Chapter 11
Chapter 11
"Sir, are we going to the faculty room now for the post conference?" Tanong ni Ms. Krisane, ang mentee ni Gio.
Nasa pintuan sila at nag-uusap tungkol sa first day nito. Katatapos lang ni Ms. Krisane na magturo sa amin.
"Ma'am..." Ngumiti si Gio. "You did a great job. Your confidence is overflowing. The way you speak in front, the way you-"
"Excuse me sir... ma'am." Tumigil ako sa paglalakad at pinigil ang pag-irap.
Wouldn't it be comfortable for them if they have their post conference in the faculty room? Nakaharang sila sa pinto!
Binigyan nila ako ng daan. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang paninitig ni Gio sa akin.
Naglalakad ako sa corridor nang makarinig ako ng pagtikhim. Lumingon ako at nakita si Altamirano. He was in his usual boastful stance, eyeing me from head to toe.
"What's up?" Hinaplos niya ang kanyang buhok at dahan-dahang lumapit sa akin.
"What do you want this time?" Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Altamirano, tumigil ka na-"
"You can't command me. This is my time to make a move. Why would I let this chance to pass?"
"Hindi man naging kami pero hindi madaling makalimot." Nalasahan ko sa sariling mga salita ang pait. "May mga bagay na hindi magiging sayo dahil may dahilan. May mga bagay na dapat bitawan mo na lang kasi iyon ang nararapat." Umatras ako. Tinitigan ko siya at mapait na ngumiti.
Kung bakit bigla na lang lumabas ang mga katagang iyon sa aking bibig.
Tumalikod ako ngunit agad niya akong nahawakang muli. Sinakop ng kanyang kamay ang akin.
"Kasi may mga bagay na nasa harap mo na pero iniichapwera mo pa." Dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya. Isinipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tenga. "Come with me and forget him."
Hindi na niya ako hinintay umangal o magsalita man lang. Dinala niya akong muli sa room. Tumabi siya sa akin.
We got their attention. Nanunusok ang mga titig ng pinsan ko sa amin. Hindi ko magawang tignan si Gio dahil alam kong miske siya ay nakatingin.
Altamirano's hand was so warm that it made me composed myself unbelievably. Tatlong linggo na ang nakararaan ngunit ngayon ko lang hinayaang makalapit si Altamirano sa akin. Sa bawat araw na nagdaan ay para akong pinapasakitan ng mga nakikita ko. Gio's always with Ms. Arena and now his mentee got into the picture.
"Let me hold you 'til I get tired."
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa unahan. Seryoso ang kanyang mukha at hinaplos niya ng daliri ang aking kamay.
"Altamirano..."
Hinarap niya ako. Ngumiti siya ngunit hindi pa rin nito natabunan ang kaseryosohang ipinapakita ng kanyang mga mata.
"But... I think I won't get tired."
Binawi ko ang aking kamay. Anong sinasabi niya?
Muli akong tumingin sa unahan. Nandoon pa rin si Gio pero wala na si Ms. Krisane. Nakatitig siya, hindi sa akin kundi sa kamay kong hinawakan ni Altamirano.
"Handa ka ba talagang tulungan ako?" Wala sa sarili kong sabi. Iniwas ko ang tingin kay Gio.
"As I've said, I'm willing to help." Tumingin siya sa pintuan at lumarawan ang kanyang ngisi nang makitang nasa amin pa rin ang atensyon ni Gio.
Lumapit sa akin si Jemimah nang dumating ang lunch time. "Tami..."
Inangat ko ang tingin sa kanya.
"What's happening to you? Ilang linggo ka nang mukhang wala sa sarili-"
"I'm okay. No need to worry." Tumayo ako at hindi na hinayaang makalapit si Camilla.
Dumiretso ako sa labas ng pinto kung saan naghihintay si Altamirano. Nang may maalala ay tumingin akong muli sa loob ng room.
Nagtagpo ang mga mata namin ni Forrah. Her face was serious. Naramdaman ko ang pagsakop ng kamay ni Altamirano sa akin. Nawala ang atensyon ko sa babae.
"I guess we don't need to talk about our actions starting today."
Nakapaskil nang muli ang mapaglaro niyang ngisi. Binawi ko ang kamay ngunit mabilis niya akong nahatak sa kanyang tabi at pinadausdos ang bisig sa aking bewang.
"And I guess you're now my girlfriend." Pinisil niya ang aking bewang dahilan ng aking pagsinghap.
Palayo na ako nang halikan naman niya ang aking pisngi.
"And I'm sure that I'm now allowed to kiss you anywhere and anytime I want."
Napalunok ako. Parang ngayon pa lang ay gusto ko nang umatras.
Humakbang ako at sumabay siya sa akin paglalakad. Pinilit kong ngumisi kahit na hindi bukal sa loob ko ang ginagawa.
Me:
San ka na? My cousins are looking for you.
I sent the message to him. Ilang minuto na akong naghihintay ng kanyang text pero wala pa ring kahit isang reply mula sa kanya.
Matapos magbihis ay agad akong bumaba. Naabutan ko ang mga pinsan ko na naglalaro sa sala.
"Hey Tami, is it true that Fire will be here?" Tanong ni Phoenix. Binitawan niya ang controller at lumapit sa akin.
"Yeah." Tipid kong sagot. Sinulyapan ko sina Jemimah at Camilla. We're going to visit the branch of fortress in Marikina.
"We should go now." Tikhim ni Raxx.
Nakuha niya ang aking atensyon. He was wearing a black sando and jeans. Dumapo ang mga mata ko sa kanyang kicks. Kahit na malakas ang dating nila Phoenix ay mas lamang pa rin talaga sa akin si Raxx.
"Tamiya-"
Tumunog ang door bell. Tumungo ako sa pinto at binuksan ito. Hinintay ko kung itutuloy pa ni Camilla ang sasabihin ngunit hindi na iyon nangyari dahil kay Altamirano.
"Dude!" Lumapit sa amin si Conrad at tinapik siya balikat.
Sumunod sila Raxx, Phoenix at Hiro. Si Jemimah at Camilla ay batid kong napatanga sa kanya.
"Saan tayo pare?" Tanong niya kay Conrad.
Nilingon niya ako, agad akong nag-iwas ng tingin. Inayos ko ang buhok at dire-diretsong lumabas ng bahay. Nasa labas na ako nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"May hindi ba kayo sinasabi sa amin, Fire?" Tanong ni Conrad.
"Ano?" Seryoso ang kanyang boses.
"'Wag mong sabihing break na kayo ni Forrah?"
Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko ang mga pinsan ko at si Altamirano. Maging sila ay tumigil sa paglalakad. Buti na lang ay tinawag ako ni Boyd kaya muli kong naialis ang tingin sa kanya.
"Matagal na kaming wala, Conrad." Diretso niyang sabi.
"What? I thought, kayo?" Singit ni Jemimah.
"We were. Sa Ilocos Sur pa lang ay nagbreak na kami. Tutol ang mga magulang niya sa relasyon namin."
Kahit gusto ko pang marinig ang pinag-uusapan nila ay napagpasyahan ko nang sumakay ng van.
"So..."
Binuksan ko ang aking bag at kinuha dito ang aking cellphone. Sumakay na sila at tumabi siya sa akin.
"So kayo na ng pinsan namin?"
Tumigil ang daliri ko sa pagkakalikot ng phone. Maging sina Jemimah at Camilla ay napatigil sa kung ano man ang kanilang pinag-uusapan. Tumikhim ako at sasagot na sana nang bigla itong tumunog.
Tinignan ko ang tumatawag. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang pangalan ni Gio. I declined the call but it rang immediately again. Ilang beses ko itong inignore.
"Answer the damn call, Tami." Pansin sa akin ni Phoenix.
Wala na akong choice kundi sagutin ang tawag dahil baka magtanong pa si Phoenix. Kilala ko siya, kapag hindi ko ito sinagot ay baka kutuban siya sa ikinikilos ko. Ayokong malaman nila ang tungkol sa amin ni Gio kahit na hindi naman naging kami.
"Tamiya..."
Lumunok ako. Umandar ang sasakyan kaya hindi na ako nag-alala sa atensyon ng mga pinsan ko. Kinagat ko ang ibabang labi nang marinig ang ilang pagbuntong-hininga sa kabilang linya.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Gio mula sa kabilang linya.
Tumingin ako sa bintana at hindi nagsalita.
"W-what am I gonna do, Tamiya?" Humina ang kanyang boses. "Why are you with him? I thought... I thought you like me."
Alam niya na magkasama kami?
Nilingon ko si Altamirano. Nakakunot ang kanyang noo at naka-igting ang panga. Marahil ay alam niya kung sino ang kausap ko.
"Saan kayo pupunta?" Ulit ni Gio. "Please tell me, saan kayo pupunta? I'll follow you. Please... I want to talk to you."
"Don't." Pinilit kong palamigin ang boses. "Wala naman na tayong dapat pag-usapan pa-"
"Meron!" Lumakas ang kanyang boses. "Tamiya, bakit mo ginagawa ito?"
Pinatay ko ang tawag at hindi na siya sinagot. Wala sa sarili akong napapikit.
"Dela Vega..."
"It's him." Pag-amin ko. "It's him, Altamirano."
Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay. "What did he say?" Bulong niya.
Iminulat ko ang mga mata. Nilingon niya ang katabing si Jemimah na may earphones. Si Camilla ay ganoon din, suot ang kulay pink naman na headphones.
Muli niya akong binalingan. "Anong sabi?"
Lumunok ako. "Tinatanong kung saan tayo pupunta."
Kinuha niya ang cellphone sa kamay ko. Nagtaka ako sa kanyang ginawa.
"Let me talk to him later." Malamig niyang sabi. "If he calls, I'll be the one to answer."
"Pero-"
Umigting ang kanyang panga. Hindi na ako nagprotesta at tumahimik na lang. Ipinikit ko ang mga mata buong byahe papunta sa Fortress.
Ang mga pinsan ko ay nauna pagpasok sa resort at kami ay nahuli. Bumaba rin ng sasakyan si Boyd.
"Are you going to act like that the whole time?" Seryoso ang kanyang mukhang nakatitig sa akin. Sumandal siya sa kinauupuan. "I thought you're the toughest girl. But what you're showing to me is the contrary."
"Altamirano, hindi madaling kalimutan si Gio-"
"Sir Gio!"
Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw.
"Sir Gio, Sir Giovanni, Sir Hajas! You should call him correctly!" Inis niyang pinaglandas ang kamay sa buhok.
"Why are you shouting?" Kunot-noo kong tanong. "Pwede namang magsalita ka nang hindi sumisigaw!" Hindi ko na rin napigilan ang pagtaas ng aking boses.
Unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon. Umamo ang kanyang mukha na para bang natauhan sa inasta.
"I'm sorry..."
Umirap ako at umuna na pagbaba ng sasakyan. Hindi ko siya hinintay at pumasok sa loob ng Fortress. Binati ako ng mga empleyado ngunit wala akong oras makipagplastikan. Sa mismong pool area ako dumiretso.
Hinubad ko ang dress at nag-dive. Maya-maya pa ay hindi ko na napigilang paghahampasin ng kamay ang tubig dahil sa halu-halong nararamdaman.
"Tamiya hindi ka pa kumakain!" Si Hiro iyon na nagpatigil sa katangahang ginagawa ko.
Hindi ako nagsalita. Sumandal ako sa tabi ng pool at mariing pumikit.
"Tamiya!"
"Ako na Phoenix."
Kumabusaw ang tubig. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.
Iminulat ko ang mga mata.
"Why don't you cry?" Aniya at hinagilap ang mga mata ko.
Umiling ako. "Hindi ako mahina." Pinigil kong mabasag ang boses.
"Pero..."
"Hindi ako mahina." Ulit ko. "Mawawala rin 'tong nararamdaman ko. Mawawala 'to diba?" Hirap akong lumunok.
Hinaplos niya ang aking balikat. "You can cry. You must cry. It can lessen the pain."
I shook my head. "I won't." Dahan-dahan kong inilapit ang sarili ko sa kanya. Nakita ko na lang ang sarili na yumakap sa kanya. "It hurts but I won't cry. I'll just cry if the person deserves my tears."
"Okay..." Ipinulupot niya ang bisig sa bewang ko at hinigpitan ang yakap. "I'll make sure... that I'm that person you're referring to, Dela Vega. I want that tears to flow for me. Only... for me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top