Chapter 9
Chapter 9
“Hindi talaga akong makapaniwalang pauunlakan mo ang imbitasyon namin! Magkaibigan na tayo kung ganoon?”
Hinawi ko ang kamay ni Malessa na nasa braso ko at mataray siyang tiningnan. “Sumama ako, but that doesn’t mean we’re now friends,” katuwiran ko, ngunit mukhang walang epekto iyon sa kaniya dahil nakangiti pa rin siya.
Niyaya niya kasi ako kahapon na sumama sa barangay hall dahil maraming kagnapan dahil pista, makulit siya kaya wala na akong nagawa.
This is better than her ignoring me.
Gabi na at natagpuan ko ang sariling nakatayo sa gitna ng lipumpon sa barangay hall. Ah, so this is how they celebrate fiesta.
May nakahandang mesa ang bawat purok ng barangay sa magkabilang gilid ng bulwagan kung saan may kani-kaniyang pagkaing ambag para sa lahat. Hmm, malinis naman kaya iyong mga pagkain? Napangiwi na lang ako.
Nang hilain ako ni Malessa patungo sa ibang direksyon ay kinawayan ko na lang ang lola na nakikisabay na rin sa mga kasamahan. She looks having fun kaya hinayaan ko na.
“Pasensya ka na, medyo boring pa kasi katatapos lang noong palaro, pero huwag ka mag-alala dahil mamaya ang pinaka-exciting!” halakhak niya at pinaupo na ako roon sa monobloc.
Tahimik akong nagmamasid sa paligid habang nakikipagdaldalan ang kasama ko sa mga kaibigan. It’s okay, though. I can’t deal with her blabbering right now.
Lumipas ang kalahating oras at kahit papaano naman ay nawiwili akong panoorin ang kaganapan sa gitna kung saan may nagpe-perform.
“Oh, my goodness...” naiusal ko nang mahagip ng mata ang pamilyar na mukha. Nasapo ko ang noo. Posibleng narito nga siya, pero hindi ko inaasahang narito talaga siya!
Gumilid ako para magtago sana ngunit tumigil nang may natanto... bakit nga ba ako magtatago?! Ano namang pake ko kung nariyan siya, ’di ba? Bakit ba ako mag-aabala para sa kaniya? Psh, stupid Alvea.
“Sa wakas at narito na ang anghel! Geloy, akala ko ’di ka na naman makikisabay sa amin!”
Ah, this feels awkward kahit nagkita naman kami kahapon! Kaya naman naghanap ako ng pagbabalingan ng atensyon ngunit wala akong maisip kaya naman nagkunwari na lang akong nagpupulot ng basura sa sahig. Sa tingin ko naman ay hindi niya pa ako nakikita... aba’t sana lang! Hindi ko alam kung bakit ko nga ba ito ginagawa, pero pakiramdam ko ito ang dapat.
I licked my lips when I realized what I’m doing. Freaking ridiculous! Kanina pa ako nagpapanggap na may pinupulot kaya may mga dumadaan sa harap ko ang napapatingin din sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin.
Busangot ang mukha ko nang makitang marumi na ang kamay ko kahahawak sa sahig.
Gusto ko na lang talaga mag-walk out kaya naman nang akmang gagawin ko na ang plano ay biglang dumilim ang harapan ko marahil ay may humarang sa ilaw na nakadirekta sa banda namin.
I looked on the floor just to see a
pair of poor slippers. May kutob na ako kung sino ito, pero gusto ko pa ring kumpirmahin kaya naman dahan-dahang umahon ang tingin ko patungo sa lalaking nasa harapan ko.
Looking so cheap with his clothes on yet very handsome, Angelus stood in front of me with that manly scent he had. I sniffed. Ang bango no’n, pero siya ba talaga ’yon? May salapi pa ba siya para bumili ng pabango? Ipinilig ko na lang ang ulo sa pag-iisip at bumalik na sa kasalukuyan.
“Miss, wala talaga akong pakialam sa ’yo, pero nababahala akong mapansing sinisilip ng mga dumadaan iyang dibdib mo. Wala ka bang jacket diyan? Kung wala ay umayos ka na lamang ng upo.”
Hindi kaagad ako nakabawi dahil sa narinig. And when I realized what he just said, my cheeks flushed. Heck! That was so... freaking embarrassing!
Umayos ako ng upo at sinilip pa ang dibdib ko bago inayos ang suot na sleeveless top. I cleared my throat and looked at the other way kahit ramdam ko na hindi pa rin siya umaalis sa harap ko. Napansin ko rin ang namayaning katahimikan sa lamesang kinabibilangan ko, pero hindi na ako nagbantang balingan pa ang mga iyon dahil paniguradong narinig nila ang sinabi ng baliw na si Angelus! Nakakahiya.
“Alvea, kain ka na! Nagsandok na ako ng para sa ’yo,” kalabit sa akin ni Malessa sabay tulak ng pinggan na nasa mesa patungo sa harap ko.
Tinapunan ko siya ng tingin at tumango. “Uh, thanks,” maliit ang boses na sabi ko.
Hindi na ako tatanggi dahil totoong nagugutom na ako! Mukha namang masarap iyong pagkain... at saka ko na isiping marumi ito kapag busog na ako. I started eating seriously at hindi ko napigilang sumubo ulit kahit hindi pa tapos sa pagnguya dahil sa sarap ng ulam. What is this again? Menudo? Well, I love menudo now.
May pageant din palang ganap ang barangay kaya dumilim ang paligid nang magsimulang rumampa ang mga babae. Napakislot ako. Ang babaduy, mas maganda pa ako rumampa sa kanila kahit hindi ako nagmo-model!
I looked around and sighed in disappointment when I saw nothing familiar. Niloloko ko lang ang sarili ko kung itatanggi kong hindi hinahanap ng mata ko ang Angelus na ’yon. Narito lang iyon kanina, ah? Tss. Hinahanap ko siya dahil naiinis pa rin ako sa sinabi niya sa akin kanina, okay? Gusto ko lang makaganti. Yes... tama! Iyon ’yon! Wala nang ibang rason pa.
Tila nasagot ang hindi ko naman idinasal nang matanaw ko ang aking hinahanap. So, umalis nga siya? Pasan-pasan niya ang water container sa balikat habang binabagtas ang daan patungo sa isang mesa. Nang makarating doon ay walang kahirap-hirap niyang nilapag ang tubig sa lamesa at nginitian doon ang matanda na mukhang nag-utos sa kaniya.
I pursed my lips. So, delivery boy na rin siya ngayon? I laughed inwardly. Mukhang susubukan niya yata lahat ng trabaho sa mundo, ah? Hindi ba siya napapagod—wait! Ano naman kung mapagod siya? It shouldn’t be my concern anymore! Fix yourself, Alvea Ryss! Nababaliw ka na!
Hindi ko na ulit siya tinanaw dahil nababaliw na yata ako. Natapos ang boring nilang pageant at unti-unti na ring nag-uwian ang mga tao kaya napatanong ako sa sarili... ’yon na ’yon? Akala ko ba may mas exciting? Damn it! Niloloko ba ako nitong si Malessa? Exciting na para sa kanila iyong baduy na pageant na ’yon? Tss, right, ano nga ba ang aasahan ko sa taga-probinsya?
Tumayo na ako dahil sa pagkabagot lalo na’t nakita ko na rin si Lola na hinahanap ako sa lipumpon. Hindi pa man ako nakakaalis ay tinawag na ako ng babae.
“Sa’n ka? Uwi ka na? Hala, may disco pa, e!” pagmamaktol niya.
I blinked twice. Disco?
“Apo, sumasakit na ang katawan ko at gusto ko nang mauwi. Tara na.”
Nariyan na pala si Lola. Tumayo si Malessa at ngiting-ngiti nang hinarap si Lola.
“Hi, Nanay Cita! Kaibigan ko na po ang maganda ninyong apo! Pero hindi na po ba siya puwedeng magtagal nang kaunti?” Pinalambing niya pa ang boses.
Naningkit ang mata ko nang mahimigan ang kinikilos niya.
Lola glanced at me. “Sabi mo wala kang kaibigan? Nahihiya ka lang sigurong umamin,” tawa niya. “O siya, sige, isang beses lang naman ito sa isang taon kaya papayagan kita. Pero iuuwi ninyo itong apo ko nang walang galos, hane?” bilin ni Lola kay Solace.
Teka, wala naman akong sinabing magpapa-iwan ako!
Tumili siya at hindi na napigilang yakapin ang lola ko. “Grabe, bait mo po talaga! Salamat, Nay!”
“Walang anuman.” Hinarap ako ni Lola. “Aalis na ako at maghahanap pa ako ng masasakyan—”
“Ihahatid kita,” agap ko at pinaalis muna si Malessa.
Nanliit ang maliit nang mata ni Lola. “Huwag na.”
“I insist!” pilit ko at hinawakan agad siya sa braso. “I’ll look for a trustworthy driver for you,” bulong-bulong ko habang lumilinga sa kalsada.
“Angelus!”
Bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso ko sa narinig galing kay Lola. I looked at her. She’s now waving her hands to someone near us. Napatuwid ako ng tayo sa pagdating agad nito.
“Nay, ano po ’yon?” mahinahong tanong niya.
Pero bakit malamig lagi ang boses niya tuwing ako ang kausap?! Aba, kinamumuhian ba ako ng lalaking ’to?
“Uuwi na sana ako. Namamasada pa ba ang iyong tiyo?”
Nakayuko ako habang pinakikinggan ang
pag-uusap ng dalawa.
“Naku, lasing ho siya, pero nariyan lang po ang tricycle niya. Puwede ko pong hiramin at ako na lamang ang maghahatid sa... uh, inyo. Kung ayos lang.”
Lihim akong napairap. At ngayon naman ay nagdadalawang isip siyang isali ako sa pangungusap niya? Tss, he’s surely mad at me. Magalit ka lang, pake ko sa ’yo.
“Oh, maganda iyan, hijo! Salamat!”
“Babalik po ako, kukunin ko lang ang susi,” paalam nito.
Pagkaalis niya ay nagkatinginan kami ni Lola. Kumunot ang noo ko nang makahulugan niya akong nginitian.
“La,” tutol ko kaagad.
Tumawa siya. “May sinasabi ba ako?”
Inilingan ko na lang siya hanggang sa dumating na muli si Angelus. Pumarada ang tricycle sa harap namin at sumakay na si Lola.
Awkward akong nakatayo roon hanggang sa sumakay na lang din ako. Napahiyaw pa ako sa gulat nang itulak ako ni Lola.
“Bakit ka sasakay? Bumalik ka na roon at naghihintay na ang kaibigan mo!”
Iritado ko siyang sinipat. “Babalik ako mamaya, ihahatid lang kita. And she’s not my friend!”
Humalakhak si Lola at tinapik ako bago nilingon si Angelus. “Pagpasensiyahan mo na ang apo ko, hijo, medyo suwail.”
He chuckled. “Ayos lang po, sanay na.”
Siya naman ngayon ang sinipat ko. “Anong sanay na?!”
“Shh,” suway ni Lola kaya natahimik na lang kami pareho.
Umirap ako.
“Alvea, ang bilin ko’y umuwi ka bago sumikat ang araw, hane? Mag-iingat ka,” paalala ni Lola nang makarating kami sa tarangkahan ng mansiyon.
Tumango ako pagkatapos ay si Angelus naman ang hinarap niya.
“Hijo, mananatili ka pa ba sa bulwagan? Bantay-bantayan mo naman itong apo ko—”
“La! I don’t need a bodyguard!”
Lumapit si Lola at bigla na lamang akong kinurot sa tagiliran. “Anong bodyguard pinagsasabi mo riyan? Ibibilin lang kita, hindi ibig sabihin no’n ay bodyguard agad!”
Ngumiwi ako at lihim na sumulyap sa gilid kung saan si Angelus. Nahuli ko ang multo ng ngiti sa labi niya kaya napasinghap ako sa irita. What is he amused about?!
Kalaunan ay pumasok na si Lola sa loob at naiwan na kaming dalawa sa labas.
“Tara na.”
Now, this is awkward.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top