Chapter 46
Chapter 46
"Hindi mo ba tinetext si Dash?" Tanong ni Jillian.
Namataan ko si Altamirano sa entrance ng hotel kung saan niya kami hinihintay.
Nilingon ko si Jillian at tipid na ngumiti. "I called him. He's not answering." Naramdaman ko ang pagpitik ng lungkot sa aking dibdib.
Ginawa ko iyon kanina pag-alis ni Altamirano sa suite ko.
"I'm worried, Jill. Kahit wala na kami... alam mo kung gaano siya kahalaga sa akin." Lumabas kami ng hotel.
Sumilay sa mga labi ni Altamirano ang ngiti nang makita kami. Hahawakan niya sana ang aking kamay pero iniwas ko ito lalo na at pinanonood kami ni Jillian.
"Let's go." Aya ko at nilagpasan siya.
Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga.
Sinabayan ako ni Jillian. "Gusto mo ba siyang makausap? I'm gonna call him for you."
"Para saan pa? Wag na. Siguro tama lang din na wala kaming communication. Ayoko nang masaktan siya."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa makarating kami sa Fireside.
Pagkaupo namin sa isang vip table ay nilingon ko si Altamirano na umupo sa aking tabi at seryoso na ang mukha.
"What do you want girls?" Tanong niya.
"Champagne." Tipid na sagot ni Jillian at ngumiti.
"'Yun na lang din ang akin-"
Hindi na niya ako pinatapos at tumayo patungo sa bar counter.
Bumakas sa mukha ni Jillian ang pagtataka. "Badtrip?"
Nagkibit-balikat ako.
"Baka nagseselos. Hindi imposibleng hindi niya narinig ang pinag-uusapan natin kanina." Sumandal siya at inilabas ang kanyang cellphone.
"Jill..." Tawag ko nang magsimula siyang magtipa doon. "We kissed."
Napatigil siya sa ginagawa at marahas na napabaling sa akin. Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Hinalikan niya ako kanina. I didn't stop it. I didn't stop him. And I'm feeling guilty."
Nanatili siyang tahimik. Bumagsak ang mga mata niya sa table.
"Tapos ang lakas pa ng loob ko na tawagan si Dash." Umiling ako. "How bitch of me!"
"Siguro kung hindi mo ako kaibigan at hindi ko alam ang mga nangyari sa inyong tatlo, nasampal na kita." Muli niyang inangat ang tingin sa akin. "Mali ang ginawa mo pero si Fire 'yan, Tami. I know you can't resist him."
Ako naman ang hindi nakaimik.
"So... how was it?"
Awtomatikong lumipad ang kamay ko sa braso niya.
"Ouch! What was that for?" Angal niya habang tumatawa.
"May gana ka pang magtanong nang ganyan!" Naalala ko kung paano niya ako nahalikan kanina. "He's..."
"He's?"
"Nevermind!"
Siya naman ang humampas sa braso ko. Nagniningning ang mga mata niya dahil sa tuwa.
"Ang daya! I'm waiting for the storytelling! Kung bakit pagdating kay Fire, hindi mo magawang magkwento. Noon naman-"
"Iba noon. The guys from the past are different. Bakit? Noong kami ni Dash, nagkwento ba ako tungkol sa mga ginagawa namin? No!"
Unti-unting napawi ang tuwa sa kanyang mga mata. Dumating si Altamirano kasunod ang waiter kaya't hindi ko na naitanong kung may nasabi ba akong mali kahit na alam ko na ang sagot.
Ibinaba nila ang mga baso pati ang bote ng champagne at ng whiskey.
Nang umalis ang waiter ay saka lang siya umupo ngunit hindi na ganoong kalapit katulad kanina. Matapos niyon ay inilabas niya ang kanyang cellphone.
"Hi, miss... may I dance with you?"
Awtomatikong bumaling ang tingin namin sa direksyon ni Jillian. Isang guwapong lalaki na may medyo gulong buhok ang nasa kanyang harapan. The guy had a nice body which made him more attractive. Wala itong suot na pang-itaas at tanging board shorts lang ang suot.
Sinulyapan ako ni Jillian. Ngumisi ako.
"Yeah... sure!" Ipinatong niya ang kamay sa palad ng lalaki. She stood up having eye contact with him.
Dinampot ko ang wine glass sa harapan ko. Sumimsim ako dito at tiningnan si Altamirano na busy pa rin sa kanyang cellphone. He's smiling from ear to ear.
Pinanood ko ang mga bulang tumatama sa aking katawan. "Are you going to text the whole time?" Malamig kong tanong.
Naramdaman kong nakuha ko ang kanyang atensyon. Nagtama ang aming mga mata. Ipinatong niya ang isang binti sa kaliwang hita. Gamit ang isa pang malayang kamay ay kinuha niya ang kopita at uminom.
He looked so sexy as he sipped on his glass.
"Sinong katext mo?" Hindi ko napigilang tanong.
Ibinaba niya ang inumin at pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok.
"A lady I met last night here." Tugon niya.
"Oh... 'yun naman pala. Bakit hindi na lang siya ang niyaya mo dito?" Inirapan ko siya.
"She's busy but she said she'd be here later." Kibit-balikat niya.
Inubos ko ang akin at muling nagsalin. Hindi ko na siya pinansin at inilabas din ang cellphone ko. Ewan, pero hindi ko mapigilan ang pagkalat ng inis sa aking sistema.
Ilang minuto pa ang dumaan at puro na lang talaga siya pagtitipa sa kanyang cellphone. Hindi na ako nakapagpigil at tumayo. Dumiretso ako sa cr at hinubad ang aking dress.
Natira ang kulay pulang two-piece bikini na ipinaloob ko sa aking maxi dress. It's the simplest swimsuite I got inside my suitcase. Inayos ko ang pagkakalugay ng aking buhok.
Pabalik sa aming table ay naramdaman ko ang mainit na pagpansin sa akin ng mga tao. Habang naglalakad ay naramdaman ko ang paglipat ng tingin niya sa akin. Umupo ako sa tapat niya at inayos ang mga gamit ko.
He cleared his throat. Hindi ko siya pinansin at iginala ang mga mata sa dance floor. Dumekwatro ako at ngumisi nang mamataan si Jillian na nakikipagsayaw pa rin doon sa lalaki.
"Hindi ba't sinabi ko sayong huwag kang sasali-"
"You're not my boyfriend." Paalala ko. "Stop giving me your rules."
Hindi siya nakapagsalita. Ilang sandali pa ay muli siyang bumalik sa kaninang ginagawa.
Panay ang ngiti niya. Pumihit ang ulo ko nang makarinig nang pagtikhim.
"Fire..."
Inangat niya ang ulo para tingnan ang babae. "Eris... sinong kasama mo?"
Umupo ang babae sa kanyang tabi. Nakataas ang buhok nito at naka-cover up. Sa loob niyon ay ang kulay puting two-piece.
"Lasing ang friends ko. They're already asleep." Tugon niya at matamis na ngumiti.
"Oh..." Mahinang tumawa si Altamirano. "Anyway... she's Tamiya Dela Vega."
Nagtama ang mga mata namin ng babae. Maganda siya at mukhang mabait. Ngunit kahit ganoon ay ayoko pa ring paka-kampante.
"I know... who won't recognize her?" Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. "I'm Eris."
Kinuha ko ito at nakipagkamay. Matapos niyon ay muli ko nang ibinalik ang atensyon sa dance floor. Bigla namang pinatay ang music.
"Okay, before the search begins, may I request everyone to go back to their tables? We are now to find the three ladies and three guys with their best summer outfit!"
Awtomatikong tumahimik ang lahat maging ang dalawang kasama ko sa table. Good thing!
"What's the price?" Sigaw ng lalaki mula sa isang table malapit sa dance floor.
"You'll have the chance to get the latest iPhone, gift checks as well as the night to date one of the winning girls!"
"What?" Tumaas ang kilay ko.
"Don't worry... you're not gonna win." Umupo si Jillian sa aking tabi. Inalis niya ang kanyang cover up. "Ang init!" Sabi niya sabay paypay sa sarili.
Hinampas ko siya sa braso dahil sa kanyang suot na one piece. "Jillian!"
Nilingon niya ako. She's already tipsy!
"Walang magagalit, Tami. Alam mo 'yan. Wag kang mag-alala." Mahina siyang tumawa.
Kung hindi lang sana halos makita na ang private part niya ay hindi ako maiinis nang ganito! Pero konting-konti na lang ay masisilip na ng kahit sino iyon!
"Ako! Cover yourself again! Kung hindi kakaladkarin kita pabalik sa hotel!" Mahina pero madiin kong sabi.
Sigurado akong may pinainom ang lalaki sa kanya na ibang alak. Hinawakan ko ang kanyang braso nang biglang may pumunta sa aming harapan.
It was the gay, the host of the bar's activity. Hinawakan niya ang braso ko pati ni Jillian. Dinala niya kami sa elevated part ng dance floor kung saan may tatlong upuang nakahilera.
Hindi na kami nakaangal. Si Jillian ay tumatawang nilingon ako.
"May iPhone na naman ako!" Sigaw niya.
Nagtawanan ang mga tao.
"Bigay mo na lang sa akin!" Ganting sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan.
Nakisali na rin si Jill sa tawanan.
Pinanood ko ang paghahanap ng bakla ng isa pang babae. Pinili niya ang babaeng naka-rash guard at bikini. Pinaupo niya ito sa kanan ko. Walang sabi-sabi ay may nagpiring sa aking mga mata. Napagtanto kong isa ito sa mga pakulo nang marinig ko ang tili ni Jillian at ng isa pang katabi ko.
May humawak sa aking braso at napagtanto kong babae ito dahil sa lambot ng kamay.
"Where will you take us?" Tanong ko.
"Sa Fireside's pool."
May pool ang Fireside kaya marami ang mga turistang nawiwili sa bar. Ngunit ginagamit lang iyon tuwing biyernes.
"Have a seat, Ms. Dela Vega." Sabi ng babae.
Pinakiramdaman ko ang upuan bago umupo. "Aren't you going to remove this blindfold yet?"
"Later miss. I have to wait for the signal."
Hindi na ako nagsalita pa. Makalipas nang sa tingin ko ay limang minuto ay naisipan na rin niyang tanggalin ang piring sa akin.
Nag-adjust ang mga mata ko sa dim na ilaw. Kasabay niyon ay ang pag-ilanglang ng tunog ng saxophone ng isang maharot na musika.
Iginala ko ang paningin at nagkatinginan kaming tatlong babae. Magkakalayo ang aming table na may candle lit sa gitna at sa harap ay ang bouquet ng bulaklak.
"I won't let anyone to date you. Ano sila sinuswerte?" Sabi ng malamig na boses mula sa aking likuran.
Hindi ko siya hinarap. Siya na ang mismong umikot. Hindi ko napigil ang paglunok nang makitang naka bikini briefs lang siya.
Nagtama ang aming mga mata at nginisihan niya ako. Ang maganda niyang katawan at ang maumbok na pang-upo ang kumuha ng aking atensyon.
Mahina siyang tumawa at umupo sa tapat ko. Pumatong ang kamay niya sa aking kamay ngunit agad ko itong binawi.
Kumunot ang noo ko. May mga lumapit sa amin na may dalang pagkain at mga alak.
"Are you jealous?" Tanong niya nang makaalis ang kanyang staffs.
Hindi ako sumagot at tumingin sa gawi ni Jillian na ang kadate ay iyong lalaking kasayaw niya kanina.
"You're jealous of Eris."
"Kapal!" Inirapan ko siya. "Wala akong pakialam kahit may kausap o kalandian kang iba!"
"Really?" Ngumisi siya at kinagat ang ibabang labi. "E bakit hindi mo ako magawang tingnan kanina?"
"Ganyan ka naman noon pa diba? Malandi. Ang sarap mong itali sa mga babae mo."
"E 'di sana ginawa mo. Gusto kong matali sa'yo."
Nag-init ang aking pisngi. Nanatili ang mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.
"Ikaw lang ang babae ko noon. Ikaw lang ang babaeng kinaaadikan ko noon hanggang ngayon."
"Sinungaling!" Inis kong sabi.
Pumangalumbaba siya sa harap ko katulad nang madalas niyang gawin noon.
"Gusto mong patunayan ko?" Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin.
Hindi ako sumama. Sa halip ay tumayo rin ako at mabilis na lumakad patungo sa cr.
Isasara ko na ang pinto nang humarang siya at itinulak ako. Nanlaki ang aking mga mata nang i-lock niya ang pinto.
"Shit Altamirano!"
Sumandal siya sa pinto. Pumikit siya nang mariin at nang magmulat ay tila hirap na hirap siyang tumingin sa akin.
His eyes wandered my body. Dahil sa gulat ay hindi ko na alintana ang paggala ng kanyang mga mata.
Awtomatikong bumilis ang aking paghinga nang lumapit siya sa akin. Agad akong tumalikod nang makarating siya sa harapan ko.
Dumapo ang kanyang mga kamay sa aking baywang. Akmang tatanggalin ko ang mga iyon nang higitin niya ako at isandal sa matigas niyang dibdib.
Nagsimula siyang humaplos sa aking tiyan kasabay nang paghalik niya sa aking balikat. Kusa akong napapikit at alam kong hindi lang ito dahil sa alak.
"Tingnan ka lang ng ibang lalaki, nagseselos na ako." Marahan niya akong kinagat. Umangat ang labi niya sa aking leeg patungo sa tainga.
Suminghap ako nang marahan niya itong kinagat.
"Wala akong katext kanina... tinitignan ko lang ang pictures mo sa phone ko." Niyakap niya ang aking bewang at gumapang ang halik sa aking pisngi. "Si Eris pinsan ko 'yon sa side ng mama."
"Y-you... don't have to explain. We're not in a relationship."
Doon siya natigil sa paghalik. Tumingin siya sa akin sa salamin. Lantad sa mga mata niya ang lumarawang lungkot.
"That's why I'm pursuing you. I want to have an us."
"Pero alam mong kahihiwalay lang namin-"
"That's why you're limiting yourself?" Umangat ang mga kamay niya sa dibdib ko.
Nanginig ang aking mga tuhod nang marahan niyang haplusin ang mga ito.
"I'm addicted to you. Damn addicted." Pumikit siya. Tumaas ang isa niyang kamay hanggang sa marating nito ang aking pisngi.
He turned my head and kissed me. His thumb started to play with my one of my tips.
Humiwalay ang mga labi niya. Kinagat ko ang ibabang labi sa pagpipiit ng ungol. Shit!
"Damn! I think I can't control myself now!" He said and kissed me again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top