Chapter 30
Chapter 30
"Tami, nagbreakfast ka na?"
Tinanggal ko ang earphones sa aking tenga at iminulat ang mga mata. Kumunot ang noo ko nang makita si Jillian, Jemimah at Camilla.
Sinuklay ko ang buhok at nagpalipat-lipat ang paningin sa kanila. "Kanina pa kayo diyan?" Ni hindi ko man lang sila naramdaman.
Marahang tumango si Camilla. Lumungkot ang kanyang mukha.
"Camilla, may problema ba? Okay ka lang?" Kunot-noo kong tanong.
Nag-isod sila ng upuan at umupo sa harapan ko.
"Ikaw itong hindi okay." Aniya. "Ilang buwan ka nang walang kinakausap sa amin. Ilang buwan ka nang umiiwas sa mga issues. Si Fire, laging lumalapit sayo pero itinataboy-"
"I'm not avoiding any issues." Agap ko.
Natahimik siya.
"Nakiusap sa akin si Fire kung pwede ka niyang makausap." Mahinahong singit ni Jemimah. "It's been months, Tami. Nakipaghiwalay ka sa kanya na hindi man lang kayo nagkaliwanagan. Kahit kami, hindi namin alam ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay."
Sumandal akong muli sa aking upuan. "You're right. Limang buwan na ang nakaraan. At hindi ko alam kung bakit ngayon ay pinag-uusapan natin ito."
"Nagmamakaawa siya sa akin. Gusto ka niyang makausap." Dagdag pa niya.
"Nagmamakaawa? Are you aware of what you're saying?"
Kinuha ko sa bag ang aking cellphone at nakita ang ilang missed calls galing sa unknown number.
I had already changed my number. Kung bakit araw-araw naman ay hindi pa rin nawawala ang mga tumatawag sa akin na halos makailang missed calls pa.
"Iba talaga kapag maganda, kahit hindi ipamigay ang number marami pa ring nakakukuha." Naiiling kong sabi.
Mahinang natawa si Jillian ngunit napatigil nang hampasin ni Jem ang desk ng inuupuan.
"Seryoso ako!" Mariin niyang sabi.
"Seryoso rin ako." Malamig kong tugon.
Huminahon siya at umiling. "Hindi na biro ang pinagdadaanan ni Fire dahil sa'yo. Why can't you give him a second chance? Just talk to him."
"Hindi ko kailangang mag-aksaya ng oras para sa taong walang kwenta." Nilaro ko ang kamay. "Kaya dumarami ang manloloko sa mundo ay dahil sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon na hindi naman dapat. Tapos kapag umulit, magpapatawad kang muli, magbibigay muli ng chance at sa huli sinong luhaan? Ikaw na tanga."
"See, she's not affected anymore." Buntong-hininga ni Jillian. "Hayaan niyo na ang manlolokong lalaking 'yun. Hindi niyo ba nakikita na minsan ay magkasama pa rin sila ni Forrah?"
Natahimik ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Jillian.
"Maging masaya na lang tayo para sa pinsan niyo, lalo na't mamaya na iaanounce kung sino ang top ten!" Pinasigla niya ang boses. "'Nga pala, ready na ang isusuot niyo bukas?"
Sinulyapan muna ako ni Jem bago tumango. "Of course. Last month pa. We have only one designer."
"Hindi naman magkakapareho ng design?"
Mabuti na lang ay nawala na ang isip nila tungkol sa walang kwentang bagay.
"Nope. I assure you, you'll be left openmouthed tomorrow night. Our gowns reflect each own personality and preference." Singit ko.
Pumalakpak siya at tumayo. "Pasabog pala ang mga Dela Vega bukas!"
Natawa sina Jemimah at Camilla. Ako naman ay naiiling na pinanood si Jillian na pumunta sa kanyang upuan.
Tumayo na rin ang dalawa at tumungo sa sariling upuan. Muli kong tiningnan ang cellphone ko at binasa ang mga mensahe dito.
Bakit hindi mo ako hinayaang magpaliwanag?
Why can't I go near you?
Namimiss ko na ang yakap mo...
Those texts were sent by one of the unregistered numbers.
Kumalat ang inis sa aking dibdib at naiiling na sumandal sa aking upuan. Maingay sa labas dahil wala ng klase. Busy ang lahat sa pag-aayos para sa nalalapit na JS Prom, lalo na ang mga clubs and organizations. Pumunta lang talaga kami dahil mamaya ay iaanounce ang top students.
Tumunog ang cellphone ko at awtomatikong umirap nang makitang si mommy ang tumatawag. Napilitan akong sagutin ito.
"Hello?" Malamig ang boses kong bungad.
"Baby, what time do we need to come there?" Malambing na tanong niya.
"10. Pero kung tinatamad ka. Wag ka na lang pumunta. Hindi naman kita kailangan dito. Just wait for me to come home."
Hindi siya nakapagsalita.
"Wala ka nang sasabihin? I'm gonna hang up-"
"Your dad and I will be going there, Tami." Putol niya sa akin.
"It's really unnecessary. Wag kayong umarte na obligado kayong gawin ito. Ilang taon akong nabuhay na wala kayo."
"Tamiya, I am still your mother! Don't speak without etiquettes!"
Umirap ako. "And he came home again? What a surprise mom! Nakakapanibago kayong dalawa ah? Nagsasayang na yata kayo ng pera para sa akin."
Hindi ko na narinig ang mommy na sumagot. Ako na mismo ang nagbaba ng tawag.
Ilang buwan na si mommy dito simula noong dumating sila ni dad. Hindi siya sumama kay dad dahil gusto raw akong makasama, na hindi ko pinaniwalaan. But this news was unexpected. Umuwi si dad para lang sa announcement ng honor students? Funny, huh?
"Tumawag si tita Mau?"
"Yup." Tumingin ako sa pinsan kong nagtanong, si Jem. "Saan ka pupunta? Bababa ka?"
Tumango siya. "Sama ka?"
Umiling ako at tiningnan si Camilla na naglakad palapit sa kanya.
"Maiiwan kang mag-isa dito." Sumandal si Camilla sa katapat na upuan ng kay Jem.
"Hindi ko siya iiwan. Mamaya ay mabaliw pa 'yan dito." Malakas na sabi ni Jillian mula sa kanyang kinauupuan.
Sinamaan ko ng tingin si Jill bago ibalik ang mga mata sa dalawa. Nakangiti na sila.
"Sige, kita na lang tayo mamaya. Hintayin namin sila mommy sa baba." Paalam ni Camilla.
"Okay... text me kapag andyan na sila tita."
"We will." Dinampot ni Jemimah ang bag.
Nang makaalis sila ay binalingan ko si Jillian. Hawak niya ang cellphone at nakasimangot habang tinitipa iyon.
"Hey, lika dito! Sinong katext mo?" Usisa ko.
Tumunghay siya at nag-isang linya ang mga labi. Tumayo siya at bumalik sa aking tabi.
"Jill..."
"Wag ka nang magtanong! Ayaw mong mabadtrip diba?"
Hindi na ako sumagot. Kinuha ko ang chocolate sa bag at binuksan ito. Inalok ko siya. Pumutol siya dito at muling ipinagpatuloy ang pagtetext.
"Nga pala, sinagot mo na yung isa sa mga manliligaw mo?"
Inubos ko muna ang nasa bibig bago ako humarap sa kanya. "Sino? Si Luther?"
Ngumisi siya. "Gwapo, kaso ilan ang age gap niyo? Four?"
"Five ata."
Suminghap siya at muling hinarap ang cellphone. "Wag mong sasagutin. Alam ko ang habol niyon sayo." Muli siyang kumagat sa chocolate.
"Don't worry. I know that. He already asked me to do that with him."
Nanlaki ang mga mata niya at napalunok. "What did you do after? What did you say? At... kailan kayo nagkita?"
"Last Sunday. We went on a date. Pinagbigyan ko na kasi-"
"What? Nakipag-sex ka na kay Luther?" Gulat niyang tanong. "Tami, you're a virgin!" Rumehistro sa mukha niya ang halu-halong emosyon. Inis at pag-aalala.
Natawa ako sa kanyang reaksyon. Nakaramdam ako ng uhaw kaya't tumayo ako. Nilagpasan ko siya.
"Tami! Sagutin mo ako, leche ka!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatingin pa rin sa kanya at tumatawa. Nagbago ang kanyang ekspresyon, tila namutla ang mukha niya. Kasabay niyon ay ang pagbangga ko.
Umangat ang tingin ko kasabay nang paglaho ng aking tawa.
Nakatingin siya sa akin, seryoso ang mukha. Humakbang ako para lagpasan siya ngunit hinawakan niya ang aking braso.
"Bitaw." Mahinahon ngunit maliwanag na sabi ko. "Bitawan mo ako-"
"Sino si Luther?"
Napatingin ako sa kanyang mga mata. May kung anong emosyon doon na ayaw kong makita kaya't agad akong nagbawi.
Mas lalong humigpit ang kanyang hawak. "Sino ang Luther na iyon? 'Yun bang sumundo sa'yo nung nakaraan?"
"The one who fetched me was Quiel. Luther was the guy who gave me flowers two weeks ago." Kibit-balikat ko. "Now, hands off me-"
Hinigit niya ako at mahigpit na niyakap. Kumawala ako ngunit hindi niya ako hinayaan.
"What the f uck, Fire! Bitawan mo siya!" Sigaw ni Jillian.
Naramdaman ko ang kanyang pag-iling. Isinubsob niya ang mukha sa aking leeg. Mabilis ang kanyang paghinga at tumatama ito sa aking balat.
Nag-ipon ako ng lakas at itinulak siya. Napaatras siya sa upuan at muntik pang bumagsak. Umangat ang ulo niya. Umiling siya at napasabunot sa buhok bago pabagsak na umupo.
"Inaamin ko, hindi kita gusto nung una! Sino nga ba ang magkakagusto sa isang tulad mo na may ganyang ugali? Wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao! Wala kang pakialam kung may nasasaktan ka!" Sigaw niya na ikinagulat ko. Binasa niya ang ibabang labi at tumitig sa mga mata ko. Mabilis ang kanyang paghinga. "Inaamin ko, niligawan kita dahil gusto kong mabaling ang atensyon mo sa akin at hindi sa pag-aaral. Mahal na mahal ko si Forrah at ikaw ang hadlang para makuha niya ang scholarship na inalok sa kanya ng eskwelahang ito. Ikaw ang hadlang para magkasama kami sa college. Mahal na mahal ko siya, kaya ko nagawa iyon."
Kumuyom ang aking kamay.
"We had a bet, you forgot about it. We became close, but that closeness led to something unexpected." Lumunok siya.
"What's the purpose of saying these things?" Kumunot ang aking noo. "Ang lahat ng bagay ay may katapusan. We met ours. We already met the finish line of our relationship." Mahina akong tumawa. "Limang buwan na. Hindi ka pa rin nakaka-move on?"
"Bakit ikaw? Have you already moved on? Ganun kabilis, Dela Vega?" May pakla ang kanyang pagkakatanong.
Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng tikhim. Nakakunot ang noo ni mommy at nakatingin sa aming dalawa ni Altamirano.
Itinulak ko siya at tuluyan nang lumapit sa mommy ko. Hinawakan ako ni mommy sa braso.
"Who is he Tamiya?"
Nagkibit-balikat ako. "He's nobody." Tumingin ako sa direksyon ni Jillian. "Let's go. Baka hinihintay na tayo sa conference room. Call your mom now."
Kumalas ako sa hawak ni mommy at umuna paglalakad.
"Turn around, Tamiya. Look at my obra maestra!"
Sinunod ko ang sinabi ng make-up artist na kinuha ni mommy para sa gabing ito. Ngumiti ako sa sumalubong na ganda sa aking mga mata. Nang lingunin ko ang make-up artist ay halatang naghihintay siya ng papuri.
"I'm not your obra maestra." Tinapik ko ang balikat niya. "I am innately beautiful, haughty gay." Tumayo ako at dinampot ang aking purse.
Pababa ako ng hagdan nang salubungin ako ng aking mga magulang. Malaki ang ngiti ng daddy at si mommy ay ganoon din, tila tuwang-tuwa sa nakikita.
"God, you're stunning!" Mom said in awe then pulled me into a hug.
"Beyond doubt, Maureen." Ani dad. Lumapit din siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
Hindi ako nagprotesta, hinayaan lang sila sa gusto nilang gawin sa akin. Inihatid nila ako sa labas at inalalayan ni dad sa pagsakay ng kotse.
"Enjoy your night, Tamiya. I trust you, anak." Masiglang sabi ni dad.
I closed the car's window without a word. Kita ko ang rumehistrong emosyon sa mukha ng dalawa pero hindi ko iyon pinansin.
Jill:
You're already late! 7:30 na, Tamiya!
Mabilis akong nagtipa pagkatapos basahin ang mensahe ni Jillian.
Me:
I'm on my way. Masyado kang excited na makita ako! ;)
Jillian:
The program is about to start, lassie! Dalian mo kasi!
Hindi na ako nagreply. Ipinasok ko ang cellphone sa purse. "Boyd, pakibilisan. Malelate na ako."
Nakarating ako sa school on time. Bumaba ako ng kotse at sa labas pa lang ay dinig na dinig na ang pagtawag ng host sa mga estudyanteng dumadating.
All of the cars were not allowed to park inside. Sa pagbukas pa lang ng gate ay may red carpet na papunta doon sa quadrangle kung saan gaganapin ang event.
Ang atensyon ng mga kalalakihan ay naramdaman ko ang pagtuon sa akin. Dahil may videographer ay alam ng mga tao sa quadrangle kung sino ang dumarating.
Ngumiti ako sa mga camera na nagfaflash.
"Let's welcome the always beautiful and an undeniably head-turner lady, our valedictorian Ms. Tamiya Azia Dela Vega!"
Napangiti ako at ang mga lalaking nakapila sa magkabilang gilid ng carpet patungo sa kinaroroonan ng quadrangle ay pinaghiwalay ang swords na naka-cross sa ere, senyales na pwede na akong lumakad.
"She has no date! With her beauty and brain, I know many guys had asked her! Did she turn down them all?" Masiglang tanong ng host.
Naiiling kong nilakad ang red carpet hanggang sa makarating ako sa mismong quadrangle.
One of the usherettes accompanied me to the table where my cousins and best friend were sitting with their dates.
Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga lalaki sa ibang tables pero hindi ko ito pinansin.
"You look dazzling, Tami!"
Nginitian ko si Jillian.
"Now, let's welcome..."
Napatingin ako sa malaking screen kung saan makikita ang mga nasa gate. Tumutok ang mga mata ko dito nang makita siya na kasama ang date niya.
"Let's welcome, Mr. Fire Sage Altamirano and Ms. Forrah Amorreti Dimagiba!"
Napuno ng palakpakan ang pandinig ko. Nilaro ko ang basong nasa aking harapan. Tumunghay ako at nakita ang nag-aalalang ekspresyon ng mga kasama ko sa table.
Hinawakan ni Jill ang kamay ko at pinisil ito. "Mas maganda ka."
Ngumisi ako. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang program at kung anu-anong pakulo. Nang dumating ang dinner ay muling tumugtog ang banda. Mainam at ang sarap sa pandinig ng kinakanta ng lalaking bokalista. Napapangiti at napapapikit pa ako.
"Now... as I continue serenading our lovely ladies... " Tipid na ngumiti ang gwapong bokalista kaya't may mga tumili. "Guys, it's time to dance the girl that is special to you. Don't waste your time and grab the opportunity! This might be the last time you could dance her!"
Tumayo ang mga kasama ko sa table. Tapos na rin ang dinner at dumating na ang oras para sa sayawan. Napatingin ako sa tagiliran ko nang may maglahad ng kamay dito. Nang lingunin ko kung sino ito ay tila tumigil ang mundo ko.
Tumugtog ang banda at nagtaasan ang balahibo ko nang magsimulang kumanta ang vocalist ng isa pang malamyos na kanta.
"C-can I have this dance?" Pilit ang kanyang pagngiti.
Iniwas ko ang tingin at nakita ang limang lalaki sa kabilang gilid ko. Napangisi ako sa nakita.
Muli kong sinulyapan si Altamirano at pinilit panatilihin ang kawalang-emosyon ng aking mukha. Kinuha ko ang kamay ni Hugh. Kilala ang lalaki dahil sa taglay na kagwapuhan at pagiging pala-kaibigan.
Sumayaw kami at binigay niya sa akin ang kulay puting rosas. Nagkuwentuhan lang kami at nalaman kong may crush pala siya sa akin. Nang ibalik niya ako sa upuan pagkatapos ng unang kanta ay nagsunud-sunod na ang sumayaw sa akin at ang pagbibigay ng rosas.
Hanggang sa isayaw rin ako ng mga ka-date ng mga pinsan ko at ni Jillian. Nawala ang pansin ko sa lalaking ilang buwan kong iniwasan.
"We are allowed to dance anyone we like."
Lumingon ako nang marinig ang pamilyar na boses.
"Can I dance the most gorgeous lady tonight?" Nakangiting sabi ni Sir Hajas.
"Gio..." Mahina kong usal.
Hindi na ako nagdalawang isip at inilapat ang kamay sa kanyang kamay. Dinala niya ako sa gitna at ipinulupot ang kamay ko sa kanyang leeg. Hinawakan niya ako sa baywang at natatawang sumabay sa maganda at mabagal na tugtog.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa at ramdam ko na may gusto siyang sabihin.
"Spill it out." Pagbubuyo ko.
Malungkot siyang ngumiti. "Bakit pa? Wala na naman akong pag-asa."
Hinampas ko siya sa dibdib at hindi inaasahang may makabunggo kami. Nang tinignan ko kung sino ang mga ito ay napawi ang ngiti ko.
Kasayaw niya si Forrah. Napatingin ako sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya at sa pagkakasubsob sa kanyang dibdib. Ang isa niyang kamay ay nasa likod nito at ang isa ay nasa baywang.
"Tahan na... kahit mahirap, Forrah. Kailangan nating mag-move on." Nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon. "Tahan na..."
Napalunok ako. Tumingin ako kay Gio na titig na titig sa akin. Sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang paglapit pa niya sa amin.
"Okay, later, we will announce the King and Queen of the Night!" Sabi ng host at awtomatikong tumigil sa pagkanta ang vocalist. "To those who are dancing, just continue okay? After I announce the persons who got the attention of everybody, you may go back to your own seats to give them their special dance!"
"I'm sure, you'll get the title." Usal ni Gio. Muling tumugtog ang banda.
Nang matapos ang kanta ay nanatili pa rin ang mga sumayaw sa gitna habang hinihintay ang announcement ng host.
"You are the King of the Night, Mr. Fire Sage Altamirano!"
Kumabog ang dibdib ko. Nagpalakpakan ang lahat maliban sa akin. Nanginig ang kamay ko at inalis ito sa pagkakapulupot kay Gio.
"And our Queen of the Night is none other than... Ms. Tamiya Azia Dela Vega!"
Binitawan ako ni Gio at binigyan ako ng isang ngiti. "You can do it!" Pagpapalakas niya sa aking loob.
Akmang pipigilan ko siya nang mapako ang mga paa ko sa ground dahil sa mga mga dancer ng cotillion na umikot sa amin. Gumawa sila ng isang malaking bilog. Muling tumugtog ang banda at may humawak sa kamay ko. Lumapit sa amin ang host at si Ms. Dimayugyog. Isinuot nila sa amin ang sash at korona.
Hindi ako makagalaw. Ang mga dancer ay nagsimula nang gumalaw habang kumakanta ang vocalist ng King and Queen of Hearts, at habang kaming dalawa ay nasa sentro.
Napalunok ako nang iharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang aking baywang at tumitig sa mga mata ko.
Inilagay ko ang mga kamay sa kanyang batok nang bigla niya akong yakapin.
My heart walloped, making my knees weak. Tumungo ang mga kamay niya sa aking likod. Napasinghap ako nang maramdaman ang patak ng kung ano sa aking hubad na balikat.
"I'm sorry for deceiving you, Dela Vega." Nanginig ang mga balikat niya. "Alam kong hindi mo na ako mapapatawad. Alam kong kayang-kaya mo akong kalimutan pero ako, hindi ako sigurado kung magagawa ko iyon."
Hindi ako nakagalaw ngunit dinala niya pa rin ako kasabay ng musika.
"I've already told you the reasons why I did that, and it's damn painful in your part."
Hindi ko inaasahan nang muling may pumatak sa aking balikat.
"Thank you for everything. I wish the best things for you."
"Altamirano..." Kinagat ko ang aking labi dahil na rin sa emosyong umaahon sa aking dibdib.
"I am so proud of you." Nagpatuloy siya sa paggalaw na tila hinehele ako. "Congrats sa pagiging valedictorian hindi lang sa school na ito pati na rin sa... ibang bagay."
Pasimple kong tinanggal ang yakap niya sa akin pero hindi niya ako hinayaang makawala.
"Gusto ko pang lumaban pero alam kong hindi ko na makukuha ang premyo, kasi mismong siya ayaw na sa akin." Mas humigpit pa ang yakap niya na halos hindi na ako makahinga.
"Don't cry! You were the one who played with my feelings! You have no right to cry, asshole!" Hindi ko na napigilang sigaw.
Ramdam kong nakuha ko ang atensyon ng mga nakarinig. Hinampas ko ang kanyang likod.
"I hate you, Altamirano!" Mahina ngunit mariin kong sabi. "Napakasama mo!" Pinigil ko ang aking emosyon.
"I know. I accept your... h-hate." Pumiyok siya. "Wala akong karapatang masaktan pero hindi ko mapigilan." Humikbi siya.
Nanghina ako dahil sa narinig.
"Let me be your man for the last time." His shoulders were unsteady. Hindi ko na makilala ang kanyang boses. "Let me cry for the both of us."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top