Chapter 45
Chapter 45
Mabini at maingat ang kanyang halik. Sa bawat paggalaw ng kanyang labi ay mas lalo lang akong nanghina.
I forced myself not to be affected but I failed.
Umangat ang aking mga kamay sa kanyang batok patungo sa buhok. I awtomatically massaged his hair as I began moving my lips with the rhythm.
Shit, Tami!
I felt his smile. Ang paghalik ko pabalik ay tila nagsilbing cue niya para sa mas mainit at mapang-angking halik.
"You missed my lips too..." Aniya nang halos maubusan na ako ng hininga. Umangat ang mga labi niya sa aking ilong patungo sa aking noo. "We can continue later."
Naramdaman ko ang ngisi niya sa aking noo. Humiwalay siya at tinitigan ang aking mukha.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Tumikhim ako at iniwas ang tingin. Sobrang init ng aking mukha dahil na rin sa hindi niya maialis na titig sa akin.
Muli ko siyang binalingan. Kinagat niya ang ibabang labi at tumingala. Hinaplos niya ang kanyang buhok at matamis na ngumiti.
Iginala ko ang tingin at nakita si Hera na kasama na si Zeus. Nakatingin sila sa aming direksyon.
There's that irritating smirk on his lips again. Iniwas niya ang tingin sa akin kasabay nang paghawak ni Altamirano sa aking kamay.
Itinayo niya ako, wala na akong nagawa. Ayokong mag-eskandalo pagkatapos ng nangyari lalo na't marami ang nanunuod sa amin! Shit, ngayon ko lang iyon napansin!
"Tita..." Tawag sa akin ni Serenity nang makarating kami sa tapat nila.
Pilit kong iniiwas ang tingin kay Zeus.
"We're gonna get icecream." Sabi ni Zeus. "Sasama kayo? Pampalamig. Alam niyo na, masyadong mainit ang panahon at mukhang pati kayo ay nag-iinit na rin-"
"Zeus!" Hinampas ni Hera ang balikat niya.
Mahina siyang tumawa at hinigit ang baywang ng pinsan ko. "Just kidding. Let's go, baby."
Bago tumalikod ay tinapunan niya ang kapatid ng tingin at kumindat. Mariin akong napapikit nang marinig ang tawa ni Altamirano.
Nagsimula na akong humakbang nang hawakan niya ang aking braso.
"Where are you going?" Tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Pumiglas ako at tumakbo palayo. Sinigurado ko na hindi niya ako maaabutan.
Tumigil lang ako nang makita sina Conrad at Forrah na nakahiga sa buhanginan at naglalandian.
Pinihit ko ang sarili at lumiko sa isang lounge bed. Umupo ako at napapikit nang bumalik sa isip ko ang nangyari.
"Tami!"
Nagmulat ako nang marinig ang boses ni Jillian. Umupo siya sa tabi ko at kinunotan ako ng noo.
"Are you okay?"
"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong niyan?" Pinilit kong iwaksi muna sa isip ang nangyari. "Ba't ngayon ka lang lumabas?"
"Ah... may kinausap lang ako sa phone." Iniwas niya ang tingin sa akin at tumalikod. Pumokus ang mga mata niya sa kulay asul na dagat.
"Sino?"
Tumikhim siya. "Si Dash... kinakamusta ka."
Hindi ako umimik.
"I told him you're okay!" Pinasigla niya ang boses at sinulyapan ako na may pilit na ngiti sa labi. "If you're gonna ask me what he's doing... well, he's busy with work. Tumawag lang talaga siya para kamustahin ang lagay mo."
Tumango ako. May napapansin ako sa kanya pero siguro ay hindi tamang sa akin ito manggaling.
"Where are they?" Pag-iiba niya ng usapan.
Nginuso ko sina Conrad at Forrah. "The others are getting ice creams."
"Oh... why didn't you go with them?"
"Tinatamad ako." Kibit-balikat ko. "Hintayin na lang natin sila."
Tumango siya. Lumipat siya sa katabing lounge bed.
Hindi nagtagal ay dumating si Altamirano na may hawak na icecreams na nasa supot at life vest. Sa kanan niyang kamay ay ang magandang bata na dinidilaan ang nasa cup na icecream.
Agad ko siyang kinuha at iniupo sa aking tabi.
"Yummy?" Tanong ko kay Serenity.
Nginitian niya ako. There's a smear of chocolate on her nose. Pinunasan ko ito.
"Bakit hindi 'yang nasa cone ang binigay mo o kaya 'yang nasa stick?" Tanong ko na hindi siya tinitingnan. "Wala nang pang scoop 'tong icecream niya."
"Nalaglag. She's eager to find you." Tugon niya. "Anong gusto mo?"
Sinulyapan ko si Jillian. Nakangisi siya habang pinanonood kami. Inagaw ko kay Altamirano ang supot at kinuha ang icecream na nasa cone.
Iniabot ko kay Jillian ang supot at sinimulang tanggalin ang balat ng icecream.
Tahimik kaming kumain hanggang sa makatapos si Serenity at Jillian. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Serenity. Tinuturo kasi nito ang direksyon nila Conrad.
"Baby, we can't go there. Your tito Conrad and tita Forrah are busy-"
"She's not her tita, Jill." Malamig kong putol sa kanya.
"O edi hindi." Kibit-balikat niya. Akmang isasama na niya ang bata nang biglang tumunog ang cellphone niya na muntik pang maiwan sa lounge bed.
Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. Sumenyas siya na lalayo muna, naiwan sa amin si Serenity.
Tumayo si Altamirano at binuhat ang bata. "Let's swim na?" Tanong niya dito. Nilingon niya ako.
"Sige na... I'm fine here." Hinarap kong muli ang icecream na nilalantakan ko. "Saglit lang kayo. Baka umitim nang sobra 'yan."
"Alright!" Isinuot niya ang life vest kay Serenity.
Lumusong silang dalawa sa dagat. Pinanood ko silang inenjoy ang init at ang ganda ng lugar.
Kinuha ni Zeus kay Fire si Serenity nang matapos maligo ang dalawa. Tuloy ay sabay kaming tumungo sa hotel. Hindi siya ganoong basa kaya pinayagan ko siyang pumasok.
"May gagawin ka mamaya?" Tanong niya nang sumakay kami sa elevator.
"Wala..." Sagot kong hindi siya tinitingnan.
"You're free... alright! We can enjoy the nightlife later!"
Hinarap ko siya. Nakahawak siya sa kanyang baba na para bang may iniisip.
"You think I'm going out with you?" Nakataas kilay kong tanong. "Ano ka sinuswerte?"
Nilingon niya ako. Sumeryoso ang mukha niya. "Don't you want to go with me? Okay... ibang babae na lang ang yayayain ko." Kibit-balikat niya.
Hindi ko ipinahalata ang inis na sumampa sa aking sistema. Tumigil ang elevator at lumabas ako. Hindi ko siya nilingon at dire-diretsong pumasok sa aking suite.
Nagpalit ako ng damit. Ilang sandali pa nang marinig ko ang malakas na pagkatok.
Binuksan ko ang pinto. Hindi pa ako nakapagsasalita nang itulak niya ako papasok. Dire-diretso siyang tumungo sa direksyon ng bathroom. Bago pa siya makapasok ay hinawakan ko na siya sa braso.
"Anong ginagawa mo?" Inis kong tanong.
"Dito na ako magbabanlaw. Ang hina ng tubig sa suite ko." Hinubad niya ang pang-itaas sa mismong harapan ko.
Lumunok ako at kusang gumala ang mga mata sa kanyang matipunong katawan.
Tumikhim siya, mabilis kong nabawi ang tingin.
"Ipapacheck ko lang saglit ang tubig sa suite mo-"
Hindi ko na naituloy ang pagtalikod nang bigla niya akong itulak sa pader. Namilog ang mga mata ko kasabay nang pagbilis ng aking paghinga.
Dinala niya ang index finger sa aking baba at itinaas ito. Idinikit niya ang katawan sa akin. Binitawan niya ang bag na sigurado akong ang laman ay kanyang damit.
Bumaba ang isa pa niyang kamay sa aking tagiliran at tumingin sa aking mga labi.
"Pakawalan mo ako-"
"Puro ka iwas. Iba naman ang sinasabi ng katawan mo."
Napakagat-labi ako sa muling pagtama ng mabango niyang hininga sa aking mukha.
"You're writhing to feel me, Dela Vega. Don't worry coz I'm completely yours. Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko, susundin ko."
"B-bitawan mo ako!" Mariin akong napapikit dahil sa nanghihina kong boses.
Mabuti na lang ay sumunod siya. Tumalikod ako at bumalik sa aking kwarto. Isinara ko ang pinto at kinalma ang aking paghinga nang makaupo ako sa kama.
Kinuha ko ang laptop at nagbukas ng emails para mailihis ang isip sa mga nangyayari.
Ilang minuto ang nagdaan nang kumatok siyang muli dito naman sa pinto ng kwarto ko. Tinanggal ko ang earphones sa aking tenga at pinatay ang laptop.
Binuksan ko ito. "Ano pang kailangan mo?" Tanong ko na parang wala lang sa akin ang makita siyang topless pa rin.
Akmang papasok siya nang humarang ako. "Altamirano! Ano ba?!"
Tinulak niya ako at dire-diretso ulit na pumasok. Humiga siya sa kama ko.
He's wearing a boxer shorts only. Kung ano mang plano niya ay hindi na talaga nakatutuwa!
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sigaw ko at sinugod siya.
Dinampot ko ang isang unan at ihahampas sana sa kanya nang bigla niyang hawakan ang pala-pulsuhan ko. Hinigit niya ako.
Nasubsob ako sa kanyang dibdib. Malala ang pagtama ng ilang sa akin dahil sa aming puwesto. Nakasuot lang ako ng manipis na summer dress. Maikli pa ito kaya't ramdam na ramdam ko ang pagtama ng balat niya sa balat ko.
Kinuha niya ang unan sa aking kamay at inihagis ito. Iniangat niya ang katawan ko at hinalikan ang aking noo.
"I miss hugging you like this..."
Itinuon ko ang dalawang kamay sa kanyang dibdib para lumayo ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking baywang.
"Pakakawalan mo ako o babasagin ko ang dapat basagin sa'yo?" Nag-init ang mukha ko sa sariling tanong.
"Sayang ang magandang lahi natin kung gagawin mo 'yon..." Ngumisi siya at isinipit ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa aking mukha.
Kung paanong ganoon na lang niya kabilis na napagbaliktad ang aming pwesto. Umangat ang katawan niya at hinaplos ang aking pisngi.
Napalunok ako nang makita ang pawis sa kanyang noo. Bumaba ang tingin ko sa kanyang malambot na mga labi.
"Kiss me... no one's gonna stop you." He whispered.
Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Asa!"
Mahina siyang tumawa. "Ows? E bakit tumititig ka sa labi ko? Naaakit ba kita?"
"Of course not!" Pilit ko siyang itinulak ngunit hindi pa rin siya natinag. "Makakatikim ka na talaga sa akin."
"I like that..." Kinagat niya ang ibabang labi at muling hinaplos ang aking mukha. "Anong matitikman ko sayo?"
Mas lalong nag-init ang aking pisngi. Muli siyang tumawa at umalis sa taas ko. Humiga siya sa aking tabi habang tumatawa pa rin.
I wanted to punch him on the face but I stopped myself. Tumalikod ako.
Di nagtagal ay tumigil din siya nang mapansing tahimik lang ako. "Matulog na tayo. Isasama pa kita sa Fireside mamaya."
"Hindi ako sasama!"
Naramdaman ko ang pag-ikot niya paharap sa akin. Pumulupot ang bisig niya sa aking baywang at isiniksik ang mukha sa aking leeg.
"Please... go out with me."
Hindi ako nagsalita at muling ipinikit ang mga mata.
The fire... it's getting dangerous. Ang paglalapit naming ito ay delikado para sa akin, para sa aming dalawa!
"Hindi..."
"Okay... hindi na lang din ako lalabas sa kwartong 'to."
"What?" Gulat kong tanong.
Mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa akin. "Hindi ka lalabas. Sasamahan kita. Gusto ko sa lugar kung nasaan ka."
Tumindi ang kabog ng dibdib ko.
"Fine!" Sagot ko at hinarap siya.
Itinulak ko siya palayo sa akin. Kinuha ko ang kumot at inihagis ito sa kanya. Naiilang ako sa hubad niyang katawan.
"Good..." Usal niya.
Tumalikod ako. "Labas na."
"Ayoko." Mariin niyang tugon.
"Altamirano!"
"Sabi ko naman sa'yo, gusto ko sa lugar kung nasaan ka."
Nagtaasan ang aking mga balahibo.
"Just sleep if you're dozy. I'm not gonna do the thing that's playing inside your head."
"Ikaw lang ang nag-iisip ng kabastusan!" Inis kong tugon.
Humagalpak siya ng tawa. Napilitan na akong harapin siya. Sinamaan ko siya ng tingin pero mas lalo lang lumala ang tawa niya.
"Do you want to be kicked?"
"I want to be kissed." Pang-aasar niya.
"Bastos talaga!"
"Sinong bastos sa atin? Ikaw kaya ang nag-iisip diyan."
Ipinikit kong muli ang mga mata dahil sa inis. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa wala na rin akong narinig sa kanya.
Nagmulat ako nang marinig ang tunog ng aking cellphone. Hindi ko namalayang nakatulog ako.
Bumagsak ang tingin ko sa mabigat na bisig na nakapulupot sa aking baywang. Dahan-dahan ko itong inalis.
Pabangon na ako nang bigla siyang pumwesto sa taas ko at mabilis na hinalikan ang aking labi.
I was astounded for seconds but immediately snapped out when he got off me.
Ngumisi siya at umalis sa kama. Hindi ko napigilang panoorin ang mala-modelo niyang paglalakad patungo sa pinto.
"Wag kang sasali sa pakulo ng fireside. I don't want you to wear skimpy swimsuit."
Ang ginagayon niya ay ang activity sa bar kung saan ang dapat isuot ay ang pinakamagandang summer gear ng mga pupunta doon. Nabasa ko iyon sa fliers na ipinamimigay sa beach kanina.
Bago niya isara ang pinto ay lumingon siya.
"I love you, sexy." Sabi niya at kinindatan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top