Chapter 6
Chapter 6
"I have here strips of paper, you have to pick one and read what's written on it." Ngumiti si Ms. Dimayugyog at kinalog ang hawak niyang kulay blue na box. Nakalagay doon ang mga strips of paper na ginagayon niya. "You need to do the task because if you don't, you know what could probably happen to you. Your grade would be affected. The task is more of a project, class. Assignment and project at the same time, alright?"
Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Excitement was palpable on their faces.
The task would be done by partners. Bago bumunot sa kulay blue na box ay si ma'am muna ang bubunot ng pangalan para malaman kung sino ang makakapartner ng bawat isa.
"Not in the mood? Any problem?" It's him.
Hinarap ko siya. May ngising nakapaskil sa kanyang mga labi.
Kumusta na kaya siya pagkatapos ko siyang sipain noong isang araw?
"Why bother asking?" Hinaplos ko ang buhok. "Ikaw may problema ka?" Matamis akong ngumiti. "Baka naman nagkakaproblema na 'yang puso mo. Tumitibok na yata nang malakas dahil sa akin. Dinig na dinig ko mula dito."
Pumangalumbaba siya at tumaas ang isang kilay.
Nasasanay na ako sa pakikitungo namin sa isa't-isa. Aware ako na talagang gusto niya ang larong ito.
"Ang hangin mo talaga ano?"
Nagtatawag na ng pangalan si Ms. Dimayugyog.
"Sa sobrang hangin mo baka madala ako. Wag namang ganyan, masyadong mataas ang tingin mo sa sarili." Umiling-iling siya at binasa ang ibabang labi.
Bumagsak ang tingin ko dito. He had cupid shaped lips. Hindi ito makapal at tila natural ang pagka-pula. Kung paanong bumagay iyon sa maangas niyang mukha ay hindi ko maipaliwanag. The only part of his face that showed softness was his lips. Ang brown niyang mga mata ay animong laging nang-aasar.
"Don't you know that you're the wind here? Ang yabang-yabang mo." Pumangalumbaba rin ako at tinitigan siya. "Hindi porke't nakukuha mo ang atensyon ng halos lahat ng mga babae dito ay magyayabang ka na. Don't even act as if you're rich. It's really nauseating!"
"Ako, umaastang mayaman? Are you kidding me?" Kumunot ang kanyang noo. "Baka mapanganga ka 'pag nakita mo ang sinasabi mong kahirapan ko, Dela Vega."
"See? You're that boastful!" Muli akong tumingin sa unahan. "Mas lalo lang nababawasan ang posibilidad na magkagusto ako sa'yo."
"Oh... you said possibility?" Mahina siyang humalakhak. "Meaning, mayroon pa. Sabi mo ay nababawasan lang." Humilig siya sa kinauupuan. "Kahit katiting lang na posibilidad 'yan, at least meron."
"I repeat, Altamirano and Dela Vega you are partners! Please go in front and pick for your task!" malakas ang boses na sabi ni Ms. Dimayugyog.
Pati ba naman sa bunutan ay mamalasin ako?
Tumayo si Altamirano na parang walang nangyari. It's obvious that many of my classmates wanted him to be their partner.
"Dela Vega... am I the one who's gonna pick for our task? You wanna do it?" Seryoso niyang tanong. Bumaling siya kay Ms. Dimayugyog. "Ma'am sorry po ah... sa sobrang ganda ni Dela Vega, hindi ko napansin na tinatawag niyo na pala ang pangalan namin." Ngumisi siya.
Nagtawanan ang iba naming mga kaklase. Umirap ako at tumayo. Bumunot ako.
"Your task is to paint anything that symbolizes love. With your partner, you have to decide about its symbolism. You will be given additional points if you will be able to do the task precisely." Mahina akong napamura pagkatapos basahin ang napunta sa amin.
Pumalakpak siya at inakbayan ako.
"Great. Just great... we will be working together." Bulong niya sa aking tainga.
Nagtaasan ang aking balahibo. Naramdaman ko ang kanyang pagngisi.
"Where do you want to do it? Your house or mine?"
Napatingin ako sa babaeng nakayuko. Unti-unting umangat ang tingin niya sa amin. Halata ang selos sa kanyang mukha.
Dahan-dahan kong pinagapang ang kaliwang kamay sa bewang ni Altamirano. Naramdaman ko ang kanyang naging reaksyon kaya mas lalong lumawak ang aking ngisi.
"Mine. I don't like to do it in your house. Baka mangati lang ako." Tiningala ko siya. "Ayoko lang ng malikot ang kamay. Don't do something like stealing."
Lumayo ako at bumalik sa kinauupuan. Dumating ang next subject.
"Pakitang gilas. Psh."
Nilingon ko si Altamirano. Umupo ako dahil katatapos ko lang sagutin ang tanong ni Sir Hajas.
"You don't need to capture his attention. I'm better than him. More handsome, either."
Tumaas ang aking kilay. Wala ang ngisi na madalas niyang ipakita.
"Don't kid. He's the most handsome in this school. Walang-wala ka sa kanya. Kuko ka lang niya." Umiling ako at ibinalik ang tingin kay Sir. "Kuko sa paa."
Hindi na siya nagsalita.
"You're doing great..." Puri ni Sir.
Pinatawag niya ako dito sa kanyang office.
"Gusto mo bang ikaw ang maging representative ng seniors para sa science quiz bee?"
Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at titig na titig sa akin.
"Sir... I'm not that good in science. Madami pa namang matalino sa room. I don't want to put the seniors to shame." Hindi ko maiwasan ang pag-iinit ng pisngi.
Ngumiti siya. Shit!
He's really a damn good looking teacher. Kinababaliwan siya ng mga kababaihan dito, mapa-estudyante o teachers man. Sa totoo lang, wala ni isa sa mga estudyante ang binigyan niya ng special treatment. He's a serious type. Kapag nakakasalubong sa corridor ay tanging tango lang ang ibinibigay niya.
Ito siguro ang dahilan kung bakit gusto ko siya. Siya lang ang lalaking nakapagpadama sa akin nang ganito.
"You really don't want to?" Muli ay tanong niya nang nasa pinto na kami.
Umiling ako. Hinawakan niya ako sa balikat at halos mapigil ko ang hininga. Saglit lang iyon dahil tumango rin siya at pumasok nang muli sa kanyang office.
"Ehem!"
Muntik na akong mapatalon sa tikhim na iyon. Hinanap ko kung sino iyon at hindi ako nagkamali nang makita si Altamirano. Nakasandal siya sa pader at seryoso ang mukhang nakatitig sa akin. Ang mga kamay niya ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon.
"Dalian mo. Mag-uusap pa tayo tungkol sa assignment-project natin." Umayos siya ng tayo at tumingin sa relong pambisig.
Naglakad siya at nilagpasan ako. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang ikinikilos.
What's his problem?
Sinundan ko siya kahit ayaw ko siyang makasama. Wala akong magagawa lalo na't ayokong maapektuhan ang grades ko.
Sa canteen kami dumiretso. Umupo siya sa pwesto kung saan ako madalas at inilabas ang kanyang ball pen at notebook. Umupo ako sa kanyang tapat.
"What do you want for lunch?"
"Kahit ano." Inayos ko ang bag sa aking tabi. Iniangat ko ang tingin at nahuling nakatitig siya sa akin.
Nag-iwas siya at nag-igting ang panga.
"Don't worry, I'll pay later. Awa ko na lang sa'yo dahil baka maubusan ka pa ng baon."
Tumayo siya at tinalikuran ako. Kahit nang bumalik siya ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. He started eating as if he's alone.
"Ganyan ka ba talaga-"
"Kumain?" Tumigil siya at pabagsak na inilapag ang kutsara't tinidor. "Alam mo... lagi na lang ang pangit na bagay sa isang tao ang tinitignan mo. Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang manlait?"
Nagulat ako dahil sa galit na tono niya pero hindi ko ito ipinahalata.
"Well, you must know how to eat right. Nakakadiri ka kaya. Sabagay mahirap-"
"Mahirap ako." Umiling-iling siya at sumandal sa kinauupuan. Kinuha niya ang tissue at pinunasan ang gilid ng labi. "Tangina, Dela Vega... nakakainis ka na!" Ngumisi siya.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa murang lumabas sa kanyang bibig. Siguro ay nagka-problema sila ni Forrah kaya siya nagkakaganito.
Pagkatapos kumain ay nag-usap kami tungkol sa gagawin namin mamaya.
"Okay... sa amin tayo. Pwede ring mag-overnight ka na dun." Walang gana kong sabi.
"Sige. Hindi naman magagalit ang Papa-I mean ang tatay ko."
Pasimple akong ngumisi. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi.
"Here is our address. If the guard asks you, just tell him my name." Ibinigay ko sa kanya ang pangalan ng village.
"Okay." Tumayo siya. "Ako na ang bibili ng mga gamit. Wag kang mag-alala sa pera na gagastusin ko. Magbayad ka na lang pagdating ko sa bahay niyo."
"Saan ka kukuha ng pambili?" Tanong ko.
Nilingon niya ako. "Magnanakaw ako." Binasa niya ang ibabang labi. "'Yan naman ang tingin mo sa aming mahihirap diba? Magnanakaw ako para may ipambili ng materials. Nakakahiya naman na iasa ko pa sa'yo ang gagastusin. It would be a pain in my ego."
Naglakad siya palayo at hindi na ako tinignan pang muli. Seriously, what's his problem?
Dumating ang gabi at hindi ko napigilan ang pagngisi nang marinig ang pagbukas ng maindoor.
"Tamiya, anak may bisita ka."
Tumayo ako at pag-ikot ko pa lang para harapin ang sinasabi ni Manang Didith ay nagtama na ang aming mga mata.
Nakaputi siyang sando at faded jeans.
"You're staring. In love ka na?" Pang-aalaska niya.
"In love your face!" Tumalikod ako at umakyat ng hagdan.
Naramdaman ko ang kanyang pagsunod. Binuksan ko ang isa sa mga guest rooms.
"Dito ka matutulog. 'Yung kwarto na 'yun dun ang kwarto ko." Tinuro ko ang aking kwarto. Pumasok ako sa tutulugan niya. "Ibaba mo na lang ang gamit mo dyan. If you need something just look for the maids."
Hinarap ko siya at napansing titig na titig siya sa akin.
Tumaas ang kilay ko. "What?"
"Pag may kailangan ako, gusto kong ikaw ang magsisilbi. I'm your guest."
Ngumiwi ako. "Do I look like a maid?"
Naglakad siya patungo sa kama at inilapag ang kanyang bag pati ang mga pinamili sa mall.
"Sobrang ganda mo para maging maid."
Natahimik ako. Nilingon niya ako na seryosong-seryoso ang mukha. Bigla siyang humiga sa kama.
"Very comfy."
Nag-flex ang muscles niya dahil sa agad din niyang pagtayo. Tumalikod ako para iwan na siya.
"Dela Vega..."
Napatigil ako. Naramdaman ko ang kanyang paglapit. Umigting ang aking panga nang hawakan niya ang aking magkabilang balikat.
"Don't touch me-"
"Alam mo bang inis na inis ako sa'yo kanina?" Putol niya sa aking pagsasalita. "Alam mo ba ang dahilan?"
Hinarap ko siya. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapang ito.
Bumuntong-hininga siya. "Nagkakagusto na sa'yo si Sir Hajas. And that f ucking irritates me. I hate him coz you like him. I hate him coz he likes you. And seriously?" Tumitig siya sa mga mata ko. "I hate myself. Hate myself 'coz I hate you. Hate myself for thinking of you as a subject-"
"As a subject for?" Kumunot ang aking noo.
Binitawan niya ako at tinalikuran. "F uck." Mahina niyang mura. "I... really hate you, Dela Vega."
"I hate you too, Altamirano." Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. "You said that Sir Hajas likes me right? Well... that's good. That's not impossible. Ang ganda ko kaya. Bagay kami at gusto ko siya. Hindi katulad mo." Tumalikod din ako. "I hate you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top