Chapter 48

Chapter 48

"Tita Tami!" Salubong sa akin ni Serenity.

Kinarga ko siya at napangiti sa kanyang suot. She's wearing her cute white one piece. Nakabun ang kanyang buhok na parang isa nang dalaga.

Hinalikan ko siya sa pisngi. Nilingon ko ang mommy niya na papalapit na rin sa amin.

"Balak niyo bang paitimin ang anak niyo?" Nakataas ang kilay kong tanong.

"Uuwi na kami bukas, baka nakakalimutan mo." Paala-ala niya.

Lumapit din sa amin si Zeus at pinagapang ang kamay sa bewang niya. "Serenity is still pretty even with her now tanned complexion." Halata sa boses niya na proud siya sa taglay na ganda ng bata.

Tumango ako at pinagmasdan ang kulay ni Serenity. Ngumiti siya at hinalikan ako sa ilong. Natatawa ko siyang niyakap.

"Si Fire... bakit hindi pa bumababa?" Biglang tanong ni Hera.

"I don't know. I was knocking on his door earlier but no one answered." Pumokus ang tingin niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagkalat ng init sa aking pisngi. Iniwas ko ang tingin at tumalikod.

Kahit kailan ay nakakailang talagang tumingin ang mga Altamirano!

"Tami!"

Ngumiti ako nang makita ang pag-ahon ni Jillian sa dagat. Kanina ko pa siya hinahanap, nandito lang pala siya at naliligo.

Ibinaba ko si Serenity. Lumapit siya sa kanyang mommy at daddy.

"Where did you go last night? Iniwan mo ako sa Fireside!" Hinawakan niya ako sa braso.

Tumikhim si Zeus kaya't hindi ko na napigilang muli siyang balingan. Ganoon din si Jillian. Nakatingin siya sa isang direksyon kaya't maging kami ay napatingin na rin doon.

Naglalakad ang naka-aviator na si Altamirano at pinagtitinginan ng mga babaeng nadadaanan. Wala siyang suot na pang-itaas, kumikinang ang katawan niya dahil na rin sa sikat ng araw.

"Hot..." Anas ni Jillian malapit sa aking tenga.

Napalunok ako nang may humarang sa kanyang mga babae.

"You're the owner of Fireside, right? Pa-picture naman po!"

Kung titignan ay naglalaro ang edad ng mga babae sa labing walo hanggang dalawampung taong gulang.

Hinubad niya ang aviator. Ngumiti siya at marahang tumango.

Pinanood ko ang pagkapit sa kanya ng dalawang babae samantalang ang isa ay siyang naging taga-picture. Ilang palitan pa ng pwesto ng tatlo ang nangyari.

Nang matapos ay napatingin siya sa gawi namin. Ngumiti siya nang magtama ang aming mga mata.

Palapit na siya nang tumalikod ako. Agad niyang nahawakan ang aking braso. Ramdam ko ang atensyon nila sa aming dalawa.

"Where are you going?" Seryoso niyang tanong.

"Babalik ako sa hotel. I'm craving for an ice-cream." Tumingin ako kay Jillian. "Let's go." Pilit kong inalis ang kamay niya ngunit nabigo ako.

"Nagseselos ka ba?" Diretso niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ni Jillian kasabay nang pagsinghap ni Hera. Si Zeus naman ay mahinang tumawa.

Umigting ang panga ko. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila palayo sa kanila.

"Why did you say that in front of them?" Inis kong tanong nang makalayo kami. Binitawan ko ang kanyang kamay at nagpatuloy sa paglalakad.

Namilog ang aking mga mata nang hawakan niya ako sa magkabilang baywang at hinigit ako sa malapit na puno ng niyog.

Dahil malayo na kami kila Hera ay hindi ko alam kung sa amin pa ba sila nakatingin.

"Altamirano!" Itinulak ko siya.

Lumawak ang kanyang ngisi habang titig na titig sa mga mata ko.

"Tangina... mas lalo kang gumaganda kapag selos na selos ka." Idinikit niya ang noo sa akin. Binitawan niya ang salamin at hinawakan ang aking ibabang labi. "Kung gusto mo sa suite ko ulit tayo."

Nag-init ang pisngi ko. His breath was hot against my face.

"Pakawalan mo ako!" Mariin kong utos.

Mahina siyang tumawa at mas lalo pang hinigit ang katawan ko palapit sa kanya. Manipis lang ang aking suot na dress kaya't ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

"Picture lang 'yon. Sayong-sayo lang ako." Bulong niya. "Sa tingin mo ba, pagkatapos nang nangyari kagabi at kaninang umaga, titingin pa ako sa iba? Hell no! Noon pa man iisang babae lang ang tinitingnan ko."

"Dapat lang..." Iniwas ko ang tingin.

Marahan niyang kinagat ang aking pisngi. Napaharap ako sa gulat. Nahuli niya ang mga labi ko. Itinulak niya akong muli sa puno, at mabilis at tila sabik na sabik na inangkin ang mga ito.

"Shit! Not here!" Pigil ko.

Umiling siya at dumapo ang mga kamay sa aking pang-upo. He squeezed both of its cheeks.

Habol hininga ako nang bumaba ang mga labi niya sa aking leeg. Napakapit ako nang mahigpit sa kanyang batok.

Tumalikod ako ngunit mabilis niya akong nahigit muli sa baywang. Marahan niyang kinagat ang aking tainga dahilan nang pag-ungol ko.

"Please... not here. 'Pag nakita ako ng mga nakakakilala sa daddy ko, malalagot ako." Pakiusap ko.

He grinned below my ear. "Takot ka na ngayon sa daddy mo?"

Hindi ako sumagot at hinawakan ang mga kamay niya sa aking baywang. Muli ko siyang hinarap. Kahit na pinipigilan ko siya ay ako mismo ang hindi makapagpigil.

Dinala ko ang mga kamay sa kanyang magkabilang pisngi at mariin siyang hinalikan sa mga labi. Matapos ay agad ko siyang tinalikuran at naglakad palayo.

Kagat-labi akong napangiti nang ipulupot niya ang bisig sa aking baywang. Habang naglalakad ay sumisipol pa siya.

"Ang saya mo ah." Pansin ko.

"Syempre... nasa akin ang pinaka-masarap-"

Agad ko siyang nahampas sa balikat. Humalakhak siya.

"Ang bastos mo!"

"That's not a joke..."

"Shut up!" Kumawala ako sa kanya at mas binilisan ang paglalakad.

"Bakit parang iba ang iniisip mo? What I mean is, babaeng pinaka-masarap magmahal!" Natatawa niyang sigaw habang hinahabol ako.

Agad akong lumapit kina Hera at Zeus na naglalandian sa lounge bed. Napabalikwas ng bangon ang pinsan ko.

"Si Serenity? Lunch na tayo."

Pulang-pula ang kanyang mukha. Nang tingnan ko naman si Zeus ay malaki na naman ang kanyang ngisi habang nakatingin sa pinsan ko.

"Hera..." Tawag ko.

"Wait... tawagin ko lang sila Conrad. Sumama si Serenity sa kanila ni Forrah."

Nagmamadali siyang umalis. Nilingon ko si Altamirano na tumabi sa kapatid. Hinawakan niya ang kamay ko ngunit agad ko itong binawi.

Mahinang tawa ang pinakawalan ni Zeus.

"Halata na kayo." Hinaplos ni Zeus ang kanyang buhok at umiling-iling. 'Kayo na diba?" Diretso niyang tanong.

Tumaas ang kilay ko. "Chismoso mo naman ata Zeus?"

"Call me kuya." Utos niya.

Namilog ang aking mga mata. "Are you kidding me?"

"Do I look like I'm kidding you?"

Nang tingnan ko si Altamirano ay halata ang pagpipiit niya ng tawa.

"Nakita ko kayo kagabi. Nagmamadali. Ni hindi niyo ako napansin." Kibit-balikat niya.

Nakaramdam ako ng ilang sa gawi nang pagtitig niya sa akin.

"Kanina galing ako sa suite ni Fire-"

"Kuya!" Pigil ni Altamirano.

"Okay... okay... I better shut up!" Itinaas niya ang dalawang kamay.

Mabuti na lang ay papalapit na sa amin sila Hera. Tumayo si Altamirano at muli akong hinawakan sa kamay. Hindi na ako umangal. Wala nang dahilan para itago namin ito.

Nakarating kami sa Regale at ganoon pa rin ang tingin nila sa amin. Ipinatong ni Jillian ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at kinunotan ako ng noo.

"Tami... umamin ka nga... parang kagabi lang nagtatalo kayong dalawa-"

Hindi niya natapos ang pagsasalita nang biglang halikan ni Altamirano ang likod ng aking kamay. Miski ako ay nagulat sa kanyang inasta. Sanay na ako na ginagawa niya ito kahit kaharap namin sila pero alam kong hindi sila manhid at tulad ni Zeus ay alam nilang may nag-iba sa aming dalawa.

"Kami na!" Anunsyo niya.

Nilingon ko siya.

Malawak ang kanyang ngiti na tumingin sa mga mata ko. "Ulit."

Kumalat ang saya sa dibdib ko dahil sa nakita.

"Kelan pa?" Nilingon ako ni Hera. "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?"

Hindi ako sumagot. Nilingon ko si Forrah dahil gusto ko ring makita ang kanyang reaksyon.

"Congrats Fire..." Nakangiti niyang sambit. Nilingon niya ako ngunit hindi ko sinuklian ang kanyang ngiti. "Tamiya."

Hinawakan ni Conrad ang kanyang kamay. Iniwas ko ang tingin at muling bumaling kay Altamirano.

"Order na tayo." Ani Conrad nang dumating ang waiter.

Hindi na sila muling nagtanong kung paanong nagkabalikan kami. Natuwa naman ako doon.

"Hindi pa ba kayo uuwi ni Conrad?" Tanong ni Hera kay Forrah.

"Hindi..." Sagot ni Conrad. "We will stay for one more week."

"You should go back to Manila Conrad. Ano na lang ang sasabihin ng parents mo?" Singit ko.

Kumunot ang noo niya.

"Baka isipin nila na nahuhumaling ka na naman sa babae-"

"Nahuhumaling nga ako kay Forrah. May problema ka ba?"

Nagkibit-balikat ako nang sumingaw sa kanyang mga mata ang inis. Si Forrah ay pulang-pula sa narinig.

Matapos kumain ay niyaya ako ni Jillian na lumabas. Pinaglalaruan niya ang cellphone habang titig na titig sa akin.

"May nangyari ba sa inyo kagabi?" Walang sala niyang tanong.

Uminit ang aking pisngi. "Jill... ano ba 'yang tanong mo!" Pilit akong tumawa.

Ngumisi siya. "Umamin ka na! Wala ka sa suite mo kaninang umaga!" Gigil niyang sabi.

Iniwas ko ang tingin. "Oo..." Pag-amin ko.

I was never a kiss and tell. Pero alam kong huli na ako kaya wala nang dahilan para itanggi iyon.

"Oh my God! Malaki ba?"

Pinandilatan ko siya dahil sa lakas ng kanyang boses. Agad naman siyang napatakip sa bibig habang tumatawa.

"Jill... ano ba? Baka marinig ka!"

"Pabebe ka na ngayon? Hindi ka naman dating ganyan."

Natawa ako sa kanyang sinabi. Bigla ay may naalala ako. "'Yung lalaki kagabi..."

Biglang nagbago ang kulay ng kanyang mukha hindi ko pa natatapos ang sinasabi. Namutla siya.

"Don't tell me Jill-"

"I slept in his room!" Malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "God, Tami! Ang tanga ko! Kaya gusto rin kitang makausap dahil kinukulit niya ako!"

"What? You mean may nangyari-"

"Wala! Shit wala!" Mariin siyang napapikit.

"Wala naman pala. Eh bakit ka nagkakaganyan?"

"Gagamitin daw niya ang kuha namin. He took a picture of us while we're in his bed! Tulog ako! Hindi ko alam! He's out of his mind!" Halata sa mukha niya ang stress.

Hindi ko napigil ang aking tawa.

"F uck, don't laugh! This is not funny!" Inis niyang sigaw.

"Gwapo ang lalaking 'yun. Bakit di mo bigyan ng chance? I think na love at first sight siya sayo."

"Hindi ka nakakatulong!" Irap niya.

Naiiling ko siyang hinawakan sa braso. Inihilig ko ang ulo sa kanyang balikat.

"It's time for you to be happy, Jill. Hindi habang buhay ay mananatili kang single."

Hindi siya nakapagsalita. Ilang sandali pang katahimikan nang makarinig kami ng pagtikhim.

Nang lumingon kami ay pareho kaming nagulat nang makita ang dumating.

Seryoso ang mukha ng lalaking nakatingin sa akin, ngunit agad ding bumaling kayJillian.

"Umuwi ka na ngayon dahil inutusan ako ni tita na sunduin ka."

"You're here to say that? Sana tinext mo na lang ako. Nag-aksaya ka pa ng pamasahe." Wala ding emosyon na tugon ni Jill.

"You're not answering my calls. Ang text pa kaya, pansinin mo?"

"Tamiya..." Lumingon ako nang marinig ang boses ni Altamirano.

Mabilis ang kanyang hakbang palapit sa amin. Maging ang dalawa ay napatingin sa kanya. Kumunot ang noo niya nang makita ang dumating.

"Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?" Halata sa boses niya ang inis.

Hinigit niya ang aking baywang at nakakunot ang noong tumingin sa akin.

"Kayo na?"

Nilingon ko si Dash dahil sa kanyang tanong. Unti-unting rumehistro ang sakit sa kanyang mga mata sa kabila ng pilit na ngiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top