Chapter 34
Chapter 34
"Busy ka pa?" Umupo ako sa tabi ni Serenity at Hera. Dumampot ako ng chocolate na nilalantakan ng dalawa. "Kung hindi mo ako masusundo, ayos lang. Dito na lang ako matutulog. Ayaw pa kasi akong pauwiin ni Serenity."
"You have work tomorrow." Lantad sa kanyang boses ang pag-aalala.
"Worrying about me would not help you. Makapapasok ako bukas. Tapusin mo 'yang trabaho mo." Paninigurado ko.
"Alright." Buntong-hininga niya. "Too bad I don't have a kiss now."
"Addicted huh?" Kinagat ko ang labi at tiningnan si Serenity. Lumayo ako saglit.
"Beyond doubt." Tugon niya sa paos na boses. "Shit Tamiya, you're seducing me!"
Natawa ako sa sinabi niya. "Baliw! Wala akong ginagawang masama!" Crossing my legs, my eyes fixated on the television.
"I know..." Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga. "It's just that, your voice naturally awakens every nerve inside me."
Isinandal ko ang ulo sa sofa at tumingin sa maliwanag na chandelier. Sobrang diin na ang pagkakakagat ko sa labi.
"Dash, ilang babae na ang nasabihan mo niyan?" Birong tanong ko.
He laughed, a sexy laugh. "Isa lang."
"Weh?" Pang-aalaska ko at hindi na pinigil ang pagtawa.
"I'm serious..." Sumeryoso nga ang kanyang boses. "I'm true to my words when it's you I speak with."
"I know." Ngumiti ako. "Swerte ko."
Hindi ko na siya hinayaang sumagot at pinatay ang tawag. Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.
Me:
Don't skip your dinner. I love you!
Matapos niyon ay iginalaw ko ang ulo. Nahuli ko si Hera na pinapanood ako at malaki ang ngisi.
"What?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Umiling siya at kinarga si Serenity. "Dinner na tayo. Para makapagpahinga ka na rin."
Walang salita akong sumunod sa kanya sa dining area. Habang naghahanda ang kanilang katulong ay nag-uusap ang magkapatid.
"Kamusta ang inang Aiza at tatang Justino?" Tanong ni Zeus.
Napatigil ako sa pagnguya at tiningnan si Altamirano.
"They're good. Tinatanong nga kung kailan kayo dadalaw doon." Pinunasan niya ang labi at tumitig sa kanyang pagkain.
"Uuwi kami sa hacienda. Mga May siguro." Nilingon ni Zeus si Hera. "What do you think?"
"Pag-uwi natin galing Fortress." Tugon ni Hera. Isinipit niya ang ilang hibla ng buhok ni Serenity sa tenga nito.
Sumimsim ako sa aking baso. Kilala pa kaya ako ng Inang Aiza at Tatang Justino?
Matapos kumain ay bumalik kami sa sala. Nanunuod ang magkapatid ng wrestling at si Hera naman ay inihiga ang anak sa kanyang kandungan.
"Let's go to your bar." Aya ni Altamirano sa kapatid, ang tinutukoy ay ang ZEUS.
"If you want to get drunk, later. Sa mini bar tayo." Itinutok ni Zeus ang kanyang mga mata sa TV.
"Baby, don't drink too much. Serenity will sleep beside us." Paalala ni Hera.
Nilingon ni Zeus si Hera at matamis na ngumiti. "Yes, madame."
Aksidenteng napatingin ako sa gawi ni Altamirano. Kumunot ang noo ko nang makitang nakatingin siya sa akin. Nakadekwatro siya at nakapangalumbaba.
Iniwas ko ang tingin sa kanya ngunit nang balikan ko siyang muli ay tila ay hindi man lang siya kumurap sa pagtitig sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. May kinuha siya sa kanyang bulsa, ang cellphone niya.
"Hello, Forrah..." Saka lang siya nag-iwas. "Okay. I'll pick you up tomorrow morning."
"'Di ba magagalit si Forrah? Mag-iinom ka na naman." Tanong ni Zeus at inilipat ang channel ng TV, tapos na kasi ang wrestling.
"Di 'yun." Walang emosyon niyang sabi. "Tara."
"Baby..." Tawag ni Hera.
"Konti lang, promise. May pag-uusapan lang kami ni Fire." Tumayo siya, ganun din si Altamirano.
Naiwan kaming tatlo. Binalingan ko si Hera na nakatingin na rin sa akin.
"Saan na naman ba pumunta si Forrah?" Inilagay ko ang mga paa ni Serenity sa aking kandungan. "Kanina pa 'yun umalis diba?"
"Sa friend niya." Hinaplos ni Hera ang buhok ng anak. Bumagsak ang tingin niya dito.
Tulog na si Serenity kaya't dahan-dahan niya itong binuhat at tumayo.
"Narinig ko na doon matutulog." Isinubsob niya ang bata sa kanyang balikat. "I'll be back. Ihihiga ko lang."
Sumandal ako at ipinikit ang mga mata. Hindi nagtagal ay tumayo ako para na rin magpaantok. Tumungo ako sa mini bar at kumuha ng wine glass. Naglagay ako dito ng wine.
Ramdam kong nakatingin sa akin ang magkapatid. Nilingon ko sila at nginisihan. Umupo ako sa stool.
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo. Tumahimik kasi kayo nang dumating ako." Panimula ko.
Hindi pa sila nagtatagal dito ngunit namumula na siya.
Tumikhim si Zeus. "We won't stop if it's okay to be heard." Nilingon niya ako at uminom sa kanyang baso. "What do you think about my brother-"
"Kuya Zen!" Pigil ni Altamirano. He downed the liquor and grabbed the bottle from his brother's hands.
"I just want to know." Kibit-balikat ni Zeus.
Umiling-iling si Altamirano.
Iginalaw ko ang kamay at pinanood ang pag-ikot ng wine sa loob nito. "What do you want to hear from me, Zeus?" Tanong ko at sumandal sa bar counter.
"Naka-move on ka na ba talaga?" Walang pagsasala niyang sabi.
Hindi ko napigil ang aking tawa. "You guys are already drunk! Sasandali pa kayo dito."
"Answer me, Tamiya." Mabilis na sabi ni Zeus.
"Kuya-"
"Ako ang nagtatanong Fire. 'Wag kang mangialam dito."
Iniwas ni Altamirano ang tingin at tinungga ang baso. Isang inuman lang ang laman niyon.
"Tami, where are you?" Boses iyon ni Hera. Hindi nagtagal ay nagpakita siya sa entrada ng bar counter. "You're drinking too?"
Kinuha ko ang wine at ang baso. Iniabot ko ito sa kanya. "I wouldn't let myself dwell from the folly of the past." Tumayo ako at malalim na tinitigan si Altamirano. "Hindi ko alam kung bakit tinatanong niyo ako tungkol dito. Naka-move on na tayo pareho diba? 'Wag nang ibalik ang nakaraan kasi nakakairita e. Nakakagago. We both have our own lives. May boyfriend ako, may girlfriend ka. Mahal ko siya, mahal mo siya."
Hinawakan ni Hera ang aking braso. "Tami..."
"Sa totoo lang, walang-wala ka kay Dash. Saksakan ka kasi ng gago. Siya, saksakan siya ng talino dahil ako ang minahal niya."
Inalis ko ang hawak ni Hera sa akin. Nilagpasan ko siya. "Kuha ka pa ng isang wine glass. Samahan mo ako." Pahabol ko.
Umakyat ako sa guest room kung saan ako madalas matulog. Bumukas ang pinto at pumasok si Hera.
Dala niya ang mga pinahawak ko. Umupo siya sa kama at tumitig sa akin.
"Are you okay?" Hindi maitatanggi ang concern sa kanyang boses at mukha.
"What kind of question is that? Syempre naman." Kinuha ko sa kanyang kamay ang isang baso pati ang bote ng wine. Sinalinan ko ang akin at ang kanya.
"Pagpasensyahan mo na si Zeus." Aniya.
Natigil ako sa pag-inom.
"'Pagdating lang talaga sa kapatid niya ay ganun siya. He loves his younger brother so much." Dagdag niya.
Inilapag ko sa bedside table ang baso at wine. Sumandal ako sa headrest ng kama at tipid na ngumiti. "Namimiss ko tuloy si Dash."
Sumampa rin siya at tinabihan ako. Nilaro niya ang basong hawak at nilingon ako.
"Mahal mo si Dash. I can see it." Umiling siya at ilang sandaling tumahimik, tila may iniisip. "Naalala mo nung mga bata pa tayo? Noong binato mo ako ng bote ng pulbos kaya ako nabungi?"
Hindi ko napigil ang aking tawa. Ngumisi siya at tumingin sa kisame.
"I cursed you that day. I never expected it would really happen. May lalaking nanakit sa'yo."
"Hera, let's stop talking about this."
Umiling siya. "Hindi ko akalaing magkakatotoo ang sinabi ko."
"So you mean you believe in karma?" Nalukot ang aking noo. "Ang weird mo talaga."
Nagkibit-balikat siya. Inilapit niya sa akin ang baso at sinalinan ko ito.
"Pero Tami, what if he still has feelings for you? What are you gonna do?"
Hindi na ako nagtaka sa kanyang tanong. Inaasahan ko na ito.
"Nothing." Tugon ko.
Tumangu-tango siya. Binuksan ko ang TV dahil wala nang nagsalita pang muli sa amin. Hindi nagtagal ay lumabas na rin siya dahil inaantok na.
Kinuha ko ang pinag-inuman namin at bumaba sa mini bar para ibalik ang hindi naubos na wine.
Madilim. Bubuksan ko na sana ang ilaw nang marinig ko ang pamilyar na pagtikhim.
Hinanap ko siya. Naroon pa rin siya at umiinom. Nakadekwatro at kahit hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha ay ramdam kong sa akin siya nakatingin.
"Dela Vega..."
Hindi ako nagsalita. Inilagay ko ang wine sa loob ng fridge. Ilang hakbang lang ang layo niya sa akin.
Patalikod na ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo.
"Umakyat ka na sa kwarto mo." Sinigurado kong wala siyang makakapang emosyon sa aking tono.
Humigpit ang hawak niya sa akin. Hinigit niya ako at mahina akong napamura nang isandal niya ako sa counter.
Umahon ang kaba sa aking dibdib."Altamirano!"
Niyakap niya ako at idinikit ang index finger sa aking mga labi. "Shh. Baka marinig nila tayo."
"Bitawan mo ako!" Mariin kong utos.
Pero mas lalo niya akong kinulong at hinawakan ang magkabila kong tagiliran. Kita ko ang kanyang paglunok sa kabila ng dilim.
"Don't be scared. I'm not going to do something bad."
Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang bibig. Hinawakan ko ang dibdib niya ngunit kinuha niya ito at dinala sa tapat ng kanyang puso.
Umigting ang panga ko at mariin na napapikit.
Idinikit niya ang noo sa aking noo. "7 years. 7 f ucking years, I made myself believe I could forget."
Muli ko siyang tinulak ngunit muli niya akong isinandal. "Ano ba? Pakawalan mo nga ako, inaantok na ako!"
"Pinakawalan na kita noon. Hindi ko na iyon kayang gawin ngayon." Hinalikan niya ang noo ko. Lumandas ang daliri niya sa tangos ng aking ilong hanggang sa dumapo ito sa aking labi. "Hindi ko kayang makita na masaya ka sa iba. Hindi ko kayang iba ang nakakakita ng matamis mong ngiti. Hindi ko kayang makita na hinahalikan ka niya. Hindi ko kaya, Dela Vega."
Bumilis ang paghinga ko. Idinikit niya ang katawan sa akin. Nagtaasan ang aking mga balahibo nang ilapit niya ang labi sa aking tainga.
"Selfish asshole!" Mariin kong sabi at pilit siyang itinutulak. "Shit, aren't you gonna let go of me?" Nag-ipon ako ng lakas.
Umiling-iling siya. Nang makakuha ako ng tyempo ay buong pwersa ko siyang itinulak. Napaatras siya at nagmamadali akong umakyat sa kwarto. Isinara ko ang pinto at hinihingal na umupo sa kama.
Kinuha ko ang cellphone sa bedside table at tinawagan si Dash.
"Dash..." Kinalma ko ang aking paghinga. "Dash are you awake?"
"Yes, Tami. Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong. "I can hear your heavy breathing. What's wrong?"
Ilang segundo bago ko naayos ang aking paghinga. "Wala... naglaro kami ni Serenity." Pagsisinungaling ko. "Hindi pa kasi natutulog. Ayun, kinailangan ko munang pagurin."
"Are you sure you're okay?" Tanong niya.
Inayos ko ang kumot at humiga. Kinuha ko ang isa pang unan sa aking ulunan at niyakap ito. "I miss you, Dash."
"I miss you too. 'Wag kang mag-alala. Susunduin kita bukas-"
Hindi ko na naitindihan ang mga sunod niyang sinabi nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako dito at inakalang si Hera ang pumasok.
Namilog ang aking mga mata nang makita siya. Napabalikwas ako ng bangon.
"Shit." Mahina kong mura.
"Hey! What's happening?" Tanong ni Dash.
Inilock ni Altamirano ang pinto at pinatay ang ilaw. Marahan siyang lumapit patungo sa akin.
"Wala. Wala, Dash. May daga lang akong nakita." Kinagat ko ang labi. "Bye. See you tomorrow." Nagmamadali kong sabi.
"I love you." Aniya.
"I love you too." Mabilis kong tugon. Pinatay ko ang tawag at tumayo.
Paalis na ako nang hawakan niya ang braso ko at hinigit ako pahiga sa kama. Wala na siyang pang-itaas at sobra ang pagpapawis ng kanyang katawan.
"Dela Vega, hindi mo lang alam kung gaano kita namiss." Niyakap niya ako at isinubsob ang mukha sa aking leeg.
Hinampas ko ang dibdib niya. "Tangina, Altamirano!" Sigaw ko.
"Murahin mo ako. Pumiglas ka, sige lang." Dumapo ang labi niya sa balat ko.
Nagdulot ito ng matinding kilabot sa akin.
"I'll make you mine again, Dela Vega." Mababaw na kagat ang iginawad niya sa balat ng aking leeg. "'Pag sinabi kong akin, akin lang. Magalit ka na. Kamuhian mo ako. Wala akong pakialam."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top