Chapter 7

Chapter 7

“Si Angelus ang pinagtrabaho ko noon dahil saktong nakita ko siya kanina sa labas at naghahanap ng mapagkakakitaan pagkatapos ay tinawag ko siya sa labas para kumain muna…” paliwanag ni Lola sa nadatnan ko kanina. She then narrowed her eyes at me. “Hindi ko alam na malapit ka pala sa mga bata… lalo na sa mga kapatid niya… may hindi ba ako alam, apo?”

I grimaced. “No, I just happened to see those two when I visited Mommy. Binibisita iyong papa nila.”

Tumango siya at mapait na ngumiti. “Kawawa talaga ang mga batang iyan, lalo na itong panganay dahil lalong bumigat ang responsibilidad nang pumanaw ang ama. Buti nga’t malakas ang katawan binata kahit na
noon ay…”

Hindi naituloy ni Lola ang pagkuwento nang marinig ko ang boses ng mga bata. Sinilip na namin malapit sa pintuan ang tatlong panauhin. Kinausap pa kasi ni Angelus ang mga kapatid kaya may panahon din ako para magtanong kay Lola.

So, he’s really working, huh? I wonder how old is he? Nag-aaral pa kaya siya? Bakit hindi siya maghanap ng permanente at maayos na trabaho? It’s a turn-off seeing him work from dirt… with that god-like face he has.

Humalukipkip ako habang pinanonood sa hindi kalayuan si Angelus na mukhang pinapangaralan ang dalawang kapatid.

“Napakabuting bata,” sambit ni Lola. She looked at me and smiled meaningfully.

Tinaasan ko siya ng kilay. This old lady’s acting weird. “Ihahanda ko muna ang mga pagkain, daluhan mo muna sila sa itaas at bigyan ng maisusuot. May damit ang daddy mo roon, pahiramin mo si Angelus at hanapan mo rin ng damit ang mga bata dahil baka magkasakit. Purwisyo pa sa panganay.”

Tumango ako at ibinaling muli ang mata sa pinagmamasdan kanina. Our eyes accidentally locked with each other making me choked with my own saliva. Napatikhim ako, naiilang sa lamig ng titig niya. Bumaba na lang ang tingin ko sa dalawa para malihis ang aking atensyon. Lumapit ako.

“Halina kayo, magpalit na muna kayo ng damit
sa taas—”

“Hindi na kailangan. Pakisabi na lang kay Nanay Cita na mauuna na kami ng mga bata,” the brute cut off.

“What the f*ck is your problem? Naghahanda na si Lola ng pagkain, and where are your manners? It’s rude to leave just like that, you know? At saka gusto ng mga bata na rito muna, bakit mo pinagkakaitan? You know what? Kung uwing-uwi ka na, e, ’di mauna ka na! Ako ang maghahatid sa mga bata tutal ’di mo naman binabantayan nang maayos!” mariin kong litanya. Ginagalit talaga ako ng buwisit na ’to, e.

Napayuko siya saglit bago ulit ako tiningnan gamit ang matang nag-aalab na sa galit. Natahamik tuloy ako. Epal naman! Imbes ako iyong nagagalit dito, umeeksena rin?

“Bakit mo ito ginagawa? May binabalak ka bang hindi maganda, huh?” mapanganib ang boses na aniya.

Lito ko siyang tiningnan sa mata. “Binabalak? Ganiyan ba ang tingin mo—”

“Oo. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit biglang maganda ang trato mo sa mga bata… na salungat naman sa ugali mo…” May hinanakit sa boses niya o baka guni-guni ko lang iyon.

Gusto ko siyang sigawan dahil sa pang-aakusa niya. Ganoon ba ako kasama sa paningin niya binibigyan niya ng ibang kahulugan ang trato ko sa mga kapatid niya? Well, aaminin kong hindi kagandahan ang ugaling taglay ko, but I won’t go that far just to satisfy my shallow hatred towards him through his siblings! Heck, I am trying to be good dahil na-guilty ako sa ginawa ko sa inosenteng Isabel sa palengke at naaawa ako kay Arki.

Bawal na ba magmalasakit? Porke hindi maganda ang ugali ko ay tingin niya ba hindi na ako kailanman makagagawa ng kabutihan?

Ugh, Angelus the devil! How ironic!

“Kuya, huwag ka po magalit kay Ate! Sundin na lang po natin siya para kumain na kami ni Arki!”

“Isabel…” pagsamo ni Angelus sa kapatid habang nanatili ang lamig na tingin sa akin.

I sighed in annoyance. Ganiyan niya ba ako kaayaw na ayaw kahit ang manatili nang saglitan ay labag pa sa loob niya?

Kinuha ko si Arki at kinarga.

Umawang ang labi niya sa ginawa ko, pero inirapan ko lang siya at sinenyasan si Isabel na sundan ako. Nakangiti naman itong sumunod.

“Bye, Kuya!”

“Ako na ang mag-aasikaso sa mga kapatid mo.
Kung pride mo ang pinaiiral mo ay umalis ka na lang,” bilin ko pa bago tuluyang umakyat sa palapag.

Pinili kong sa kuwarto ko na lang paliguin ang mga bata at hinanapan ng damit na puwede nilang suotin. Inayusan ko pa muna sila nang kaunti bago kami lumabas. Nahinto ako nang makita si Angelus sa labas ng kuwarto ko.

Tumayo siya nang maayos at napakamot sa batok, hindi na makatingin sa akin.

“Pasensiya na…”

Napakurap ako, hindi agad nakuha ang nais niyang ipahiwatig.

“Patawad sa inasal ko kanina,” ulit niya nang walang sagot na natanggap mula sa akin.

A smile unconsciously formed on my lips. Hindi ko alam bakit ako natuwa sa salita niya. Nang mahuli niyang nakangiti ako ay mabilis kong itinikom ang bibig. Umirap ako sa kahihiyan.

“Wait for me here,” istrikta kong utos sa kaniya at hinila na ang mga bata para bumaba.

Dumiretso kami sa dining room at ibinilin ko ang mga bata kay Lola na nag-aasikaso pa bago ulit ako umakyat. Nakita ko si Angelus na nasa ganoon pa ring ayos.

“Follow me,” sabi ko at nagpatiuna bago pumasok sa isang kuwarto. Pumasok ako sa walk-in closet at nakita ang mga hindi nagamit na mga damit. Kumuha ako ng puting tee shirt, pajama at… boxer? This is freaking insane.

Bago pa man marungisan ang isip ay lumabas na ako at naabutan siyang tinitingnan ang picture frame na nakasabit sa pader. Lumipad ang tingin ko roon. Ah… our family picture.

“What are you doing?” basag ko sa katahimikan. Napatalon pa siya sa gulat. I rolled my eyes inwardly. Naisip ko tuloy na nakaka-isang pitsel siya ng kape sa isang araw. Too much coffee leads to severe nervousness, right?

“Uh, wala… mga magulang mo?” Sabay turo niya roon sa litrato.

“Obviously, alangan naman kapit-bahay ko,” pabalang kong sagot.

He looked at me in amusement, and once again, silence enveloped us. Inilahad ko na lang ang tuwalya at susuotin niya. “The shower’s over there. I’ll wait for you.” Hindi na siya nagsayang ng oras pa at sinunod na ako.

Nagtungo ako sa balcony at napabuga ng hangin. Wow… just what the heck happened? We were arguing earlier and now… we just ended up being in a same room? Me, waiting for him to finish showering? Oh, unbelievable.

Nang matapos siya ay lumabas na kami ng kuwarto. Habang binabagtas namin ang pasilyo ay narinig ko ang tikhim niya, indikasyon na gustong may sabihin.

“Say it.” Huminto ako at pataray siyang hinarap.

He looked at me. “Naambunan ka… hindi ka ba magbibihis?”

Umangat ang gilid ng aking labi. “Getting concerned now, huh? Hindi ako madaling dapuan ng sakit kaya huwag ka mag-alala.”

“Tss, hindi naman ako nag-aalala,” protesta niya agad.

“Sure. Dapat mas mag-alala ka sa sarili mo. Given the way you live… madali ka lang magkasakit.” I smirked playfully before walking away.

***

“Kuya, sinigang na baka ang niluto ni Nanay!
Paborito mo po!” si Isabel nang maupo na kami.

“Oh, talaga? Paborito rin ito ng Ate Alvea ninyo… kung ganoon ay pareho sila ng paborito ng Kuya Angelus,” sabi naman ni Lola.

For some reasons, I remember something vague from the past… favorite niya rin? Tss, baka ginagaya niya lang ako? Hmm, hindi naman siguro. Assuming ka masyado, Alvea.
Inasikaso na ng lalaki ang mga kapatid nang maupo si Lola sa tabi ko sabay lahad sa akin noong cell phone.

Suminghap ako nang matantong katawag niya si Daddy. “La, please hang up.”

“Alvea, anak… can you talk to Daddy, please? I miss you.”

Napasandal ako sa kinauupuan nang umalingawngaw ang boses na iyon sa buong dining room. Nahuli ko pang natigilan si Angelus na nasa tapat ko ngunit nagpatuloy na muli sa pagsubo ng pagkain kay Arki.

“Aw, Kuya! Mainit po,” rinig kong reklamo ni Arki.

Hindi ko na napagtuunan iyon ng pansin nang magsimulang magsalita ang ama sa kabilang linya. I excused myself to have a private conversation with him.

“Why did you call, Dad?” salubong ko. Ever since he married Tita Mariam, my treatment to him changed and he’s aware of that.

“May kaibigan ka na, hija?” sa halip ay tanong niya.

Ngumiwi ako. “Wala, bakit?”

“E, sino iyong narinig ko kanina?” usisa niya.

“Kapatid lang iyon ni Angelus.”

“Angelus what? And your friend?”

“Costales, I guess. And no.”

He sighed from the other line. “Angelus Costales…” he echoed then continued, “Amos’ son?”

I gasped. “Yeah.” Dad knows their father, too!

Alam kong taga-rito siya, but I wonder if they were close friends before?

“Are you close with him? Be honest,” seryosong sambit ni Daddy.

Here we go again. Makikialam na naman siya sa mga taong nakapalibot sa akin. But couldn’t deny he did great the last time.

“Bakit?”

“Just answer the question, Alvea Ryss,” pagalit niyang sabi.

Siya pa ang nagagalit! “Paano kung sabihin kong oo, Dad? Ano ang gagawin mo? Papalayuin mo na naman ba ako? Paano kaya ako magkakaroon ng kaibigan kung lagi kang may sinasabi—”

“As your father, I’m only doing what I think is best for you! Just like how I warned you around those girls who just only used you! At paulit-ulit akong mangingialam—kahit kamuhian mo— kung para lang naman sa kapakanan at kabutihan mo. Always remember that, Alvea.”

Silence embraced us afterwards. Napakurap ako, hindi ako makaimik.

“And I’m telling you beforehand, anak. That guy will only ruin you. He’s no good for someone precious as you.”

Dapat matuwa ako sa sinabi niya dahil parang nakahanap ako ng kakampi laban kay Angelus, ngunit sa halip ay nairita lamang ako. Ang bilis niyang manghusga. I may be acting hypocrite right now, but those words from him seemed so wrong.

“Oh, so you’re now a clairvoyant, huh?” I still managed to mock. 

He sighed. “I know I can’t control you to something you really want. At kung sakali man na magkamabutihan kayo ni Angelus, then I hope he proves me and my hunch wrong. I only want what’s best for you, sweetie.”

“What’s best for me is an annulment of you and Tita Ma—”

“Pag-uusapan na naman ba natin ito, anak?” putol niya sa akin. “Dalawang taon na kaming kasal ng Tita Mariam mo… can’t you just accept it and be happy, at least, for me?”

“Are you even happy, Dad?” balik na tanong ko.

“Of course, we wouldn’t come this far if I didn’t feel happiness with her.”

May kumirot na parte sa puso ko nang marinig iyon. “D-Don’t you miss Mom?” my voice broke.

“I do. I always do. But things are different now.”

“Sino ang mas mahal mo kung ganoon?” hamon ko.

“Alvea…”

“Just answer the question, Dad.”

“I love them both. Your mom and Mariam…
but when I say I’ve never felt loved before until Mariam came, that’s the truth.”

“What do you mean by that? You felt loved from a prostitute over a decent woman, really?! Baka nga pera mo lang ang mahal niya—”

“Your mouth, Alvea! Don’t spit ill things about your step mom—”

“That’s the truth, Dad!” giit ko.

“Shut up! Let me tell you things then, since you’re old enough to understand! And to be honest, I have loved your mom so much… but I knew I didn’t receive the same intensity from her.”

“Paano mo nasabi?” iritable kong tugon.

“Because she loved someone else and couldn’t get over him. You see, society standards don’t matter to me. Mariam became a prostitute because she had no other choice. She needed big amount of money for her sick daughter before and that made me admire—”

“Oh, my freaking god, Daddy! Can you even hear yourself? Stop justifying it! She was a prostitute, yes, was! But it won’t change a thing! For sure, she had a plenty of choices, but obviously she chose the easy way to earn!”

“Easy? Sa tingin mo madali lang ibenta ang sarili?! How easy of you to say that when you’ve never been in her situation!”

Kung magkausap lang kami ng personalan baka hindi lang sampal ang abutin ko galing sa kaniya. Galit na galit siya tuwing uungkatin ko ang nakaraan ng pangalawa niyang asawa.

Bilang anak, gaya niya rin ako! Tutol ako sa kanilang dalawa dahil may kutob ako na ginagamit lang siya o kung hindi pa man ay gagamitin pa lang siya! Nag-aalala rin ako dahil mahal ko siya. Ayaw ko siyang masaktan lalo na’t—

Because she loved someone else and couldn’t get over him.

His words eventually sunk into my mind. And I felt like a bomb of reality exploded in my system.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top