Chapter 6
Chapter 6
I grew up loving the rain. Hearing the gentle drops of it feels serene and comforting.
Napangiti ako nang matanaw sa bintana ang banayad na pagbuhos ng ulan sa panibagong umaga. Everytime it rains, I remember Mommy. I remember my last memory of her. In this province. Under the pouring rain. Hindi ko pa lubos maunawaan ang pangyayari ng gabing iyon, pero habang lumalaki ako ay natatakot ako dahil unti-unti ko na rin iyong naiintindihan. And I refuse to acknowledge the pain it’ll give me.
Bumangon na ako sa higaan at napagpasyahang kumilos na dahil naisipan kong bisitahin ang puntod ng ina.
“La, I’m going to visit Mommy,” paalam ko nang makita siya sa bandang likuran ng mansiyon at inaasikaso ang mga kahoy roon. Ano namang gagawin niya sa mga kahoy na iyon? Panggatong? E, may burner naman siya sa loob? So old-fashioned.
Kumunot agad ang noo niya. “Bumisita ka noong nakaraan, ah? At umuulan, apo. Baka magkasakit ka.”
“I have a strong immune system, grandma. By the way, what are those for?” usisa ko at itinuro ang mga kahoy sa lupa.
“Ipasisibak ko ang mga ito, balak ko na ring linisin ang lugar na ito at ipa-harvest ang mga niyog,” paliwanag niyaniya sabay turo roon sa labas kung saan makikita ang nagtatayugang niyugan na sakop lang din ng aming lupain.
“Sino ang tatrabaho niyan kung ganoon?”
I just received a shrug from the lovely old woman. Ipinagsawalang-kibo ko na lamang din iyon at lumisan na dala ang payong.
Dahil hindi naman kalayuan ang sementeryo rito ay nilakad ko na lang iyon. I wanna feel the droplets of rain from above. Hindi kalaunan ay nakarating ako sa harap ng puntod ni Mommy at tipid na ngumiti.
Sa ganitong panahon talaga masarap mag-drama. Pagak akong natawa. Is it because I feel like the rain could wash away the pain in my heart?
O baka tulad ng tubig-ulan galing sa ulap na nagsisimbolo bilang mga luha na bubuhos sa mata pagkatapos maramdaman na hindi na kaya ang bigat na pinapasan?
Thirteen years ago, I lost a happy family I once had. Eleven years after, Dad got married to someone else… to someone who was a prostitute.
I really, really disapproved of their marriage. May anak na si Tita Mariam nang maging sila ni Dad. I hate her for some many reasons. Isa na roon ang kagustuhang si Mommy lang dapat ang asawa ni Dad, ang kaisipan na baka hindi naman talaga siya mahal nito at ginagamit lang dahil sa pera, at ang mismong pagiging prostitute niya. Bakit? Dahil nang kumalat sa unibersidad na pinag-aaralan ko na pinakasalan ni Daddy ang isang marumi at bayarang babae ay nagsimulang gumulo ang buhay ko.
Students will bully me for having a prostitute as my step mother. Ni walang gustong makipagkaibigan sa akin na akala mo ako iyong naging bayaran. That explains why I seemed to have craved friendships.
Nagambala ako sa pagninilay-nilay nang may matanaw sa hindi kalayuan. I looked closely and when I did, I confirmed it!
What the hell those kids are doing here?!
Saglit pa akong nanatili sa kinatatayuan ko habang pinanonood sila, at hinahanap kung may kasama ba sila… pero ni kuya ng mga ito ay wala sa paligid!
Nagmartsa ako patungo sa kanila at magsasalita na sana para magtanong kung ano ang ginagawa nila rito sa sementeryo, e, umuulan. Ngunit natahimik ako nang marinig ang nanggaling sa bibig ng isa sa kanila.
“Ate Sabel… hindi na talaga natin makikita ang tatay?” si Arki.
Mabilis na umawang ang labi ko at nanatili sa likuran. I looked at the grave they’re visiting.
Amos Costales.
Perhaps, their father… binibisita ni Isabel at Archangel ang ama nila kahit umuulan? I examined them. Ni wala silang dala panangga sa ulan, at nagmukha na silang mga basang sisiw.
“Hindi na nga. Bakit, gusto mo ba siya makita?” inosenteng tanong naman ni Isabel na ikinasalubong ng kilay ko.
“Opo! Puwede po mangyari?”
Nakita kong umiling ang batang babae. “Hindi, nasa langit na siya, e. Paglaki mo ay maiintindihan mo rin, huwag ka munang palatanong kasi hindi ko rin maintindihan, e. Magpaalam na tayo kay Tatay dahil baka mapagalitan pa tayo ni Inay at Kuya kasi hindi tayo nagpaalam, ikaw kasi!”
Humagikhik si Arki at niyakap ang nakatatandang kapatid na kaagad naman nitong sinuklian.
“Tay, pasensya na po kayo, ah? Wala kaming dalang biko para sana sa ikalawang anibersaryo ng pagkamatay mo.” Nagkamot ito ng ulo. “Wala nga po kaming makain, e, pero kung nag-aalala po kayo ay huwag po! Si Kuya Geloy na raw ang bahala sa amin.”
My heart swell with happiness at the sight of them. I can’t imagine that there are kids like them… who are suffering. Akala ko ay masarap manatiling bata dahil hindi pa ito mulat sa totoong kahulugan ng buhay; akala ko ay wala itong ibang iisipin at aalalahanin kung ’di ang paglalaro at tamasahin ang kamusmusan, but seeing them proved that I was mistaken all along.
Pumihit na ang mga ito para siguro ay umuwi na ngunit nang makita ako ay napahiyaw sila sa gulat. “Ate Ganda!” sabay nilang hiyaw.
My lips protruded. “Bakit kayo nagpapaulan? Come here,” utos ko ngunit hindi agad sila gumalaw kaya ako na lang ang lumapit para mapayungan sila. “You might get sick. Wala na naman bang nagbabantay sa inyo?”
Ang isipin na palakad-lakad ang mga ito sa daanan ay nagparamdam sa akin ng inis. Paano kung may masamang tao silang makasalubong? Bakit ba hindi ito binabantayan?
Binalingan ko si Isabel at naalala ko ang ginawa ko sa kaniya noong una ko siyang makasalamuha sa palengke. I smiled a bit, feeling guilty. “Hello, Isabel. Naalala mo pa ba ako?” malambing kong sambit.
Tumango naman ito at tipid ding ngumiti. “Opo.”
“I’m sorry for what I did…” Lumingon din agad ako kay Archangel at yumuko nang konti para pantayan ito. “Arki, kumusta ka?”
“Ate Ganda! Ayos lang po, nagugutom na ako! Puwede po ba kami pumunta sa malaking bahay ninyo, ’di ba sabi mo po marami kayo pagkain!” magiliw nitong sabi.
I chuckled and nodded. “Gusto ba ninyo sumama? Hindi ba kayo pagagalitan? How ’bout… iyong magaling ninyong kuya? Bakit hindi ninyo kasama?Nakikipaglampungan na naman siguro sa kapit-bahay niya, ano?”
Umiling si Isabel bilang protesta. “Si Kuya po? Umalis po siya kanina kasi sabi niya bibili raw siya ng pagkain namin! Biko raw po bibilhin niya kasi ngayon po ang araw ng pagkamatay ni Tatay… aniya’y bilang pag-alala raw po.”
I swallowed the bile in my throat. I suddenly felt guilty jumping into conclusions.
Naakusahan ko pa na baka nakikipagharutan iyon kay Malessa ngayon, iyon pala ay bibili ng pagkain… pero malay ko ba na niloloko niya lang ang mga kapatid niya at doon naman talaga siya sa babae pupunta?
“Tara, Ate Sabel! Baka maya pa uwi ang kuya, sama tayo kay Ate Ganda! Maganda bahay niya saka marami pagkain, puwede natin hingan si Inay!”
Napangiti ako ngunit napansing hinila ni Isabel ang kapatid. “Ate… pasensya na po. Gusto namin sumama ngunit ang bilin ng kuya namin na huwag sasama o lalapit sa hindi namin lubusang kilala lalo na po sa i-inyo…” she stuttered.
“Huh? Lalo na sa akin?” Itinuro ko pa ang sarili para maliwanagan.
“O-Opo… huwag ko raw ikaw lapitan kasi baka awayin mo po ulit ako g-gaya no’ng sa palengke.”
Ramdam ko na nabasag ang boses niya at nasa bingit na ng pag-iyak kaya dinaluhan ko siya at nginitian nang matamis. “Sorry.” Nangapa ako dahil sa hiyang naramdaman. Goodness, Alvea! How could you do that to this innocent kid?
“Hindi na iyon mauulit, pasensya.” Pero talaga bang sinabi iyon ni Angelus sa kaniya? Well, hindi ko naman itatanggi na siguro halos awayin ko si Isabel, pero baka sabihin niya rin iyon kay Arki! Mabait naman ako sa bunsong kapatid niya, ah! Baka mamaya siraan ako no’n. Halata pa namang away no’n sa akin.
“Inaway ka ni Ate Ganda, Ate Sabel? Mabait po siya baka hindi siya iyon? Binigyan niya nga ’ko pagkain dati, e! Mabait siya kaya sumama na tayo!” kumbinsi naman ng isa at hinawakan na ako sa kamay para hilahin.
Napakurap si Isabel sa sinabi ko. “Totoo po? Hindi mo na ako… uh, aawayin?”
Umiling ako at ngumiti. “Pangako.”
***
Nakarating kami sa mansiyon na medyo tumitila na ang ulan. Nasa bukana ako ng malaking pintuan ng mansiyon nang matanaw ko si Lola galing sa kabilang bahagi na mukhang patungo na rin sa direksyon namin.
“La, may dala akong mga...” pasigaw kong balita ngunit humina ang boses ko nang lumihis ang tingin ko sa kasunod niyang lalaking topless na may pasan na... mga kahoy.
“Kuya?!” the kids in chorus.
Tila napako ako sa kinatatayuan nang pag-angat niya ng tingin ay nagtama ang aming mata. Just... what the hell?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top