Chapter 31

Chapter 31

"Altamirano..."

Hindi ko akalaing pagkatapos ng ilang taon ay muli kaming magkikita. This meeting was a far cry from my expectation.

Akmang lalapit siya sa akin nang marinig ko ang malakas na pagtikhim.

Sa gilid ng isang kulay itim na sasakyan ay nakasandal ang isa pang lalaki. Naghalukipkip siya at nalukot ang noo. Umalis siya sa pagkakahilig sa sasakyan at naglakad palapit sa amin. Sinulyapan ko si Altamirano na nasa aking harapan, ngunit agad ding ibinalik kay Dash nang maramdaman ang paggapang ng kamay niya sa aking baywang.

Ngumiti siya pero halata sa kanyang mga mata ang inis. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa aking baywang at marahan itong hinaplos.

"Who is he?" Bulong niya sa akin.

Hindi ako sumagot. Ngumisi ako at muling tiningnan si Altamirano. "It's nice to see you again after... how many years?"

Lumarawan sa kanyang mga labi ang isang ngiti. "Seven." Tipid niyang tugon.

Tumango-tango ako. "You don't forget huh? Surprising!" Mahina akong tumawa at binalingan si Dash.

"Let's go..." Aya niya, halata pa rin sa boses ang inis.

"Alright." Nagpatangay ako sa kanya. Hindi ko na nilingon si Altamirano at tumungo kami sa kotse.

Pinagbuksan ako ni Dash at nang makapasok ay agad siyang umikot.

Kumportable na ako sa aking upo nang mapansin na hindi pa rin umaalis si Altamirano sa kanyang kinatatayuan. Pinihit niya ang katawan at tumingin sa gawi namin.

Kahit madilim ay maaaninag pa rin ang makisig niyang katawan. His stance couldn't hide the confidence he possessed.

Tumikhim si Dash kaya't napabaling ako sa kanya. Tumingin siya sa direksyon ni Altamirano at sa akin.

"You're spacing out."

Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa steering wheel.

"Sino ba talaga ang lalaking 'yun-"

"He just got my attention. Pinagkakaguluhan siya ng mga babae sa loob." Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin.

"At isa ka sa mga nakigulo para malapitan ang lalaking 'yun?" Iniwas niya ang tingin sa akin.

Tumawa ako dahilan nang pag-igting ng kanyang panga. Lumapit ako sa kanya at hindi na nagulat sa paghawak niya sa aking braso.

"Hindi ako ang lumalapit sa mga lalaki, sila ang lumalapit sa akin." Bumagsak ang tingin ko sa kanyang kamay. "You know me, Dash. You shouldn't have thought I did something like that." Seryoso kong sabi at inalayo ang sarili.

"I'm sorry..." Aniya.

Isinuot ko ang seatbelt at hindi na nagsalita.

Isang taon na kaming magkakilala. We met at the bar same as how I had met my exes. Hindi ko ikakailang ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ako manhid at hindi rin ako impokrita para magsinungaling sa aking sarili. Mahal ko siya at sa anim na buwang panliligaw niya ay alam kong may pag-asang lumalim pa itong nararamdaman ko.

"Tamiya..." Usal niya sa paos na boses.

Ipinokus ko ang tingin sa daan. "You don't have to feel insecure. I have turned down guys who wanted to date me for the last six months."

Hinagilap niya ang kamay ko kasabay nang pagpipigil ko ng ngiti.

"Highschool pa lang ay na-love at first sight ka na sa akin diba?" Pinihit ko ang ulo sa kanyang direksyon.

Gusto kong matawa dahil sa gulat na reaksyon ng kanyang mukha. Matagal ko na itong gustong sabihin sa kanya ngunit ayoko siyang mapahiya.

"Dash, do you think I forgot that day?" Tinitigan ko ang mukhang walang ginawa kundi ang pasayahin ang araw ko sa mga nagdaang buwan. "That day in our school, when a weird guy sat across me telling that he was wrong for turning down his dad's suggestion to study there." Umiling ako at hinawakan ang maliit na dyamanteng hikaw sa kanyang kaliwang tainga. Hinaplos ko ito. "Alam mo bang mukha kang tanga nun?"

Nilingon niya ako. Napakagat ako sa labi nang mapansing pinipigil niya ang kanyang ngiti.

Umigting ang kanyang panga at hinawakan ang aking kamay. Natawa ako at ipinagpatuloy ang pagtitig sa kanya.

Gwapo siya. His bad boy mien could make every woman swoon. He had deep-set eyes and thick eyebrows. Matangos ang ilong at may magandang hugis ng mga labi. Madalas gulo ang kanyang buhok ngunit mas nakadaragdag lang iyon sa karisma niya sa mga babae pati na rin sa mga... binabae.

"Stop staring, I can't focus on driving!" May halong inis ang kanyang boses. Bumitaw na rin siya sa kamay kong nilalaro ang kanyang hikaw.

Binawi ko ang aking kamay. Natatawa akong umayos ng upo.

"How did you know that I'd go there? I didn't answer your calls." Ang tinutukoy ko ay ang Domino, ang bar kung saan niya ako sinundo.

"I called Jillian." Tipid niyang sagot.

"Ang babaeng 'yun talaga!" Napairap ako. "Anyway, can you fetch her there? Baka kasi hindi na iyon makapagdrive. Gusto ko siyang balikan kaso-"

"Susunduin ko siya pagkatapos kitang ihatid."

"Thank you, Dash."Ngumiti ako.

Nilingon niya ako at ngumisi. "Anything for my woman."

Lumawak pa ang aking ngiti. Hindi nagtagal ay ipinarada na niya ang sasakyan. Busy siya nitong mga nakaraang araw dahil pinaghahandaan nila ang birthday ni tita. Hindi ko siya masamahan dahil hectic din ang schedule ko.

"Dad's inside. Gusto mo pang pumasok?"

Hindi siya sumagot at sumandal sa headrest. Tinitigan niya ako.

"What?" Hindi ko napigilan ang aking ngiti.

Hinawakan niya ang aking kamay at nilaro ito. "I want an answer now, Tamiya."

Hindi ko ipinahalata ang gulat dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalaing ngayon niya ito hihingin sa akin.

"Why now?" Tanong ko. "Sinagot na kita noon pero sabi mo ay hindi pa iyon ang tamang oras."

"You're just attracted to me that's why I didn't accept your yes. Isang linggo pa lang kitang nililigawan nun." Bumuntong-hininga siya.

"And now you're pressuring me?"

"I am not. Gusto ko lang na may panghawakan ako. Natatakot ako dahil madaming babae ang gustong landiin ako ngayon."

Hinampas ko siya sa braso at sinamaan ng tingin.

Inilapit niya ang sarili sa akin at dinala ang isa pang kamay sa aking pisngi. Hinaplos niya ito. "I want your answer now 'coz I think it's the best time to hear it."

Sumilay ang ngiti sa aking labi. Tumitig ako sa kanyang mga mata at tumango. "Yes."

He bit his lower lip. Humagod ang tingin niya sa aking mukha hanggang sa tumigil ito sa aking mga labi. "Yes, I guess it's time to kiss these lips without restriction." Bumaba ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kanyang hininga na tumama sa aking mga labi.

He kissed me. A kiss that could seal our relationship.

Matagal ko na ring hinintay ang oras na ito. Inaamin ko na hindi ko na alam kung ilan ang naging boyfriend ko. Well, some of them were just flings. Just to be sure that I could divert my attention from the pain that dwelled in my chest for a long time, I did that. But this time, I knew it was different.

Humiwalay ako at idinikit niya ang noo sa akin. "You're really different. I love you."

"I love you too."

Napahiwalay siya sa akin dahil sa gulat. Nakatigilid akong sumandal sa headrest ng aking inuupuan at mahinang tumawa.

"W-what did you say?"

"I love you too." Ulit ko.

"Damn it..." Mahinang mura niya.

Umiling ako at humawak sa pinto ng kotse. Akmang lalabas na ako nang pigilin niya ako at muli itong isara. He kissed me again.

Natatawa kong ipinulupot ang mga kamay sa kanyang batok, siya ay ipinulupot ang bisig sa aking baywang.

Nang maghiwalay kami ay pareho kaming hinihingal. Itinulak ko ang kanyang dibdib ngunit mahigpit niya akong niyakap.

"Don't go to a bar without me." His voice was husky.

"Akala ko, sasabihin mo na nang tuluyan na 'wag na akong pupunta ng bar." Nilaro ko ang kanyang buhok.

"I won't stop you from doing the things you love to do."

"Understanding boyfriend!" Natatawa kong sabi. Mahina kong sinampal ang kanyang pisngi bago muling humiwalay. "Asan na ang malanding Dash?"

"Nandito pa rin, pero ikaw na lang ang nilalandi." Ngumisi siya at isinipit ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tainga.

Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako. He snaked his hand around me before walking inside the house.

Nadatnan namin si dad sa sala na nanunuod. Kusa siyang lumingon nang maramdaman ang pagdating ko.

"Dad..."

Hinalikan ako ni Dash sa ulo at nginitian si daddy. "I'm going home sir. Hinatid ko lang si Tamiya-"

"Kayo na ba, hijo?"

Nilingon ko si mommy na mukhang galing sa kusina. May dala siyang gatas at nilagpasan kami. Dumiretso siya kay daddy at nagpaskil ng ngiti.

"Yes, ma'am. She just said her yes to me minutes ago." Proud niyang sabi.

"Oh!" Tumango-tango ang mommy na tila inaasahan na itong mangyari.

"Wag ka munang umalis. Mag-usap muna tayo sandali tungkol sa Tamiya ko." Sabi ni Dad.

Bumitaw ako kay Dash at tumalikod. Napangiti ako dahil sa inaasta ng mga magulang ko sa harap niya.

Tumungo ako sa kusina at nakita ang pizza sa mesa. Kumuha ako ng tray at platito para ipaghanda si Dash.

Madami na ang nagbago simula noong gumraduate ako ng highschool. Sumama ako sa mga magulang ko sa Amerika at doon nagbagong buhay. Nakapagtapos ako ng college at ang ginawa ko ay ang magpabalik-balik dito at doon dahil na rin kailangan ako sa negosyo dito sa Pilipinas.

Maayos na ang relasyon namin ng aking mga magulang. Noong dalhin nila ako sa US ay ipinaintindi nila sa akin ang mga nangyari. Kaya pala sumama ang mommy kay dad at iniwan ako dito noong bata pa ako ay dahil kailangan nitong magamot. May sakit sa puso si dad. Katulad ng sakit na pumatay sa pinsan kong si Henna.

That time, naintindihan ko sila. Hindi nila ipinaalam ang kalagayan sa akin ni dad dahil ayaw nila akong masaktan. Kahit na ang totoo ay mas nasaktan ako sa pagtatago nila sa akin ng totoo.

Tumunog ang cellphone ko sa aking purse. Kinuha ko ito sa loob at nakitang si Jillian ang tumatawag.

"Hello, Jill!"

"Tamiya!"

Napahaplos ako sa buhok nang marinig ang kanyang lasing na boses. "Jill, hindi ba't sinabi kong-"

"Fire is here beside me. He's damn drunk!"

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. "Hindi ba't sinabi ko na 'wag kang magpapakalasing?"

"Bakit? Friday kaya ngayon uy! Off ko bukas!" Sigaw niya dahil sa lakas ng musika sa bar. "Ang gwapo pa rin nitong unggoy na nanloko sa'yo ano? Kanina pa siya pinagkakaguluhan ng mga malalanding babae dito sa likod ko. They want to bring Fire in a hotel! Balak atang rape-in!" Tumawa siya.

"Jill, you're seriously sozzled!"

"Halatang iniiba mo ang usapan!" Halos hindi na siya makapagsalita nang matino. "Pero Tami, paano 'to? Hindi ko alam kung paano tutulungan 'to? Lasing na lasing eh!"

Napatingin ako sa entrada ng kusina nang maramdaman ang presensya ni Dash. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko.

"Who's that?"

"Jillian." I mouthed. Inilayo ko muna ang cellphone at bumuntong-hininga. "Sunduin mo na siya."

"Oo... nagpaalam na ako sa parents mo."

Tumango ako at itinuro ang pizza. "Kain ka muna, kahit isa lang."

"I already had my dinner." Inginuso niya ang mga labi ko.

Hinampas ko ang balikat niya at inirapan. "Sira ka!"

"Seriously, kumain na ako."

Naglakad kami palabas ng kusina. Nginitian siya ng mga magulang ko.

"I have to go ma'am, sir."

"I told you to call us tito and tita, Dash." Sabi ni mommy. "Mag-iingat ka."

"I will. Salamat po." Magalang niyang sagot.

Dumiretso na kami sa pinto at hinatid ko siya sa labas. Hinalikan niya ang labi ko bago siya humakbang paatras.

"I'll call you later after I bring her home."

Ngumiti ako. "Mag-iingat ka."

"For you." Tumalikod siya at dumiretso sa kanyang kotse.

Saktong patalikod na ako pabalik sa loob nang muling tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng asawa ng aking pinsan.

"What?" Bungad ko.

"Is that the proper way to greet your cousin's husband?" Tanong ng baritonong boses.

"What do you need, Zeus?"

Mahina siyang tumawa. "You hate me so much because of him. Now that he's here, what are you going to do?"

Sumampa ang inis sa dibdib ko. "I don't know what you're talking about."

"Wag kang magkunwaring hindi mo alam." Bato niya.

Napagitnaan kami ng katahimikan. Ano bang gusto niyang marinig?

"Ilang taon na ang nakalipas at wala na akong pakialam sa kapatid mo. May kanya-kanya na kaming buhay. Masaya na siya sa buhay niya at ako rin." Hayag ko at binabaan siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top