Chapter 14
Chapter 14
"Tami, what's taking you so long?"
Ibinaba ko ang pressed powder at tinignan ang sarili sa salamin. Tiyak na parating na si Altamirano.
"Tamiya Azia Dela Vega!"
Nilingon ko si Phoenix. Pinasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan.
"Why?"
"What's with your getup?"
Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Uso 'to!"
Mas lalong sumama ang tingin niya. Hindi ko na napigil ang aking tawa at hinalikan siya sa pisngi.
"Don't treat me like your binibini." Umikot ang aking mga mata. "I'm not that plain."
There was no wrong with my getup. High waist short na kulay pula at itim na sleeveless top ang aking suot.
Hindi siya kumibo at umigting ang panga. Ang daming nagkakagusto sa kanya ngunit hindi niya makalimutan ang babaeng iyon.
Tumikhim ako. "Paano? I'll be going." Iginala ko ang tingin sa bahay, ang mga katulong ay naglilinisan.
Tumalikod ako at tumungo sa pinto. Sumunod siya na dala ang aking backpack.
"Take care of yourself..." Bilin niya. "Although I know Fire, gusto ko pa ring makasigurado na hindi kayo gagawa ng kalokohan." Lalong sumeryoso ang kanyang mukha.
Bumaba si Altamirano sa kotseng naghatid sa amin sa school kamakailan. I had no idea where would we go. Ang sabi niya ay makakatulong sa akin ang lugar para magbura ng hindi magandang pangyayari dito.
"Ano namang kalokohan ang gagawin namin?" Umiling ako. "You don't have to worry, we're just friends."
"Hindi kayo pero kayong dalawa lang sa lugar na pupuntahan ninyo. Try to touch even a single strand of your hair and I'm gonna beat the hell out of him."
"Relax..." Pinigil ko ang pagtawa dahil sa inaasta niya. Akala ko ba ay ayos sa kanya si Altamirano?
Niyakap niya ako at hinalikan sa buhok. Naghiwalay lang kami nang makarinig ng pagtikhim. Lumayo ako at tumingin sa lalaking nakasandal sa kotse.
"Let's go?" Tanong niya.
"Yup!" Nilingon ko si Phoenix. "Bye!"
Pinagbuksan ako ni Altamirano ng pinto at pumasok ako sa back seat. Sumunod siya.
"Pare..." Tinanguan niya si Phoenix.
"Take care of her."
Mahina akong natawa dahil sa pinsan ko. I blew him a kiss to shut him up. Ilang sandali pa ay umandar na ang sasakyan.
Ilang minuto pa lang ang nagdaan nang ihilig niya ang ulo ko sa kanyang balikat. Sinimulan niyang haplusin ang aking buhok.
"Kuya Jobert, tumawag ba sa iyo ang kuya Zen? Naroon ba siya?" Tanong niya sa driver.
"Hindi ko po alam."
"Hindi kasi umuwi kagabi. Baka nga nasa Hacienda."
Kinuha ko ang headphones sa bag at isinuot ito. Muli akong humilig sa kanyang balikat at ipinikit ang mga mata. Pagising-gising ako dahil kinailangan naming magcr at kumain. Bumili sila ng pagkain sa drive thru.
"Inaantok ka pa? Matulog ka lang."
Tumango ako pagkabalik namin sa sasakyan matapos mag cr. Muli akong nagpadala sa antok. Akala ko ay nasa byahe pa rin kami nang magising ako.
Napabalikwas ako ng bangon at namangha sa kwarto na bumulaga sa aking paningin. Mabilis kong inililis ang kumot at tumayo. Tumungo ako sa balkonahe at ganun na lang ang pagtatakang tumama sa akin nang mabasa ang isang malaking arko.
Sumisigaw ito ng yaman at pangalan na Altamirano. Hacienda Altamirano.
"Oh my God..." Usal ko.
Muli akong humarap sa kwarto at saktong pagbukas ng pinto. Nakakunot ang kanyang noo. Bago pa niya ako malapitan ay humakbang na ako patungo sa kanya. Sinapak ko siya.
Nanlaki ang kanyang mga mata at ako ay napangiwi sa sakit ng aking kamao.
"Why did you do that-"
"Ouch..." Hinaplos ko ang likod ng kamay at sinamaan siya ng tingin. "Til when you're gonna lie that you're poor?" Kinurot ko siya sa tagiliran.
Umaray siya. Akmang uulitin ko iyon nang pigilin niya ang kamay ko at dahan-dahang humakbang. Umatras ako at bigla na lang niya akong itinulak. Napahiga ako sa kama, lumarawan naman ang kanyang ngisi.
"That's why I brought you here..."
Hinampas ko siya sa dibdib ngunit agad niyang hinuli ang mga kamay ko. Piniit niya ito sa magkabilang gilid sa aking ulo.
"Told you... I'm richer than you." Hinagilap niya ang mga mata ko.
Iniwas ko ang paningin. Binitawan din niya ako.
"Pero nag-enjoy ako na mapagkamalan mong mahirap." Pumunta siya sa balkonahe at sinenyasahan ako na lumapit.
Dahil hindi pa rin ako makapaniwala ay wala sa sarili akong sumunod sa kanya. Tinabihan ko siya. Itinungkod niya ang dalawang siko sa balustrade at pinagdaop ang mga kamay.
"You don't look at me the way others do." Tumikhim siya. "Si Fire, Altamirano 'yan... mayaman, malaki ang pangalan. I'm gonna flirt with him. Surely, my parents will be happy if he becomes my boyfriend." He said mimicking a girl's voice.
Umiling ako at nagtawanan kami.
"I like the way you see me. I like it that way. Yung mahirap lang ako. Yung magnanakaw lang sa paningin mo. Kasi... alam mo parehas na parehas kayo ni Forrah."
Naglaho ang tawa ko.
"Nung una napagkamalan din ako ni Forrah na mahirap. Hindi kasi ako noon palalabas ng bahay. I was 9 years old when Papa let me go out and help our workers."
Tumingin siya sa akin, nag-iwas ako.
"We met at the rice field."
Pinakinggan ko siya at niyakap ang sarili dahil sa paghaplos ng malamig na hangin sa aking balat. Madilim na ang paligid at sa tingin ko ay mga alas syete o alas otso na ng gabi.
"She's a real pretty girl. Hapon noon... nanghuhuli siya ng mga tutubi at ako ay walang ginawa kundi ang panoorin siya."
Iniangat ko ang tingin at nakitang nakamasid siya sa kawalan. Ngumiti siya at may kung ano akong naramdaman sa dibdib.
Inggit. Inggit dahil hindi ako tulad nila na naenjoy ang buhay bata.
Nagpatuloy siya sa pagkukwento. Napangiti ako nang marinig na katulad ko rin si Forrah na napagkamalan siyang anak ng magsasaka.
"Nahulog ako sa murang edad. Hindi ko alam kung pag-ibig bang matatawag ang naramdaman ko kahit bata pa lang pero masaya ako tuwing kasama ko siya. Masaya ako tuwing naglalaro kami at napapangiti ko siya."
Tumikhim ako. "Be honest with me... until now you love her?"
Bumagsak ang kanyang tingin sa akin. Hindi agad siya nakasagot.
"Why are you asking me? Are you jealous?"
Umiling ako. "Answer me-"
"Sir Fire hindi pa ho ba kayo maghahapunan?" Tanong ng boses mula sa labas ng kwarto.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinigit ako papunta sa pintuan. Hindi niya ako sinagot at wala sa sariling napatitig ako sa kanyang mukha habang hinihila niya ako. Nakita ko na lang ang sarili sa dining area.
Kinabukasan ay maaga niya akong ginising. Nakasuot ulit ako ng shorts at sleeveless kaya panay ang tingin niya sa akin.
"Masyado ka nang halata sa pagtitig..." Sinipa ko ang ilang bato na nakita.
"Hindi kita tinititigan. I'm just thinking about your skin. Mangingitim ka."
"Hindi yan." Umuna ako sa paglalakad.
Hindi ko pa nalilibot ang bahay nila pero dahil sinabi niya kaninang dadalhin niya ako sa isang ilog ay hindi na ako nagdalawang isip.
Tinahak namin ang madamong daan.
"Ouch..." Mahina kong angal nang madikit ako sa talahib.
Kumati ang aking balat. Tutungo na ako para tignan ang aking binti nang pumunta siya sa harapan ko at patalikod na lumuhod.
Tinapik niya ang magkabilang balikat. "Sakay na mahal na prinsesa."
Ngumuso ako at napailing. Hinawakan niya ang aking binti. Mainit ang kamay niya sa aking balat. Napalunok ako.
"Sakay na. Ayokong masugatan ka."
Bumuntong-hininga ako at inilapit ang sarili. Sumakay ako sa kanyang balikat. Inayos niya muna ang aking pwesto bago dahan-dahang tumayo.
"Oops..." Napasabunot ako sa kanyang buhok nang medyo gumewang ako. Ang mga kamay niya ay umalalay sa aking mga binti. "Hey... don't let me fall huh?" Pakiusap ko.
Mahina siyang tumawa at tiningala ako. "Sorry... but that's going to happen."
Natahimik ako at kinabahan sa kanyang sinabi. Nakatitig ako sa kanyang ulo. Naputol lang iyon nang marinig ko ang pagbati ng mga taong nadadaanan namin.
Tumikhim ako. "Wait... baka pagod ka na? Masyado ata akong mabigat."
"Nope."
Hindi na ako nagsalita. Ilang minuto pa nang makarating kami sa isang malinis at malinaw na ilog. May mga bato dito. Kitang-kita ko pa ang mga maliliit na isda na naglalaro at sumusuot sa gilid-gilid ng mga bato.
Ibinaba niya ako at agad akong lumusong. Napatigil lang ako sa paghakbang nang sumitsit siya. Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Aren't you gonna get rid of those clothes?" Tinuro niya ang aking suot.
Paatras akong humakbang at walang salitang hinubad ang aking suot na pang-itaas at shorts. Napapapiksi ako nang unti-unti akong lumusong sa malamig na tubig. Hindi rin naman nagtagal ay nasanay ang katawan ko sa lamig nito.
Sinubukan kong lumangoy nang lagpas bewang na ang tubig. Nilingon ko siya at nakitang pinanonood lang ako.
"You'll just watch me forever?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Binasa niya ang ibabang labi. Mabilis niyang hinubad ang suot na damit at hinagis ito sa batuhan. Napalunok ako at napatitig sa kanyang katawan. Agad din akong nagbawi ng tingin at tumalikod.
Muli akong lumangoy. Saktong pagtigil ko ay ang pag-ahon ng kanyang ulo sa harapan ko. Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Hahampasin ko siya sa balikat nang mabilis niya akong nakulong sa kanyang bisig.
"Sabi ko sa'yo... mag-eenjoy ka dito." Ngumiti siya. Isang napakagandang ngiti.
Napatitig ako sa kanyang mga mata. Kinagat ko ang ibabang labi nang may mapagtanto. Bumuntong-hininga ako at umambang lalayo ngunit mas lalong humigpit ang kanyang yakap.
"Let yourself fall. Let yourself fall in love with me."
Iniwas ko ang tingin. "A-anong sinasabi mo-"
"Wag ka nang magkunwari." Idinikit niya ang noo sa aking noo. "Your eyes are very expressive. You're not an actress to easily clog your own expressions. Masyado kang mahina. Masyado kang halata." Hinaplos niya ang aking buhok.
Umigting ang aking panga.
"Mahirap pigilan ang nararamdaman. Ikaw lang ang magpapahirap sa sarili mo 'pag pinagpatuloy mo 'yan."
Iniwas ko ang tingin. "I don't know what you're talking about."
"You certainly know it..."
Pinilit kong lumayo at nabitawan niya ako. Mabilis akong umatras. Humakbang siya palapit hanggang sa maramdaman ko ang malaking bato at napaupo dito. Seryoso ang kanyang mga mata na kulang na lang ay lunurin ako.
Hinawakan niya ang aking pisngi. Napapikit ako. May takot sa aking dibdib na mabilis kumalat. Akmang ibubuka ko ang bibig nang hawakan niya ang ibabang labi ko at haplusin ito.
"You certainly know it..." Ulit niya.
Hindi ba masyadong mabilis? Wala pang dalawang buwan simula noong huling engkwentro namin ni Gio.
Oo, hindi niya ako iniwan. Hindi niya ako hinayaang makalapit dito at hindi niya rin hinayaan si Gio. Pero ng mga nakaraang araw na iyon ay hindi rin siya nagsawa na suyuin ako at magkunwari na boyfriend ko.
"W-we're too fast. Everything's too fast."
"Then... we'll make it slow."
Pumikit siya at dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin. Napalunok ako. Sa kabila ng takot ay kusang pumikit ang aking mga mata.
I couldn't stop this. I really could not.
Sana lang tama ang desisyon ko. Sana lang hindi siya katulad ni Gio na iiwan at sasaktan ako sa huli. Sana.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top