Chapter 8
Chapter 8
“Dalawang araw ka ring hindi pumasok sa klase. Ayos ka lang ba?” Malessa greeted the moment I stepped inside the classroom.
“I’m fine.” Nilapag ko na ang bag sa upuan at naupo. Akala ko ay tapos na siya sa pangungulit pero may supot pa siyang nilapag sa armrest ko. I glared at her. “What is that?” tukoy ko.
“Home-made puto cheese.”
“And why are you giving me that?”
Hindi siya sumagot. Umiling ako at tumayo bitbit ang supot na iyon. Tinungo ko ang
pintuan palabas.
“Alvea, saan ka pupunta?” Naramdaman kong sumunod ito kaya nagpatuloy ako sa paglakad at nang makahanap ng drum ng basura ay lumapit ako roon. Huminto ako sa harap nito pagkatapos ay sinuri ang supot. I wrinkled my nose. Lalagyan pa nga lang ay mukhang marumi na… ang laman pa kaya?
“Huwag mo itatapon,” aniya sa likuran ko.
“Inaasahan mo bang kakainin ko ’to?” nandidiring saad ko naman.
“G-Galing iyan kay Angelus!”
Too late, though. Naitapon ko na. But wait, what?! I was stupified to even move. For some unkown reasons, kinabahan ako kahit hindi naman dapat. Bakit naman galing ito sa lalaking iton at higit sa lahat bakit niya ako bibigyan?
Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili bago siya hinarap.
She stared at me in dismay. “Puwede mo namang ibigay na lang sa ibang tao sa halip na itapon. Ang pangit ng ugali mo,” sabi niya at basta na lang tumakbo pabalik ng silid.
Napahugot ako ng hininga sa ikinilos niya. I smirked. Maybe that way she’d finally stop messing up with me, huh?
My smile faded eventually. Why am I even bothered by that when I should be happy, right?
Pumihit ako para sana umalis na nang mahagip ng tingin ko ang dalawang pares ng mata. Kumurap-kurap ako nang makita ang taong huling inaasahan kong makita. Am I dreaming? Because if yes, what the hell, wake me up now!
“Kumusta ka?”
I blinked again. This isn’t a dream! “W-What do you mean?”
Lumingon siya sa direksyon na tinakbuhan ni Malessa bago ibalik sa akin ang tingin.
“Nabalitaan ko kay Kayen noong isang araw na hindi ka pumasok sa klase kaya… naisip ko baka tungkol pa rin ito sa asal ko noong nakaraan. Baka nagalit ka.”
Hindi pa rin napapawi ang pagka-surpresa sa aking mukha. “O… kay?” Bakit naman ako magagalit? To be honest, I was just annoyed with him and me being absent in class for two days had purely nothing to do with him. Dahil iyon sa mga pag-amin ni Dad that made me feel sick, but I chose to forget it for the mean time. I don’t think I can stomach it.
“Then, what about that food? Peace offering, ganoon ba?” tanong ko na lang.
Nagbaba siya ng tingin. Saka ko lang napansin ang suot niya. Puting damit, pantalon, at… tsinelas? Parang isang hakbang na lang ay bibigay na iyon. Masyado nang luma. I pursed my lips and glanced at him.
“Well, to tell you the truth I got sick last Sunday, kagabi lang ako gumaling kaya ngayon lang ako nakapasok ulit,” amin ko na lang. “At pumunta ka ba rito para sa akin? Para ibigay iyong pagkain? Bakit?”
Nagsalubong ang makapal at halos perpekto sa pagkakaukit niyang kilay. “Una sa lahat, narito ako para magtrabaho. Pangalawa, pinasuyo ko kay Kayen ang pagkain para ibigay sa ’yo bilang peace offering na rin dahil akala ko nagalit ka sa akin nang hindi ko nalalaman ang rason… at hindi ko inaasahang itatapon mo iyon…”
Kayen! I didn’t know why it irked me. “Bakit mo kasi ako bibigyan? You didn’t even ask me what food I like para naman hindi masayang ang bigay,” pagtataray ko.
“Dahil alam ko namang hindi makakayanan ng bulsa ko ang mga pagkaing gusto ng mga taong kagaya mo. Kung alam ko lang na masasayang iyon ay sana ibinenta ko na lang. At bakit ko naman itatanong ang gusto mong pagkain?”
May halong panunuya sa huling pangungusap niya.
Mga taong gaya ko… I don’t know why it brought a slight pang on my chest. At nanghihinayang siyang bigyan ako noon!
Naiirita ako sa mga pinagsasabi niya!
Umusbong ang galit sa aking sistema at matapang siyang tiningnan. “Hindi mo na sana ibinigay kung sa huli ay pagsisisihan mo lang din! Dapat kasi bago ka magdesisyon ay inisip mo na ang mga posibleng maging resulta! Puwede ka mag-isip! Na paano kung hindi niya magustuhan? E, nang sa ganoon ay handa ka at wala kang pagsisihan!” Suminghap ako. “I can’t believe you regretted giving me that food!” bulyaw ko.
And now, there’s a ghost of smile on his lips which I seldom see.
“Galit ka ba?”
Napapikit na lang ako. Galit? Hindi naman ako galit! Pero… bakit ko nga ba sinabi iyon? Shit! Nakakahiya! Baka isipin niyang masyado akong apektado.
Kaya para wala nang masabi pa ay humakbang na ako, pero hindi pa man nakalalayo ay hinigit niya na ako sa braso at ibinalik sa puwesto ko. He lowered his gaze at me. Samantalang ako ay awang ang labi sa biglaang ginawa niya.
“Teka, miss, hindi pa tayo tapos mag-usap. Walang bastusan,” malamig ngunit may himig ng pang-aasar na sabi niya.
Hindi ako nagsalita at nilabanan na lang ang titig niya.
“Akala ko ba hindi ka madaling dapuan ng sakit? Bakit ka nilagnat nang dalawang araw kung ganoon?”
I smirked at him sarcastically. “Bakit hindi mo itanong sa pyrogens?” Kumunot ang noo niya kaya napangisi ako. “I bet you didn’t even know the spelling of it. Mukhang ’di ka naman nag-aaral,” dugtong ko pa.
“Hindi man ako nag-aaral gaya mo ay alam ko naman kung paano umasal nang mabuti. Ikaw ba? Mukhang nag-aral ka sa prestihiyosong eskwelahan ngunit iyong asal na mayroon ka ay... patapon. Wala ring saysay. Hindi man lang nahubog ng mamahaling eskwelahan na iyon ang ugaling mayroon ka.”
Kumuyom ang kamao ko. Humakbang siya paabante ngunit hinarang ko siya. Malamig niya naman akong sinulyapan. “Umalis ka sa harap ko.”
“Ang kapal mo naman para utusan ako... hampaslupa!”
Nagtagis ang bagang niya sa sinigaw ko ngunit ang sunod niyang ginawa ay ang nagpakulo ng dugo ko sa buong katawan.
Itinulak niya ako pagilid saka nilagpasan!
Halos gusto ko na lang siya saktan sa ginawa niya kaya agaran ko siyang sinundan ngunit nahinto ako nang matanaw siya.
“Ito na po ba lahat ang ilalagay sa garbage truck?” mataman niyang tanong sa isang lalaki habang tinatanaw ang sako-sakong basura na nasa lupa.
Naitikom ko ang labi at nagpatuloy na lang sa panonood. Nakita ko kung paano niya pasanin ang dalawang sako ng basura na umabot pa rito sa puwesto ko ang mabahong amoy. Halos maduwal ako sa pandidiri. At ngayon, garbage collector na naman siya? I smirked. This is getting exciting. Ano na naman kaya ang sunod niyang trabaho, hmm… wala na bang idudumi?
“Yuck!” pagpaparinig ko, nais pa ring gumanti.
Napasulyap siya sa direksyon ko at akmang lalapit sa akin nang itaas ko ang kamay.
“Marumi at mabaho ka, don’t you dare come near me.”
“Malinis man o marumi, ang mahalaga marangal ang trabahong ito. Pumasok ka na lang at makinig sa guro mo baka sakaling matutuhan mo ang importansya ng pagkakaroon ng kagandahang-asal,” malamig niyang wika.
***
Lumipas ang isang linggo na hindi ako iniimik ni Malessa ganoon din si Angelus tuwing makikita ko siya. Parang hindi man lang niya ako nakita at nagpapatuloy na ulit sa ginagawa.
Ganoon ba sila kaapektado sa ginawa ko? Ang babaw naman nila! Lalo tuloy akong naiirita.
Nakaramdam ako ng panlulumo. Fine. I was harsh, okay? But I’m just being one to protect myself! Ayaw ko lang naman maulit iyong ginawa sa akin noong tinuring kong mga kaibigan. Kasi paano kung gaya rin sila ng iba? Paano kung pumayag ako makipagkaibigan pagkatapos kalaunan ay traydurin nila ako o apihin? I was already tired of being pathetic!
Gusto kong makita nila na matapang ako nang sa ganoon ay hindi nila ako kayang maliitin. Natuto na ako kaya ayaw ko nang maulit pa iyon.
“Excuse me,” iritable kong sabi sa mga lalaking nakaharang sa harapan ko isang araw pauwi.
“Alvea, ganda mo naman. May liga sa barangay bukas, puwede ka bang mag-cheer sa amin?”
I gritted my teeth. “Umalis nga kayo,” utos ko sa tatlong lalaki ngunit mas lumapit pa sila sa akin. I tilted my head. Nauubos na kaagad ang pasensiya ko sa kanila at kung hindi ako makapagpigil ay sasampalin ko na ang mga ’to.
“Kung ayaw no’ng babae ay huwag ninyong pilitin.”
A familiar deep voice came from behind.
“Oo nga, pampam naman kayo!” segunda pa ng isa.
Napakurap ako.
“Tss, tara na nga,” sabi no’ng mayabang sa mga kasama niya at umalis na.
Dahan-dahan akong pumihit patalikod para kumpirmahin kong sino ang mga iyon.
Angelus. Malessa.
Napatikhim ako. “Ah, kayo pala,” awkward kong sabi. Ano ba iyan, bakit ako pa ang hindi mapakali, sila naman iyong hindi namamansim?! I gave them a what-the-hell look. “Hindi ko kailangan ng tulong ninyo, but thanks.” I immediately turned to someone mean.
Nahuli ko ng mata ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Angelus. I glared at it and looked away. “Aalis na ako—”
“Hatid ka na namin,” putol ni Angelus.
“Huwag na.”
“Ang tigas ng ulo mo.”
“Mas matigas ang sa ’yo,” I shot back.
Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi ko alam kung bakit nag-init ang pisngi ko.
“Okay, okay, ito na,” suko ko na lang at nauna nang sumakay sa tricycle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top