Tinalikuran ko siya.
"Tamiya-"
"Hayaan mo muna si Dela Vega, sir." Pigil ni Altamirano.
"Wag kang mangialam dito."
"Wag mangialam? Don't ever say that again, sir Hajas. Alam ko ang sikreto ninyong dalawa."
Napailing ako at hindi na nag-aksaya ng oras. Pababa ako nang hagdan nang marinig ko ang pagtakbo.
Binilisan ko ang lakad ngunit naabutan niya ako. He put his arm on my shoulder.
"Bitaw..." Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang braso niya sa aking balikat. "Hands off me-"
"You're so unfair..." Putol niya sa pagsasalita ko. "Kapag si tanda, okay lang na hawakan ka. Ako hindi?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Baka nakakalimutan mo ang laro natin Tamiya? Not just because he's courting you, titigil na ako."
Inalis ko ang kanyang braso at walang emosyon siyang tinignan. "I won't play with you anymore."
Ngumisi siya at tumaas ang isang kilay. Naglakad na akong muli nang bigla niyang higitin ang aking braso. Ganun na lang ang pangingilabot ko nang halos dumampi na ang labi niya sa aking tenga.
"Too fast to stop. I don't like it." Bulong niya.
"Then get a life and look for what you like." Pamimilosopo ko.
"It's you that I like, Dela Vega."
Itinulak ko siya, nagulat sa kanyang sinabi.
"Dahil kay sir diba?" Ngumisi siya. "You like him so much, don't you?"
Hindi ako sumagot.
"You hate me that much, don't you?"
Umigting ang panga ko.
"It's okay... but remember this, Dela Vega. There's a thin line between love and hate. So expect me to cut that line."
Inalis niya ang pagkakasukbit ng kanyang bag at may inilabas dito. Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang tatlong box ng chocolate na katulad ng binigay sa akin ni Gio.
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay dito ang mga chocolates. "For you."
"Where did you get these?" Walang emosyon kong sabi. "You shop lifted?"
"No, I didn't steal." Ngumisi siya at umiling. "But there's this girl I wanna steal. And I'll make sure, I'll get her. Trust me, I'll get her."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top