Chapter 10

Chapter 10

"They look cute together. Sila ba?"

Nilingon ko si Jemimah na nakatitig sa dalawang teacher na nag-uusap sa may pinto. Humigpit ang hawak ko sa aking ball pen.

"Maganda si Ms. Arena, gwapo si Sir. Bagay nga sila." Dagdag ni Camilla.

Nag-igting ang aking panga. Tumayo ako dahil hindi ko na makayanan ang nakikita.

"Hey... Tami where are you-"

"Dela Vega's really beautiful when mad."

Napatigil ako sa paglalakad palabas. Nilingon ko ang mga pinsan ko na ngayon ay nakatingin kay Altamirano.

I looked at him. Ang maaliwalas niyang mukha ay kakikitaan ng saya habang titig na titig sa akin. Tumaas ang isa niyang kilay.

Umiling ako at hindi na siya pinagtuunan ng pansin. Tuluyan na akong lumabas ng room.

Papasok ako sa CR nang may humawak sa aking braso. Nilingon ko ang may ari ng kamay. Agad ko itong pinalis nang makitang siya ito.

"Dela Vega is jealous."

Tinalikuran ko siya at hindi na ipinagpatuloy ang pagpasok sa CR. Sa bawat paghakbang ko ay dinig ko rin ang kanyang yabag.

Why the hell was he following me?

"Don't try to pester me, Altamirano." Umupo ako sa damuhan nang makarating sa hardin.

Hindi mainit ang panahon at medyo makulimlim.

"I'm not gonna annoy you." Umupo siya sa aking tabi.

Nilingon ko siya at bigla na lang akong inakbayan. Pilit ko itong inalis ngunit mas hinigpitan niya ang hawak sa akin.

"It's him who annoys you." Pinisil niya ang aking balikat. Hindi pa nakuntento at humilig dito. "And damn it... he's insulting me. I should be the only one who will make you damn annoyed."

Umirap ako at hinayaan na lang siya sa gusto niyang gawin dahil sa totoo lang, napapagod na ako. Nakapapagod mag-isip. Nakapapagod ang mga nangyayari nitong mga nagdaang araw.

"Balita ko may mga mentee na darating kaya nag-uusap sina Ms. Arena at tanda." Mahina siyang tumawa. "I'm sure may pagseselosan ka na naman."

Aware ako doon. Balita ko ay babae ang magiging student teacher na hahawakan ni Gio.

"Edi magpakasasa siya sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya." Mapait akong ngumiti. "Madami namang lalaki diyan. I can do whatever I want to do. I can flirt with other guys too. Kung ipagpapatuloy niya ang pakikipaglapit sa mga babaeng may gusto sa kanya, edi go. Hindi ko siya pipigilan."

"You want me to help you?"

Nilingon ko siya. Seryoso ang kanyang mukha habang paisa-isang bumubunot ng damo.

"We can make him jealous." Bumaling siya sa akin at ngumisi. "Sabihin mo lang, Dela Vega. Hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka."

Buong araw kong inisip ang sinabi niya sa akin. Wala akong balak na sang-ayunan iyon pero hindi ko inasahan ang nadatnan ko kinabukasan.

Tinitigan ko si Gio at pinanatili ang lamig ng ekspresyon ng aking mukha. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din sila ni Ms. Arena nang makita ako.

"Good morning, ma'am." Malamig kong bati. "Good morning... sir."

"Good morning." Nakangiting bati ni Ms. Arena.

Muntik na akong umirap. Paalis na ako nang hawakan ni Ms. Arena ang aking braso.

"I'm sorry last time.... Gio already told me that there's nothing going between the two of you."

Bumagsak ang mga mata ko sa kamay niya sa aking braso hanggang sa umangat ito sa kanyang mukha.

Muli siyang ngumiti. "I'm just concerned about him, Ms. Dela Vega. Akala ko kasi ay mayroon nang namamagitan sa inyo. But he... he told me that there's nothing to worry." Pumula ang kanyang pisngi.

Kumuyom ang isa kong kamay. Hindi ako tanga para magbulag-bulagan sa ikinikilos ni Ms. Arena. Mas lalong lumala ang galit ko nang mapansin ang nasa likod ni Gio. Kahit anong gawin niya ay sumisilip pa rin ang kanyang dala.

Tumingin ako sa kanyang mukha. Seryoso ito habang nakatitig sa akin.

"Dela Vega, nandito ka pala!"

Nilingon ko ang may-ari ng boses. Seryoso ang kanyang mukha habang papalapit sa akin. Pinadausdos niya ang kamay sa aking bewang.

Namilog ang aking mga mata pero agad na bumalik sa katinuan nang ngumisi siya.

"Good morning..." Inilapit niya ang mukha sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

Napasinghap ako.

"Just ride." Lumayo siya at tumingin kina Gio. "Good morning ho." Tinanguan niya ang mga ito. "Excuse me and my girl... papaturo pa ako sa kanya sa isang subject."

Hindi na niya ako hinintay magsalita. Wala sa sariling nagpadala ako sa kanya. Umakyat kami at dumiretso sa room. Nasa pinto na kami nang bumitaw ako sa kanyang kamay.

Tumingin siya sa akin. Umirap ako.

"Ganyan ka ba magpasalamat sa taong tumulong sa'yo?" Tumalikod siya at dumiretso sa aking upuan. Umupo siya dito.

Lumapit ako sa kanya. Hahampasin ko na siya sa dibdib ngunit agad niyang napiit ang kamay ko.

Mahina akong tumawa at napaupo sa katabi niyang upuan. Ilang minuto kaming napagitnaan ng katahimikan.

"H-he's so confusing..." Pumikit ako. "Lagi silang magkasama ng babaeng 'yun. I-If he doesn't like me anymore, dapat ay tinatapat na niya ako. He even bought flowers for her huh?"

"Sa tingin ko nga may namamagitan na sa kanilang dalawa."

Napamulat ako at tinignan siya. Dumekwatro siya at inilagay ang braso sa sandalan ng aking inuupuan. "Lagi silang magkasama. Laging magkausap. Kahapon ay nakita ko pang lumabas si Ms. Arena sa dating office ni tanda."

"What... do you mean?" Kumunot ang aking noo.

"Lumipat na si tanda sa faculty. Hindi na siya doon sa dati niyang office. Maybe... he likes to see her often so he opted to move in there." Kibit-balikat niya. "I'd heard yesterday that the principal's going to move in to Sir Hajas office. Sa mga chairman ng bawat department ay si tanda lang ang lumipat sa faculty room. Ang iba ay nasa kani-kanilang office pa rin."

Ang bawat department ay may kani-kanilang chairman. Si Gio ay sa Science Department at bawat isa sa kanila ay may sariling office.

"Sa totoo lang kinakabahan ako para sayo. Ilang linggo pa lang kayong nagliligawan pero si tanda ay parang in-asinang bulate at hindi mapakali... hindi mapakali dahil sa atensyong nakukuha niya sa mga teachers dito, especially ng mga babaeng teachers." Pumangalumbaba siya ngunit ang mga mata ay nanatiling nakapokus sa akin.

"Are... are you saying the truth?"

"Of course..." Tumango siya. "Hindi ko gawain ang manira."

Natahimik kami. Walang sinuman ang nagsalita hanggang sa dumating ang first subject. Kahit sa pagdating ng subject ni Gio ay wala ako sa sarili.

"We need to talk later."

Nilingon ko ang pamilyar na bulto sa aking tabi. Now, he had the guts to talk to me huh?

"There's nothing to talk-"

"Don't do this to me, Tamiya. Nasasaktan ako sa ginagawa mo." Mahina niyang bulong.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nilagpasan niya ako.

"Hindi ka ba sasabay paglabas, Tami?" Tanong ni Jemimah na nakasukbit na ang bag pagdating ng uwian. "Kuya Phoenix will fetch us."

Umiling ako. Si Camilla ay nakatitig sa akin na para bang may mali sa aking mukha.

"Kanina ka pa malungkot..." Bumuntong-hininga siya at lumapit sa akin. Humalik siya sa aking pisngi. "Kung ano man ang problema mo, nandito kami ni Jem-"

"I don't have any problem." Putol ko sa kanya. "Just go. Susunduin ako ni Boyd."

Hindi na sila umimik at tinanguan ako. Lumabas sila ng room. Tumungo ako sa aking desk. Ilang sandali lang ang lumipas nang maramdaman ko ang pamilyar na mga kamay sa magkabila kong balikat.

"Tamiya..."

Hindi ako kumilos. Naramdaman ko ang pag-ikot niya mula sa aking likuran papunta sa harapan. Iniangat niya ang aking ulo.

Iniwas ko ang tingin bago pa magtama ang aming mga mata. Ayokong magsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano magsisimula at aakto ng tama. Nililigawan niya ako ngunit wala akong pinanghahawakan sa kanya. Hindi iyon sapat para komprontahin ko siya sa mga ginagawa niya.

"Bakit nasabi ng Altamirano na 'yon na girlfriend ka niya?" Hinaplos niya ang aking pisngi. "Is he courting you?"

Lumunok ako at napilitan nang tignan siya. Malungkot ang kanyang mga mata.

"I was busy these past few days. I didn't have time for you... I'm sorry. But that doesn't mean that I forget you."

Marahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Agad akong umiwas nang akmang hahalikan niya ang aking noo.

Tumayo ako at mapait na ngumiti. "Sinabi ni Altamirano na lumipat ka na raw sa faculty room. Is that true?"

"Yes." Kumunot ang kanyang noo. "Bakit? Anong problema-"

"Dela Vega, Sir Hajas!"

Napalingon kami sa pintuan. Humahangos si Altamirano at may itinuturo sa labas.

"Nandyan na si Ms. Arena. Magtago kayo!"

Dali-dali akong hinatak ni Gio papunta sa likod ng pinto. Si Altamirano ay nasa pinto sa unahan.

The sound of her stiletto heels made me uneasy. Yayakapin sana ako ni Gio ngunit mabilis na may humawak sa aking braso at inagaw ako sa kanya.

"Don't hug her! Hindi ka ba nag-iisip?" Mariin na tanong ni Altamirano.

"Gio anong ginagawa-"

Bago pa kami makita ni Ms. Arena ay kinulong na ako ni Altamirano sa kanyang bisig. Nanlaki ang aking mga mata, nabigla sa ginawa niya. Hindi pa ako nakakarecover nang halikan niya ang aking labi.

Lumayo siya. "I'm going to accept the possible punishment for kissing Dela Vega, sir." Pinunasan niya ang ibabang labi at tumingin kay Ms. Arena na halatang nagulat din sa pangyayari. "Whatever punishment it is, I'm willing to accept it."

"Altamirano..." Malamig ang boses na sabi ni Gio.

Hindi ako makatingin sa kanya. It felt like I did something wrong even though I wasn't the one who did it.

"Anong ginagawa ninyo, Mr. Altamirano?!" Basag ni Ms. Arena sa katahimikan. Lumapit siya kay Gio at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo.

"Sir Hajas caught us kissing, ma'am." Walang pakundangan niyang sabi. Naramdaman ko ang mga mata niya sa akin.

"Altamirano-"

"Altamirano, let's go!" Galit kong aya sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagbagsak ng tingin ni Gio sa kamay namin.

"I'm not gonna make this pass, students! Alam niyo ang patakaran sa school na ito!" Galit na hayag ni Ms. Arena.

"M-miracle, hayaan na natin sila." Singit ni Gio. Malamig ang mga mata niyang tumingin sa akin at kay Altamirano. "Tayo lang naman ang nakakita. 'Wag na natin silang isumbong. Ms. Dela Vega is one of the top students here. Makakasira ito sa record niya."

"Pero Gio-"

"Please Miracle... Ms. Dela Vega is running for valedictorian." Halata sa boses niya ang pag-aalala. "Palampasin na natin ito. First warning okay? If they do this again then that's the time that we should give them a punishment."

Hindi kaagad nakasagot si Ms. Arena.

"You may go now, Mr. Altamirano and Ms. Dela Vega." Malamig niyang utos sa amin.

Dali-dali akong hinigit ni Altamirano palabas ng room. Wala ako sa sarili habang tinatahak ang kahabaan ng corridor. Pababa na kami ng hagdan nang tumigil siya. May kinuha siya sa kanyang bulsa.

"Take a look on this." Inilagay niya sa aking kamay ang isang bagay... isang litrato

Wala sa sariling tinignan ko ito. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo sa mukha. Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa aking bibig.

"Hindi pa kayo, niloloko ka na." Hinawakan niya ang aking braso at hinigit ako palapit sa kanya. Isinubsob niya ang aking mukha sa kanyang dibdib. "So don't get mad at me for kissing you. Patas na kayo. Nakipaghalikan siya sa iba, nakipaghalikan ka rin-"

Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya at humiwalay sa kanya. Sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas. Ngunit, sa halip na magalit ay muli niya akong hinigit at niyakap.

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya dahil natatalo ako ng kirot na kumakalat sa aking dibdib.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top