Chapter 12
Chapter 12
"Tami your mom's on the phone-"
"Then talk to her." Tumayo ako, nawalan bigla ng gana sa pagkain. Tumingin ako kay Phoenix at inayos ang aking bag. "Is this the reason why you slept here? Kung inuutusan ka nila mommy na bantayan ako, pakisabi 'wag silang mag-alala. Ayos lang ako. Buhay pa, humihinga."
Hindi na ako naghintay pa ng sagot niya. Lumabas ako ng bahay at inutusan si Boyd na ihatid na ako. Pagkarating sa school ay iritado akong umupo at itinext si Altamirano.
Me:
Where are you?
Ilang sandali pa nang makareceive ako ng reply.
Altamirano:
Lapit na. Hintay lang. May problema ba?
Me:
Wala! Dalian mo, para kang babae. Bagal kumilos.
Ipinasok ko ang phone sa bag pagkatapos siyang itext. Ilang minuto lang ay nakarating na rin siya.
Iniwas ko ang tingin at tumikhim. "Kumain ka na?"
Tumabi siya sa akin. Naramdaman ko ang paglapit ng kanyang mukha, mabilis akong lumayo.
"How will you forget him if you're not gonna let me kiss you?" Gumapang ang kanyang kamay sa aking balikat.
Pinatatag ko ang sarili. Hindi porke't hinayaan ko siya na tulungan ako ay pwede na niya akong halikan kapag gusto niya.
"Hindi ako nakikipaghalikan basta-basta sa kahit sinong lalaki-"
"You told me last time you already kissed a lot of guys." Pinisil niya ang aking balikat. Hindi ko man siya lingunin ay batid ko ang nakapaskil na ngisi sa kanyang labi. "And I'm not just a guy who wants a kiss from you, Dela Vega. I'm now your boyfriend-"
"Tamiya!"
Mabilis akong lumayo sa kanya dahil sa boses na iyon. Tumingin ako sa unahan kung nasaan si Gio na seryosong-seryoso ang mukha.
"Tamiya Azia Dela Vega at Fire Sage Altamirano. Gusto niyo ba talagang maparusahan-"
"Then give us the punishment, sir." Putol sa kanya ni Altamirano. "Ayan ang problema sa mga taong babaero. Kapag nanawa sa isa, hanap ng iba."
Nilingon ko siya. Ang maangas niyang mukha ay mas lalong nadepina nang ipaloob niya sa kanyang bulsa ang mga kamay.
"Pero sana wag naman si Dela Vega, sir. 'Di ka ba naaawa. Wala ka bang puso? Isang kahibangan ang pagkagusto mo sa kanya dahil isa kang guro. Isang kahibangan dahil huli ka na. Kami na. Mahal niya ako-"
"She's not in love with you." Putol ni Gio. Mabilis siyang lumapit sa amin.
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
"Ako ang mahal mo diba?" Iniharap niya ako sa kanya.
"Sir, bitawan mo siya."
Nilingon ko si Altamirano. Umigting ang kanyang panga.
"Bitawan mo siya kung ayaw mong mawalan ng trabaho."
Hindi sumunod si Gio. Inagaw ako ni Altamirano at itinulak si Gio. He almost stumbled.
"Altamirano!"
Nilingon niya ako ngunit agad ding hinarap si Gio. Sinapak siya nito.
"Gio!" Tili ko.
"Woah!" Pinunasan ni Altamirano ang gilid ng kanyang labi. Kinabahan ako nang makita ang dugo dito. "Lakas mo palang manuntok, sir. But... I can do better!" Gumanti siya ng suntok.
Humihingal siyang tinignan ang nakabaling na mukha ni Gio. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng room.
Dinala niya ako sa usual na pinupuntahan namin. Umupo siya sa damuhan at hinigit ako palapit sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa kawalan.
"Selos na selos ang gago." Umiling siya, binitawan ang aking kamay. "That teacher shouldn't be here. He's not a good model. Dapat sa kanya ay paalisin sa eskwelahang ito."
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Tinignan ko ang kanyang kamao, namumula ito tulad ng inaasahan.
"Does it hurt?" Tanong ko. "Gusto mo bang pumunta sa clinic-"
"You can make the pain go away, Dela Vega." Hinila niya ako at humilig sa aking balikat. Inilapit pa niya ang kamaong namumula.
"Anong gagawin ko?" Nalilito kong tanong.
"Kiss my knuckle." Ngumisi siya. Lalayo sana ako ngunit mabilis niyang nahigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Sige na... kiss mo na. Wala namang masama kung humiling ako nang ganito sa'yo diba?"
Pinandilatan ko siya ng mga mata. Ilang sandali pa ay wala na akong nagawa kundi ang sundin ang kanyang utos. Marahan kong hinalikan ang likod ng kanyang kamay. Lumarawan ang pilyo niyang ngiti.
"When is that time that I'd kiss your lips again?" Iniangat niya ang tingin sa akin.
Uminit ang aking pisngi at iniwas ang tingin.
"Hmm... you're damn beautiful even when blushing." Mahina niyang sabi. "Wag kang mag-alala. Lahat gagawin ko makalimutan mo lang siya. Lahat gagawin ko para ako na lang ang maging laman niyang isip mo."
Hindi ako makatulog pagsapit ng gabi dahil sa mga binitawan niyang salita kanina. Ilang oras na ata akong nakatitig sa kisame.
"Ugh!" Nanggigigil kong inihagis sa pader ang hawak na unan at mabilis na umupo. Ibabato ko pa ang isang nasa tabi ko nang biglang tumunog ang aking cellphone.
Dali-dali ko itong sinagot nang hindi tinitigan kung sino ang tumatawag.
"Don't tell me you can't sleep too?"
Napapikit ako nang mariin at muling humiga nang makilala ang boses.
"Come on... why aren't you speaking? Ganyan na ba talaga ang epekto ko sayo? Hindi ka na makapagsalita kapag naririnig mo ang boses ko?"
"Shit ka Altamirano..." Mahina kong sambit. Niyakap ko ang unan. "Hang up. I'm readying myself to sleep."
"You're voice opposes what you're saying." Mahina siyang tumawa. "Ang sigla pa ng boses mo. Halatang hindi pa inaantok. Bakit ba ayaw mo na lang aminin na gusto mo ring marinig ang boses ko?"
"W-what?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Muli siyang tumawa. Narinig ko sa kabilang linya ang pagbago niya sa kinahihigaan. "Anyway, you want me to fetch you tomorrow?"
Umiling ako at napangiti dahil sa kanyang tanong.
"Maglalakad lang tayo papuntang school. I can't give you a ride 'coz we don't have a car."
"Sa tingin mo sasabay ako sa'yo?" Umirap ako at hindi na napigilan ang paglawak ng ngiti. "Hindi ako naglalakad papasok. Balak mo pa atang pagurin ako-"
"You'll not get tired as long as we're together." Agap niya. "Masarap maglakad lalo na kapag magka-holding hands. Diba ganun pag boyfriend-girlfriend?"
Naalala ko ang tungkol sa kanila ni Forrah.
"Why did you break up?" Wala sa sarili kong tanong. Nilaro ko ang aking buhok. "You cheated?"
Matagal bago siya muling nagsalita. "I loved Forrah... so much."
Napawi ang ngiti ko. Niyakap ko nang mahigpit ang unan.
"Mabait siya, mapagmahal."
Ipinikit ko ang aking mga mata. Naalala ko si Gio.
"Kahit na mahirap ay hindi siya kailanman nagreklamo sa buhay na mayroon sila. Kahit mga gawaing bukid ay pinapatos niya makatulong lang sa pamilya."
"Bakit hindi mo siya balikan? Bakit mas gusto mo pang tulungan ako kesa ang balikan ang babaeng gusto mo?" Tanong ko.
Matagal bago siya umimik. He cleared his throat. "Sleep now, Dela Vega." Bigla niyang sabi. "Ready yourself tomorrow."
Pinagtakhan ko ang ikinilos niya. Pinatay niya ang tawag. Matagal bago ako dinalaw ng antok.
"Tamiya anak, may bisita ka."
Pababa pa lang ako ng hagdan ay iyan na ang sumalubong sa akin. Mabilis siyang tumabi sa dinadaan ko at sumunod.
"Sino?"
"Fire raw."
Tumango ako at nilingon siya. "I'm not gonna eat breakfast. Sa school na lang ako kakain."
Hindi na nagawang umangal ni Manang Didith. Dumiretso ako sa pintuan at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko sa gate ay nakita ko ang isang kotseng kulay itim. Nanlaki ang aking mga mata nang lumabas mula sa back seat si Altamirano.
"Ayaw mong maglakad diba?" Isinara niya ang pinto at naglakad palapit sa akin. "'Wag ka nang magtatanong kung saan ako nanghiram ng kotse. Mahirap ako pero hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na may mga kamag-anak din ako. May kotse sila at nanghiram ako. Bonus at may driver pa!"
Ngumiwi ako. Inakbayan niya ako at itinulak papasok sa back seat.
"Kuya Jobert, siya nga pala... may sinabi ba ang kuya Zen kaya pati ikaw ay ipinahiram sa akin?"
"Wala po sir-ang ibig kong sabihin... wala Fire." Lumunok ang driver na ipinagtaka ko. Tumingin ito sa akin ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin.
Nagkibit-balikat ako. Akma akong titingin sa bintana nang maramdaman ang paggapang ng kamay niya sa kamay ko. Tinignan ko siya ngunit mabilis ding nagbawi nang makitang titig na titig siya sa akin.
"Your hands are so soft. Kamay mayaman talaga." Pinisil niya ito.
"Ikaw din..." Tumikhim ako at tinignan ang kamay naming magkadaop. "Ang laki ng kamay mo pero malambot. Ano bang trabaho mo noong nasa bukid ka pa? Mukhang wala ka namang ginagawa. Di 'ba pag mahirap kailangan talagang kumayod para lang may maipang-kain? Pero bakit ang sayo-"
Binitawan niya ang aking kamay. Nagtaka ako nang bigla niyang itinupi ang kanyang uniform hanggang balikat. Namilog ang aking mga mata nang mapansin ang peklat sa kanang balikat niya.
"Hindi inaasahang nataga ako ng isa sa mga taga bukid kasi napagkamalan akong magnanakaw. Gabi noon... nang maisipan kong kumuha ng mais kasi nagugutom ako."
Sumulyap ako sa driver. Nang masigurong hindi ito nakatingin ay saka ko hinawakan ang peklat sa balikat niya. Hindi ko ito nahalata nitong mga nakaraang araw kahit noong isang araw na nasa Fortress kami.
"Bakit mo naman kasi naisipang manguha ng mais?" Kinurot ko ang kanyang tagiliran. Hinataw niya ang kamay ko at natawa ako. "Wala ka na ba talagang makain ng gabing iyon?"
Umiling siya at umayos ng upo.
"Gutom eh. Anong gagawin ko?"
Nagtama ang aming mga mata at tipid siyang ngumiti. Hindi iyon nawala sa isip ko kahit nang makarating na kami sa school.
Pinagtitinginan kami ng mga kapwa estudyante. Siguro ay nagtataka sila dahil may kasabay akong pumasok.
"Hirap talaga kapag may kasama kang gwapo ano?" Kindat niya sa akin.
Tumaas ang aking kilay. Lumiko kami at dumiretso sa hagdan. Habang naglalakad ay sinapak ko siya sa balikat.
"You're too arrogant, you know that?" Inirapan ko siya.
Mahina siyang tumawa. "Sus, alam ko namang nagagwapuhan ka rin sa akin. Di mo lang maamin kasi iisipin mo na lalaki lang ang ulo ko-"
"Malaki na ang ulo mo kaya bakit pa kita pupurihin?"
Hinigit niya ako palapit sa kanya. Unti-unti ay nasasanay na ako sa tuwing niyayakap niya ang aking baywang.
Tumikhim ako at kinurot siya sa balikat. "Chansing ka lagi!"
"Gusto mo naman na chinachansingan kita."
Nasa floor na kami kung saan ang aming room nang makasalubong namin si Ms. Arena at Gio. Kusang tumigil ang aking mga paa sa paghakbang. Humigpit din ang pagkakapulupot ng bisig niya sa akin.
"Good morning ho." Malamig na bati ni Altamirano.
Iniwas ko ang tingin kay Gio. "Good morning ma'am, sir." Walang gana kong bati.
"Good morning-"
"Hanggang kailan ko ba kayo babalaang dalawa na bawal ang ginagawa ninyo?" Putol ni Gio sa pagsasalita ni Ms. Arena.
Hindi ako nagsalita at nanatiling diretso ang tingin.
"Gio..." Kinalbit siya ni Ms. Arena.
Umirap ako at kusang pumulupot ang sariling bisig sa bewang ni Altamirano. Bumaba ang tingin niya sa akin.
Ngumuso ako at matamis siyang nginitian. "Let's go... malelate na tayo." Nilingon ko ang dalawang teacher sa aming harapan at tipid na ngumiti. "Excuse us."
Hinila ko na siya paalis. Napairap ako nang malagpasan namin sila.
Walang gana akong dumiretso sa aking upuan. Iginala ko ang paningin sa buong classroom at nakitang nakatingin sa amin ang lahat. Tumingin ako sa mga pinsan ko. Nakakunot ang noo ni Jemimah at si Camilla ay seryoso ang mukha. Hindi inaasahang nahagip ng mga mata ko si Forrah na nakatingin din sa amin.
"She's looking at us." Hindi ko man balingan si Altamirano ay batid kong nakuha niya ang tinutukoy ko.
Tumikhim siya. Tiningnan ko siya na nakatingin na rin kay Forrah.
"Forrah's really gorgeous but you're exquisite, gf."
Muling bumalik ang tingin ko kay Forrah. Nagulat ako nang ngitian niya si Altamirano.
"What's the difference with those words? Ako ang girlfriend mo pero nagagandahan ka sa iba?" Nilingon ko siya. "Mas bata ka kay Gio pero mas mukha kang babaero-"
"Hindi ako babaero. I just gave Forrah a compliment." Inakbayan niya ako at idinikit ang labi sa aking tenga.
Nagtaasan ang aking balahibo nang maramdaman ang hininga niya dito.
"Remember that words have extremity. Words have differences. There are degrees in comparison, Dela Vega. Iba ang maganda sa sobrang ganda." Ngumisi siya at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa kabilang tainga. "Maganda si Forrah pero iba ang ganda mo. Ang ganda mo ang nagpapahina sa tuhod ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top