Chapter 17

Chapter 17

Maingat ko siyang iniupo at kinuha ang isang panyo sa aking bulsa. Nang sa tingin ko ay hindi ito sasapat para pangtali sa sugat sa kanyang ulo ay hinubad ko ang aking damit.

"Anong ginagawa mo?" Kunot-noo niyang tanong.

"W-we need to stop the bleeding." Kinakabahan kong sabi.

"Dela Vega... hindi ito ganoong kalala, trust me."

Hindi ko siya pinakinggan at iniwas ang tingin. Sinira ko ang aking damit at ginamit ito pantakip sa kanyang ulo para maiwasan ang mas matindi pang pagdurugo nito.

Itinayo ko siya. Nagkatinginan kami. Malungkot akong ngumiti at dinala siya palapit sa kabayo.

"Balik na tayo sa bahay niyo. Ako na ang magpapatakbo kay Severo."

Umiling siya at lumayo sa akin. Akmang huhubarin niya ang kanyang damit ngunit piniit ko siya.

"Altamirano..."

"I don't want others see your body." Pinalis niya ang kamay ko at tuluyan nang hinubad ang kanyang damit.

Sinuot niya ito sa akin at inalalayan akong makaakyat kay Severo. Nakita ko pa ang saglit niyang pagpikit. Marahil ay kumikirot ang kanyang ulo.

Hinawakan ko ang isa niyang kamay at ipinulupot ito sa aking bewang. Pagkatapos niyon ay ang isa naman. Nilingon ko siya. Nakapikit siya habang nakatuon ang baba sa aking balikat.

Lumunok ako at inihanda si Severo. Pinatakbo ko ang kabayo at sa bawat paghakbang nito ay ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Masakit ba?" Tanong ko.

"I can endure it."

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Nakarating kami sa kanilang bahay at nang makababa sa kabayo ay inalalayan ko siyang makapasok.

Nakasalubong namin ang isa sa kanilang mga katulong.

"Can you a phone a doctor? There's a little accident that happened." Utos ko rito.

"Call Dr. Greco."

Tinignan ko siya.

"And please... don't call kuya Zen, manang Marcie."

"Sige po." Agad na umalis ang katulong sa aming harapan.

Dinala ko siya sa kwartong itinuro niya. Nang makarating kami rito at maihiga siya ay hindi ko na napigilan ang yakapin siya.

Hindi ko maintindihan ang takot na bumalot sa aking dibdib mula pa kanina.

"I-I'm sorry." Hinawakan ko ang kanan niyang kamay.

Ang isa pa niyang kamay ay tumungo sa aking buhok at marahan itong hinaplos.

"Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka mapapahamak. Paano kung malala pala ang nangyari sayo?"

"Shh... could you please stop? I would be fine, okay?" Mahina niyang pakiusap.

Tumango ako at hinayaang ganoon muna kami. Hanggang sa may kumatok sa pinto.

Naiilang akong lumayo sa kanya at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang gwapong doctor. Ngumiti ito sa akin at agad ding lumapit sa kanya.

"What happened?"

"It was an accident, Dr. Greco..."

Hindi ko na hinintay pang matapos siya sa pagsasalita at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at napagpasyahang tumungo sa kusina para kumuha ng tubig para sa kanya. Hindi pa ako nakalalapit ay narinig ko na ang pag-uusap ng sa tingin ko ay mga katulong.

"Ayoko talaga doon sa babaeng dinala ni Senyorito rito. Walang modo. Hindi man lang marunong gumalang..."

Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon nung tinawag ni Altamirano na manang Marcie.

"Mukha siyang mayaman. Sa kutis at asta pa lang. Pero hindi naman ata tama na kung makapag-utos siya ay parang siya ang may-ari nitong bahay..."

Dumiretso ako papasok at awtomatiko silang tumigil sa pagtsitsismisan. Nilingon ko si manang Mercie at walang emosyon na tinitigan.

"Make sure that you won't be heard as you gossip about me." Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. Matapos ay ibinaba ko rin ito at nagsalin pa sa isang baso para kay Altamirano. "Kung ayaw ninyo sa akin ay wala akong magagawa. Sanay na ako diyan. Isa pa, diba gawain niyo naman ang sumunod sa inuutos sa inyo?"

"Saan ka ba galing na bata ka at ganyan ka kung makipag-usap sa mga nakakatanda sa iyo?"

"Rhea..." Pigil ng isa pang katulong.

"Hindi tama ang pakikitungo ng batang ito sa atin, Isme. Walang modo. Wala pa yata ang ugali niya sa kalingkingan ng ugali ni Forrah. Hindi ka ba marunong gumalang hija-"

"Sa tingin ko..." Naalala ko sina Inang Aiza at Tatay Justino at ang mga sinabi nila sa akin. "Sa tingin ko ay marunong ako. Yun nga lang namimili rin ako ng mga taong igagalang. Now, if you'll excuse."

Kinuha ko ang baso ng tubig sa mesa at iniwan sila. Nakarating ako sa pinto ng kwarto niya ngunit hindi ako pumasok hanggang sa hindi lumalabas ang doctor.

Palakad-lakad ako hanggang sa sobrang tagal na ng doctor sa loob. Hindi na ako nakatiis at pinasok sila sa loob.

"Doc, how is he?" Lumapit ako kay Altamirano at hinawakan siya sa kamay.

Tipid siyang ngumiti at pinisil ang aking kamay.

"I'm fine..."

Tumango ang doctor. "There's nothing serious. Just a scalp wound. But I still need to check him again."

"Kuya Greco..."

"Wag kang matigas ang ulo Fire."

"Fine!" Pumikit siya. "Pero kailangan kong ihatid si Tamiya sa Manila."

"No..." Umiling ako. "Dito na lang din muna ako-"

"Hindi." Hinaplos niya ang kamay ko. "Ayos lang ako. Wag ka nang mag-alala. Pero ihahatid pa rin kita."

"Altamirano naman..."

"Stay here, Fire. Ipahatid mo siya kay Jobert." Sumeryoso bigla si Doc Greco.

"Alright!" Mahinang tugon ni Altamirano.

Kinabukasan ay ganoon nga ang nangyari. Umalis ako ng Ilocos Sur na hindi ko nakita si Altamirano dahil dinala siya sa hospital kagabi rin. Hindi na niya ako pinasama dahil maaga ang alis ko pabalik ng Manila.

"Good morning..." Bati ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko. "Are you feeling well now?"

"Yep. Ayos lang ako. Nag-umagahan ka ba sa bahay bago kayo umalis?"

"Yes." Bumuntong-hininga ako. "Update me, alright?"

Mahina siyang tumawa. "Sana pala lagi na lang akong nauuntog or naaaksidente ano?"

"Altamirano!" Pagpigil ko sa kanya. "How could you say that?"

"Well... I'm in love with the thought that my girl shows too much concern for me."

Natahimik ako at naramdaman ang pag-iinit ng pisngi.

"I'm falling profoundly, make sure that you can catch me."

Napatay ko ang tawag at naiilang na tumingin kay kuya Jobert na siyang nagdadrive. Agad niyang inalis ang mga mata sa akin ngunit hindi ako puwedeng magkamali na pinanonood niya ang aking reaksyon.

Nakarating kami sa bahay.

"Thanks." Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil hindi pa rin lumilisan ang pagkailang ko simula pa kanina. Kahit na hindi naman niya alam ang pinag-usapan namin ni Altamirano.

Paakyat na ako ng hagdan nang magvibrate ang aking cellphone.

"Are you finally home?" It was Phoenix.

"Yep..." Tugon ko. "But I think I can't go to school. I'm quite sleepy. Hindi ako nakatulog kagabi. Sige na... bye." I had to end the call before he could ask something.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga. Buong maghapon ay wala akong ginawa kundi matulog at bantayan ang aking cellphone sa paghihintay ng kanyang tawag.

"Tamiya, are you okay? Kahapon ka pa patingin-tingin sa cellphone mo." Tanong ni Jemimah kinabukasan, pagpasok ko ng room.

Pinuntahan din kasi nila ako sa bahay kahapon ngunit hindi naman nila ako nakakausap nang matino.

"Is it because of Fire?"

Tumango ako at nagtipa sa aking cellphone.

Me:

Call me okay? Nag-aalala ako.

Isinend ko ito sa kanya. Hinarap ko ang aking pinsan na halata ang panunuod sa kilos ko.

"Hindi pa ba ulit siya tumatawag?"

"Hindi nga eh." Bumuntong-hininga ako.

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. "You look really concerned about him, Tami. Are you guys an item already?"

"What?" Mahina akong tumawa at binawi ang aking kamay. "Nagpapatawa ka ba Jem?"

Ngumuso siya, halatang nagpipiit ng ngiti. "Kuya told me about you and Fire."

"So you are snoopy now huh? Pati si Phoenix." Umirap ako. "Never kong na-imagine na pagtsitsismisan niyo ako ng kuya mo."

"Pinilit ko lang si kuya. Actually, ayaw niyang magsalita."

"But he still had something to say." Tumayo ako. "Samahan mo ako? Bibili akong milkshake and sandwich sa labas."

Tumango siya. Tumingin ako sa pinto at nakita roon si Gio. As usual ay kasama niya iyong kanyang ST.

"Nga pala... hinahanap ka ni sir kahapon. He kept on asking me your whereabouts."

Nilingon ko si Jem. "What did you tell him?"

"Kasama mo si Fire."

Muli akong tumingin kay Gio. Walang emosyon ang kanyang mukha.

"Yun lang?"

"Yep."

Sa kabilang pinto kami dumaan para hindi ko siya makasalubong. Habang naglalakad ay naalala ko si Camilla.

"Asan pala si Camilla?"

"Gumagawa ng assignment sa library. Nakalimutan niya raw eh."

"Mas close kayo ni Camilla, diba? Is he asking about Altamirano lately?"

"Nope... pero lagi siyang may katext. Hindi ko alam kung sino. Lagi niyang inilalayo yung phone niya sa akin pag ganon."

"Other suitors?"

"I really don't know Tami. Ask her."

Nagkibit-balikat na lang ako at inilabas ang cellphone sa aking bulsa. Nang makita na wala man lang siya kahit isang text o missed call ay muli ko itong itinago.

Matapos naming bumili ay bumalik na rin agad kami sa room. The first class went good, ngunit nang dumating ang oras niya ay bumalik din ang discomfort na madalas kong maramdaman sa tuwing nakikita siya.

Pagkatapos maglecture ay nagpahanda siya ng one fourth sheet of paper. Habang busy sa pagsasagot ang mga kaklase ko sa mga tanong na nasa board ay naramdaman ko ang kanyang paglapit sa akin.

Inilapit niya ang mukha sa aking pisngi na kunwari ay tinitignan ang aking mga sagot. "How was your vacation with him?"

"Fine... sir." Pinagpatuloy ko ang ginagawa.

Naramdaman ko ang paglingon niya. "You're enjoying his company, aren't you?"

"He's not difficult to deal with. Isa pa... hindi siya manloloko."

"Hindi ako manloloko, Tamiya."

Ibinaba ko ang aking ballpen at tumayo. Palabas ako ng kwarto nang marinig ko ang pagtawag niya sa atensyon ng buong klase.

"Continue answering... may pupuntahan lang ako saglit, class. Give your papers to Ms. Dimagiba. We'll be checking your answers tomorrow. Is that clear?"

"Yes, sir."

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa CR. Papasok pa lang ako nang higitin niya ako at palinga-lingang tumingin sa kahit saang direksyon. Nakita ko na lang na dinala niya ako papunta sa roof top.

"Sir..."

Umupo siya sa isa sa mga upuan dito na batid kong iniakyat ng mga estudyante. Hinigit niya ako at iniupo sa kanyang kandungan.

Tila napigil ko ang aking hininga.

Mahigpit niyang niyakap ang aking baywang. Ang mukha niya ay ibinaon niya sa aking leeg.

"Why did you go with him?" Paos niyang tanong. Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at hinagilap ang aking mga mata. "Tamiya..."

"Let go of me, Gio." Malamig kong sabi.

"I don't want to let you go." Malaman niyang sabi. "You love me, don't you?"

Hindi ako sumagot.

"Tamiya, mahal mo ako diba?" Ulit niya.

Lumunok ako. "H-hindi."

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Tumungo siya at ang tanging nagawa ko ay ang panoorin siya.

Tumayo ako at agad niyang hinawakan ang aking kamay. Muli siyang tumunghay at tinitigan ang aking mga mata. "W-wag mo akong iwan..."

Umiling ako. "I don't want to cheat on him. I don't want to hurt him, Gio. Not because, he is not here, I'll go back to you. Not just because I still feel something for you-"

Nanlaki ang mga mata ko nang higitin niya ako pabalik sa kanyang kandungan at walang sabi-sabing hinalikan ang aking mga labi. Hinawakan niya ang aking batok at madamdamin akong hinalikan.

Hindi ko siya magawang itulak dahil sa magkahalong gulat at takot. Natatakot ako dahil alam kong hindi ganoon kadaling kalimutan ang isang tao. Pausbong pa lang ang nararamdaman ko sa kanya nang sumuko ako. Ngunit ngayon... ngayong heto siya at ipinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kagusto ay mas lalong lumalala ang aking takot.

Mabini ang kanyang paghalik. Pinadausdos niya ang kamay sa aking baywang at mas inilapit pa niya ako sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pumikit. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang sarili na ginaya ang kanyang ginagawa. Ngunit, sa pagtugon ko ay naalala ko ang paghalik ng ibang lalaki sa aking noo.

Ang halik niya noong nasa ilog kami at ang pagsasabi niyang magdadahan-dahan kami. Liligawan niya ako at handa siyang magpakahirap hanggang sa maging karapat-dapat siya na makuha at mahalikang muli ang mga labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top