Chapter 23
Chapter 23
"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko!" Kanina pa ako palakad-lakad sa harap ni Jem at Camilla.
Tumawa si Jem dahilan kaya ko siya nilingon. Sinulyapan ko si Camilla na kumakain ng strawberries habang nakatutok ang pansin sa kanyang cellphone.
"Kahit anong ibigay mo, tatanggapin niya 'yon. Wag kang paka-stress!"
Umupo ako sa pagitan ng dalawa. Nakuha ko ang atensyon ni Camilla.
"Buy a cake, Tami. Then go to his house." Suhestiyon niya.
"Huh?"
Ngumiti siya at humalik sa aking pisngi. "I need to go. Kuya Conrad is waiting for me outside. Hindi na raw siya makakapasok kasi may hinahabol ata." Tumayo siya. "Basta galing sayo, tatanggapin ni Fire. Happy 1st monthsary!"
Pagkatapos magpaalam sa amin ay lumabas na si Camilla. I could feel the stare of Jem at me.
"I'm really happy she's accepted the fact that you and Fire are dating."
Kumuha ako ng pizza sa table at nilagyan ito ng hot sauce.
"Jem, I need your help." Alam kong nasaktan si Camilla nang maging kami ni Altamirano at ayoko nang pag-usapan iyon. "What do you think? Would I follow her suggestion?"
Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.
"Well... if you like then we better go to a shop right now." Tumayo siya at inayos ang shorts at top na suot.
Sumunod ako sa kanya paglabas. Tinawag ko si Boyd upang ipagmaneho kami ng sasakyan.
"Sa mall tayo, Boyd."
"Sa mall?" Ngumisi si Jem. "You're also planning to give him a gift huh?"
Ngumisi rin ako. Pinaandar ni Boyd ang sasakyan at dinala kami sa pinaka-malapit na mall.
"Would it look good on him?" Itinaas ko ang pares ng sapatos na pumukaw sa aking atensyon.
"Bakit sapatos?" Tanong ni Jem.
"He loves sports. Besides, madalas kami sa MRC."
Kinuha niya ang sapatos na hawak ko at tumango. "New model. Grab it."
Tumango ako. Matapos makabili ay dumiretso kami sa isang cake shop.
"Happy 1st monthsary. I love you." Tumawa siya pagkatapos basahin ang nakasulat sa cake. "Nakakapanibago ka talaga-"
"Oh please, shut up!" Kinuha ko ang cake nang matapos itong ibalot. Umuna ako paglabas, si Jemimah ay tumatawa pa rin.
Pumasok kami sa isang restaurant. Umupo kami at agad na may lumapit na waiter. Umorder kami at nagsimulang kumain pagkadating nito.
"Where did you go yesterday after eating at this same place?" Sumubo siya gamit ang chopstick at ngumuya. "Saan ka dinala ni Fire-"
"What are you saying? Hindi kami magkasama kahapon."
Kumunot ang kanyang noo.
"Sinasabi mo bang may kasama siya kahapon?" Bigla akong kinabahan.
"Tami, I thought that was you." Ibinaba niya ang chopsticks. "Nahagip lang ng mata ko kahapon si Fire. And he's with a... girl."
Naibagsak ko ang chopsticks. "Sino yung babae?"
"Hindi ko nakita. Nahagip nga lang ng mata ko diba?" Umirap siya. "Don't tell me nagseselos ka?"
Kumuyom ang aking kamay.
"Hey... relax. Baka cousin niya lang iyon or friend." Mahina siyang tumawa at hinawakan ang aking kamay. Pilit niya akong kinakalma. "Tumawag sa akin si Phoenix kagabi. Sabi niya hindi ka pa raw umuuwi. Kaya naisip kong ikaw ang kasama ni Fire nung maaga-aga pa."
Dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil sabi niya kailangan nilang umuwi ng kuya Zen niya sa Ilocos Sur.
Pinilit kong ngumiti at hindi na nagsalita. Nauna akong matapos at tahimik na hinintay si Jem.
"Let's go." Aya ko.
"Alright." Dinampot niya ang kanyang bag at sumunod sa akin paglabas ng restaurant.
Tahimik ako sa sasakyan habang si Jem ay may kausap sa kanyang cellphone. Iniisip ko kung dapat ko bang tawagan si Altamirano o hindi.
"Tumawag ba ang mommy?"
Batid kong si Raxx ang kausap niya dahil si Phoenix ay kaalis lang kaninang daling-araw papuntang Boracay.
"Sunduin mo na lang ako kila Tami. I'll wait for you there."
Tumunog ang aking cellphone. Dali-dali ko itong kinuha sa aking bag. Kumuha ako ng lakas ng loob nang mabasa kung sino ang tumatawag.
"Who's that?"
Sinulyapan ko ang pinsan ko.
"Altamirano." Tugon ko.
"Hindi mo sasagutin?"
Pinilit kong ngumiti at sinagot ang tawag.
Ayokong magmukhang tanga sa harap ng pinsan ko. Ayokong isipin niya na nababahala ako sa nalaman ko mula sa kanya.
"Hello..."
"I'm going to fetch you at 6 pm." Paos ang boses niyang sabi sa kabilang linya.
"For what?" Tanong ko.
"Don't tell me you forgot?"
Hindi ako nagsalita.
"Dela Vega, may problema ba?"
Batid ko ang pagkunot ng kanyang noo. Tumingin ako sa pinsan ko at nginitian niya ako.
"Nothing. Sige. Magkita na lang tayo mamaya." Ibinaba ko ang tawag.
Inalis ko sa aking kandungan ang cake. Inilapit ko ito sa regalong binili ko para sa kanya.
Wala akong imik nang makarating kami sa bahay. Si Jemimah ay batid kong pinakikiramdaman ako. Kahit nang dumating na si Raxx ay tila ayaw pa niya akong iwanang mag-isa.
"Are you okay?" Umupo sa aking tabi si Raxx.
Tumango ako. "Alis kayo ni Jem?"
"Yes. We're going to buy something for grandma." Sagot ni Jem. Ang tinutukoy niya ay ang lola niya sa mother side.
Tumango ako at nagpaalam na rin sila na aalis na. Naiwan akong mag-isa at umakyat sa kwarto para magpahinga. Nanuod lang ako ng TV at kumain habang iniisip ang sinabi ni Jemimah.
Dumating ang oras na sinabi sa akin ni Altamirano at nakahanda na rin ako. Narinig ko ang busina kaya't nagmamadali akong bumaba at tumungo sa kusina para kuhanin ang cake na binili ko kanina. Dala ko rin ang regalo ko para sa kanya.
Palabas na ako ng kusina nang may makasalubong ako. Humugot ako nang malalim na hininga nang makita ang gwapong lalaki sa aking harapan. Shit.
Bumagsak ang tingin niya sa cake na hawak ko.
"Is that for me?" Tanong niya.
Inilapit ko ito sa kanya. Kinuha niya ito at binuksan ang kahon.
Nag-init ang pisngi ko nang makita ang paglarawan ng ngiti niya sa labi.
"Can't you greet me personally?"
Umiling ako at lumapit sa kanya. Humalik ako sa kanyang pisngi.
"Saan tayo pupunta?"
"You'll know later." Aniya at tumitig sa mga mata ko.
Nag-iwas ako ng tingin. Nilagpasan ko siya at lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa kotse. Nagmamadali siyang lumapit sa akin nang akmang bubuksan ko na ang pinto sa back seat.
Pumasok ako at ganun din siya. Ramdam kong gusto niyang magsalita kaya inunahan ko na siya.
"I need to come back home at 9."
"Bago pa lang tayo nagkita pag-uwi na agad ang nasa isip mo."
Nilingon ko siya. There was seriousness on his face.
"I'm not in the mood, Altamirano."
"Why? Did something happen?" Kumunot ang kanyang noo.
Nagkibit-balikat ako at idineretso ang tingin sa daan. Alam kong nagtataka siya sa ikinikilos ko pero kailangan niya bang itago sa akin na kahapon pa siya nakauwi dito?
Naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa akin. Dinala niya ito sa kanyang labi dahilan para muli ko siyang balingan. Hinalikan niya ito.
"Aren't you feeling well?"
Hindi ako sumagot.
"Dela Vega... anong problema?"
Binawi ko ang aking kamay. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.
Hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay. Wala pa rin akong imik nang dalhin niya ako sa loob. Bago pa kami makarating sa kanyang kwarto ay lumayo na ako.
"May nakalimutan ka ba kaya bumalik ka dito sa bahay niyo?"
Umiling siya at hinawakan ang aking kamay. Binuksan niya ang kwarto. Nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa amin.
May mga petals sa aming paanan. Nilingon ko siya at matamis akong nginitian.
Naglakad ako at sinundan ang mga talulot ng bulaklak. Nakarating ako sa veranda at napalunok nang makita ang nakahandang dinner. Naramdaman ko ang pagpulupot ng bisig niya sa aking bewang. Tila natunaw ang inis na naramdaman ko dahil dito.
"Happy 1st monthsary. I hope I surprised you."
Matagal bago ako nakakuha ng lakas ng loob. Ipinatong ko ang isang kamay sa kamay niya sa aking tiyan. Hinarap ko siya at hindi na napigilang haplusin ang kanyang pisngi.
"You do know how to do it every time." Naiilang akong ngumiti.
Lumayo ako. Pinag-usod niya ako ng upuan pagkatapos ay umupo na rin sa aking harapan.
"Why... here?" Tanong ko. "Alam mo namang ayaw na ayaw ng mga pinsan ko na napag-iisa tayo sa isang bahay diba?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman nila alam." Kinuha niya ang isang tangkay ng puting rosas sa harap niya at ibinigay ito sa akin. "Gusto kong ako lang ang tititig sayo ngayon. Gusto kong sa akin lang tututok ang mga mata mo. Gusto kong akin lang ang atensyon mo."
Kumalat ang init sa aking pisngi. Iniwas ko ang tingin sa kanya. "K-kahit naman sa labas tayo kumain..."
"Ano?"
"Sa'yo lang ang atensyon ko."
Hindi siya umimik. Muli ko siyang tinignan at nakitang nakatungo siya. Kumunot ang noo ko. Nang tumunghay siya ay nakita ko ang kanyang ngiti. Ngiting tila pinipigil ngunit hindi rin nagawang labanan.
"L-let's eat."
Tumango ako. Habang kumakain ay nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-anong bagay.
"So you're saying na walang tumatanggi sayong mga babae?" Tumaas ang aking kilay.
"Maybe yes. Obviously, girls can't resist my charm." Ngumisi siya. "Ako yata ang pinakang-gwapo sa Ilocos Sur."
"Wow ha!" Naiiling akong tumawa. "Kahit kailan talaga, ang hangin mo!"
"Bakit Dela Vega, sino ba ang pinakagwapong lalaki sa paningin mo?"
Napawi ang tawa ko at sumeryoso ang kanyang mukha.
"Masasaktan ka lang kapag sinagot ko ang tanong na iyan." Biro ko.
"Bakit ako masasaktan? Alam ko namang ako ang pinakang-gwapo-"
"Si Gio." Sagot ko.
Mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. Umigting ang panga niya at bigla na lang tumayo. Itinuon niya ang mga kamay sa railings.
Tumayo rin ako at lumapit sa kanya ngunit nilayuan niya ako.
"Hey, I was just-"
"Ayokong may binabanggit kang ibang pangalan ng lalaki sa tuwing kasama mo ako."
Muli akong umusod ngunit muli siyang lumayo. Bumuntong-hininga ako at niyakap siya mula sa likod. Idinikit ko ang mukha dito at hinigpitan ang pagkakayap sa kanya bago pa siya makalayo ulit.
"Ayoko ring may kasama kang ibang babae 'pag wala ako." Lumunok ako. "Kasi gusto ko ako lang. Gusto kong ako lang ang hahawakan mo. Gusto kong ako lang ang aalalayan mo. Gusto ko ako lang ang makapagpapangiti sayo nang totoo. Gusto ko... ako lang."
"It's unbelievable hearing these from you." Humarap siya sa akin at tumitig sa aking mga mata. "You don't have to be scared because it's only you. It's only you who could make me smile the way everybody wants to see on my face."
Kinagat ko ang ibabang labi. Hinawakan niya ito at marahang hinaplos.
"Next week sumama ka sa aking Ilocos Sur. Hinahanap ka sa akin ni Inang Aiza at Tatang Justino."
Tumango ako. "Sorry kanina, wala ako sa mood."
"Then will you answer me now why the most beautiful girl was not in the mood?"
Niyakap ko siya at idinikit ang mukha sa kanyang dibdib.
"Namiss lang kita nang sobra."
"Yun lang?"
Tumango ako. "Ano bang gusto mo pang dahilan?"
Hinaplos niya ang aking buhok. "I thought we have a problem."
Umiling ako. "W-wala."
Ayokong malaman niya na may sinabi sa akin si Jemimah. Ayokong magmukhang nagger girlfriend. Kahit na hindi maganda ang kutob ko sa kung sino ang kasama niya ay pipilitin kong manahimik. Kahit na nagseselos ako sa kung sinuman ang babaeng 'yun. Magtitiwala ako sa kanya. Magtitiwala ako hanggang sa makakaya ko.
Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Nang lumayo siya ay tumitig siya sa mga mata ko.
"Happy monthsary." Muli niyang bati.
"Happy monthsary." Ipinulupot ko ang mga kamay sa kanyang balikat.
Gumalaw ang adam's apple niya at muling tumingin sa aking labi. Bumilis ang paghinga ko. Dahan-dahang bumaba ang labi niya sa akin at hinalikan ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.
Tumunog ang kanyang cellphone. Akmang hihiwalay ako sa kanya ngunit mas nilaliman pa niya ang halik.
Wala iyong tigil sa pagtunog kaya wala akong nagawa kundi ang itulak siya.
"Answer your phone. It might be important."
Inis siyang bumalik sa table at dinampot ito. Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa reaksyon niya.
"Hello?" Kumunot ang kanyang noo. "Ano? Inaapoy siya ng lagnat?"
Napawi ang ngiti ko. Lumapit ako sa kanya. Rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mukha habang pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
"Sinong tumawag?" Tanong ko pagkatapos niyang makipag-usap.
"Forrah's friend." Nag-aalala niyang tugon. "Okay lang ba kung puntahan natin si Forrah?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top