Chapter 4
Chapter 4
Katatapos lang maglaro ng mga pinsan kong lalaki. Nagtatawanan sila at pinag-uusapan ang nangyaring laro. Hindi na rin kami natuloy ng mga pinsan kong babae na magswimming.
"Galing mo pare! Bukas uli!" Tinapik ni Phoenix ang balikat ni Altamirano.
Naglakad sila palapit sa amin. Awtomatikong umikot ang mga mata ko sa paglapit ni pobre kay yabang.
Hinalikan ni Altamirano ang buhok ni Forrah. Tinignan ko ang reaksyon ni Camilla na nasa aking tabi.
Tinapik ko siya sa balikat. "Stop dreaming, Camilla. Bago pa mismong ako ang tumulak sa'yo para magising ka."
Tumayo ako at pinulot ang bolang ginamit nila sa paglalaro. Nakarating kami sa bahay nila Conrad at hindi pa rin umuuwi ang dalawa. Hindi mabawas-bawasan ang inis ko.
Pagpasok sa bahay ay agad akong umupo sa sofa. Binuksan ko ang TV at naghanap ng channel.
"You look sullen. You okay?" Tumabi sa akin si Hiro.
"It's obvious that I'm not. Because of that guy, the plan was ruined. Gusto ko pa namang magrelax!" inilakas ko ang boses para marinig ni Altamirano.
Narinig ko ang mahinang pagtikhim. Tumingin ako kay Altamirano dahil alam kong siya iyon. Inirapan ko siya, nginisihan niya ako. Inakbayan niya ang kanyang girlfriend na daig pa ang may packing tape sa bibig dahil hindi makapagsalita.
"Phoenix, umorder ka ng pizza at ice cream. Para naman lumamig ang ulo nitong si Tamiya." Hiro suggested.
"No need. Paalisin niyo lang ang mga taong kinaiinisan ko dito, siguradong mawawala ang init ng ulo ko."
Bumuntong-hininga si Hiro at inilabas ang cellphone. Hindi na siya nagsalita dahil alam niya ang ugali ko.
Umupo sa harap na sofa ang dalawang taong gusto kong burahin ang mukha. Nagtama ang mga mata namin.
Damn it, bakit ba kasi hindi pa sila umalis?
Nilingon ko si Conrad na seryosong nakikipag-usap sa kung sino sa cellphone. Tumayo ako at nilapitan siya.
"Conrad..."
Ibinaba niya ang cellphone at nginitian ako.
"Alam na ba nila tito ang nangyari kay Camilla?"
Tumango siya. "Thanks Tamiya ha? Pero dapat ay hindi mo na pinatulan ang lalaking 'yon. Dapat pinaubaya mo na lang sa akin. Wag kang mag-alala... bukas na bukas ay pupunta ako sa eskwelahan ninyo."
"Conrad? Pwede bang maki-cr?" Mahinhin na tanong ng babae sa likuran ko.
"Mukha bang CR si Conrad?" Hinarap ko si Forrah at tinaasan ng kilay. "Sabagay malaki ang bahay ng mga Dela Vega. Baka maligaw ka pa. Conrad, accompany her. Baka magtagal 'yan sa loob dahil sa pagka-ignorante. Mamaya ay may mawala pang gamit sa loob." Bumalik ako sa inuupuan ko kanina.
"Tami, bili lang kami ng pizza at icecream." Paalam ni Phoenix.
Kumunot ang aking noo. "Aalis kayo? Pwede namang magpadeliver na lang ah."
"May bibilhin din kasi ako. Isasama na rin namin si Camilla."
"What? Bakit niyo pa ako isasama-"
"You'll go with us. Tumayo ka na diyan." Sumeryoso si Phoenix.
Ayaw sumama ni Camilla dahil nandito si Altamirano. Batid ko na ang dahilan kung bakit siya isasama ng mga pinsan namin. She would be interrogated by them. May ibang tao kaya hindi nila mabuksan ang topic tungkol sa nangyari kay Camilla.
"Hindi mo ako isasama kuya?" Tanong ni Jemimah.
Umiling si Phoenix at nginitian ang kapatid. "Stay here. Kami na lang apat."
"Sige. Ibili niyo na lang ako ng mogu-mogu."
Bigla akong natawa at ramdam kong nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Tumingin ako kay Altamirano dahil sa naalala. Tinaasan niya ako ng kilay.
"What's wrong, Tami?"
Hindi na pinansin nila Phoenix ang tawa ko at lumabas ng bahay.
"None of your biz, Jem." Napawi ang aking tawa.
Nagkibit-balikat si Jemimah at dumiretso sa kitchen. Ngayon ay kaming dalawa na lang ang nandito.
"Kahit ang mga pinsan mo, ganyan mo pakitunguhan. What kind of person are you?"
"Are you questioning my way of treating them?"
"You're not deaf. You heard me." Pamimilosopo niya.
Iginalaw ko ang kamay at nahawakan ang bola na nailapag ko kanina sa tabi ko. Anger suddenly rose up in my system.
"Well, wala kang pakialam sa paraan ko ng pakikitungo sa kanila. Why don't you shut up and get a life yourself? Hobby mo ba talaga ang inisin ako?"
"I'm starting to make it as a hobby." Ngumisi siya.
Nag-igting ang panga ko. Tuluyan ko nang kinuha ang bola at pinaglaruan ito. Pinalipat-lipat ko ito sa magkabila kong kamay. My hands were itching.
Isa pa Altamirano, malilintikan ka na.
"You should change. Ganyan ka ba talaga dati pa?"
Tumaas ang isa kong kilay. I wanted to go near him but I was stopping myself not to.
"Paano kung sabihin kong oo. May magagawa ka ba?"
"Paano kung oo rin ang sagot ko. What are you going to do? Would you-"
Kusang tumaas ang kamay ko at siniguradong sapul sa mukha niya ang bolang inihagis ko. Hindi niya nagawang umilag. Tumayo ako at napapalapak dahil sa nagtagumpay ako.
"That's what I'm going to do if you continue intervening in my life, Altamirano. Ni isa sa mga taong nakahalubilo ko, walang nangahas na panghimasukan ang sarili kong buhay. Sino ka ba? Lakas ng loob mo-"
Natigil ako sa pagsasalita nang makitang nagdudugo ang kanyang ilong.
"Continue what you're saying, Dela Vega. I'm still listening you know." Despite of the blood in his nose, he still managed to show that mischievous smile on his lips.
Paano niya nagagawang maging matapang samantalang nasaktan na siya?
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Hindi ako nagpatinag sa kinauupuan. Tuluyan siyang nakarating sa aking harapan at nakita nang malapitan ang nagdudugo niyang ilong.
"Hindi ka na nagsasalita. Why?" Mahina siyang humalakhak at umiling. "Blood is just blood. Pain is just pain. Those could be cured. But mind you, there's this pain that I'm capable of giving... pain that couldn't be cured."
Umupo siya sa tabi ko at nagulat ako nang bigla niya akong akbayan.
Pinilit kong alisin ang kamay niya sa aking balikat pero mas humigpit ang pagkakahawak niya dito, na konti na lang ay masasaktan na ako.
Agad ding lumuwag ang hawak niya at marahang pinisil ang aking balikat. Hindi ako kumibo at napalunok.
"Ang kinis ng balat mo Dela Vega. Pangmayaman." Aniya. "Mayaman ka sa ganda, sa pera, sa karangyaan." Lumayo siya sa akin at tinanggal ang kamay sa balikat ko. "Pero mahirap ang kalooban mo. Mahirap ka dahil sa mabahong ugaling mayroon ka. How could you act like a matured one at your age? Napakabata mo pa para umaktong kaya mo ang lahat ng taong nakapalibot sa'yo. Napakabata mo pa para manakit ng damdamin ng ibang tao." Dumekwatro siya at pumangalumbaba paharap sa akin, binasa niya ang ibabang labi. "What am I gonna do with you, Dela Vega?"
Kinalma ko ang sarili. Hindi dapat ako magpatalo sa mayabang na ito!
Saglit kong iniwas ang tingin at nang muli ko itong ibinalik sa mukha niya ay nakangisi pa rin siya. Nag-isip ako nang gagawin hanggang sa pumasok sa isip ko ang magandang ideya.
Ginaya ko siya. Nangalumbaba rin ako at nakita kung paano rumehistro ang pagkalito sa kanyang kulay brown na mga mata.
Hindi ako nagsalita o gumalaw man lang. Tinitigan ko lang siya hanggang sa mapalunok siya at mag-iwas ng tingin.
There, I won! Hindi niya pala kaya ang makipagtitigan sa akin. Ang iparamdam pa kaya ang sakit na ginagayon niya ay magawa niya?
"Those words coming from your mouth are nonsense. Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang mga salitang inilalabas ng bibig mo."
Umigting ang kanyang panga at ibinalik ang tingin sa akin.
"Are you planning to make me fall? Are you planning to break my heart? Iyon ang ibig mong sabihin diba?" Ngumisi ako.
"Kayang-kaya kitang paibigin, Dela Vega."
"Ows?" Mahina akong humalakhak at sumandal sa sofa. Ang galing niyang magpatawa. "Ang isang banta ginagawa. Hindi 'yon dapat manatiling banta lang dahil magiging walang silbi ang nangyaring paglabas niyon sa bibig mo." Umiling-iling ako. "Make me fall. I'll make you either. May the best player win?"
Hindi siya nagsalita. Tumayo ako para iwan na siya ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko. Agad kong pinalis ang kamay niya at makahulugan siyang tinignan.
"Aalis lang ako saglit. Ni hindi pa ako nakakaisang hakbang, namimiss mo na agad ako." Matamis ko siyang nginitian. "Mahirap paibigin ang isang Tamiya Azia Dela Vega, Altamirano."
"Tamiya Azia Dela Vega Altamirano. What a beautiful name coming from your mouth. Bagay pala sa'yo ang apelyido ko."
Namilog ang mga mata ko.
Tumawa siya. "Now I got you speechless." Tumayo siya at naglakad pabalik sa dati niyang kinauupuan.
Pupulutin ko na sana ulit ang bola malapit sa kanya nang bumalik si Jemimah. Rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita ang nagdudugong ilong ni Altamirano.
"Goodness Fire! What happened to your nose?" Lumapit si Jemimah sa kanya.
"Wala ito." Ngumiti siya. "Minsan dumudugo na lang bigla ang ilong ko. Meron ba kayong bulak?"
Tumango si Jemimah. Nagkukumahog siyang umalis. Kukunin niya panigurado ang first aid kit. What a concerned Dela Vega!
"Paano mo nagagawang pasunurin ang mga pinsan kong babae sa'yo?"
Tumingin siya sa akin. "Maybe because I have this effect on girls that can make them follow me. Hindi ko na sila kailangang utusan." Ngumisi siya.
Aba, hindi lang pala siya ubod ng yabang, feelingero rin pala!
"Don't worry. Next time, susunod ka na rin sa akin kahit hindi kita utusan. Kahit ang puso mo susunod 'yan."
"Asa!" Umikot ang mga mata ko.
"Hindi ko kailangang umasa." Tumaas ang kilay niya. Hindi pa nakuntento at dumekwatro na animo'y siya ang may-ari nitong bahay."Kasi may mga bagay na hindi mapipigilan. At isa sa mga iyon ay ang pagkahulog mo sa akin."
"Woah the guts!"
"Trust me, you'll fall for me. You'll end up in my arms."
Ngumisi ako. "You're the one who will fall first, Altamirano."
Nagtagisan kami ng tingin. Hindi nagtagal at humilig siya sa kinauupuan. He's now sitting like a king. What a boastful creature!
"Baka masanay ka sa inuupuan mo. Makalimutan mong mahirap ka lang at pangmayaman ang bagay na nilalapatan ng puwit mo." I almost laughed with the term I used.
"Baka magulat ka kapag nalaman mong mas mayaman ako sa'yo."
Ngumuso ako para pigilan ang paghagalpak ng tawa. Grabe ang kayabangan niya. Asa pa siyang mayaman siya. Nakapasok lang sa bahay ng mga pinsan ko, kala mo kung sino na'ng may sinabi sa buhay.
"Lokohin mo lelang mo."
"I'm not gonna kid my grandma." Pamimilosopo niya at tumawa. "Don't worry madadala rin kita sa amin. At sigurado akong maiinlove ka sa lugar katulad ng kung paanong nainlove ka sa may-ari." Kumindat siya.
Magsasalita pa sana ako ngunit biglang dumating si pobre at lumapit sa kanya. Mas lalong kumulo ang dugo ko pagkakita sa babae.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top