Chapter 19

Chapter 19

"Seems like someone is out of her own sanity."

Nilingon ko si Phoenix na nagdadrive at pasulyap-sulyap sa akin. Ibinaba ko sa kandungan ang box ng chocolate.

"You're smiling like an idiot." Dagdag pa niya.

Ibinato ko sa kanya ang balat ng chocolate at umirap. "Shut up!"

Mahina siyang tumawa. Dumiretso ang tingin ko sa daan hanggang sa mag vibrate ang aking cellphone.

Altamirano:

Thanks for having dinner with me. Sorry for my attitude though.

Agad akong nagtipa ng tugon.

Me:

It's nothing. It was a great night. Wag ka lang masyadong magseseryoso. You're cuter when you smile.

Altamirano:

You know I don't like 'cute' as a compliment. Can you make it 'handsome'?

Me:

Why do you have to be so conceited?

Altamirano:

I'm not. It's just the truth.

Me:

Truth your face! :P

Altamirano:

Check the gallery of your phone.

Me:

Huh? Bakit?

Altamirano:

Basta.

"Magkasama lang kayo kanina. Now, you're texting?" Puna ni Phoenix.

Nilingon ko siya at mabilis na tinago ang phone.

"I'm not texting him." Pagtanggi ko. "I-it's Sheila. Nagtatanong ako about sa assignment."

"Really?" Tumaas ang isa niyang kilay.

"Really!"

Ngumisi siya. Inalis ko ang tingin sa kanya at hindi na tinangkang tignan pa ang cellphone. I didn't want him to ask further.

Nakarating kami sa bahay. Pagkaparada niya pa lang ng sasakyan ay bumaba na ako.

Nakapasok na kami sa bahay nang tumikhim siya. "How about the chocolates in the fridge? May mga nakita rin akong Ferrero doon." Sumabay siya sa akin paglalakad at inakbayan ako.

"I'm not checking the fridge." Sagot ko. "How about those?"

"Di mo kinakain eh. Kuha ako ah."

Tumango ako.

"Ah... tinatamad kasi akong pumunta ng kitchen. Penge na lang akong isang box diyan sa bigay ni Fire-"

"No." Putol ko sa kanyang pagsasalita.

Iniharap niya ako sa kanya at tinitigan ang aking mukha.

"Our cousins are right, you're changing." Sumeryoso ang kanyang mga mata. "Boto ako kay Fire pero sa oras na gawan ka niya ng mali, oras na saktan ka niya... he better ready himself. Kasi ayokong may manakit sa'yo. Ayokong may manggago sa'yo. Kasi, gago rin ako. Handa akong makipaggaguhan sa lalaking mananakit sa'yo." Hinalikan niya ako sa noo at dumiretso palabas ng pinto.

Ilang segundo akong napatitig sa pinto nang muling magvibrate ang phone ko sa bulsa.

"Hello..."

"Di ka na nagreply?" Seryoso ang boses niyang tanong.

"Phoenix was watching me. That's why I couldn't-"

"Akala ko... nakikipagtext ka na sa iba. Don't text other guys, okay?"

Hindi na ako nakapagsalita dahil binaba rin niya agad ang tawag. Dumiretso ako sa hagdan na iniisip ang sinabi ni Phoenix. Pumasok ako sa kwarto at chineck ang gallery ng phone.

Bumungad sa akin ang picture niya na hawak ang bulalak na binili niya para sa akin. Tila iniaabot niya ito sa akin ngunit, ang pinaka-kapansin-pansin ay ang matamis niyang ngiti.

Humiga ako sa kama at nilingon ang bulaklak sa bedside table pati ang mga chocolates. Napangiti ako at tumingin sa kisame. Bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya.

"What am I gonna do now? Pakiramdam ko... wala na akong takas pa." Bulong ko sa sarili.

Altamirano:

Get down now sleeping beauty, I'm waiting.

Awtomatikong namilog ang mga mata ko pagkabasa ng mensahe. I had already seven missed calls from one guy. At nandito na siya ngayon, shit!

Nagmamadali akong dumiretso sa bathroom at naligo. Matapos mag-ayos ay bumaba na ako sa living room.

"Pulang-pula ang labi mo hija. Hindi ka ba masisita sa eskwelahan ninyo?" Tanong ni Manang Didith.

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang kanyang pagtayo.

Umiling ako at nginitian si Manang Didith. Ngumiti rin siya. Nang tignan ko ang iba pang mga katulong ay namimilog ang kanilang mga mata.

"Is there a problem?" Tanong ko sa kanila.

Umiling si Lyka. "Wala ho. Mas lalo lang kayong gumaganda kapag ngumingiti."

Nagkibit-balikat ako at tumungo sa direksyon ni Altamirano. Nang makalapit ako ay titig na titig siya sa aking mukha.

Tinignan ko ang mga katulong at tinanguan sila para iwan kami. Nang harapin ko siya ay kumunot ang noo ko nang may dumampi sa aking labi.

Next thing I knew, he was wiping the lipstick I put on my lips.

"You're more beautiful when it's nude. Don't put red lipstick again, okay? I like you simple."

Lumayo ako at iniwas ang tingin. Damang-dama ko ang matinding reaksyon ng aking pisngi.

Di pa ako nakaka-recover nang hawakan niya ang aking kamay at hinila ako palabas ng bahay.

"Altamirano, sinong maysabi na hawakan mo ako?" Tanong ko habang patungo kami sa kanilang sasakyan.

Nilingon niya ako at inginuso ang mga kamay naming magkadaop. "My hand. It's itching to hold yours." Muli niyang ibinalik ang tingin sa direksyon ng kotse.

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Hindi ko na nasupil pa ang ngiti sa aking labi.

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at pagkapasok ko ay saka siya sumunod. Napatingin ako sa kamay ko na kanina ay hawak-hawak lang niya.

"Maaga pa naman, sa canteen na muna tayo. You need to have your breakfast."

Tumango ako at tumahimik. Tila sa pagdaan ng mga araw ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa tuwing kasama ko siya.

"Kuya Jobert, school na tayo." Utos niya.

Habang tinatahak ang daan papunta sa school ay naramdaman ko ang mainit niyang bisig na gumapang sa aking baywang. Dumiretso ako ng upo at inayos ang earphones sa aking tenga.

"A-altamirano..." Angal ko.

"Your waist is slender." Puna niya. "Nag gygym ka ba?"

"Hindi." Sagot ko at lumingon sa bintana.

Mas lalo pa niyang inilapit ang sarili sa akin. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga dahil sa ginagawa niya.

"Pero may balak ka?"

"Yes. Sa bakasyon."

Idinantay niya ang baba sa aking balikat. Umisod ako ngunit umisod din siya palapit pa sa akin.

"Altamirano!" Muli kong angal.

"Edi may rason na rin pala ako para mag gym."

Nilingon ko siya at agad na pinagsisihan iyon nang makita ang sobrang lapit naming mukha. Pumikit ako at itinulak siya palayo.

"Ang laki ng space! Why were you inching yourself near me?"

Ngumisi siya at nagkibit-balikat. "Masama ba? Inaantok kaya ako. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi."

Tumaas ang kilay ko. "Kasalan ko ba kung hindi ka nakatulog nang maayos?"

"Oo." Tumitig siya sa mga mata ko. "I couldn't sleep because whenever I close my eyes, I could see your beautiful face. Ginugulo mo ang utak ko. Ginugulo mo ang pagtulog ko."

Tumagal ang titig namin sa isa't-isa. Muli siyang umusod palapit sa akin at pinagapang ang bisig sa aking baywang. Ngumiti siya at humilig sa aking balikat. Wala na akong nagawa kundi ang kalmahin ang sarili.

Hindi ko na siya muling tinignan pa dahil ramdam kong hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

Pagkarating sa school ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagmamadali akong bumaba. Hindi ko na rin siya hinintay na sumabay sa akin paglalakad.

"Dela Vega..." Tawag niya.

Nilingon ko siya. Tumakbo siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bitawan mo ako. Pinagtitinginan tayo." Sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Let them stare. Para malaman nila na ako lang ang may karapatang humawak sa'yo."

Tumaas ang aking kilay. "Baka nakakalimutan mong hindi pa tayo?"

"So? Dun din naman ang punta natin. Nagpapakipot ka lang."

Kumalas ako sa hawak niya at nagsimula nang humakbang. Hindi pa ako ganoong nakakalayo nang makarinig ako ng tili.

"Fire!" Tawag ng isang babae.

Muli ko siyang nilingon na dinaluhan ng tatlong babae. Nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanya.

"Shit!" Mura niya at dinala ang dalawang kamay sa kanyang ulo.

"Sumasakit ba ang ulo mo?" Tanong ni Loisa sa kanya.

Inalis ko ang hawak ni Jurie sa kanyang braso at ang kamay naman ni Loisa sa magkabila niyang balikat. Napaatras si Moriko.

"What are you feeling?" Nag-aalala kong tanong.

"Biglang sumakit ang ulo ko." Aniya.

Iniakbay ko siya sa akin at inakay paglalakad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang bandage sa kanyang ulo. Siguro ay hindi pa ganoon kagaling ang kanyang sugat.

"Dapat kasi hindi ka na lang pumasok." Sabi ko.

Nilingon niya ako at tumingin sa aking mga mata. "Kung hindi ako pumasok, masasayang ang isang araw ng buhay ko. Gusto kong lagi kang nakikita."

Kinurot ko siya sa tagiliran. Mahina siyang tumawa.

"Dalhin kita sa clinic?" Tanong ko.

"I don't wanna go there. Sa canteen tayo. Magbebreakfast."

Hindi na ako umangal. Tumungo kami sa canteen. Papasok pa lamang kami nang awtomatikong umatras ang mga paa ko nang makita si Gio na kasama ang ST niya. They were having their breakfast.

Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin ni Altamirano sa tinitignan ko. Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Let's go." Hinila niya ako patungo sa table kung saan kami madalas kumain.

"'Wag na tayo dito. Sa iba na lang tayo-" Tumigil kami sa usual spot, kung saan nasa tabi lang sina Gio.

Umupo siya sa harapan ko. I didn't have any choice but to sit across him.

"Good morning, ma'am... sir." Bati niya sa dalawa.

"Good morning." Bati ni Ms. Krisane.

"Morning." Malamig ang boses na tugon ni Gio.

"Good morning." Bati ko rin nang hindi sila tinitignan.

"Bili lang ako." Paalam niya.

Kahit ayaw ko siyang umalis kahit sandali lang ay wala akong nagawa. Iniwan niya akong mag-isa sa table.

"Sir, excuse me. I'll just go to the rest room." Paalam ni Ms. Krisane kay Gio.

Mahina akong napamura nang mapagtantong mapag-iisa kami.

"Sinundo ka niya?" Mahinahong tanong ni Gio nang makaalis si Ms. Krisane.

Hindi ako nagsalita.

"Tamiya... sinundo ka ba niya?" Lumamig ang kanyang tono.

"Ano ho bang pakialam ninyo?"

"I do care especially after what happened between us."

Hindi ko na napigilan ang sarili at nilingon siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.

"Sir, it was just a mistake." Naiilang kong sabi.

"Mistake? Tamiya, you kissed me back! Ibig sabihin ay mahal mo rin ako!" Mahina ngunit mariin niyang sabi.

Mabuti na lang talaga at walang ibang kumakain ngayon. Maaga pa at kakaunti pa lang ang mga estudyante. Tiyak na nasa kani-kanilang room ang mga iyon o nasa garden. Madaming tambayan dito at pinagpapasalamat ko na walang nakaisip na tumambay nang ganito kaaga dito sa canteen.

Lumunok ako at tiningnan ang kinaroroonan ni Altamirano. Nagbabayad na siya sa counter.

"Let's just forget what happened. Wala lang iyon para sa akin, Gio."

"Pero-" Magsasalita pa sana siya nang dumating si Altamirano.

Umupo siya sa tapat ko at inihanda ang sandwiches na binili niya maging ang mga inumin.

Tahimik akong kumain. Ramdam ko ang titig ni Altamirano sa akin kaya inangat ko rin ang tingin sa kanya. "What?"

Inilapit niya ang hinlalaki sa akin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Tipid siyang ngumiti.

"Don't you like sandwich? Gusto mo ng iba? Mukhang wala kang gana."

Umiling ako. Pinilit kong ngumiti kahit na ramdam ko rin ang titig ni Gio.

"Okay na 'to." Sagot ko. "Ahm... pwede bang sa labas na lang tayo kumain mamaya?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Lunch?"

"Yup! I want to eat Chinese food, if it's okay with you."

Lumawak ang kanyang ngiti at hinawakan ang kamay ko. Awtomatikong bumagsak ang mga mata ko dito kasabay ng paglapit niya nito sa kanyang labi.

"Anywhere my girl wants."

Binawi ko ang kamay. Mahina siyang humalakhak. Nag-init ang aking pisngi. Mahina ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa.

"Ouch!" Angal niya.

"Arte! Ang hina lang nun." Naiiling kong sabi at hindi na rin napigilan ang mahinang pagtawa. Uminom ako sa aking pineapple juice.

"Tigilan ninyo ang paglalandian sa loob ng paaralan."

Tumigil ako sa pag-inom. Nagkatinginan kami ni Altamirano dahil sa sinabi ni Gio. Nilingon niya ito at kumunot ang noo.

"We're just eating. Hindi kami nagyayakapan o naghahalikan dito. So, what's the problem?"

Nag-init muli ang aking mukha dahil sa sinabi niya.

"Oh... nagseselos ka sir?" Dagdag pa niya.

"Altamirano!"

Tumingin siya sa akin ngunit agad ding ibinalik ang tingin kay Gio.

"Sir?" Muli niyang tanong.

Hindi nakasagot si Gio. Mahina siyang tumawa.

"It's none of your business if we want to flirt with each other." Hinawakan niya ang aking braso at itinayo ako. "Tara na at sa ibang lugar tayo. I want to flirt with you privately, Dela Vega."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top