Chapter 41
Chapter 41
Tila tumitibok ang aking ulo dahil sa sakit. Marahan akong bumangon at hinaplos ang aking sintido.
"Wala ka na ngang tulog, nag-inom ka pa."
Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang ng bedroom. May dala siyang tray ng pagkain at juice.
Inilapag niya ito sa aking kama. Kumunot ang aking noo. Bumuntong-hininga siya at itinuro ang pagkain.
"Ibinilin ka sa akin ni Dash. He told me how plastered you were. What is your plan with your life, Tami?"
Kinuha ko ang juice at uminom dito. Nang ibaba ko ang baso ay muli akong tumunghay para tingnan ang kanyang reaksyon. Concern was strong in her face.
"Any news?" Hindi ko sinagot ang kanyang tanong.
Mas lalong lumala ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tipid akong ngumiti. Bumagsak ang tingin ko sa pagkain niyang dala.
"Wala pa." Lantad sa kanyang boses ang lungkot.
Tumango ako at hinawakan ang mga kubyertos. Pinilit ko ang sariling kumain ngunit nakadadalawang subo pa lang ako ay nawalan na agad akong gana.
"Tami... you must eat." Pagpansin niya.
Inilayo ko sa akin ang tray at sumandal sa headboard. Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok. "Habang buhay yata akong kakainin ng konsensya, Hera."
"You should not blame yourself."
Mapakla akong ngumiti. "Nasasabi mo 'yan kasi wala ka sa sitwasyon ko. You don't know the exact incident before this shit. And if ever you know, I think you still won't understand. Ayokong may..." Kinagat ko ang ibabang labi at umiling. "May mawalang buhay nang dahil sa akin. I may have cursed him once, but that was before. That was when I found out he's fooling me. Ganun naman 'di ba? Kapag nasaktan ka, magsasalita ka nang masasakit. Tapos pagsisisihan mo bandang huli."
Tumayo ako at lumabas ng bedroom. Napansin ko si Serenity na nakaupo sa sofa at kumakain ng cookies.
Nang maramdaman ang aking presensya ay tumunghay siya. Nagpaskil siya ng magandang ngiti at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. She's really adorable.
Bago ko lapitan ay tumungo muna ako sa CR para magmumog. Nang umupo ako sa sofa ay agad siyang umupo sa aking kandungan.
Nilingon ko si Hera na umupo sa katapat na upuan.
"The possibility is big that he's-"
"I don't want to hear others say it." Putol ko sa kanya. "Ikaw na rin ang maysabi na 'wag mawalan ng pag-asa, pero bakit parang bumabaliktad ka na ngayon?"
"Mag-iisang araw na siyang nawawala." Tipid niyang saad.
"Isang araw pa lang! Isang araw! That's not too long for us to think negative! Kung may mamamatay dito, dapat ako! Damn it, ako na lang dapat!" Mahigpit akong napayakap kay Serenity. "We were apart for years. Long enough that I thought I completely forgot him. Long enough to search for a new love. Yes I did find one, but when he came back..."
"But when he came back?" Paghihintay niya ng kasunod.
Hindi ako nakasagot. Ibinaba ko si Serenity at inilapit ito sa kanya. Tumungo ako sa bathroom at naligo.
Nang matapos magbihis ay nandoon pa rin ang dalawa. Tumayo sila nang makita ako at humakbang patungo sa pintuan. Sumunod ako.
Habang nasa elevator ay walang umiimik sa amin. Nakarating kami sa beachfront at nakita ang masayang mga taong ineenjoy ang bakasyon. Inilatag ko ang aking scarf sa buhanginan at umupo dito. Tumabi sa akin si Hera.
"Where's Serenity?"
"Naka'y Forrah." Sagot niya.
"What?"
Patayo na ako ngunit pinigilan niya ako. "Hayaan mo na. Malapit na rin ang loob ni Serenity kay Forrah. Baka magwala 'yun kapag bigla mo siyang kinuha."
Inis akong napabuntong-hininga.
"Kung kani-kanino mo pinapasama 'yung bata! Baka kung ano ang matutunan niya sa malanding Forrah na 'yon!"
"Ang laki talaga ng galit mo kay Forrah. Kung talagang naka-move on ka na kay Fire, hindi ka makakaramdam nang ganyan."
Napaharap ako sa kanya. Nakatingin siya sa kulay asul na dagat.
"Hera, naka-move on na ako-"
"Really?" Nilingon niya ako. Lumarawan ang hilaw na ngisi sa kanyang mga labi. "That's not what I see, Tami. You never moved on. I can see it. If you really did, you wouldn't dig in the past."
"Hera!"
"'Wag mo akong lokohin. Wag ako. I am your closest cousin. Halos sabay tayong lumaki kung hindi lang tayo nagkaiba ng school na pinasukan noong highschool."
Iniwas ko ang tingin at dumampot ng buhangin. Tumapon ito sa aking kamay nang buksan ko ang palad. Ilang sandali ay katahimikan ang namagitan sa amin.
"Kung hindi tayo naghiwalay ng school noon ay makikilala mo siya agad. Malaki rin ang posibilidad na ikaw ang unang magkagusto sa kanya." I smiled bitterly.
"How could you say that?"
Nilingon ko siya. Napansin kong nakangiti na rin siya.
"Gwapo e. Kaso saksakan ng yabang." Natawa ako nang maalala kung paano siya nag pakilala sa buong klase. "Pero siya 'yung mayabang na hindi ko akalaing itatayo ako noong mga oras na kailangang-kailangan kong bumangon. Inalalayan niya ako patayo. He did everything to make me happy. He did unusual things that made me undeniably happy."
"You did love him." Saad niya.
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. "You won't believe this... napilit ko siyang magpa-manicure at pedicure sa akin." Niyakap ko ang aking mga tuhod at ikinatang ang baba dito. "Nagpamake-up din siya. Kung 'yung paglilinis ng paa at kamay niya sapilitan, 'yung pagpapa-make up hindi. He's the one who insisted. He's really beautiful, Hera. He would beat many girls with his looks."
Hinawakan niya ang aking ulo at inihilig ito sa kanyang balikat. Hindi ako nagprotesta. Naramdaman ko ang comfort sa ginawa niyang paghaplos sa aking balikat.
"We loved to go to MRC. Kahit madalas kaming mag-asaran, hindi kami nag-aaway. Nangyayari lang 'yon kapag may pinagseselosan siya."
Ipinikit ko ang mga mata at mariing kinagat ang ibabang labi.
"Would you believe if I tell you how jealous I was whenever Forrah's name was being mentioned when we're together?"
Naramdaman ko ang kanyang pagtango.
"Minahal ko siya nang sobra at higit sa sarili ko. Halos hindi na ako nagtira pero sa huli masasaktan din pala ako." Muling kumawala sa mga labi ko ang mapaklang ngiti. Hinawakan ko ang kanyang kamay sa aking balikat. "Akala niya ba siya lang ang nasaktan? Akala ba niya siya lang ang naghirap? Hindi, Hera. Kasi sa totoo lang... doble-doble 'yung tama sa akin."
Idinantay niya ang ulo sa akin.
"I couldn't forget that prom night. That was the time that I almost cried. Sa harap niya. Sa harap ng maraming tao. Biruin mo si Tamiya Azia Dela Vega, iiyak dahil sa isang lalaki? Iiyak kasi niloko?" Tinatagan ko ang aking loob. "But then again... he didn't know... they didn't know how hard it was for me to act strong, to act like I didn't care anymore. Kaya nga dinaan ko na lang sa pagsigaw. Dinaan ko na lang sa paraang magmumukha pa rin akong si Tamiya."
Gusto kong maging matapang katulad ng dati. Magkunwaring walang pakialam. Ngunit hindi ko magawa.
"I hope he's alive. I hope he won't leave this way. 'Coz this time, I don't know how to deal with another piercing pain if ever." Humiwalay ako sa kanya. Pinagpag ko ang suot na maxi dress at hindi makatinging dinampot ang scarf sa buhangin.
"Saan ka pupunta?" Nag-aalala niyang tanong.
"Kahit saan." Wala sa huwisyo kong tugon.
Naglakad-lakad ako at iniwas ang tingin sa mga bangkang naghahanap pa rin sa kanya. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagsabay sa akin ng isang pamilyar na pigura.
Tumunghay ako at nagtama ang aming paningin. "Dash..."
Inilapit niya ang sarili at ipinulupot ang bisig sa aking baywang. Napatingin ako dito.
"Naligo ka na? You want to swim-"
"You think I can do that now?" Putol ko sa kanya.
Bumakas sa kanyang mukha ang gulat. Agad naman ang pagtama ng konsensya sa akin. Iniwas ko na lang tingin.
"Magbihis ka na muna. Let's eat meryenda." Pumihit ako pabalik ng hotel.
Hindi ko na siya hinintay pero nasabayan pa rin niya ako.
"Tamiya, ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong niya nang nasa elevator na kami. "Dahil ba ito sa nangyari kagabi?"
Napilitan na akong harapin siya. Titig na titig siya sa aking mukha. Itago man ngunit hindi siya nagtagumpay dahil kusang sumingaw ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Alin doon? The kiss?" Kunot-noo kong tanong.
Umigting ang kanyang panga.
"I was drunk and out of mind. You were jealous and I was thinking about the ways to avert your attention from jealousy. Kaya ko 'yon nagawa."
"Alam ko." Halata ang pakla sa kanyang tono. "Alam ko namang lasing ka lang. Alam ko rin na hanggang ngayon hindi lang galit ang nararamdaman mo para sa kanya." Walang emosyon niyang sabi.
"Dash... let's not talk about-"
"Tamiya... hindi na biro ang sakit. Magkunwari ka man o hindi. Iwasan mo mang masaktan ako o hindi, ganoon pa rin." Tumunog ang elevator.
Pero hindi siya lumabas sa floor kung saan siya dapat bababa. Muli itong sumara at sumandal siya sa elevator. Iniwas niya ang tingin sa akin at sinapo ang noo.
"Narinig ko ang pinag-usapan ninyo ni Hera. Narinig ko lahat."
Namilog ang aking mga mata. "What did you say?" Tanong ko kahit malinaw sa aking tainga ang narinig.
"Tangina, sobrang sakit. Iniiwasan kong marinig ito mula sa'yo kagabi. Natatakot ako. Natatakot ako kasi pinapahapyawan mo na ako. But then I accidentally heard it now-"
"Dash, stop!"
Tumigil nga siya. Nilapitan ko siya pero nilayuan niya ako. Walang emosyon ang kanyang mukha na tumitig sa akin.
Tumunog muli ang elevator. Lumabas ako at hinintay siyang lumabas pero hindi niya ginawa hanggang sa magsara ito.
Nakarating ako sa aking suite. Lumabas ang electrician na nagpalit ng lamp na nabasag ko.
Kinuha ko sa ulunan ng kama ang cellphone at itinext siya.
Me:
Meet me in the lobby later.
Hinintay ko kung magrereply siya ngunit wala akong natanggap.
Nanlulumo akong umupo sa aking kama. Nagpalipas ako ng oras hanggang sa dumilim. Napuknat lang ako sa paghiga sa aking kama nang tumunog ang cellphone ko.
Mula sa isang unknown number ang message.
09210031289:
Patay na si Fire.
Kumurap ako. Ilang ulit ko pang binasa ang mensahe ngunit hindi ako nagkamali nang pagbasa.
Dumulas sa kamay ko ang cellphone. Lakad-takbo akong pumunta sa pinto at lumabas ng suite. Pinindot ko ang numero ng floor kung nasaan sila Hera. Kumatok ako sa pinto at ilang pagtama pa ng aking kamao ay bumukas din ito.
Magtatanong pa lang ako nang mapansin ko ang namumulang mga mata ni Hera. Umatras ako ngunit agad niya akong nahila at niyakap.
"Tamiya..."
Nanginig ang aking katawan. Nagtaasan ang aking balahibo kasabay nang mabilis na pag-iinit ng aking mga mata.
"Hera, who texted me?!" Sigaw ko.
Umiling siya at hinigit ako papasok ng suite. Si Serenity ay umiiyak din samantalang si Zeus ay nakatingin sa kawalan.
"Mommy... tito..."
"He's not dead!" Tumayo si Zeus at sumuntok sa pader.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ng bata.
"Sino ba 'yang nagtext na 'yan? Tamiya, have you received that message too?"
Tumango ako. Dinala ako ni Hera sa tabi ni Serenity. Yumakap sa akin ang bata. Humihikbi ito na parang naiintindihan na ang nangyayari.
"Don't cry! Ano ba? Huwag kayong umiyak! Hindi pa patay ang kapatid ko!"
Sumandal ako sa sofa. Inihilig ni Serenity ang ulo sa aking dibdib. Napatakip ako sa bibig kasabay ng pagkawala ng hikbi sa akin.
"T-this is not a good joke..." Tuluy-tuloy ang pag-agos ng aking luha. Napayakap ako kay Serenity.
"Hindi pa nga nakikita ang katawan niya! Ano ba Tamiya? Sinabi na't huwag kang umiyak!" Pagpapatigil niya sa akin.
Tila pinipiga ang puso ko sa sakit.
"No... he's not dead! He can't be!" Inalis ko sa aking kandungan ang bata.
Nagmamadali akong lumabas at pinuntahan ang floor kung saan ang suite ni Altamirano. Tumawag ako sa receptionist at nagpadala ng key card para mabuksan ang pinto.
Nang makapasok ako ay iginala ko ang paningin. Pinuntahan ko ang lahat ng sulok ngunit hindi ko siya makita.
Para na akong tanga sa paghahanap kahit na alam kong wala siya dito.
"Altamirano..." Napaupo ako sa sahig. Sumubsob ako sa kama habang hindi mapigilan ang pagbuhos ng luha.
Biglang may humawak sa aking balikat. Kusang nagtaasan ang mga balahibo ko.
"You're crying..." Hinigit niya ako.
Iniupo niya ako sa kanyang kandungan. Mas lalong tumindi ang kilabot ko nang maamoy ang pamilyar na pabango.
Hinapit pa niya ang aking baywang at isinubsob ang mukha sa aking leeg. "Patay na patay ako sa'yo." Tumaas ang labi niya sa aking tainga. "Yes, you're not dreaming. It's me. You can always make me flare up, Dela Vega."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top