Chapter 2

Chapter 2

Inilapag ko sa counter ang mga binili ko at walang ganang hinintay ang pag-punch ng cashier dito.

"Ma'am anything you want to add?" nakangiting tanong ng cashier.

Inagaw ko sa kamay niya ang mga pinamili ko. "If I want to add something, I should have gone and picked whatever stuff I want to add. 'Wag ka ngang tanga. Nakita mo nang 'yan lang ang binili ko magtatanong ka pa."

Lumabas ako ng bookstore at dumiretso sa parking lot.

"Boyd, school na." Utos ko sa aming driver pagkasakay sa backseat ng kotse. "Pakibilisan lang dahil ayokong ma-late."

"Sige po, Miss."

Tahimik ako sa byahe habang nakikinig ng mga kanta sa cellphone. Nakarating kami sa school at agad kong dinampot ang aking bag at mga pinamili. Lumabas ako ng sasakyan.

"Miss Tamiya, anong oras po kita susunduin?"

Tumigil ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Boyd. "Kung kailan matatapos ang klase ko."

"Anong oras ho ba ang tapos ng klase ninyo?"

"It's for you to know. So, kung ayaw mong mapagalitan kita mamaya, it's better that you come back here early."

Tumalikod ako at binilisan ang paglalakad para makahabol sa second subject. Hindi ako pumasok sa unang klase dahil may kinailangan akong bilhin sa bookstore. Nawawala kasi ang notebook ko at hindi ko alam kung saan ko naiwan o naipatong kahapon. Kaysa maghanap ay naisip kong bumili na lang ng bago.

"You're late Ms. Dela Vega." Bungad sa akin ni Sir Hajas.

Sa halip na mainis ay natuwa pa ako. Ang gwapo niya talaga kapag seryoso. "I know sir. Sorry."

Sir Hajas was a handsome young man who could capture everyone's attention. Crush ko siya tulad ng halos lahat ng mga estudyante dito. Maganda ang kanyang tan na kutis, matangkad na parang basketball player, ripped body at magaling pumorma.

Ngumiti si Sir. "Be sure that you won't be late next time."

Tumango ako at dumiretso sa aking upuan. Inilapag ko ang mga gamit ko bago ibinalik ang tingin kay Sir Hajas. Pinipigilan ko ang aking kilig.

"Class, today we will be dealing about-"

"May gusto ka kay Sir."

Nilingon ko ang katabi ko. Awtomatikong tumaas ang aking kilay nang magtama ang aming paningin.

Kinakagat niya ang pambura ng hawak na lapis. Seryoso ang kanyang mukha.

Kumunot ang aking noo at tumikhim. "Ikaw? May gusto ka sa akin? Lagi kang nakatingin."

"Ang kapal ng mukha mo." Binasa niya ang ibabang labi. "Hindi porke't maganda ka, magkakagusto na sa'yo lahat. Ibahin mo 'ko, Dela Vega."

Mahina akong tumawa. "You're not different, Altamirano. Kapareho ka lang nang halos lahat ng mga lalaki dito. Papansin..." Umiling ako. "Papansin sa akin."

Muli kong ibinalik ang tingin kay Sir Hajas at hindi na siya pinansin pa. Nagpokus ako sa itinuturo ni Sir. Physics ang asignatura at dahil gwapo si Sir ay halos lahat ng estudyanteng babae ang nagpapakitang gilas.

The class ended and there were changes with the schedule. Ang unang subject namin na English ay naging third subject na. Pinagpalit ang schedule ng Math at English.

Tumunog ang bell hudyat ng break time.

"Hey Tamiya, let's go." Aya sa akin ng pinsan kong si Hiro Dela Vega.

As usual ay kasama niya ang iba pa naming mga pinsan. Ang magkakapatid na Phoenix, Raxx at Jemimah, at sina Conrad at Camilla.

"Your mom called early in the morning. Kinakamusta ka. She said that you're not answering their calls." Panimula ni Camilla bago sumabay sa akin sa paglalakad. Inakbayan siya ng kuya Conrad niya.

"Wala na ba talaga kayong gagawin kundi ang mag trespass? You're already college students, assholes." Sabi ko sa mga lalaki. Ayokong pag-usapan sila mommy.

Nasa likod namin sina Phoenix, Raxx at Jemimah. College na sila at kaming mga babae na lang ang hindi. Ang iba naming mga pinsan ay sa ibang school nag-aaral. Ang iba ay nasa ibang bansa.

"We're guarding you, Tami. Mahirap na, madaming gago ngayon." Sumabay sa akin si Phoenix at inakbayan ako.

Palibhasa kasi ay malapit lang dito ang kilalang unibersidad kung saan sila nag-aaral, kaya nagagawa nila ang dalaw-dalawin kami dito kahit kailan nila gustuhin. Pagdating sa mga Dela Vega ay bukas ang school na ito. Siguro ay dahil na rin sa dito sila nagtapos. They were famous for different achievements. 1st year highschool ako nang senior highschool sila Hiro, Phoenix at Conrad samantalang si Raxx naman ay third year noon.

Dumiretso kami sa favorite spot namin. Umorder ng pagkain ang mga lalaki. Bumaling ako kay Camilla at nakitang nakatitig siya sa akin.

"What?" Tanong ko.

"Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko kanina? Tumawag si tita Maureen."

"I don't care." Sumandal ako sa inuupuan. "Hayaan mo sila dun. Mas mahalaga naman sa kanila ang pera kesa sa sarili nilang anak." Iginala ko ang tingin sa buong canteen at namataan si Forrah at Altamirano na magkasama.

Ngumisi ako dahil sa nakita. Sila ba? Mukhang masayang-masaya ang pobreng 'yun na kasama si Altamirano. Anyway, bagay naman sila.

"Hindi ka ba naaawa kina tita at tito, Tami?" Singit ni Jemimah.

Nawala ang atensyon ko kina Altamirano. Bumuntong-hininga si Jem at pinaglaruan ang headphones ni Camilla na nasa mesa.

"Wala kayong pakialam sa relasyong meron kami ng mga magulang ko." Malamig kong sabi. "Naaawa kayo sa kanila? Lumipad kayo sa States. Hug them as an act of solace. Wala akong pakialam. They left me when I was 8 years old. Puro trabaho at pera lang naman ang gusto nila."

Bumalik ang mga lalaki at inilapag ang inorder nilang pagkain. Tahimik akong kumain dahil na rin sa sobrang inis.

Nang matapos ay agad akong tumayo para bumalik sa room. Hindi namin kailangang magsabay nila Camilla at Jemimah. Alam kong hindi rin nila nanaisin na sumabay sa akin lalo na't sila ang dahilan kung bakit uminit nang ganito ang aking ulo.

Pumasok ako sa room at ngumisi nang makitang wala pa ni isang tao. Naglakad ako patungo sa upuan ko at dali-daling inilabas ang supot na pinaglagyan ng mga binili kanina kasama ng notebook.

I opened three boxes of thumbtacks and went to Forrah's seat. Inihanay ko dito pahiga ang mga thumbtacks. Pinagbintangan niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa? Ngayon, totohanin ko.

Nang matapos ay saktong tumunog ang bell. Mabilis akong lumabas ng room at tumungo sa CR. Nag-ayos ako ng sarili. Malayo pa ako sa room ay dinig ko na ang sigawan sa loob. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa.

"Sinong may gawa nito?!"

Nakilala ko agad ang boses, kay Altamirano. Tama ang hinala ko nang makitang sapu-sapo niya ang ulo ni Forrah. Umiiyak ang pobre.

"Sinabi na't umamin na kung sino ang may gawa nito? Shit, Forrah! Stop crying. Magbabayad ang gumawa sa'yo nito!"

Tumaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Pumasok ako ng room at lahat sila ay napatingin sa akin.

"Why are you looking at me?" Seryoso kong tanong sa kanilang lahat. "What drama is that? Senior highschool na umiiyak pa rin? Sino ba 'yan?"

Lumapit ako kina Altamirano at Dimagiba, nagkunwaring walang alam sa nangyari. Kumalas si pobre sa pagkakayakap ni Altamirano.

"Goodness, Forrah! Lagi ka na lang umiiyak? Daig mo pa ang baby na nangangailangan ng gatas ng ina. Kung nagugutom ka, wag mong daanin sa iyak." Kinuha ko ang wallet sa bulsa.

Seriously, para siyang sanggol. Hindi ba't ganoon ang mga baby? Kapag nagugutom, umiiyak. Ngawa nang ngawa.

Naglabas ako ng pera at iniabot ito sa kanya. "O ayan, bumili ka ng pagkain mo. Hindi 'yang ngawa ka nang ngawa."

Napatungo siya.

"Alam kong pobre ka pero kung kailangan mo ng pera para pangkain-"

"Stop the shit, Dela Vega. Shut your little mouth before I could do something about that." Malamig at mariin na banta ni Altamirano.

Inilagay ko ang isang kamay sa dibdib. Kunwari ay natakot sa sinabi niya. "Woah, scary!"

Umirap siya at muling bumaling sa mga tsismoso't tsismosa. Humikbi si pobre kaya muli ko siyang tiningnan. Dahil sa pagkairita sa kanyang drama ay bumalik na ako sa aking upuan.

"Forrah, tahan na." Kahit na malayo ay dinig na dinig ko ang kaartehan at kakornihan ng dalawa. "Kung sino man ang gumawa sa'yo nito, mananagot sa akin. Hindi lang thumbtacks ang mauupuan ng walang hiya kundi mas higit pa doon. Iba akong gumanti Forrah, alam mo 'yan. Alam mo rin na lahat ay gagawin ko para sa'yo. No one messes with my girl. No one."

Awtomatikong tumaas ang kilay ko. So tama nga ang hinala ko, sila nga!

"What happened?" It's Jemimah.

"Umiiyak si Forrah. Kawawa naman." Pagpansin ni Camilla.

Kusang bumaling ang atensyon ko sa aking mga pinsan. Umangat ang labi ko hudyat ng pagngisi. Umupo sa aking tabi si Jemimah, ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng awa kay pobre.

"Lapitan mo kung naaawa ka. Punasan mo na rin ang luha. Such a cry baby. Fourth year na, arte-arte." Sabi ko.

Nilingon ako ni Jemimah. Umupo sa kabilang tabi ko si Camilla at inilabas ang cellphone. Kumunot ang noo ko nang kuhanan niya ng picture ang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa pagmomoment.

"Sweet couple. Swerte ni Forrah kay Fire."

Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. Dumating ang sumunod na subject. Natapos ang klase na may malaking ngisi sa labi ko.

Mag-isa na lang ako sa kwarto dahil nauna na sila Camilla at Jemimah. May kani-kaniyang pupuntahan pa ang dalawa.

Lumabas ako at muntik nang mapatalon sa gulat nang makita ang nakasandal sa pader na si Altamirano. Kusang tumaas ang kilay ko. He tucked his hands inside his pocket. Naghalukipkip akong lumapit sa kanya. Bigla na lang niyang hinablot ang aking braso at muntik na akong mapaaray. Mabuti na lang ay napigil ko iyon.

Hindi ako nagpapakita ng kahinaan kahit kanino, hindi ko kailanman pinakita sa iba na pwede akong masaktan.

"Problema mo?!" Mataas ang boses kong tanong.

Nanlilisik ang mga mata niya. Nakaigting ang kanyang panga habang titig na titig sa akin.

"Ikaw ang may kagagawan ng nangyari kay Forrah." He stated.

My eyes widened in disbelief. May isang tao na naman ang nangangahas na kumalaban sa akin? Ang lakas ng loob niya.

"Back off, Altamirano." Mariin kong sabi. I yanked his hand away from me.

Nang makawala ay walang sabi-sabi kong pinadapo ang palad sa kanyang mukha. Bumaling ang kanyang ulo.

"No one messes with your girl? Sweet huh? Oh anyway, just wanna inform you that no one messes with me too. Kahit lalaki ka, hinding-hindi kita uurungan." Lumayo ako at ngumisi. He deserved the slap. "Humanda ka. Dahil hindi ko pinapalagpas ang kahit sino."

Pagkasabi niyon ay tumalikod na ako. Nakakailang hakbang pa lang ako nang marinig ko ang kanyang pagsipol. Lumingon ako at nakita siyang binabasa ang ibabang labi habang pailalim na nakatitig sa akin.

"Ready yourself too. Sinaktan mo siya? Masasaktan ka rin."

Tumaas ang kilay ko at muli siyang hinarap. "Oh really? I'm scared!" I rolled my eyes then pouted. I blew him a kiss. "Catch that."

Rumehistro ang iritasyon sa kanyang mukha.

Ngumisi ako. "Too bad you're not good in catching. Di mo man lang pinag-aksayahang saluhin. 'Yan ang hirap sa'yo, pinagtatanggol mo ang isang babaeng hindi naman kasalu-salo. Isa siyang pobre, hindi ganoong kagandahan, iyakin, mahina. Seriously? How did you fall in love with that kind of girl?"

"Shut the f uck up, Dela Vega."

"Control your shits, Altamirano." Pinasadahan ko ng haplos ang buhok. "I am still a girl in case you don't remember."

"I don't care if you're a girl."

I poked my lower lip. "Oh, how sad? You do not know how to respect huh?"

Hindi siya nagsalita. Pasimple kong binuksan ang shoulder bag ko at nakapa dito ang bote ng mogu-mogu na binili ni Phoenix para sa akin kanina. Ilang sandali pang pagtititigan ang namagitan hanggang sa kusang tumaas ang kamay ko.

Next thing I knew, lumipad na ang bote ng inumin ko sa kanya at nasapul siya sa labi.

Bumunghalit ako ng tawa dahil sa gulat na lumarawan sa kanyang mukha. Napawi ang tawa ko nang makita ang dugo sa kanyang labi.

"Know your foe, Altamirano." Malamig kong sabi. "Mahilig akong mambato. Baka sa susunod hindi na lang bote ng inumin ko ang makikita mong lumilipad patungo sa mukha mo."

Tumalikod ako. Ilang sandaling katahimikan muli ang namagitan.

"Sa susunod hindi na nga bote, ikaw na mismo, Dela Vega. Ikaw na mismo."

"Talaga?" Sabi kong hindi humaharap.

"Oo." Mariin niyang sabi. "Sa susunod ikaw na mismo ang makikita kong lumilipad patungo sa akin, Tamiya Azia Dela Vega. And you? You wouldn't stop that from coming. Remember that."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. That was also the cue why I spun myself again, only to see him opening my mogu-mogu. Uminom siya rito at naglakad palapit sa akin.

Inilapit niya ang mukha sa akin kaya kitang-kita ko ang putok sa kanyang labi.

"Salamat sa sugat ha?" Ngumisi siya at pinunasan iyon. "Hayaan mo sa susunod, ikaw naman ang magkakasugat. Mas malaki. Mas masakit. Mas nakakagulat."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top