Chapter 33

Chapter 33

"Tamiya nandito ka na pala. Where's Dash?"

Nilingon ko si Hera na lumabas sa direksyon ng kusina. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Serenity. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Zeus.

"He's outside. Kinukuha 'yung binili namin sa mall kanina." Tugon ko.

"Para saan?"

"For my pretty niece!" Bumaba ang tingin ko kay Serenity at kinindatan siya. "Wait for your tito Dash, okay?"

"Okay..." Ginaya niya ang pagkindat ko.

Natawa kaming lahat. Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi. Napalingon ako sa direksyon ng pinto nang tumingin doon si Hera.

"Hello Dash!" Pagbati niya.

My attention focused on him as he strode toward us. Lumuhod siya sa tapat ni Serenity.

Awtomatikong tumaas ang kamay ng bata sa tainga niyang may hikaw.

"Handsome." Serenity mumbled as she stared at him.

"What did you say, baby?" Singit ni Zeus.

"Handsome." Ulit ni Serenity.

Natawa kami ni Hera, tumitig ako kay Dash. Napansin ko ang pawis sa kanyang noo. Mula sa aking bulsa ay dinukot ko ang panyo at pinunasan ang kanyang pawis.

Tumikhim si Hera kaya't muli ay nakuha niya ang aking atensyon.

"Tamiya... may papakilala ako sa'yo." Bumaling siya sa direksyon ng asawa at ni Altamirano. "Fire, si Tamiya. Tamiya si Fire."

Pilit akong ngumiti.

"And Fire, si Dash nga pala, boyfriend-"

"I know." Putol ni Altamirano kay Hera. He cleared his throat and smiled, a forced smile. "Salamat nga pala sa paghatid sa akin noong isang gabi sa hotel. Sorry for the ado."

"That's nothing." Tugon ni Dash. Binalingan niya ako.

"Where's Forrah?" Biglang tanong ni Zeus.

Iginala ko ang paningin, ganoon din ang ginawa nila. Lumapit sa akin si Hera at hinawakan ako sa braso.

"Let's go to the kitchen, lunch is ready."

Tumango ako at sinenyasan si Dash na sumunod. Hinawakan niya ang kamay ni Serenity at nasa likod naming kinausap ang bata.

"Nasaan kaya si Forrah?" Wala sa sariling tanong ni Hera.

Tumikhim ako at umupo sa isa sa mga upuan. Pinagmasdan ko ang mukhang masasarap na pagkaing nakalatag sa table.

"Actually, I bumped into her as I entered your door. She looked like she's going out."

"She's outside. Nakaupo sa veranda. Iyon ba ang ginagayon ninyong Forrah?" Kunot-noong tanong ni Dash at naupo sa aking tabi. Kinandong niya si Serenity.

"Ang init-init dun."

Napatingin kami sa entrada ng kusina nang marinig ang dalawang boses na nag-uusap. Nakahawak si Altamirano sa baywang ni Forrah at nakaigting ang panga. Tahimik lang kami na pinanood si Altamirano na inalalayan si Forrah pag-upo.

"Look at yourself! You're pale." Hinawakan niya ang mukha nito at pinunasan ang pawis sa gilid ng mukha.

Umarko ang kilay ko nang makitang namumutla nga ang mukha ni Forrah.

"Have you seen a ghost?" Pag-agaw ko sa pansin nila. Tumunghay si Forrah para tingnan ako. "Kabung-tanghali mukha kang nakakita ng multo."

Umiling siya at muling tumungo.

"Or probably you have seen a beautiful ghost, ghost you haven't seen for a long time."

Nilingon ko si Hera at katulad ng inaasahan ay mababasa sa mukha niya ang pagtataka. Nang tingnan ko si Altamirano ay nakakuyom ang kamay niya sa ibabaw ng mesa.

"Tama na nga ang drama. Let's eat!" Aya ko nang wala ni isa ang umimik sa kanila.

Naglagay ako ng pagkain sa aking plato, at maging kay Dash. Kinuha na rin ni Hera ang anak at pinakain.

"Hera, do you wanna go to Palawan this summer?" Tanong ko matapos nguyain ang pagkain sa bibig. "Dalhin ninyo si Serenity. Kahit 1 week lang kayo."

"After our shoot. Maybe last week of april." Nilingon niya ang asawa. "What do you think?"

"Do you want to?" Tanong ni Zeus at pinaglagay si Hera ng juice sa baso. "Kahit saan mo gusto."

"How about you Forrah?" Mahinang tanong ni Altamirano.

"You two can go with us." Singit ni Hera sa dalawa.

Akmang iiling si Forrah nang unahan ko siya. "Libre naman pag pumunta kayo. You don't have to worry about the expenses."

Tumunghay si Altamirano at walang emosyon akong tinitigan. "We can pay." Malamig niyang tugon.

Kumawala ang ngisi sa aking mga labi. "O, wala naman palang problema, Forrah. 'Wag nang mag-inarte. Pasalamat ka mayaman ang boyfriend mo-"

"Shut up, Dela Vega!" Mariin na sabi ni Altamirano.

"Hey..." Ibinagsak ni Dash ang mga kubyertos.

Hinawakan ko ang kanyang kamay bago pa siya makatayo.

"Bakit mo sinisigawan si Tamiya?"

Naramdaman ko ang tensyon sa ere. Nang lingunin ko si Altamirano ay nakatitig siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ni Forrah at tumayo.

Iniwan nila kami at awtomatikong gumala ang tingin ko sa mag-asawa.

Si Zen ay nakatingin lang sa hapagkainan at si Hera ay sa kanyang anak naman nakatutok ang pansin.

Biglang tumunog ang cellphone ni Dash. Napalingon kami sa kanya.

"Excuse me." Paalam niya sa amin. "I'll just answer this one."

Naiwan kami at ngayon ay nasa akin na ang atensyon ng dalawa. Sumandal ako sa upuan at kinunotan sila ng noo.

"What?" Tanong ko.

"May problema ka ba kay Forrah, Tami?" Seryoso ang mukha ni Hera. "Don't you like her?"

Binitawan ko ang kutsara at uminom sa aking juice. "Wala." Kibit-balikat ko. "I didn't say something wrong, did I? Ang maramdamin naman ng babaeng 'yun."

"You're harsh to her." Giit niya.

Muli akong bumaling sa aking pagkain. Alam kong nagtataka si Hera dahil sa ikinikilos ko pero ayoko munang sagutin ang mga tanong na naglalaro sa mga mata niya.

Hindi nagtagal ay ibinalik na rin nila ang atensyon sa pagkain at si Dash ay nagpaalam na kailangan na niyang umalis.

"Bakit ang aga? It's only twelve." Tumingin pa ako sa aking cellphone para icheck ang oras.

"Our client just arrived. It's urgent." Hinawakan niya ang pisngi ko. "I'll fetch you later, okay?" Binigyan niya ako ng matamis na halik sa labi bago umatras.

"Take care, Dash!" Paalala ko.

Tumango siya. "Hera, Zen... I need to go. Thanks for the lunch." Ngumiti siya nang balingan si Serenity. "Bye, pretty!"

Muling kumindat si Serenity, hindi ko napigilan ang aking tawa.

Napagpasyahan naming pumunta sa pool matapos ang lunch. Pinapanood namin ni Hera ang mag-ama na naglulublob ng mga paa sa tubig.

"Tamiya-"

"They're my classmates in highschool." Nilingon ko siya at pinaikot ang dulo ng daliri sa nguso ng baso kong may lamang juice.

Hinihintay niya ito. Wala na akong dahilan para itago pa sa kanya ang totoo.

"Pinakiusapan ko ang mga pinsan natin na huwag ipaalam sa'yo ang totoo. Isa sa mga dahilan kung bakit sumama ako kila mommy sa US ay siya." Sinulyapan ko siya at nginitian.

Kitang-kita sa mukha niya na naguguluhan siya. "Sino?"

"Fire Altamirano." Paglilinaw ko.

"What do you mean?"

"He's my ex." Tugon ko.

Namilog ang mga mata niya, kusang dumapo ang kamay sa bibig.

"Thanks to your husband. Hindi niya sinabi sayo ang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya." Sinulyapan ko ang asawa niya. "Walang kasalanan si Zeus pero sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang kahayupang ginawa sa akin ng kapatid niya."

"Until now?" May lungkot sa kanyang boses at tila hindi pa rin makapaniwala sa inilahad ko.

"Hindi na. Naka-move on na ako. I have Dash now." Kinagat ko ang ibabang labi sa pagpipiit ng ngiti.

Nagkuwentuhan pa kami at panay ang tanong niya sa mga nangyari. Nang matapos ay napabuntong-hininga siya na tila kanina pa niya iyon iniipon.

"Nung sinabi mo lang sa akin ang tunay na pangalan ni Zeus, doon ko nalaman na ang Zen pala na kapatid ni Altamirano at Zen Eulysis mo, ay iisa." Inalis ko ang pagkakatali ng robe na pinalooban ko ng two piece na pinahiram niya. "Sure ka na hindi mo pa nagagamit ang bikini na 'to?" Biro ko nang makitang seryoso pa rin ang kanyang mukha.

Hinampas niya ang balikat ko at sabay kaming tumawa. Tinanggal na rin niya ang tali ng robe.

Nilingon ko ang gawi ni Zeus at nakitang pinapanood na niya ang asawa. Bumagsak sa paanan ni Hera ang roba at nilingon ako. Naglakad siya malapit sa pool at walang lait na nagdive.

Lumangoy siya patungo sa direksyon ng kanyang mag-ama. Awtomatiko akong napalingon nang makita sa gilid ng aking mata ang paparating na sina Altamirano at Forrah.

Forrah was wearing a white two piece bikini that flaunted her tan skin. Nakayakap siya sa bewang ni Altamirano at maaliwalas ang kanyang mukha.

Humiwalay siya at gamit ang isang kamay ay hinubad ni Altamirano ang suot na sando. Sinunod niya ang sweat pants.

Naglakad si Forrah patungo sa pool. Pumasada ang mga mata ko sa katawan niya. His six pack abs and V-lines, everything about his body was perfect!

Tumingin siya sa gawi ko at agad kong iniwas ang tingin. Hinubad ko ang aking bun at bumagsak sa likuran ko ang mahabang buhok. Sinuklay ko ito gamit ang kamay bago tuluyang hubarin ang roba.

Ngumiti ako nang mapansing nakatingin sa akin si Serenity at Hera. Bumaba ako sa pool at lumangoy patungo sa kanilang direksyon.

"Come here, Serenity." Aya ko.

Sumama sa akin ang bata. Ngumuso siya habang lumalayo kami sa kanyang mommy at daddy. Hinalikan ko ang kanyang lips.

Mahigit dalawang taon lamang siya ngunit napakatino na. Sigurado akong namana niya sa ina ang matalas na memorya.

Tumungo kami sa may hagdan at nilaro siya. Iniupo ko siya sa kandungan. Sa gilid ng aking mata ay pansin ko si Forrah na may ibinubulong kay Altamirano.

"Tita..."

"Hmm?" Tiningnan ko ang magandang mukha ni Serenity.

Yumakap siya sa akin at hindi ko napigil ang pagngiti.

"You're such a sweet kiddo!" Niyakap ko rin siya at hinalikan sa pisngi.

Hindi nagtagal ay napansin ko ang pag-ahon ni Forrah. Napatingin ako kay Altamirano na sinusundan siya ng tingin.

"Where is she going?" Malakas na tanong ni Hera.

Nakaupo siya at si Zeus ay nakalublob sa pool. Nilalaro niya ang buhok nito.

"CR." Tipid na sagot ni Altamirano.

Hindi nagtagal ay lumapit siya sa amin. Iniwas ko ang tingin nang nasa harapan ko na siya at kinalbit si Serenity.

"Baby..." Malambing niyang usal. "Come here."

Iniharap ko si Serenity sa kanya at hindi inaasahang nagtagpo ang aming mga mata. Walang emosyon ang kanyang mukha.

Muling yumakap si Serenity sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang tagiliran ng bata. Bumagsak ang tingin ko nang maramdaman ang likod ng kanyang kamay na dumampi sa aking balat.

"Sorry..." Mabilis niyang sabi ngunit hindi pa rin inaalis ang kamay sa tagiliran ng bata. "Serenity, halika. Play with tito."

Umiling ang bata.

"She doesn't want to come with you." Sabi ko nang ayaw pa ring bumitaw sa akin si Serenity.

Umupo siya tabi ko kaya't agad akong umusod. Napagitnaan kami ng katahimikan. Tiningnan ko si Zeus na hinigit si Hera sa tabi at kinulong.

Iniwas ko ang tingin nang magsimulang maghalikan ag dalawa. Umiling ako at pinanatiling nakayakap ang bata para hindi makita ang ginagawa ng kanyang mga magulang.

"Sorry kanina." Tumikhim siya. "Hindi ko sinasadyang sumigaw."

Hinaplos ko ang likod ni Serenity at hindi nagsalita.

"You didn't even change, did you?"

Napilitan na akong lingunin siya. Titig na titig siya sa akin.

"Anong pakialam mo?" Umangat ang labi ko at awtomatikong umarko ang kilay. "Ako nga, wala ng pakialam sa'yo."

Dumiretso ang kanyang tingin at mahinang tumawa. "Ang sakit mo pa ring magsalita."

Umirap ako at umusod pa para magkaroon ng espasyo. Niyuko niya si Serenity sa aking balikat. Napalunok ako nang maradaman ang hininga niya dito.

"Matagal na kayo ng boyfriend mo?"

Hindi ako sumagot.

"Dela Vega..."

Muli ko siyang binalingan. Nakatunghay siya sa akin at pakiramdam ko ay tinutusok ako ng kanyang tingin. Hinawakan niya ang kamay ni Serenity sa aking balikat kaya't napatingin ako dito.

Hindi ko maintindihan kung bakit bumigat ang aking paghinga. Hinaplos niya ang kamay ni Serenity, tumatama ang daliri niya sa aking balat.

"You really didn't even change." Halos pabulong niyang sabi. "Napakaganda mo pa rin."

Iniwas niya ang tingin at ngumisi. Kakaiba ang init na dumaloy sa aking mukha.

"Dash is a lucky man."

Napatingin ako sa kamay niyang bumagsak sa kanyang hita.

"How did you say that?"

Kinagat niya ang labi. Kumuha siya ng tubig gamit ang kamay at ibinuhos ito sa kanyang ulo. Muli niya akong binalingan.

"Ako rin kasi." Tumayo siya at tinalikuran ako. "I was the luckiest man 7 years ago."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top